Almost Cruel

Від love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 Більше

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 7

48 15 0
Від love_dine

Chapter 7

"K-Kai," Nanginig ang boses ko sa takot na baka kung sino 'yon!

"Malapit na ako! Lock the door!"

Agad akong sumandal sa pinto. Kahit kanina ay agaran kong ni-lock iyon, hinigpitan ko pa rin ang hawak at talagang kinakabahan!

"Babae? Baka si Jude 'yan! Anong ginawa mo?" Napaahon ako sa pagkakasandal nang marinig ang pamilyar na boses ni Jam!

"I didn't know who it was! But there's a girl!"

"Jude!" May kumatok sa pinto kaya mabilis akong napatingin doon.

"Si Jude nga!" Si Jam.

"Jude, this is Kai." Mariin niyang tawag. Mabilis kong pinihit para buksan ang pinto. Bumungad saakin ang madilim na tingin ni Kai. He pulled me closer and I immediately went beside him. Ang kamay ang nakapirmi sa palapulsuhan ko.

"Was it Lois, Jude?" Sumilip ako at pinasadahan ng tingin ang mga taong naroon. May tatlong lalaki at dalawang babae.

"This guy?" Turo niya sa isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko bago tumango tango. I just recognize him!

Pero napagtanto kong kaibigan siya ni Jam kaya baka ako lang talaga ang nagkamali! Hindi naman niya ata alam na may tao sa loob at hindi ko nai-lock! At hindi siya tulad ng iniisip ko na nakapasok! His status is screaming! Sa simpleng damitan palang ay halatang mayaman na! At posibleng kilala pa ni Kai!

"What did you do, Lois?" His voice is cold and dangerous at the same time!

Bahagya kong hinatak ang palapulsuhan ko para makuha ang atensyon niya.

"I didn't do anything to her, man. I didn't know there was a person inside." Napakamot pa sa noo ang lalaki at halatang problemado.

Muli kong hinatak si Kai. This time, he glanced at me.

"Hindi naman yata... sinasadya," Bulong ko.

"Are you okay, Jude? May ginawa ba 'tong lalaking 'to sayo?" Umiling iling ako kay Jam.

Ang katabi niyang babae ay mataray na nakahalukipkip.

Lumabas na ako sa likod ni Kai, at kahit na pilit na hinahatak ako ni Kai ay matapang kong hinarap ang mga bagong tao saakin.

"Hindi ko ine-expect na babalik agad kayo. Pasensya na--"

"Why would you say sorry--" Malamig ko siyang binalingan ng tingin. Kung kanina ay kinabahan talaga ako sa nangyari. Hindi ko naman kasi lubos akalain na may tao bigla rito. Ang alam ko ay mga madaling araw pa sila babalik.

"Kakayari ko lang mag-linis. Kaya magpapalit na muna sana ako bago umuwi," Jam nodded.

"Hindi pala kita na-itext!"

"Well, uhm, I'm sorry, too. I panicked so I immediately shut the door."

"Tss... asshole." Si Kai. Napakunot ang noo ko. Ang lalaki naman ay napailing lang.

"But I promised you, even though I'm real asshole--"

"Buti alam mo." Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Kai at bahagyang pinisil para matahimik na siya. Kitang nag-papaliwanag, eh!

Hindi nakatakas ang ngisi ni Jam sa paningin ko. Ang dalawang lalaki naman ay pasimpleng umalis, siguro ay para bigyan kami ng privacy.

"Tsk. I know, man. But I promised, miss, I didn't see anything. I immediately heard your screamed once I opened the door so I panicked and immediately closed it! Swear!"

Mas tumalim ang tingin ni Kai sa lalaki.

"She's changing when you opened the door?!" Tinulak ko ang braso ni Kai at umiling nalang ako sa lalaki.

Mukhang maghahamon pa ng away itong lalaking ito!

"Yes, but I told you! Narinig ko na siyang sumigaw kaya hindi naman talaga ako nakapasok."

