Almost Cruel

By love_dine

2.2K 564 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 8

55 19 3
By love_dine

Chapter 8

"Pupunta kaba ulit bukas?" Tanong ko. Matapos ang mahabang katahimikan. Ngayon ay pareho na kaming abala sa pagkain.

"Yes, why?"

"Wala naman... pumasok ka nalang para hindi kana mag-hantay sa labas."

"Okay. Tomorrow is Saturday, may klase ka?" I shook my head.

"Print shop." Tipid kong sagot. Without much thinking that he doesn't have any idea about print shop. Na doon ako nagtatrabaho.

I lazily glanced at him. Kunot ang kaniyang noo kaya dinugtungan ko.

"Part time lang." Nagtagal pa ang pag-iisip niya bago tumango.

"You don't have your classes?"

"Wala. Half day lang ako bukas. Dahil sa hapon ay si Nanay na ang bantay."

"Then I'll fetch you tomorrow before lunch." Sumimsim muna ako ng tubig bago siya nilingon.

"Hindi naman mahirap ang sakayan sa tanghali. Kapag gabi lang kaya kahit hindi na."

"We don't have groceries here anymore. We'll go there first then go home." Umiling ako.

"I'm fine without much food here. Hindi na kailangan ng groceries dahil may tindahan naman diyan sa malapit."

Sinamaan niya ako ng tingin. Kasi hindi ako nagpapatalo. Ano kaling mangyayari saaming dalawa? Na parehong hindi nagpapatalo?

"Then, at least I'll have my own groceries here." Nagkibit balikat ako.

"Ikaw ang bahala. Basta huwag mo na akong sunduin bukas."

"I'll fetch you so I have company while buying things for the house."

Napairap ako.

"Hindi ba pwedeng ikaw nalang? Malaki kana at kaya mo na 'yan. At isa pa, may gagawin ako pagkauwi."

Mas sumimangot siya. Kulang nalang ang mag tantrums dito.

"Can't you do that after? Wala ka namang gagawin doon--"

"Nakakapagod maglakad. Bubuhatin mo ba ako?" I said sarcastically.

He sighed.

"Ilalagay kita sa push cart," Saad niya at maya maya ay bahagyang nangisi. "At ano namang gagawin mo pagkauwi? Kayayari lang ng exams niyo at weekend naman." He added.

"Marami." Tipid kong salita..

"Tulad ng?"

"Magdidilig." He scoffed.

"I'll water your plants right after. Ano pa?"

"Maglalaba." He sneered.

"That's easy, Rosetta. I can do that too. Sige nga, ano pa? Magluluto? I'm the chef here. I can do everything here." Mayabang niya pang sabi.

I smirked.

"Okay. Can you teach the fish how to walk?" I asked.

Sinimangutan niya ako.

"You're always sarcastic when you're in the mood. I don't know what's better." He said in disbelief. I just shrugged. He's right, though.

Kinabukasan ay maaga ako sa school dahil ako ang magbubukas ng print shop.

Hindi nagtagal ay may iilan ng nagpapasukan para mag pa-print or photocopy. Hindi karamihan kapag weekdays, pero hindi rin ganoon kaonti.

"Jude," Nag-angat ako ng tingin nang makita si panda boy-- si Diether.

"Magandang tanghali." Bati ko. Mayroon siyang ipinatong na paper bag sa ibabaw ng glass cabinet.

Bumagsak ang tingin ko doon bago siya binalingan sa nagtatanong na tingin.

"Ito ang notes ng mga pinsan ko noon. I used them to study in advance. Baka gusto mong magamit? May mga dating exam din sila diyan, kumpleto." Napakunot ang noo ko.

"Hindi mo ba ito kailangan?" I asked. Since sabi niya rin ay sa mga pinsan niya at ginagamit niya noon. It means, effective iyon dahil matataas ang grades niya.

Ipinasak niya ang dalawang kamay sa suot na pantalon bago umiling.

