San Vicente 3: Illustrious

De psychedelic26

6.2K 358 114

San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her... Mai multe

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 11

244 18 5
De psychedelic26

TWELVE DATES and counting. Ganun na kadami ang mga ipinakilalang babae ng nanay ni Alpha sa kanya. Marci has to stick around and make sure na andoon ang boss niya. Nakita niya lahat ng mga babaeng iyon at sa totoo lang ay may okay at merong hindi. She had to break up some dates para lang matapos na kasi halata naman na walang interes ang boss niya. Mukhang naging gatekeeper na nga siya nito.

"Pio, sa tingin mo makikilala ni boss ang 'the one' niya ngayon?" This is the thirteenth date at nasa labas sila ng restaurant at naghihintay kung lalabas ba agad ito katulad ng dati. She had to observe. Kakapasok pa lang ni Alpha and she was waiting to see who he'd meet.

"Hindi naman naghahanap yang si sir." Sabi nito sa kanya.

"Nakikipagpustahan nga din si Jun na hindi eh." She sighed. "Bakit kayo ganyan? Ayaw niyo bang maging masaya si boss?"

"Girlfriend ba ang makakapagpasaya sa kanya?" Tanong sa kanya ng kasama. Madalas na kasama nila si Pio kaya naman naging kaibigan na din niya ito. "Masaya naman si sir eh. Di mo lang napapansin siguro. Ilang taon na akong bodyguard niya at masaya yan ngayon. Sigurado ako."

As the vice president of the San Vicente Holding may bodyguard-slash-driver ito na pinagkakatiwalaan. Mula noong magsimula siya ay itong si Pio na ang kasama niya. He's one of his most trusted men.

Maliban sa pagiging vice president ay si Alpha din ang may hawak ng security services ng mga San Vicente. Posibleng isipin na katulad lang ito ng mga security agencies pero napakalayo. It is a private service na pawang mga parte ng pamilya lang ang nakakagamit. Para itong isang underground security team kasi hindi lantad ang mga tauhan nila. Minsan nga ay nagugulat na lang siya dahil service agent na pala nila ang kasama nila sa mga meetings. May mga visible na service agents pero iyon ang mga para sa external security nila. Iba pa ang mga taong naatasan para sa mas close in na security. They are all highly specialized men and women in the field and they all answer to Alpha.

"Mukhang masaya siya." Tinuro niya ang pwesto kung nasaan si Alpha at ang ka-date nito. "Nakangiti siya oh."

"Nagseselos ka ma'am?"

"Uy Pio, grabe ka. Hindi no." Umiling siya ng kung todo. "Hindi ako magseselos no. Assistant lang ako. Kung masaya ang boss ko, masaya din ako."

"Sus, dami ko na napanood na ganyan." At kahit kung titingnan mo ay malaki at bruskong tao si Pio ay isa itong avid fan ng mga romantic comedies. Isa ito sa mga bagay na nalaman niya dito over the span of her employment. Wala naman kasi siyang ibang kakwentuhan.

"Sa drama lang nangyayari yan Pio." She laughed. "Hanap ka ng jowa para hindi ako o si boss ang napagtitripan mong lagyan ng malisya."

"Sabi nga nila, walang usok kung walang apoy." Nagkibit balikat na ito at bumalik sa pagpipindot ng kung ano sa cellphone nito.

Napatingin siya kay Alpha na kausap na ang dalagamg sinet na maka-date nito. Safe na. Hindi na ito tatakas kaya naman mabilis niyang tinext ang nanay nito to which she replied 'good'. Kung tutuusin ay dapat tapos na ang pagbabantay niya sa binata pero palagi itong nagpapahintay na akala mo ay mawawala pa kapag iniwan.

Hindi niya napansin na natapos na ang date ng lalaki kasi nakatulog na siya dahil sa inip. Natapos na niya yung pinapa-type nito kaya umidlip na lang muna siya. Nagising lang siya nang magbukas bigla ang pintuan kung saan siya nakasandal. Mahuhulog na sana siya sa labas nang masalo ni Alpha ang ulo't balikat niya.

