San Vicente 3: Illustrious

Da psychedelic26

6.2K 358 114

San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her... Altro

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 12

250 18 5
Da psychedelic26

"HINDI KA NAMAN nila personal chef Marci," sabi sa kanya ni Alpha habang naglilibot sila sa loob ng supermarket. "Ang dami mo pang binibili."

Namimili sila ngayon para dalhin sa bahay ng mga magulang ni Alpha. Nasabi kasi sa kanya ni Alpha na pupunta sila doon dahil may kailangan itong ikonsulta sa ama. When she learned of that ay binanggit niya kay Delta na gusto sana niyang ipagluto ang mga ito na sinabi naman nito sa mga magulang nito at pumayag naman din sila.

"Kaya nga sabi ko sayo boss na ako na lang ang bababa, eh sumama ka pa." Sabi niya dito. "Ayaw na ayaw mo naglilibot ng ganito."

"Hindi pa nahahanap ni Pio yung lalaking sinabi mo kaya hindi ka muna pupwedeng mag-isa." Na-touch naman siya kasi inaalala siya nito.

"Baka nga nagkamali lang din ako. Siguro takot lang talaga ako sa kanila." She smiled although alam niya ang nakita niya. She was sure pero bakit hindi mahanap ng mga tauhan ni Alpha ang lalaking yun?

"I got a glimpse of him as well, kamukha nga nung lalaking nakita ko noon." He told her. Inabot nito ang basket na hawak niya. "Ako na ang magbibitbit. Kuhain mo na ang lahat ng kailangan mo. We have to be there by ten if you insist on cooking."

Tiningnan niya ang suot na relo. "Ay, mag-eight thirty na pala. Bibilisan ko na boss."

Sinuyod niya agad ang mga aisle at kinuha ang mga kakailanganin para sa mga lulutuin niya. Nabili na din kasi niya kahapon yung ibang ingredients kaya hindi na ganun kadami ang idinagdag niya ngayon. Plano kasi niya na magluto ng mga kilalang mga dishes sa kanila para din mas mapakilala kina Delta ang pagkain sa lugar ng nanay nila.

"Use this," inabot ni Alpha ang card nito sa cashier. Pipigilan pa sana niya pero na-swipe na iyon ng babae.

"Babayaran na lang kita boss." Sabi niya dito habang pinaplastic pa ang mga napamili nila.

"It's my family you're feeding." Kinuha na din nito ang karamihan ng mga plastic leaving behind the light ones. "You carry those."

"Eh? Ang gagaan ng mga ito. Pahingi ako nung mabigat." She tried taking some bags pero ayaw nito.

"Let's just start walking Marci. It's almost an hour drive papunta sa bahay." At naglakad na nga papalayo sa kanya ang lalaki.

"Boss, wait lang!"

Ilang minuto makalipas ng alas diyes ay nakarating na sila sa bahay nina Alpha. She didn't expect any less pero nalula pa din siya sa dinatnan niya. Hindi niya lubos akalain na may ganoong mga bahay sa gitna ng magulong Metro Manila. Maaliwalas at may mga puno sa paligid. Maganda din anv mismong bahay, yung mukhang inviting pa din kahit napakalaki. Maganda ang unit ng boss niya pero ibang-iba ito.

"Minsan nakakalimutan ko na ang yaman mo boss." She said as she ogled at the house in front of her.

"Bahay ng magulang ko yan." He said, siguro trying to be humble.

"Yung condo mo boss, nagpapaalala din sa akin na mayaman ka." Tiningnan niya ito. "Paano ba maging mayaman?"

"Gusto mong maging mayaman din?" Tanong nito.

"Magpapaampon na lang ako sa mga magulang mo boss." She laughed. "Matatanggap kaya ako?"

"They probably like you a lot now. Mag-apply ka na anak nila. Madami naman ways para..."

"Ate Marci! Andyan na pala kayo. Excited na ako sa mga lulutuin mo." Patakbo pang lumapit sa kanila si Delta. Kasunod nito ang dalawa pang babae na kinuha agad ang mga dala nila. "Manunuod ako."

"Ang ganda ng bahay ninyo." She commented again. "Pwede ba magpa-ampon?"

"Pakasalan mo na lang si Kuya." Delta laughed habang siya naman ay ni hindi makalingon kay Alpha sa hiya. "Ito naman, joke lang! Yung face mo parang nakakita ka ng multo."