"Uhm, sorry. Tama siya, sumigaw agad ako dahil sa gulat. Ineexpect ko kasing ako lang ang tao, tapos ay may biglang pumasok. Kaya naisip ko agad na may nanloob." Jam laughed pati na rin ang lalaki kanina na muling bumalik at ngayon ay nasa tabi niya na. He's familiar and I bet he's the boyfriend.

Napanguso si Lois at may pilyong ngisi sa labi. Nanliit ang mga mata ko nang marealize na siya ang lalaking nakangisi sa picture nila Jam sa loob ng kwarto niya! The guy beside Kai!

Napatikhim ako.

"Akala ko lang naman..." Bawi ko.

Lois smirked.

"Don't smirked you pervert! Apologize to her properly!" Agad na nawala ang ngisi niya at napasimangot kay Kai. Pero sinunod din naman.

"Again, miss. I'm really sorry for what happened." I nodded.

"I didn't locked the door, kaya..."

He nodded too and gave me his signature smirked. Bago bumaling kay Kai.

"And you, what are you doing here? I thought you're busy?" Napasipol ang boyfriend ni Jam at si Jam naman ay umiiling iling.

"I knew it."

Bago pa ako mapatingin sakaniya para magtanong. Agad niya na akong hinatak para talikuran ang mga kaibigan niya.

Napabaling pa ako sa likod at naiwan lang ang tatlo na may malisya ang mga tingin.

Tahimik lang siya pero halata ang inis sa mga mata. Hanggang sa nakapasok sa sasakyan at hanggang sa makauwi kami.

He was silent the whole time. Akala ko nga ay bababa pa pero gusto ko nalang kurutin ang sarili dahil sa iniisip kong iyon.

I sighed.

Nakakain na ako pati ang isda. Nakalinis ng katawan, at ngayon ay nasa kama na. Nakaantay lang sa cellphone. Usually kasi ay nagte-text pa siya kapag nakauwi na. Kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko kung meron nga. Kaya lang ay nagawa ko na ang mga dapat kong gawin pero wala pa rin hanggang ngayon.

Nagalit ata siya sa nangyari kanina? Siguro ay akala niya ay kung ano na ang nangyari. Nagsisi tuloy ako sa biglang pagtili ko at kung ano pa ang naisip niya.

Kanina niya pa ako naihatid at hanggang ngayon ay walang pasabi kung nakauwi na nga siya. Baka bumalik pa sa mga kaibigan niya?

To: Kai

Nakauwi kana ba?

I'm responsible to know if he got home safely. Kaya tinext ko na.

After minutes of just waiting for his reply. Mas lalo akong hindi mapakali kaya sinubukan kong tumawag sakaniya.

After many rings, he finally picked it up.

Noong una ay tahimik lang ang background pero maya maya ay bumungad ang buntong hininga niya.

Napapikit ako at mukhang naistorbo ko pa yata.

"Naistorbo ba kita?" He sighed.

"Hindi ka kasi nag-reply kung nakauwi kana... Buti at sinagot... mo." Bulong ko.

Hindi pa rin ako nakarinig nang kung anong response mula sakaniya. Kaya siguro nga ay baka may dapat siyang gagawin.

"I-Ibaba ko na,"

"Hmm?" Napaahon ako nang narinig iyon.

"Uhm, text ka nalang kung nakauwi kana. Siguro ay bumalik ka kina Jam?"

"Yes."

"Yes? Bumalik ka kina Jam?"

"A-huh,"

"Ah, okay."

"I went back to talked to that asshole." My brows furrowed.

"Huh? Bakit?"

"Tss... Of course to confront him."

"Bakit naman? Hindi niya nga alam na nasa loob ako. At tulad ng sabi niya ay wala naman siyang nakita. Mabilis niya lang din na sinara ang pinto."

"Did he hurt you?"

"No! Why would he do that!"

"I know that asshole!"

"And you think he'll hurt me?" Natahimik siya.

"Ano?" Dugtong ko.

"Okay, he may not hurt you. But, I know asshole like him. Fucking pervert."

"Hindi mo ba siya kaibigan?" 'Cuz he seems like a friend to him.

"Don't talk like that to your friend. And how would you even know that he's an asshole?"

"I can recognize if the guy is an asshole." Napaismid ako. Hindi talaga siya nagpapatalo.