"Anak naman ng kalabaw!" Napahiyaw siya sa gulat. "Boss naman eh!"

"Hindi ko naman alam na tulog ka." He laughed before helping her sit properly again. "Date's over."

Umusog siya at naupo na sa tabi niya si Alpha. "Kamusta naman ang date, boss?"

"You keep on reporting me, iniisip ko na assistant ka ng nanay ko at hindi sa akin." Bago sinuot ang seatbelt nito at tiningnan kung suot na niya ang kanya. "Kumain na muna tayo. Pio, dun sa may pares."

"Kakain ka ng pares ng naka-ganyan, boss?" He was wearing a suit and tie attire, palibhasa't galing sa isang high class restaurant kaya iyon ang get up nito.

Ang tinutukoy nitong kainan ay yung kilalang lugar sa may Maynila na nasa tabi lang ng kalsada. Gustong-gusto nito ang mga pagkain dun. Minsan siyang isinama nito at nasarapan din siya. He doesn't fit in pero he enjoys the place a lot.

"Mukhang masaya ka naman." Puna niya dito habang naghihintay sila ng pagkain, si Pio na kasi ang naghintay para sa pagkain nila at sila naman ni Alpha ang humanap ng mauupuan nila. "Yan oh, nakangiti ka."

"You're being weird Marci." He pointed out.

"Iniisip ko kasi kung makikilala mo yung 'the one' diyan sa mga dates mo." Marci said. "I think, yun din ang gusto ni madam para sayo."

"Ikaw ba Marci, hinahanap mo siya?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi. Wala siya sa plano ko." She smiled pero napaisip din siya. Paano niya ba makikilala ang taong yun kung ang dami pa niyang kailangang gawin na ibang bagay. "Hahanapin ko muna si Ciano."

"Then I'm not looking as well." Alpha said.

Sakto naman na dumating si Pio kaya sa pagkain na lang sila nagtuon ng pansin. They were there to eat hindi naman pag-usapan ang kung paano nila makikilala ang mga taong para sa kanila.

Nang paalis na sila ay may nahagip ang paningin niyang isang lalaki na patawid ng kalsada. Hindi napigilan ni Marci na mapakapit kay Alpha at magtago sa gilid nito. She can't be mistaken, isa iyon sa mga lalaking nagtangka na kuhain siya noon sa palengke.

"What's happening Marci?" Hinawakan din siya nito at nagmasid sa paligid pero hindi ito tumigil maglakad. Kahit si Pio ay mas naging mapagmatyag sa paligid. "Sumakay ka na agad."

Nang makasakay ay nilingon pa niya uli ang pwesto kung nasaan ang lalaki. He was still there. Papunta din sa restaurant na pinanggalingan nila.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Alpha nang makasakay na ito. "Marci, namumutla ka."

"Yung lalaking yun. Isa siya dun sa mga muntik na kumuha sa akin noon." She pointed the man whose back was turned to them now. "Tauhan siya ni Don Roman."

"Okay," he looked at the man and then reassured Marci. "Wala siyang magagawa siya katulad nung dati. You're with me."

Tumango siya at pinagsalikop ang kamay. Hindi maitago ni Marci kahit na kakaunti man lang ang takot. Akala niya ay natakasan na niya iyon nang umalis siya sa Legazpi. Hindi pa pala.

Nang mga sumunod na araw ay hindi muna siya pinalabas ni Alpha. She should remain home hanggang hindi pa daw nito nalalaman kung sino ang taong yun at kung may dapat bang ikabahala sa presensya nito.

Sa totoo lang ay gusto niyang pumasok na lang sa trabaho kaysa andito siya at walang iniisip kundi iyon. Ngayon kasi ay wala siyang ibang ginagawa kundi ang tumunganga kasi ubos na niya ang mga gawaing bahay. Dalawang beses na ata niya nalinis ang condi ni Alpha ngayong araw. Late kasi uuwi ang lalaki dahil may date ito kasama nung sinet up uli ng nanay nito dito.

"Kamusta yung date mo boss?" She asked when he returned. Nasa kusina siya kasi hindi niya maiwan ang nakasalang na ulam, magdadagdag pa kasi siya ng gulay.