"Naku, takot ko lang talaga." Marci laughed nervously.

"Pasok na kayo, hinihintay na kayo nina Mama." At marahang hinatak na nga siya nito.

Nang makapasok sila ay mas namangha pa ata siya sa laman ng bahay na ito. Madaming mga halaman at naggagandahang mga muebles. Kahit na upuan ay maganda. Sa panaginip lang niya ata siya magkakaroon ng ganitong bahay.

"Andito na pala kayo." Nakangiting sinalubong sila ng nanay ng mga ito, kasunod nito ang asawa nito na nakagabay sa paglalakad nito kahit na patag lang naman ang sahig. "Excited ako sa mga lulutuin mo. Pahinga ka muna tapos mamaya ka na magluto."

"Ay, hindi na po." Umiling siya bago ngumiti. "Magluluto na po ako para sakto sa tanghalian."

"Nako, mga ala-una pa naman ang tanghalian kasi si Omega ay tulog na tulog pa." Kwento nito sa kanya. Inangkla nito ang kamay sa braso niya bago siya iginiya sa gawing kaliwa ng bahay. "I-tour muna kita."

"Ah," she laughed nervously. "Sige po. Ang ganda nga po ng bahay niyo eh. Parang sampung bahay namin ang kasya dito."

Hindi nagbibiro ang ginang at inilibot nga siya nito sa buong bahay, kahit nga yung kwarto ni Omega ay ipinakita nito at tulog na tulog pa nga ito. Makatapos nun ay nagtungo na sila sa kusina. Ipinakilala siya nito sa mga kasama nila sa bahay. Mabuti na lang at madami siyang binili para kasama din ang mga ito sa makakakain ng mga lulutuin niya.

Nanunuod lang habang nakikipagkwentuhan sa kanya ang mag-ina. Sinilip sila kanina ni Alpha before he went upstairs kasama ng tatay nito. Madaming mga tanong sa kanya si Delta sa mga niluluto, gusto daw kasi nito na kahit na papaano ay may matutunan itong lutuin.

"Bakit may tinatabi ka?" Tanong sa kanya ng ginang.

"Ah, bago ko po lagyan ng sili nagtatabi ako para kay boss. Hindi po kasi siya mahilig sa maanghang." Isa ito sa mga hindi gusto ng lalaki. He refuses to eat anything spicy kasi mababa ang spice tolerance nito.

"Ang arte talaga sa pagkain ni Kuya. Pa-special masyado." Delta laughed bago kumuha ng kutsara para tumikim sa ilang naluto na niya. "Uy, ang sarap talaga ng Bicol Express."

"Thank you." She smiled.

Makalipas ang isang oras ay tapos na siya sa pagluluto. Madami din ang nagawa niya at pati na si Manang Betchay ay nanunuod na sa ginagawa nila. Masaya ang kwentuhan habang nagluluto siya, tumutulong din si Delta sa paghihiwa kasi yun lang naman daw ang alam nitong gawin. Masaya talaga na madaming tao sa paligid.

Nang makahain ay babalik na sana siya sa service area nang tawagin siya ni Omega. "Marci, kakain na."

"Ah, dito na lang ako. Magliligpit na muna ako." Sabi niya dito.

Makikisabay na lang sana siya kina Manang Betchay. Doon kasi kumakain ang mga ito sa bahay nila sa likod ng main house. Nakagawian na daw kasi ng mga ito na doon kumain kasi pinagpapahinga sila nina madam para sa siesta. Ayaw naman daw kasi nila sumabay kumain kasi nahihiya ang mga ito.

"Halika na, hindi kakain hanggang wala ka dun." Omega insisted.

"Marci," it was Alpha. "Magtatago ka nanaman ba diyan. Halika na. Let's eat."

"O-okay." Tumango na lang siya.

"Okay, let's go. Kanina pa ako natatakam sa food. Delta raves so much about your food." Masayang sabi ni Omega bago siya hatakin nito papalabas.

They all settled down around the table and said their graces. Nagkukwentuhan ang lahat habang kumukuha ng pagkain. 

"Ito sayo boss, walang maanghang diyan." Nasa separate na trays ang mga pagkaing hindi niya nilagyan ng pampaanghang.

"Thanks," ngumiti ito bago kumain.

"How was the fitting? Balita ko si Mona Destin ang gumawa ng susuotin mo ah." Tanong sa kanya ni Omega.