"So, you can recognize yourself as one?" I asked sarcastically.

"What..." Halos hindi makapaniwala niyang ani. I smirked.

"Oh siya, ibababa ko na. Text me if you made home safely, and if not, do your very best just to inform me." Before I ended the call.

Bago ako nakatulog. Nag-text naman siya and he made it home naman daw safely. That's very nice to know. Now, I can sleep peacefully without worries.

Ilang araw lang ang lumipas ay nagsimula na agad ang bagong sem. Just after the sem break, everyone's looking forward for the christmas break. And is getting ready to join parties. Pass na ako sa party kapag christmas break. I'd rather spend time cleaning Jam's condo for her upcoming parties. Paniguradong sunod sunod nanaman iyon. And with that, may pamasko si Anne.

"Hindi ka ba talaga uuwi sa pasko, Jude? Ilang taon na kitang hindi nakikita!" Si Peanut.

"Next time nalang. Bilhan nalang kita ng regalo." Pampalubag loob ko sakaniya.

"Hmp! Huwag na ang regalo! Ikaw nalang!"

"Mag-aayos pa ako ng ojt ko dito."

"Ano ba 'yan! Christmas break naman!"

"Titignan ko pa."

"Kakainis naman! Baka may boyfriend ka na diyan, ah! Kaya ayaw mo lang umuwi!" Napairap ako kaya napasinghap ang dalawang estudyante na nag-paparint.

"Ang ganda umirap!" Bulong nung isa.

Inabot ko ang pinaprint nila bago ang bayad. May iba pang pumipila para magbayad ng nabili kaya nagpaalam na ako.

"Pag-isipan mo, ha! Magtatampo talaga ako sa'yo!"

"Okay, sige. Baba ko na."

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa sa print shop hanggang sa natapos at pumalit na si Nanay para makapasok na ako.

Pagpasok ko palang ay agad na akong hinatak ni Albie at sinama sa grupo nila.

"Kanina ka pa namin inaantay!" Kaye waved at me. Tumango ako at tipid na ngumiti sakaniya. Katabi niya ang tatlong lalaki na naglalaro ng mobile games. Lyle glanced at me shortly and smiled. I nodded my head. Bago siya muling bumalik sa paglalaro.

We are all wearing our white nursing uniform. Ang mga lalaki lang ay mga naka white shirt dahil kakayari lang din naman ng lunch at karamihan ng mga lalaki ay ganoon ang mga suot kapag wala pa ang instructor.

"Ah, bakit?" I asked.

Albie pouted. "Diba friends na tayo!" Paalala niya. Tumango naman ako.

"Masanay kana, Albs! Ganyan naman talaga si Jude, diba!" Si Kaye. I bit my lip.

"Hinanap ka namin kanina 'nung lunch! Saan ka nagpunta? Wala ka sa print shop." Si Albie.

"Uhm, nandoon naman ako. Pero baka kanina nung inutusan ako." Albie nodded his head.

"Okay! Pero bukas, huh?"

"Osige..."

Pumasok ang instructor namin para lang ipaalam ang grades sa university portal. Kinabahan agad ako at hindi malaman ang gagawin. Pinanood ko ang mga kaklase na nagmamadaling tignan ang midterm grades namin. Ako naman ay ipinalibot ang tingin, bukod sa para akong nahilo sa kaba, wala rin akong load para tignan ito.

Lumingon ako sa katabi ko. Si Diether, the panda pen buyer. Hindi ko sinasadya nakita ko ang grades niya. Pero nakita ko ang straight 1.25 niya at may dalawang flat uno.

Halimaw.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. He glanced at me, too. Agad kong naitikom ang bibig ko dahil nahuli niya ako.

"You want to borrow my phone?" Mabilis akong umiling iling, gulat pa talaga. He chuckled and looked at me with amusement.

"First time with reaction," Iling niya.

"Anyways, sure you don't want to borrow mine? Or I can just let you use my data?" Umiling ako.

"Okay, Jude. Do you mind me asking why you looked so schock earlier?" Muli akong umiling.

"Pasensya na. Nasilip ko kasi 'yung grades mo. Nagulat lang ako sa taas." He nodded.