"Hindi na. Sa'yo nalang kung gusto mo." Marahan akong tumango at muling sinilip ang laman ng paper bag.

"Salamat... ibabalik ko nalang kapag yari." Nagkibit balikat lang siya.

"Ibalik mo nalang kung hindi mo na kailangan."

Thanks, panda boy. Next time may discount na ang pagbebenta ko ng pen sa'yo.

Habang nag-aantay kay Nanay, buong umaga ay nagbabasa basa ako ng mga notes. Ang gaganda ng sulat! Detalyado at lahat ay importante! Sa exam papers ay kaonti lang ang mga mali, may mga corrections naman na pero lamang ang perfect scores!

May nakita pa akong pangalan ng ibang instructors namin. And I recognized their format and concept when it comes to making our examination paper.

Mas naengganyo akong magbasa basa. Wala na ako sa counter at nasa mga upuan na sa tabi ng mga lagayan ng supplies.

Hindi ako naburyo dahil sa ganda ng sulat ng pinsan ni Diether. At parang mas naiintindihan ko ang explanation niya kaysa sa sinasabi ng instructors.

Sigurado akong mag-isa lang ako roon nang may naglapag ng paper bag mula sa isang kilalang fast food chain.

"Hey, Jude." Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad saakin ang naka varsity jacket na si Paul. I looked at him coldly nang ipatong niya ang dalawang kamay sa mesa, nakaharap saakin.

"Dito ka ba magla-lunch o... uuwi ka rin after?" He asked casually.

"Uuwi." He nodded.

Napatingin kaming pareho nang may kumatok sa glass window ng print shop.

"Let's go, Paul!" Tawag ng mga lalaking kapareho ng jacket niya. Sumenyas lang siya kaya nagsitanguan ang mga ito at umalis.

"Nakita kong nagpunta rito sa Diether. Parang napressure ata ako nang tanggapin mo ang inilapag niyang paper bag." He chuckled.

"Sayang... uuwi ka na ba agad talaga? May gagawin? Kung free ka, gusto mo bang manood ng practice game namin? I promised I won't make it boring for you." He said and followed by his boyish smiled.

"Marami pa kasi akong gagawim sa bahay." He nodded.

"Kapag wala nalang gagawin?" He smirked.

"I won't pressure you about the practice game. Pero pwedeng lumabas tayo kung kailan ka free? Hmm?"

"Hindi--"

"'Nak, Jude, palit na tayo. Kanina pa pala mag nag-aantay sa'yo!" Si Nanay. Pareho kaming napalingon ni Paul doon. Bahagyang kumunot ang noo niya sa narinig pero nawala rin agad nang dumapo ang tingin saakin.

"Mauna na pala ako." He looked at me with serious face.

"May nag-aantay pala sa'yo." He pointed out. I nodded.

"Sige, una na ako." Bago ko hinagilap ang gamit.

"Wait! At least bring this with you." Abot niya sa paper bag na may lamang pagkain.

Tipid akong ngumiti sakaniya at nagpasalamat.

"Mauna na ako."

"Next time nalang, Jude. Tell me once you're free, okay?"

"Ah, sige. Titignan ko."

Nasa hall way palang ako palabas ng school nang ilabas ko ang cellphone para tignan kung may text ba si Kai. Hindi naman ako nagkamali.

From: Kai

Hey, Rosetta. I'll wait for you here, don't scam me.

I rolled my eyes. But ended up smirking.

"Sapilitan ba 'to?" Bungad ko. Nakaantabay siya sa labas kaya ang ibang may estudyante ay napapatingin sakaniya.

May suot siyang itim na sumbrelo na patalikod ang ayos. His earring is eye catching. Talagang mapapa second look ka. He's all black for today, black shirt and denim jeans.

"Tss..." Inirapan niya ako. Bago inilagay ang mga gamit ko sa likod.