The question felt awkward. Ayaw naman kasi talaga niya pero kakaladkarin siya ni Alpha for sure kung hindi siya magpapasukat sa designer. "O-okay lang naman. Hindi ko naman talaga kailangan ng damit kaso si boss ayaw pumayag."

"It's better na si Marci ang kasama ko. It'll be tedious to be there with a date that Mama sets up, may kailangan pa akong bantayan at i-entertain." Alpha explains.

"Sorry po, tinakot lang ako." Nag-peace sign pa siya sa ginang na natawa na lang sa ginawa niya.

"It's not like I can force him to do anything. He's old enough." Bumuntong hininga ang ginang. "The food is great Marci. Namiss kong kumain ng ganito talaga."

"Swerte talaga ni Kuya at andun si Ate Marci kasama niya. Dun na lang kaya ako tumira?" Delta asks.

"Akala ko ba kailangan mo yung condo malapit sa opisina? Kung ikaw lang naman edi isama mo na lang si Marci sayo." Napatingin siya sa nanay nina Alpha noon. "Ah, hindi ko pa nga pala nabanggit pero yang si Delta ay kailangan daw ang unit na yun para gawing studio niya."

"Mangangamoy pintura dun Ma, kahit ako di tutulog dun. I just need the space." Delta smiled.

"Edi gamitin mo yung isa pang back house. Ipapalinis ko."

"Ayaw ko dun Ma. I need the condo kasi maganda ang ambience at makakakuha ako ng inspiration dun." Delta smiled. "Tsaka dun muna si Ate Marci kay Kuya para may bantay siya. Malay mo kung sino dalhin niyan dun kung siya lang mag-isa."

"Delta," si Alpha naman iyon. "Wala akong dinadala sa condo."

"Hayaan mo na si Delta, Ma. Alam mo naman na mahirap makahanap ng inspiration to. Malapit na ang sunod niyang exhibit baka di matapos." Omega said calmly. "Ask dad."

"Oh, dinamay mo namaman akong bata ka." Natatawang sabi ng tatay ng mga ito. "But dear, hayaan mo na lang muna si Delta sa gusto niya. I don't think Marci or Alpha minds."

"It's okay with me. Delta needs the space, she can have it." Sabi ni Alpha naman.

"Napagkaisahan niyo nanaman ako." Sabi ng ginang. "Marci, pagtyagaan mo muna yang panganay ko. Siguro nga mas maganda na andoon ka para mabantayan mo din ang ginagawa niya."

"Sige po madam." Tumango lang siya bago ngumiti. "Karaniwan po ay trabaho lang naman ang iniintindi ni boss kahit sa condo."

Medyo nakahinga siya dun. Hindi niya pa naman kasi gustong umalis. Ayaw niya munang iwan si Alpha. Mas gusto niyang malapit lang siya dito. She feels safer kapag nasa paligid lang ang lalaki.

"She still calls you 'madam' Mama? Ang corny." Omega laughs.

"Matigas din ang ulo, sabi ko kahit 'tita' na lang pero ayaw naman." Kinuha ng ginang ang baso na may juice at uminom. Awkward naman kasi na tawagin niyang 'tita' ito. Hindi naman siya parte ng pamilya, empleyado siya ng mga ito.

"Kaya nga sila nagkakasundo ni Kuya, diba?" Komento naman ni Delta. "Si Kuya ang pinakamatigas ang ulo sa aming lahat."

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang i-rank ang mga sarili niyo. Pare-parehas lang kayo na mga pasaway." Reklamo nanaman ng nito habang ang dalawang mga anak nito ay natatawa-tawa lang.

Sana may ganito din siyang pamilya, dati pangarap lang niya ang isang buo at masayang pamilya pero hindi na niya naranasan yun. Kaya siguro naiinggit pa din siya sa ganitong mga pamilya. Masayang kasama ang mga ito, she feels right at home kahit na alam niyang nakikidaan lang siya sa mga buhay ng mga ito.

"Nakalimutan kong itanong pala," bumaling sa kanya ang ginang. "Alam ba ng mga magulang mo na andito ka sa Maynila?"

"Ah...wala na po sila." She tried to smile. May biglaang awkward na atmosphere dahil sa tanong na yun. "Medyo matagal na po. Ang kamag-anak ko na lang po ay yung kakambal ko at ang Tia Rosa ko."