"Ahh... Kailangan, eh."

"Kasali ka sa program?" He nodded. Napakunot naman ang noo ko.

"Why?"

I shook my head.

"Wala naman..." Mukha kasing hindi siya nag-aaral ng mabuti. Ni ballpen nga ay madalas mamili saakin.

"Masarap pagkakitaan ang ganoon. Dahil free tuition ako, kumikita pa rin ako dahil binibigay ng parents ko ang tuition fee ko." Hindi ako makapaniwalang tinignan siya.

"Buti hindi magalit 'yon?"

Nakakaloko siyang ngumisi.

"Alam naman nila. Hindi naman din nila sinabing pumasok ako sa program. Ako lang ang may gusto." Napatango tango ako. Medyo namamangha at napagkakakitaan pala nila ang ganito.

"Check your grades. Tatagal lang 'yang pag-iisip mo. And you will realize that you're wasting your time doing that." I nodded.

He let me have an access on his data. Naki-connect ako at sabay naming tinignan ang grades ko. I glanced at him and he just raised his brow at nginuso ang website.

Mariin kong kinagat ang labi nang bumungad saakin ang dalawang tres. Dumagundong ang pagkadismaya ko. Isang major at isang minor.

He looked at me with serious face. Hindi naman bakas ang kung anong emosyon. He's not mocking me or what.

"May tres..." Bulong ko.

Tumango siya.

"Pasado pa rin naman." I just shook my head.

Alam kong hindi ako katalinuhan. But then, with all the hard work, effort, and sleepless night to study this minor and major subject, hindi ko pa rin maiwasan ang madismaya kahit na hindi ko naman expected na mataas ang grades ko. I wasn't expecting it to be this low, too. Pasang awa.

I gulped at isang malungkot na ngiti ang binigay ko sakaniya. At least he'll know that I will be fine. Nakakahiya lang talaga. Nakita niya pa.

I was so down on the way home. May bobo ba talagang dismayado sa pasang awa? Ang iba siguro ay sobrang saya nila, dahil nakapasa pa. Pero iba iba nga naman kasi ang tao. I am disappointed kasi paaral lang ako ni Kai. Mas madidismaya siguro ako kung magtanong pa siya at makita ko ang reaksyon niya.

I should be grateful, that at least, nakapasa ako. Ang masama lang siguro, ako ang pinakamababa sa dalawang subjects na iyon.

My highest grade is dos. I'm fine with dos. Fine with a little disappointment.

Hawak ang isang payong sa kabilang, wala ako sa sariling tumawid sa hi-way. Mabuti at walang masyadong dumadaan kaya naman hindi ako napaano.

Tahimik ang kabahayan sa eskinita. Walang Raquel pero may ilang aso. Nang makalabas doon ay tinahak ko ang daan papasok sa subdivision. Hanggang sa maabutan ko ang raptor sa labas.

Napabuntong hininga ako.

Diretso ang pasok ko sa loob at mabilis ko namang naramdama ang pagsunod niya saakin.

"Ibibigay ko nalang ang duplicate key ko sa'yo." Binuksan ko ang ilaw sa sala at mabilis na sinakop ng liwanag ang dilim. Inilapag ko ang bag sa sofa bago siya hinarap.

"I was supposed to go in your school. Nahuli ako at umalis kana raw sabi ng gwardya. Saan ka dumadaan? Sa eskinita pa rin?" I nodded.

"Mas malapit doon."

"Okay. Anong oras kaba umuuwi?" Tanong niya. Habang pinagmamasdan akong tinatanggal ang suot na ipit para naman makaginhawa ang buhok ko.

"Exactly five thirty." He nodded with serious face.

"Okay then, I'll fetch you before that."

"Ikaw ang bahala. Bihis lang ako." Mahina kong sabi. Bago siya tinalikuran.

Sandali lang akong naglinis ng katawan at nagbihis sa isang pares na pantulog bago muling lumabas.

"Still cooking our dinner." Lumapit ako at tinignan ang niluluto niya.

He glanced at me and raised his brow. "Where's your tilapia fish?" He asked curiously. Sandaling tinakpan ang niluluto bago ako hinarap.