"You'll seat in front. Baka sabihin mo ay driver mo nanaman ako." I chuckled.

"Ayaw mo bang driver kita? Ikaw nga ang parating nag-iinsist na ihatid ako, eh."

"But that doesn't mean-- Fine. Just go inside." Nagkibit balikat ako.

He smoothly slid on the driver's seat. He quickly glanced at me before he starts the engine.

"Kumain ka na ng lunch? O namili pa?" Tukoy niya sa hawak ko kanina.

"Hindi pa ako kumakain. Bigay lang ni Paul 'yan."

"Paul? Who's Paul? Suitor or boyfriend?" He asked. A bit annoyed.

"Asawa ko yata." Kibit balikat ko. Tutal sa kakatanong niyang ganiyan, kahit nasabi ko na sakaniya ang pilit niyang iniinsist na may manliligaw ako, date, or boyfriend. Sa tingin ko, sa kakaganyan niya, mukhang gusto niya pang magkaroon ako ng ganoon. He's insisting, it means he wanted me to have one, or what. Gaya nga ng sabi ko, at sabi niya, he's confusing most of the times.

Why would he insists that I have a suitor or boyfriend? Ibig sabihin lang niyan ay pinupush niya akong magkaroon nga. At na wala naman siyang pakialam kung meron.

We are just married in papers. And I guess, we have different perspectives about it. For me, it's not just about papers or money. Oo sige, money is really a big deal for me. Kasi kailangan ko. But then, when talking about marriage in paper, alam kong kasal pa rin iyon.

Kahit hindi naman galing sa pamilyang ino-honor at nire-respect ang kasal, para saakin, iyon dapat ang gawin ko.

Pero iyon nga. Magkaiba kami ng pananaw. Para sakaniya, sa papel nga lang talaga siguro iyon. Na ayos lang kung may ibang involve habang kasal kami. Pero kung ganoon ang gagawin niya, nasakaniya na iyon. Wala na saakin. Choice niya na at siya na ang magdadala non. Hindi ako. I would feel offended, syempre babae pa rin ako. Pero anong magagawa ko kung ganoon ang gusto niya? Pero sana kung may iba man, sabihin niya saakin. Kung may ibang iiinvolve, kung hindi man niya ako ma-respeto sa parteng iyon, sana ay ma-respeto niya naman ang babaeng pakakasalan niya, o mamahalin. Kahit para doon nalang.

"Asawa my ass." Napakunot ang noo ko. Tapos ay para siyang pikon?

"Ikaw ba? May nililigawan ka? O girlfriend?" I asked casually.

"Wala." Masungit niyang saad.

Weh? Gusto ko sanang sabihin.

"I don't believe you." Bulong ko. Ilang beses ko na siyang nakikitang may ibang kasama. May gusto ngang magpahinga na kasama siya, diba? Pahinga nga lang ba?

"Edi huwag kang maniwala. Basta nagsasabi ako ng totoo. Wala akong nililigawan o girlfriend."

"Kita mong ikaw nga ang mayroon diyan. Tss..."

"Hindi naman ako ang nanliligaw, ah? At isa pa, kasalanan ko bang maganda ako?" Pagyayabang ko.

He looked at me with irritation.

"Kapag maraming nanliligaw, ibig sabihin, girlfriend material."

This is so childish! Pero naaaliw kasi ako sa iritasyon niya!

"Anong girlfriend material? May asawa ka na, ah?"

I looked at him with fake confuse face.

"Ay, meron ba?"

Irita pa rin siya habang papasok kami ng mall. Nakasunod ako sakaniya sa likod. Ang dalawang kamay ko ay nasa likuran at nagmamasid masid lang.

Mabilis ang lakad niya, iritado, at ni hindi ko na mahabol pa. Pero sinusubukan ko naman.

"Wait, ang bilis mo maglakad." Hindi niya ako pinakinggan. Kaya hinayaan ko na. Naglakad ako at sumusunod pa rin naman pero lumalayo ang distansya naming dalawa.

