Almost Cruel

By love_dine

2.2K 564 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 5

55 17 1
By love_dine

Chapter 5

May ngiti sa labi kong ibinalik ang cellphone sa maliit na bag.

Naglapag sila ng mga inumin sa mesa. Madilim ang parte ng pwesto namin. But that doesn't mean na wala nang makakakita sa lantaran nilang inumin.

"Umiinom ka ba, Jude?" I nodded my head.

Kung tatanungin naman ako at alam kong may halo, bakit hindi?

Mapagkakatiwalaan naman siña dahil kahit noong sa room ay maloko lang sila pero alam mong hindi gagawa ng kung ano.

"Inom tayo!" Humagikgik si Albie. Halatang may tama na.

Katabi ko silang dalawa ni Kaye. Sa harap ay sina Webster, Sam, at Lyle. Na pare-parehong malawak ang ngiti.

"Galing talaga ni Albs, kita mong napaupo si Jude dito!" Si Sam.

Mayabang na ngumisi si Albie at parang totoong lalaki na pinatong ang braso sa likod ng bangko ko.

Maya maya ay nandidiri niya itong tinanggal. Nagtawanan ang lahat at ako naman ay napangiti.

"Si Lyle nalang daw diyan, oh!" Si Sam. Hinuha ko ay si Sam ang pinakamaloko sakanila. Siya rin kasi ang kanina pa nanunukso.

Pabirong tumayo si Lyle kaya hinatak ako ni Albie at possessive na hinarangan.

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil doon. Ganoon rin ang mga lalaki at si Kaye. Si Lyle ay napapangisi pa at bumalik sa upuan.

"Bakla ako, pero ako ang unang nakakuha kay Jude! Akin lang siya!" Malandin niyang pahayagn.

"Hoy! Anong nakuha! Mamaya iba isipin ng tao diyan!"

"Kadiri ka naman, Kaye!"

Pinanood ko kung paanong hinalo ang alak sa juice. May soft drinks din na chaser kung ayaw ng halo. Iyon nalang ang pinili ko.

"Daming nakatingin sa pwesto natin!" Pinalibot ko ang tingin at totoo nga ang sinasabi nila.

"Tamang silay lang kay Jude!"

"Sisikat ako lalo niyan!" Si Albie.

Napailing nalang ako.

Sobrang kulit ni Albie. Lalo nang nalasing at panay ang hatak saaming dalawa ni Kaye.

Panay ang salin ko ng inumin, hindi ko akalain na malakas pala ang tama kaya nakaramdam na ako ng hilo.

"Tubig?" Si Lyle. Nang naging abala ang lahat. I smiled and nodded. Inabutan niya ako ng tubig at iyon na ang ininom ko.

Lumipat ako sa mas kaonti ang tama. Nakakamiss tuloy si Peanut. Siya kasi ang nakakasama ko dito.

Hilo na ako kaya napapasandal nalang ako sa upuan.

I took a picture of the drink and send it to the first on my inbox. Si Peanut.

To: Kai

Msis na ktia, Paenut!

May picture iyon ng alak na nasa kamay ko.

Pumangalumbaba ako sa mesa at inaantay kung mag-rereply siya.

From: Kai

Umiinom ka? Send me a picture of you, please. I haven't seen you in your costume.

English na si Peanut? Ayos, ah. Mukhang may english friends na siya.

To: Kai

Yup!

I took a photo of me habang nakapangalumbaba. Tinignan ko pa iyon at napangiti. Pula na ang pisngi ko. Ang labi ay mamasa masa at mas naging mapula rin.

My devil horns head band is still intact. Consistent, at mailaw pa rin. Mas nagliliwanag nga dahil sa dilim.

Napakunot ang noo ko at napaayos ng upo nang nakitang tumatawag si Kai. Lumabas ang picture ng tilapia kong isda kaya nalaman kong siya agad iyon.

Hindi ko pa nasasagot nang bigla itong namatay.

Napindot ulit?