"I'm sorry hija," marahang hinaplos ng ginang ang kanyang braso bago muling nagsalita. "Nasaan ang kapatid at Tia mo?"

"Nasa probinsya pa po ang Tia pero baka di na niya ako gustong makita kasi tumakas po ako dun sa pinakakasal niya sa akin. Tapos si Ciano naman po, may dalawang taon na po niyang hindi ko pa nakikita." Kwento niya sa mga ito.

"You were supposed to marry someone?" Tanong ni Omega sa kanya. "Who?"

"An old man her aunt set her up with." Si Alpha na ang sumagot dito. "I helped her leave Legazpi."

"Wow, akala ko sa TV lang yun." Omega said.

"What I know is yung nangyari sayo before you stayed with Alpha. It's terrible." Naiiling na sabi ng nanay nina Alpha sa kanya.

"Swerte ko lang po talaga at tinulungan ako ni boss." She smiled. "Okay na po ako ngayon."

"And I'm glad that you are hija." Ngumiti ang ginang sa kanya.

Makatapos kumain ng tanghalian ay niligpit na ng mga kasama sa bahay ng mga San Vicente ang lamesa. She wanted to help pero ayaw naman nina Manang Betchay kasi bisita daw siya at pinagluto pa silang lahat.

"Here," nagulat siya na nasa tabi na niya si Alpha.

"Ano yan?" May iniaabot kasi itong isang maliit na tube sa kanya.

"Ointment, ang dami mong talsik sa kamay mo." He noticed her hands kahit na hindi naman niya sinabi iyon. Sanay na siya sa ganung mga paso kasi mahilig talaga siyang magluto kaya hindi niya halos iniinda ang mga iyon.

"Ah, napansin mo pa pala." She smiled as she took the tube of ointment. "Thank you."

Nilagyan niya ng tigkakaunting ang mga maliliit at namumula niyang paso. Dahil ito sa mantika kanina nung nagpiprito siya ng baboy na toppings ng laing niya.

"Hindi masakit?" Alpha asked.

Nasa may garden sila ngayon. Umakyat muna kasi saglit ang lahat dahil may mga gagawin.

"Hindi naman." Umiling siya. "Sanay ako, mahilig kasi akong magluto kaya wala na halos sa akin ang ganitong mga paso."

"Still, do not endure."

"Ang swerte mo boss," pag-iiba niya sa topic nila. "Ang saya ng pamilya mo, buo kayo. Sana makita ko na si Ciano. Gusto ko din na umuwi sa Tia Rosa balang araw, siguro kapag hindi na siya galit sa akin."

"Kahit ipinakakasal ka niya kay Don Roman? Hindi ka ba galit?" Alpha asked.

"Hindi, may pinanggagalingan naman siya. Yun nga lang hindi ko gustong gawin ang gusto niya para sa akin. Ayaw kong ibigay yung kalayaan ko ng ganun na lang." Marci explains. "Gusto kong magpakasal sa taong mahal ko."

"That's noble of you."

"Malay mo mahanap ko siya." Marci laughed.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang sabihan siya ni Alpha na aalis na sila. Inaaya pa kasi sila na doon na maghapunan at hindi naman na tumanggi ang lalaki. Marci was waiting for Alpha to come out nang lapitan siya ng nanay nito.

"Call me Tita Anna," sabi sa kanya ng ginang. "I feel so awkward every time you call me 'madam'."

"Nakakahiya naman po kasi." Sabi niya dito.

"Consider me as another relative, magkababayan naman tayo." Ngumiti ito sa kanya. "I'll treat you like a niece and I won't take no for an answer."

"Kung yun po ang gusto ninyo," Marci smiled as well. "Thankful po ako na nakilala ko kayong lahat. Akala ko kasi dati magiging mag-isa lang po ako dito sa Maynila pero ang babait ng mga nakilala ko. Salamat po."

"I'm also glad that you're staying by my son's side."

"Tutulungan ko po kayo na tulungan si boss na makita ang 'the one niya. Gusto ko din po maging masaya siya at di mag-isa." Pangako niya dito.

"Whoever she is, I'm sure my son will find a worthy person." Tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Tatanggapin ko naman kahit na sino."

"Let's go?" Lumabas na din ng bahay si Alpha at nilapitan sila ng ina nito. "Mauuna na kami Ma."