Napasimangot ako. Isasama ako dito tapos ay iiwan lang din ako?

Hinayaan ko ang bilis niya sa paglalakad. Habang ako naman ay normal lang ang paglalakad. Nang makakita pa ako ng ice cream ay huminto ako roon para mamili.

"Thanks," Pagpihit ko paharap ay masama ang tingin ni Kai saakin. Nabitin tuloy ang pagdila ko sa sa ice cream at inangatan siya ng kilay. Bumalik pala siya.

"Bilis mong maglakad." Lumapit ako sakaniya at hinatak na ang ilalim ng shirt niya para makausad na kami. Mabilis na bumagsak ang tingin niya sa kamay ko at muli ko lang iyong hinatak kaya napasunod siya. Kung hindi kasi hahatakin ay mananatili lang siyang naroon at masama ang tingin.

"Halika na." Hatak ko pa.

"Hmm?" Abot ko ng ice cream pero umiwas lang siya ng tingin matapos ang mariing titig.

We both walked towards the main entrance of the super market. Sabay kaming naglakad hanggang sa kuhanan ng cart at padarag niya itong hinatak. Tahimik akong sumunod sakaniya dahil halata ang pagsusungit niya.

While walking, pinagmamasdan ko lang ang malapad at pirmi niyang likod. His back is bulkier than usual. His muscle structure is well built, pansin iyon kahit na may suot siyang shirt. Muscles strain against fabric at the forearms, biceps, and I wonder kung ganoon din sa kaniyang chest part.

Napakagat ako sa cone bago nag-iwas ng tingin nang bumaling siya saakin.

"Finish your ice cream." Napanguso ako bago tumango tango.

Nang mayari ay pinagpag ko lang ang kamay ko sa pants na suot bago sumabay ng lakad sakaniya. He was just busy reading the nutrition facts.

Inilapag niya iyon matapos pumili sa dalawang produkto.

"Get whatever you want." He said. Bago mabilis nanaman niya akong iniwan.

Ang galing talaga.

Muli akong sumunod pero hindi na sumabay sakaniya sa paglalakad. Nasa likod niya nalang ako habang pinagmamasdan ko ang ibang pagkain na nakasalansan ng maayos.

Mabilis talaga siyang kumilos. At kung ano anong kinukuha. Pero bahala siya kung ano mang gusto niyang kuhanin.

Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi naman ako nakapag snack before we went here. Lunch time na rin kaya talagang kumukulo ng ang tiyan ko.

Pinalibot ko ang tingin ko bago iyon nagtagal sa free taste cart. Nang lingunin ko si Kai ay busy pa rin siya. Kaya nagtungo ako doon.

"Ma'am free taste po!" Ani ng lalaki ng saktong mapadaan ako. Dalawa ang cart na iyon, free taste ng meat at ng sushi.

Tipid akong ngumiti sa lalaki bago lumapit ng tuluyan. Dapat pala dito ako nagpupunta. May free taste. Kaya lang mahal ang groceries sa ganito. Kaya kung mamimili ako ng mga pagkain, Mas pipiliin ko nalang na magpunta sa palengke. Doon kasi ay mura ang mga gulay, prutas, at kahit ang bigas. Hassle man mamili, pero makakatipid naman kahit papaano. At mura rin ang mga damit, tapos makakatawad pa.

Oonga pala, damit.

May pera naman ako. Kaya makakabili pa ako ng mga shirt. Baka kasi sabihin ni Kai na hindi nanaman ako makabili ng damit para sa sarili. Bibili ako para sa sarili, pero syempre, bibili para wala siyang masabi.

"Ma'am, tikman niyo pa po ito! Pwede pa po kaming magluto!" I nodded.

"Sushi po?" Inabutan ako ng isa pang lalaki.

"Thank you."