"Uwi na kayo?" Bumalik sina Albie, Sam, at Kaye. Sabay sabay silang nagbanyo kanina kaya naiwan ako kasama sina Webster at Layle na kausap ang sa kabilang mesa.

"Oo, sunduin na kami ng driver ni Albie." Si Kaye.

From: Kai

Are you done already?

To: Kai

Uiw na ata kmai

"Halika na, Jude! Sabay kana saamin!" I nodded.

"May sundo ako. Sabay nalang ako palabas." Sinukbit ni Albie ang braso niya sa braso ko. Habang sa kabila ay kay Kaye naman.

"Uwi na kami, boys! Maiwan na kayo! Bye!"

Sumandal ako sa braso ni Albie habang naglalakad na kami palabas. Wala siyang tigil sa kakadaldal. Kinukwento niya nga rin na magkasama sila ni Kaye sa iisang condo at na dapat ay doon din daw ako.

Mayaman sina Albie at Kaye. Ngayon ay may magsusundo sakanila. Isasabay na nga raw nila ako.

"May sundo rin ako." Pero syempre ay hindi ko personal na driver.

Dala ng kalasingan, napahagikgik ako nang maisip na ganoon si Kai.

"Gosh, kung makadikit nga kanina habang nagsasayaw ako! Gaga, mas babae ako sa'yo!" Himutok niya kanina habang nag sasayaw daw siya.

"Kadiri talaga!" Para pa siyang kinilabutan kaya pareho kaming napahagikgik ni Kaye.

Naghihimutok pa siya nang muling tumawag si Kai.

"Hi!" Magiliw kong sagot.

"Hmm?"

"Palabas na kami! Hantayin nalang kita!"

Muli akong napahagikgik sa kwento ni Albie. Patingin tingin ako sakaniya habang nagiging panlalaki na ang boses niya. May dumaan kasing teacher.

"Stop it, Albie!" Si Kaye. Na nandidiri sa pagpapanggap niya.

"Halikan kita riyan, eh!" Sa tonong panlalaki.

Natawa ako lalo na nang higpitan niya ang kapit saamin ni Kaye.

"Who's that?"

"Hmm? Sina Albie. Ah, wait, nasa labas na kami, baba ko muna, bye!"

"Iyan na ang driver!" Tumango ko at kumaway.

"We'll go now!" Malanding hinapit niya ako sa baywang at bumeso saakin.

"Bye, girl! See you!" Bumeso rin si Kaye bago kumaway.

I pouted. Medyo nawala ang lasing pero nag-iinit pa rin ang pisngi ko.

Pinalibot ko ang tingin at nang may bumusina na puting raptor ay lumapit ako roon.

I smiled widely and ran a little towards the white raptor.

The window rolled down from the passenger's seat. Unti unti lang nawala ang ngiti ko nang mapagtantong hindi naman ako ngumingiti talaga kapag nandiyan si Kai, o kahit kanino. Dala siguro ng alak, at siguro ay dahil kina Albie.

He raised his brow. Nakasandal ng siko sa binta at ang isa ay nasa manibela.

Ipinatong ko ang dalawang siko sa ibabaw ng bukas na bintana, bago inihilig doon ang ulo, napapapikit.

"You're drunk?" I shook my head.

"Not drunk to go for a cup of coffee?" He asked. I nodded.

"Pasok kana," Umatras ako at lumipat sa likod. I opened the door at sumilip muna sakaniya bago pumasok.

"You'll sit at the back?" He asked.

"Saan ba?" Namumungay ang mga matang tanong ko. Kailangan ko na talagang mahimasmasan.

"Am I your personal driver?"

"Ay, hindi ba?" I chuckled. Bago sinara ang pinto at muntik pang matisod habang papunta sa harap.

He opened the door from the inside kaya hinawakan ko nalang at umakyat papasok.

"Ano ba 'yan," Bulong ko.

He sighed.

Nag-angat ako ng tingin nang marinig iyon. Napanguso at bahagyang pinilig ang ulo para silipin siya.

"Bakit..." He shook his head.