"It's fine." He was hovering behind her. Hindi naman kasi tinataon ng lalaki ang dates niya sa lunch or dinner kaya nagluluto pa din siya. Natatanggal din sa isip niya pansamantala ang mga bagay-bagay kapag may ginagawa siya. "Magkikita uli kami next week."

"Ha? Ah!" She accidentally cuts her hand instead of the carrot. Nagulat kasi siya sa sinabi nito. Wala pa itong babaeng sinabihan para sa second date. Did he meet the perfect girl?

"Marci, ano ba yan? Be careful." Mabilis itong lumapit sa kanya at kinuha ang kamay niya para itapat sa gripo. Bright red blood is glowing from her wound. Medyo napalalim ang sugat dahil sa madiin ang pagkakahawak niya sa kutsilyo. "Lumilipad nanaman ang utak mo. Let me see."

"Ha? Hindi na okay lang ako. Hindi masyadong malalim yan." Sinusubukan niyang agawin ang kamay niya. It's a part of her na insecure siya. Magaspang kasi yun at may mga peklat galing sa panahon na nagtatrabaho pa siya sa probinsya.

"Why do you have scars?" Iniisa-isa nitong tingnan ang mga iyon as if inaalam kung saan galing.

"Ah, wala yan." She tried to laugh it off. Hinila din niya ang kamay mula dito. "Nahihiwa ako minsan nung mga gamit sa taniman. Ako na ang bahala dito."

"Let me see, baka mas malalim than you anticipated." Imbes na tissue ay ang laylayan ng damit nito ang pinampunas sa sugat niya.

"Madudumihan yung damit mo boss." Pero hindi ito nakikinig sa kanya. "Bo—Alpha. Boss."

"Halika muna." Iginiya siya nito papuntang sala at pinaupo doon bago may hinanap sa isa sa mga cabinets sa hallway.

"Nasa kabilang cabinet." Turo niya dito. He should be looking for a first aid kit and that was where it was.

"Found it." He beamed. "Pati first aid hindi ko alam kung nasaan."

"At least alam mong meron." She laughed. "Kaya kong ituro lahat ng bagay kung nasaan."

"You better, ikaw nagtago eh." Alpha laughed as he opened the box and looked for the ointment to put on her wound. "Maliligaw ako sa sarili kong bahay talaga. I don't even know where the broom is."

At totoo naman nga ito kasi minsan ay nakisuyo siya na kuhain nito iyon pero wala itong naibigay sa kanya. He barely knew where the pots and pans were. He's a stranger to his own home.

"Wala pa bang sinasabi sayo si madam?" Tanong niya sa lalaki. Mukhang sa kanya pa lang nito naoopen up ang tungkol sa lugar kung saan siya pinapalipat ng ginang.

"About what?"

"Ah. Dun sa bagong unit daw." She started explaining. "May unit daw siya na malapit sa office at sabi niya doon daw ako muna hanggang sa hindi niya ako makuhaan ng—aray, boss masakit."

"Sorry," Nadiinan nito ang sugat niya kaya medyo dumugo nanaman. "Sorry. Dumugo tuloy uli."

"Mababaw lang yan. Huwag mo na masyadong intindihin boss. Nalagyan mo na ng gamot. Okay na yan." Hinila niya ang kamay niya at baka mas madagdagan pa ng sugat iyon. Hiningi na lang niya ang band aid na binigay naman nito agad.

"Kinausap ka na niya about it? Anong sabi mo?"

"Kung anong desisyon niya, yun ang susundin ko. Iniisip niya siguro na kapag nagka-girlfriend ka, awkward nga naman na may babae kang kasama sa bahay." She tinkered with her finger. Wala naman siyang say sa bagay na iyon, mere tolerance lang naman kaya siya nandito sa condo ni Alpha.

"Okay na ba yang sugat mo? May band aid na?" He asked before checking then standing up. "Dun muna ako sa kwarto. May mga kailangan pa akong ayusin."

"Ah, sige boss." She looked at him. "Thank you."