Nagustuhan ko ang meat at sushi. Halata ang tuwa sa mga mukha nila nang sabihin kong masarap kaya binigyan pa nila.

"Estudyante palang po kayo, Ma'am?" Tanong ng isa sa kanila. I nodded.

"Nag bebeauty pageant po ba kayo? Parang nakita ko na kayo dati!" I smirked.

"Hindi ako nagpapageant."

"Pero sayang, Ma'am! Ganda niyo pa naman! Siguro lagi niyong naririnig iyan!" I nodded.

"Huy, paniguradong may boyfriend na si Ma'am." Nagtawanan silang dalawa.

"Syempre meron 'yan!" Nagkibit balikat lang ako.

Kung hindi ako kasal, paniguradong meron nga.

"Sali ka namin sa raffle nito, Ma'am. Kahit sino pwedeng sumali. Fill up lang po ng form."

"Okay." Nag-fill up ako. Name, number, address, etc.

"Gawin ka naming text mate, Ma'am!" Biro nila. Ngumisi lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa likod nang makita si Kai. Nakahawak siya sa cart at kunot noo nanaman.

"Ay, meron nga!" Ang dalawa. I smiled at them.

"What are you smiling at?"

"Masarap ang meat at sushi nila rito." Pagbabago ko sa usap.

"Get it if you want."

"Huwag na, halika na." He didn't listen though. Nanguha siya at pinasunod na ako sakaniya.

Nang mapadaan sa estante ng mga tubig, nanguha ako doon at diretsong binuksan para makainom.

Kumuha ako ng barya at inilahad kay Kai.

"Pasabay mamaya." Tinapunan niya lang ng tingin ang baryang inaabot ko bago umiling.

"Kai." Tawag ko. Pero hindi siya lumilingon.

"Kai Castillo." Hindi pa rin. Napakunot ang noo ko.

"What am I even doing here?" Bulong ko.

"After nito, aalis nga pala ako." Sabi ko nalang. Talagang pinagbigyan ko lang siya ngayon. Kahit mag commute nalang din ako. Lalo na't mukhang bad trip siya.

Hinawakan ko lang ang nguso ng cart habang nasa likod ko na siya.

"Where are you going?"

Nakakita ako ng mga kailangan ko tuwing may dalaw. Pero naisip kong sa palengke nalang din kaya hindi ko na tinignan pa.

"Rosetta."

"Ouhm?" I glanced at him.

"Saan ka pupunta? Did you give your number to those boys?"

"Saan? Kanina? Sa raffle 'yon." Sabi ko lang.

"At saan ka pupunta?" Hinarap ko siya.

"May bibilin lang ako. Kahit na mauna kana, may jeep naman diyan sa labas, mag kocommute nalang ako."

"Sasamahan kita." Nagkibit balikat ako.

Napatingin ang babae nang ilapag ni Kai sa counter ang nangalahating laman ng bottled water.

Hindi naman siya binalingan ni Kai kahit na medyo papansin din ang babae.

Nang mayari ay itinuro ko lang kay Kai ang palengke. Napakunot ang noo niya at binalingan ako.

"May bibilhin ka rito?" I nodded.

"Kagagaling lang natin sa mall?" Mabilis akong bumaba at naramdaman ko agad ang pagsunod niya.

"Jude,"

"Bibili lang ako ng t-shirt." Sabi ko. Tahimik siyang sumunod kahit na halata ang pagtutol, hanggang sa lumiko kami at bumungad ang mga bilihan ng damit. Naka hanger ang iba at ang iba ay mga nakasalanansan lang. Namimili ako dito ng plain cotton shirt. Pamasok kapag sabado, o kapag may ibang school activities.

"Bili na, Miss!" Tumayo ang balbas sarado na lalaki. Malaki ang ngisi.

Tinuro ko ang usual kong binibili.

"Magkano dito?" Tanong ko. Ang ganoong cotton shirt ay pumapatak ng 250 pesos. Cotton kasi at sobrang mura na non. Kumpara sa mall na kulang isang libo.