"Matagal kabang nag-antay? Sana ay tinext mo ako para nakisabay nalang ako sa kasama ko." He checked on my seatbelt. Inayos niya pa ng kaonti bago pinaandar ang sasakyan.

"Kanino ka sasabay kay Albie?" I chuckled at little. Naaaliw talaga kay Albie. Pareho kasi sila nina Raquel at Peanut.

"Tss... You even chuckled by just hearing his name." Irap niya.

I licked my lips and bit it.

"Ang suplado mo naman..."

Umirap lang siya at umismid bago inilagay ang coat niya at ang bottled water sa hita ko.

Sumiksik lang ako sa gilid at ipinikit ang mga mata. Napaidlip.

"Hmm." Napamulat lang ako ng mata nang naramdaman kong hindi na umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung kailan huminto, pero nang ipalibot ang tingin ay nasa parking na kami ng isang coffee shop.

Napalibot ang tingin ko at wala siya sa loob. Nakabukas lang ang aircon at ang mga pinto.

I removed my seatbelt. Akmang lalabas palang ako nang magbukas ang pinto sa side ko.

"I left to buy our coffee." I nodded.

Inayos ko ang dress ko bago inilapag ang coat doon.

"Here," Abot niya sa hot coffee.

"Salamat."

Mas nahimasmasan na ako. Pero mas gaganda ang pakiramdam ko sa kapeng ito.

Mayroon din siyang sariling kaniya. Nakabukas ang pinto at nakasandal siya doon na hawak ang sariling kape. 

"Feel better?" I took a sip on my coffee before I nodded my head. "Yup, thank you."

He titled his head and watched me. Bahagya akong tumagilid paharap sakaniya.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa  suot niyang hikaw. Sobrang bagay talaga sakaniya. Mapapasecond look ka dahil sa suot kinang nito, bukod pa sa itsura niya. Madalas siyang supladong tignan, pero saaming dalawa, mas para ako ang suplada dahil hindi naman masyadong nagsasalita.

He moved to sip on his coffee. Napasunod ang tingin ko sa ginawa niya. At mas napatitig sa hikaw. Parang gusto kong tignan nang malapitan at mahawakan. Paniguradong mahal iyon.

He raised his brow.

"What is it?" He asked.

Nang umayos ako nang upo ay dumulas ang suot kong head band. Napahawak ako doon para saluhin. Tinanggal bago ibinaba sa hita.

Sinundan niya ng tingin ang head band ko. Dinamot niya iyon kaya naagaw nanaman ng atensyon ko ang suot niyang hikaw.

Mukhang napansin niya iyon kaya umangat nanaman ang kilay niya.

"You like it?" Hawak niya sa hikaw. I shook my head at umiwas ng tingin. Ang gwapo niya talaga doon.

"Hindi? Hindi ba bagay saakin?"

Bahagya siyang lumapit at muli isinuot ang head band.

"This one looks so good to you. Wear it while we're still here." Napahawak ako sa head band nang maisuot niya ito saakin.

"Okay..." Bulong ko.

Itinago ko ang pagnguso sa pamamagitan nang pagsimsim ng kape. Mariin siyang nakatingin saakin at nananantsa ang tingin.

Muling nalipat ang baling ko sa hikaw niya nang tinanggal niya iyon. Medyo nagpanic ako at siguro'y nahalata sa mga mata ko iyon. Mga mata ko lang naman ang hindi magsisinungaling sa tunay kong nararamdaman, eh.

"Uhm, bakit mo tinanggal?" Hindi ko mapigilang tanong.

"I thought you don't like it? Ayaw mo ba sa mga lalaking nagsusuot ng ganito?" Napalabi ako. Kung totoong ayaw ko nga, ano naman sakaniya? Bakit niya tatanggalin? At bakit niya tinatanong kung ayaw ko sa mga lalaking nagsusuot ng ganoon? Kung ayaw ko ba ay aalisin niya? Kahit na nakahiligan niyang magsuot ng ganoon?

"H-Hindi naman sa ayaw... uhm, bagay naman sa'yo." He nodded.