Tahimik lang sila ni Alpha noon. They ate dinner at doon na uli ito sa kwarto. He seemed busy kasi hindi na uli ito lumabas unlike before na nagkukwentuhan pa sila o nanunuod ito ng TV bago matulog.

Ilang araw pa uli bago siya hinayaan ni Alpha na sumama para pumasok. Wala pa itong sinabi tungkol sa lalaki at hindi naman na siya nag-abala na magtanong. Mag-iingat na lang siya palagi para hindi na ito makasalubong kahit na saan.

"We're eating lunch out." Sumilip sa opisina niya si Alpha. "Aalis tayo in twenty minutes."

"Ha? Wait lang. May mga tinatapos pa ako para dun sa anniversary party. May tatawagan pa akong mga opisina." Napakamot siya sa ulo. Mukha kasing hindi na mababago ang isip ng lalaki. "Kaya na lang siguro ni Pio, boss?"

"Pio is not coming, may inaasikaso siya. Jun is busy as well." Sabi nito sa kanya.

"Okay, sige. Susubukan kong tawagan sila lahat agad." Then she started dialing phone numbers right away. Umalis na din naman agad si Alpha kaya mas nakapag-focus siya sa ginagawa. She barely manahed to finish nang bumalik nanaman si Alpha. Mabuti na lang at sinagot agad ang tawag niya at mabilis niya lang na-confirm ang mga kailangan niya.

Malayo sa opisina ang pinuntahan nila para sa lunch, mukhang nag-crave ito kaya dito sila napunta. Kung saan-saan naman kasi talaga nito gusto kumain kaya din siguro pihikan ang panlasa. Pagkatapos nilang kumain ay may pinuntahan pa sila uli. Mukhang isa itong boutique base sa mga nakadisplay na gowns sa harap ng building.

"Dito tayo pupunta?" She asked.

"Oo, this is the store of my last date." He said casually. "Do you remember? Sabi ko magkikita uli kami."

"Bakit kasama ako?" Nagtatakang tanong niya kay Alpha. "Ayaw ko. Dito lang ako sa labas. Promise sasabihin ko kay madam na success uli ang second date niyo. Dito na lang ako sa labas o di kaya, babalik na ako sa office."

"Second date?" He asked. Parang nagtataka ito na ewan. Hindi ba't second date ito?

"Nagkita na ba uli kayo boss? Third date na? Wow." Hindi siya makapaniwala na nalusutan siya nito. Kailangan kaya ito nakipagkita dito? Ibig sabihin ba he likes her that much? "Ah. Girlfriend mo na?"

"Sino? Si Mona? No. Sinabi ko na sayo na hindi ako naghahanap ng girlfriend." Umiling ito at muling nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa boutique. "We're here to get you a dress."

"Dress? Ako?" Siya naman ang napaisip. "Para naman saan?"

"Mona's a fashion designer. We didn't click pero we did talk. Sabi niya I can go to her if ever I needed her help." Akmang bubuksan na nito ang pintuan ng boutique. "And you need a dress for the anniversary party hindi ba? Dito ka na magpagawa o bumili."

"Wait lang boss ah, naguguluhan ako." She paused to think. "Hindi mo siya gusto. Hindi ka niya gusto. Hindi kayo nag-click. Andito tayo para ipagpagawa ako ng dress? Huh? Mas lumabo ata."

"But that sums it up." Tumango-tango pa ito.

"Assistant mo ako boss, di panauhing pandangal. Bakit ko kailangan magpagawa ng damit?" Delta gave her a black dress before na parang bagay naman na sa okasyon. She'll just be in the sidelines kaya hindi naman kailangan na ayos na ayos siya. 

"Hindi ko pa ba nasasabi?" He looked at her again before smiling. "Sorry."

"Bakit nga ako kailangan magpagawa ng damit na susuotin?" Marci asked again. Hindi niya na kasi talaga alam ang tumatakbo sa utak ng boss niya.

"Because you will be my date." Then he opens the doors and motions for her to go in.

Ano daw?
________________
Hello, hope ya'll are doing well!

🙋🏻‍♀️:psychedelic26

Continuă lectura

O să-ți placă și

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...