"270 nalang miss!" Inangatan ko siya ng kilay.

"Walang tawad?" I asked.

Naramdaman ko ang paglapit ni Kai sa likod.

"Let's go back to the mall. I'll buy your shirts there."

"180?" Tawad ko. Napakamot ang lalaki sa ulo at mukhang ayaw kaya tumango ako at tumalikod.

"Ah, wait, Miss!" Habol nito.

"Let's go." Si Kai. Pero imbes sumunod sakaniya ay lumiko ako sa kabilang bahagi. Kung saan ang mga kabataang lalaki ang nagtitinda.

"Magkano ang ganitong shirt niyo?" Tanong ko.

Halatang nabigla pa sila kaya mabilis na nagtayuan.

"Tss... Sa mall nalang tayo, Rosetta." Si Kai.

"Mahal don."

"I told you, ako ang bibili."

"Huwag na." Tipid kong sagot.

Nagtulakan ang dalawang lalaki sa paglapit.

"250 po diyan."

"Ang mahal." I coldly said. Kahit na mas mura kaysa sa kabilang store.

"Mura na po ito, Ma'am--"

"Tawad? Tatlo ang bibilhin ko." Malamig kong tugon.

"Come on, Rosette Jude." Hinatak niya ako. Napatingin ang dalawa kay Kai. Sinamaan ko siya ng tingin. Bago ko hinarap at malamig na tinignan.

"Susunod nalang ako sa sasakyan." Alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

"No. Stop asking for discount here."

I raised my brow.

Sinubukan niyang kalabanin ang tingin ko pero hindi ako nagpatalo.

"You shouldn't come with me, then. Sa susunod ay alam ko na." Bago muling hinarap ang mga tindero.

Sumama pa kasi, eh. Hirap tuloy dumiscount. Sa itsura pa naman din, alam mong hindi nababagay dito sa palengke. Tapos nanghihingi pa ako ng discount. Ano pang mangyayari nito?

"A-Ah, sige, Miss! 230 nalang!"

"180?"

Kai dramatically groaned. Hinahatak ako.

Lumapit ang isang lalaki. Malaki ang ngisi at nang magbaba ako mg tingin ay siya ang may dala ng belt bag.

May halong pagnanasa niya akong tinignan. Mula ulo hanggang paa, pinapahalata niyang pinagmamasdan niya ako.

Naninigarilyo ang lalaki. Nagtagal ang tingin nito sa bandang dibdib ko at napapadila pa.

Muli akong hinatak ni Kai at bumubulong. Naiirita na pero nagmamatigas ako.

"180? Sige sige, ibigay niyo na." Napakamot ang dalawa at sumunod. Inabot ang tatlong kulay na gusto ko.

"Nga pala, Miss--"

"Salamat." Mabilis kong inabot ang supot at inabot ang saktong bayad. Bago ako humarap kay Kai at mabilis na hinatak ang dulo ng shirt niya.

"Number mo, Miss!"

Mabilis siyang napasunod saakin. He immediately held my hand at siya na ang humatak palabas.

Sa sasakyan ay wala siyang kibo. Pero halata mo ang galit at iritasyon sa mga mata hanggang sa makauwi kami.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapagtanggal ng seat belt ay hindi niya na napigilan at kinumpronta na ako.

"Why would you even ask for discount? Sa mga ganoong tao pa!"

I raised my brow.

"Anong problema sa mga ganoon?"

"Anong problema?" Hindi makapaniwalang tanong niya. He gritted his teeth at mukhang nauubusan na ng pasensya saakin.

"Clearly, the guy wants something in return for giving you discounts! Ganito ba ang lagi mong ginagawa?! Have you seen the way he looked at you?! Nakakaya mo 'yon?! Hindi lang kita hinahatak paalis dahil alam kong magagalit ka saakin!"