"Drive safely Alpha. Okay?"

"Yes Ma," hinalikan nito ang noo ng ginang. "Take care."

"Mauuna na po kami Tita Anna." Marci smiled as she said goodbye.

"Ingat kayo hija."

Nang makasakay sila ay pinaandar na nito ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Habang nasa biyahe na sila ay nililingon siya nito bago ibabalik ang tingin sa daan.

"May itatanong ka ba boss?" She asked.

Natawa naman ito ng kaunti bago nagtanong. "You're calling her 'tita' now. How did that happen?"

"Ah, oo. Sabi kasi ng Mama mo na ang awkward daw na tinatawag ko siyang 'madam'." Paliwanag niya dito.

"I keep on telling you the same thing, bakit sa akin boss pa din ang tawag mo sa akin?" He asked her.

"Iba kasi yung sayo, maririnig ng mga tao sa opisina na wala man lang akong respeto sa pagtawag sayo. Boss kita kaya 'boss' ang itatawag ko sayo." Marci explained.

"Unfair mo." He laughed.

***

The following week was busier than usual, madaming deadlines at madaming bagong psok na mga trabaho. Maaga sila ni Alpha sa trabaho at madalas ay late na umaalis. Hindi na nga siya halos nakakatulong sa preparations para sa company anniversary dahil mas tambak ang trabaho sa opisina nila.

Madalas ay naghahati sila ni Alpha sa mga meetings, yung mga kaya na siya na ang mag-preside ay siya na ang umaattend at yung matitira ay si Alpha na.

Pag-akyat ni Marci mula sa human resource department ay dumiretso muna siya sa opisina ni Alpha para mag-ayos ng ilang mga papapirmahan niyang mga papeles. Nasa meeting pa kasi si Alpha kaya hindi pa nito nagagawa ang mga bagay na ito. Makatapos doon ay dumiretso na siya sa opisina niya at naabutan pa niyang may nilalagay doon si Jun na bouquet.

"Marci, may nagpadala sayo." Then he pointed at the bouquet he just placed on top of her table.

"Jun, saan galing to?" Tanong niya dito.

"Inakyat dito kanina ng General Services. Hindi naman na sinabi kung kanino galing." Sabi lang nito sa kanya bago bumalik sa pwesto nito.

"Ha? Baka di naman sa akin to. Wala naman akong kilala na pwede magbigay sa akin ng ganito." Ayaw niya ngang hawakan kasi hindi niya talaga iniisip na sa kanya.

"Baka galing kay sir?" Jun asked. Kasali na ito ni Pio na inaasar siya eh.

"Kay boss? Bakit naman niya ako bibigyan ng ganyan?"

"Ng alin?" As if on cue ay dumating na ito. Galing kasi itong meeting kaya wala sa opisina. "Anong galing sa akin?"

"May nagpadala kasi kay Marci ng bulaklak boss." Kwento ni Jun dito. "Inakyat lang ng General Service at may pangalan lang ni Marci."

"Let me see." Nilapitan siya nito at itinuro naman niya ang bungkos ng bulaklak.

"Tingin mo ba nahanap nila ako?" There's still this odd worry in her gut na hinahanap siya ni Don Roman. Malaki ang atraso niya dahil sa pag-ayaw niya sa kasal nila. Minsan iniisip niya din iyon pero ilang buwan naman na siyang nasa Maynila. Kung si Ciano nga di niya makita, siya pa kaya makita ni Don Roman?

"No, I don't think so." Umiling ito bago kinuha ang papel sa bouquet. "Stationary ito ng opisina. Someone sent you flowers from here."

"Bakit naman nila ako papadalhan ng bulaklak?" Nagtataka niyang tanong.

"Let's find out." Nilingon nito si Pio bago iniabot ang papel dito. "Hanapin mo yang matapang na yan."

"Galit ka ba boss? Hindi ko talaga kilala yan. Nagtatrabaho talaga lang ako. Promise." Sabi niya sa lalaki. Baka kasi iniisip nito ay kung ano lang ang ginagawa niya habang oras ng trabaho.

"I know Marci, I'm with you almost all of the time." Sabi nito sa kanya.

"Eh bakit mo pinapahanap?"

"You want to know right?" He smirked. "I want to know as well."
______________
Hi! Hope everybody's doing fine. Have a great week ahead! 💕

🙋🏻‍♀️: psychedelic26

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...