His hair is messy and he smells so good. Magkahalong mint and cologne. He's also wearing a sweat pants and gray cotton shirt. Napaiwas ako ng may mahagip.

"Namatay?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi? Where is she, then? You named her Raquel, right?"

"Dami mong tanong." Asar kong sambit. He chuckled a little. Sinundan ako ng tingin nang kumuha ng pitchel at nagsalin sa isang baso.

"Nasaan kasi? Niluto mo?" Aliw niyang hula.

"Pinasok ko sa kwarto ko."

"Why?"

"Pinapakain mo kasi ng pinapakain. Kakakain niya lang kaya nasasayang ang binibili kong pagkain niya." Irap ko.

"Oh. So, you take her away from me? Para hindi ko mapakain?"

"Oo. Diet ang isda ko." Umangat ang gilid ng labi niya.

"Yeah, right. That's tilapia, diba?"

"Hindi. Money fish daw iyon." Napakunot ang noo niya.

"That can't be. Gold fish is the money fish. Ang sa'yo ay pwedeng lumaki at ulamin." I raised my brow. Hindi naniniwala sakaniya.

"Okay, let's search it." Padarag niyang hinatak ang upuan at naupo sa tabi ko. I moved away to give us a little space.

Ipinilapat niya ang siko sa mesa at hinayaan akong makita ang cellphone niya. Hindi tuloy nakaligtas saakin ang kaniyang wallpaper.

It was a picture of him with two girls. Nasa gitna ang pamilyar na mukha ng kaniyang ina at ang isa ay kaakbay niya na nasa likod. Sure it's not the girl that I saw him with at the bar, o kahit ang babaeng narinig kong kausap niya noon.

I glanced at him but it seems like he didn't mind it at all. Nang muling lumapat ang tingin ko sa kaniyang cellphone ay wala na ito. Nagse-search na siya.

The girl looks so young. Way younger than him. Siguro ay kaedad ko lang, o ano. O mas matanda ako ng kaonti. Either way, maganda ang babae. Mahaba ang buhok at maganda...

Kahit mabilis lang na nawala iyon, mabilis ko namang napagmasdan iyon. Sobrang ganda... na iniisip ko tuloy... kung mas maganda pa kaya ako? Na tulad ng sinasabi ng ibang mga tao?

Napatulala ako sa cellphone niya.

"See? It's not the tilapia fish."

I sighed.

Ganda talaga nung babae. Mukhang pang... matalino.

"Rosetta, I told you."

Parang mas bumigat ang pakiramdam ko. Pero mas matatanggap ko ang pagbigat ng nararamdaman sa grades. Hindi ang ganitong bigat sa ngayon.

"I'll buy your tilapia's food, Okay? Just don't take her away from me." He smirked.

Wala sa sarili akong tumango. Pinagbibigyan nalang siya.

"I won't always feed her, I'll ask you first. Would that be fine?"

Nagbaba ako ng tingin sa sariling cellphone. When I tried to opened it, the first thing you'll see is my lockscreen class schedule wallpaper, and when you swipe it, my homescreen default wall paper will reveal. No password and such. Too open for everyone.

Long silence filled the kitchen. Mabilis at saglit niya lang na pinatay ang stove bago muling bumalik sa upuan.

"Nga pala. You got you midterm grades?" He asked casually.

Gulat pa ako nang itanong niya iyon pero bandang huli ay tumango ako.

"You got busy with your exams before your halloween party. You studied real hard. Mabuti kapa." He tilted his head and gave me a boyish smile.

I know he's just trying to open another topic to make me talk. But it wasn't a good topic for me.

"I wasn't a good student buti nalang walang fail grades. And you, Rosetta. Bet you got higher grades than me." Ngisi niya. Nakapatong ang isang siko sa mesa at nakadantay ang ulo sa palad.

Napayuko ako roon. Bago umiling.

"I'm not..." I whispered. My hands trembled in so much disappointment. Itinago ko iyon kaya mabilis ang pagbagsak ng mga mata niya doon.

Muli akong umiling.

His all smiley face earlier immediately turn into a serious face.