"Did I gave him something in return? Anong hinihingi, number? Number lang 'yon!"

"Number? At kung wala ako, ano? Ibibigay mo?" Hindi makapaniwala niyang tugon.

"If he insists why not?" Marahas niyang tinanggal ang sumbrelo at binato sa harap.

"Really? Para lang makamura, ganoon ang gagawin mo?"

"Alam mong wala akong ginagawang masama." Mariin kong ani.

"Wala? Sa tingin mo ba talaga ay wala? You're giving them mixed signals! You're giving them high hopes! Kaya ka pinagbibigyan!"

Napakunot ang noo ko.

"Alam mong kaya mong mapaikot ang mga ganoong klaseng lalaki para pagbigyan ka."

"Ano naman ngayon?" Sarkastiko kong saad.

He gritted his teeth. Eyes were bloodshot, matalim, at galit.

"Ikaw ang gumagawa ng ikapapahamak mo. At kung hindi mo sila napagbigyan? And would claimed that you made them hope? For nothing? Sa tingin mo ay hindi ka nila susundan? O hihingan ng kapalit?!"

"I've been asking for lower price ever since! At walang nangyayaring masama saakin! Ikaw lang ang ganiyang mag-isip! Normal lang sa palengke iyon!"

"Normal ang alin?! Ang manlandi?!" Umigkas ang palad ko sa pisngi niya. Mabilis at hindi niya inaasan. Agad na pumula iyon.

Sunod sunod ang naghahabol kong hininga. Nangilid ang luha pero hindi ko tinantanan ang malamig kong tingin sakaniya.

"Ganoon ang ginagawa ko para makatipid. Pero hindi ibig sabihin non ay ibebenta ko ang sarili ko para sa walang kwenta mong akusasyon saakin. I would give numbers pero hindi ang numero ko! Akala mo ba ay sobrang tanga ko?! If that would satisfy them and make them to not harass me o kung ano! Edi ganoon ang gagawin ko!"

Madilim pa rin ang tingin niya saakin. Pero hindi ako nagpatalo.

"Normal lang ang tumawad sa palengke! Sobrang simple lang non pero pinapalaki mo! Pero alam kong hindi magiging normal saakin dahil kung anong tingin mo saakin, ganoon din ang tingin nila saakin! Walang pinagkaiba! You claimed that I flirt with them kahit na wala naman akong ginagawang masama!" Napahikbi ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha. Marahas kong pinunasan iyon.

"Madalas mo akong akusahan na may manliligaw o kung ano, kahit na wala!" Inangat ko ang kaliwang kamay para makita niya ang sing sing na suot ko. "Sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon habang suot ito?! Kahit na para sa'yo ay walang kwenta ito?! At na ikaw naman talaga ang may babae!" Hindi ko na nakayanan pa. I saw regrets in his eyes. Pero wala akong pakialam!

"I'm not even smiling with them..." Hikbi ko. He went near me and tried to reach out. I just shook my head.

"S-Sa susunod, kung mayroon man, pero sana ay wala na. Huwag ka nalang sumama saakin kung nababastusan ka. Oo at bastos nga sila, pero hindi naman nila ako hinahawakan at hanggang tingin lang!"

"Mabuti pa noong hindi ka naman nagpupunta dito. Ginagawa mong big deal ang hindi naman dapat." Iling ko bago bumaba at tinalikuran na siya.

Love, Dine ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 106 63
Greene Merka, shattered by her painful past, became a rebel no one could handle. That is, until she met Daewon Madrigal, the guy she slapped in a bar...
3.8K 868 44
Ivelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always ac...
128K 2K 38
Cayth Naval feels nothing but contentment with the life she have. With her intelligence, riches, and friends that she can always lean on, she can not...
2.3K 56 44
Stand Alone Novel Her Beautiful Taint Cashmira Delavin, was known because of her family's background. Rich, Elegant, Sophisticated, Graceful but thos...