Is he mad at me? Napagtanto niya na ba agad na may muntikan na akong mabagsak? This will be the first time he'll know about it. I bet he didn't find his way to know it from the school. He wouldn't be in his reaction earlier if he did. Guess, I still have privacy?

"Are you sad because of that?" Kung may iyuyuko pa ako... siguro ay ginawa ko na. Ngayon lang ako nahiya ng ganito, at itong harapan pa talaga.

Hindi agad ako nakapagsalita. Really, the best way for me to forget about the sad things or disappointing moments is to be silent. O, kapag gusto kong makaiwas. Parating... iwas talaga na hindi na gusto pang pag-usapan pa.

Pero hindi naman ito pwede.

"Hey, Rosetta..." He said in a soft deep voice. Hindi pa rin ako tumingin.

He sighed.

"Kumain na tayo. Pag-uwi mo, ibibigay ko ang duplicate key ng bahay."

"Mayroon na akong susi... Tell me, are you upset?" I looked at him. Oonga. Bahay niya ito kaya meron.

"Sa susunod ay huwag ka ng mag-antay. Pumasok ka nalang agad." He nodded. Akmang tatayo na ako para maghain nang pigilan niya ako. Muli akong napaupo, iiwas palang sana ang tingin nang mabilis niya itong nahuli.

"Are you upset because of your grades? I immediately noticed it before we entered our house. That's why I'm trying to talk to you even though I know that you're not that talkative." And he's not too. Ang alam ko, sa ibang tao. He's just somehow talkative when talking to me.

"Hindi naman..." I mumbled.

"Hmm? Let me see if you're not?" He teasingly held my chin to see my face. Trying to lighten up my mood. Or, I don't know...

Nang tumama ang tingin ko sakaniya ay lumagabog ang dibdib ko. Napahigpit ang kapit ko sa tela ng pajama at halos malagutan ng hininga. And something in my stomach doesn't felt right. I couldn't accept it that I want to throw it out.

His eyes were directly looking at me. Soft and gentle even with the trace of intense gaze from his natural eyes, it just add up to the unknown feeling.

He smiled when he saw my seriousness. Just like before, I was trying to hide my emotions. Well, maybe that's what I thought. 'Cuz how would he knew about it when I was trying so hard not to show my disappointments, and... sadness... Like, how?

He smiled at me. I blinked twice and tried to get away from his gazed at me. Bumaling ako sa cellphone ko kaya unti-unting natanggal ang pagkakahawak niya sa baba ko. Sa ilang pindot lang ay agad iyong napunta sa gallery ko, sa mga screen shots.

"Heto, tignan mo." He just boredly looked at my phone like he wasn't interested with my almost failing grades.

"Kai," Tawag ko. He raised his brow. Mukhang hindi ulit interesado.

"My grades," I said. A bit frustrated that he wasn't interested at all.

"What about it?" Bumigat ang paghinga ko at nairita na sakaniyang reaksyon. Mukhang napansin niya iyon kaya napapabuntong hiningang pinagtuunan ng pansin ang ipinapakita ko.

I handed him my phone. He glanced at me, bago pa tignan ang nakasaad.

Nag-aalala kong pinagmasdan kung anong ire-react niya. Pinasadahan niya iyon ng isang beses bago lumingon saakin. I gulped. Muli siyang bumaling doon bago pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok.

I'm still waiting for his reaction but it didn't come that easily.

"U-Uhm, hindi naman g-ganiyan ang grades ko noon." Saad ko sa mababang boses.

He nodded.

"It's not fine for you? But it is for me... Are you upset because of this?" Marahan akong tumango.

"N-Nag-review naman ako..." Sa mababang boses ulit. Para lang ma justify kung sakaling magalit man siya mamaya.

"Nagka tres din ako nung first year,"

"Pasado ang tres, Jude." Saad niya. Na para bang hindi ko alam.

"Alam ko..."

"Pero dapat ay mataas dahil pinapaaral mo lang ako..." Lumalim ang gitla sa kaniyang noo. Mataman ang pagtitig at hindi malaman kung anong sasabihin.

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa likod ng upuan ko. He looked at me with soft and intense eyes. Contradiciting.

"Hindi ko naman kailangan ng mataas. Why would I ask for it, when me, myself, got low grades before. My mother did not pressure me about it so I did not take it seriously." Natahimik ako. Kanina pa ito bumabagabag. At ngayong nasabi ko sakaniya, kahit papaano naman ay gumaan ang loob ko.

"And tell me, am I pressuring you about it? Or, you feel like I'm doing it? Sorry for asking. I just thought you are sad about something else, that's why I was trying to talk to you and I know I'm bad at it."

"Hindi naman..."

Yeah... It's true. Kung ano mang sinabi ni panda pen. Reactions. When Kai started going around me these past few months, there were new reactions and feelings. Trying to make their way out to give meanings and reveal my true feelings.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit alam ni Kai iyon. And I think it's a bad idea, or not.

"Are you sure? Tell me if I am. 'Cuz that wasn't my intention. I was just... trying to converse about how was your day but I couldn't ask about it properly. I just remembered your grades that's why I asked it instead."

I nodded.

"We mostly have misunderstanding about things... kaya gusto ko lang ipaliwanag dahil ayaw kong iba ang maging interpretation mo doon."

"Ayos lang naman."

He raised his brow.

"Not for me, Rosetta. I don't want you to misunderstand us."

"Baka mahina lang talaga ako umintindi o--"

Agad na dumaan ang iritasyon sa kaniyang mga mata. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"If you'll tell me about it, too. Baka hindi rin kita maintindihan agad. 'Cuz somehow, I know that I'm confusing at times." Tumango tango ako. Pinapakitang sumasang-ayon sa sinabi niyang confusing siya. Pero agad ding natigil nang pinilig niya ang ulo at bahagyang napasimangot.

"Am I really confusing?" Medyo hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sabi mo..." Lito kong bulong.

"Right..."

His jaw clenched and shortly closed his eyes tightly. Agad niya rin namang binuksan iyon.

"But in your opinion, am I confusing?" He asked in serious tone. Ipinipilit talaga. Like this is all a big deal. My brows furrowed. Lito na ulit.

"Yes..." Napakamot siya sa kaniyang noo.

"Kaya ka ba naiinis saakin? Tuwing kailan?" Bahagya akong tumango. He's asking that's why I have to answer him.

"Ngayon? Pero hindi ako naiinis ngayon. Dati ay oo. Pero ngayon ay hindi pero naguguluhan ako sa'yo, uhm, ngayon..." He sighed. Sounded so problematic. Umayos siya ng upo pero ganoon pa rin ang braso. Nakalapat sa likod ng bangko ko at ang isa ay sa ibabaw ng mesa. Kinukulong ako.

"Tell me what's confusing?" Mataman niyang tanong. Agad na naging mailap ang mga mata ko. Gusto ko sanang sabihin na...

Ito... these are all confusing to me. Kung bakit siya nandito after years. Kung bakit nanunundo, naghahatid, tumatawag, nagte-text, o kung bakit niya lahat ginagawa ang mga ito. Ang pagluluto, pagtatanong, at marami pang iba. Like immediately. Nakakagulat... at may parte saaking hindi ko nagugustuhan.

Kasi paano kapag masanay ako? Ayoko ng ganon. Pero hindi ko rin naman masabi dahil baka may iba pa siyang pakay saamin. After all, these are all for our deal. At wala ng iba pa.

"Wala naman. Hindi pa ba tayo kakain?" Tanong ko. Nagtagal muna ang titig niya bago nagbitaw at bumuntong hininga.

"I'm sorry. Baka gutom ka na..." Tumango nalang ako.

"Kumain na tayo..." He quietly nodded.

Love, Dine ♥️

Продовжити читання

Вам також сподобається

2.7K 108 32
Asteria Elin Cervantes Divina. A woman who have strong mind and determination, She take the liberal arts major in psychology in Louisville University...
You're My Favorite Model Від ⚖hani

Сучасна проза

1.7K 1.4K 36
Satana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng...
Jersey Number Nine Від em

Романтика

399K 20.8K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
31.9K 649 53
La Isla Prinsesa Series #1 Started Date: January 21, 2022 Ended Date: May 28, 2022