"But you don't like men wearing this?" Kung iba? Siguro ay oo. Pero kung siya ay ayos lang naman. Bagay naman kasi.

Pero hindi ko iyon sasabihin sakaniya. Baka dala lang ng pagkahilo ko ito. At bigla bigla ko nalang siyang pinupuri sa isip ko.

"Ayos lang naman..." Mahina kong sagot.

"Hmm..." He titled his head.

"Pwede ko bang makita ang hikaw?"

"Sure," He cooly said. Bago inilahad ang hikaw saakin.

It's a thin round silver earring. Totoo ngang mamahalin at mataas ang kalidad.

"You like earrings like that?" Tanong niya. Umiling ako bago iyon binalik sakaniya. Kinuha niya naman at mabilisang kinabit.

"Hindi ko gusto ang mga ganiyan para saakin. Mas bagay mo 'yan,"  Tango ko.

Umangat naman ng gilid ng labi niya sa isang ngisi.

"Does it mean, bagay ko ito?"

"Oo."

Wait. Sinabi ko bang bagay niya?  Pasimple akong nag-iwas ng tingin.

"I have some earrings aside from this."

"Ah... okay." Tipid kong sagot.

"What about you, what kind of earrings do you like?" Napahawak ako sa suot kong hikaw. Simple lang iyon at hindi bilog na tulad ng kaniya.

Para lang itong tuldok na may kaonting fake diamonds. Parang glitters kaya medyo kumikinang sa malayo. Pero hindi naman totoo at peke lang.

"May hikaw ako. Pero hindi ganito ang gusto ko." He nodded.

"Let me see," Akmang hahawakan niya iyon nang bahagya akong umilag.

"Huwag na... hindi naman ito tunay ng tulad saiyo."

Tumango siya at sinulyapan ang mata ko.

"It's okay. Just wanna see it." Tumango ako at nagpaubaya sa gusto niyang mangyari.

Hinawi ko ang buhok kong nakatabon para matignan niya ito. Umayos ako ng upo. Bahagya siyang yumuko bago ko pa naramdaman ang lapat ng daliri niya roon.

"It's small." Tumango ako at bahagyang sumulyap sakaniya.

"Oo. Hindi rin nangingitim tulad ng sa ibang mumuruhin."

"But, your ears are red. Maybe because it's fake?" Tumango tango ako.

"Oo. Medyo makati at mahapdi. Pero hinuhubad ko naman kapag matutulog na. Sinusuot ko lang lalo na tuwing may pasok. Para may hikaw ako." He nodded.

"Your skin is sensitive. Hindi dapat ganito ang mga sinusuot mo." Oo. Ang kapal nga na maging sensitive pero hindi naman akma sa estado ko sa buhay.

"But it looks good on you." I pouted. 

"You should buy me one since I'm still a student." Biro ko. This time ay alam kong hindi naka-poker face. The side of my lips lifted for a smirk.

"Sure. Kailan ba?" Umayos na siya ng tayo at sumimsim sa kapeng hawak.

"Dapat kasi ay hindi ganiyan ang mga isinusuot mo umpisa palang." Dugtong niya. 

"I'm fine with this. But if you insist, then you should have raise my allowance. " Kibit balikat ko. 

Pinilig niya ang kaniyang ulo. Hindi ko alam kung payag siya o hindi. Kaya bago pa makasagot at makarinig ng kung ano. Umayos na ako ng upo at inisang inom nalang ang kape na medyo lumamig na.

"Halika na."

"Hindi pa ba sapat ang allowance mo?" He moved closer when I was about to close the door. Pero napagtanto kong maiipit siya kaya hinayaan ko na.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bakit ba ang demanding ko?

"Is that why you are working for Jam? As a cleaner?" Napakunot ang noo ko. He made it sound like being a cleaner is that big deal to him.

"May problema ba sa paglilinis ng condo niya?"

"No. Pero--"

"You made it sound like a big deal, Kai." I said sarcastically.

"I'm working because there's a money she could give me after working as a cleaner. Pandagdag sa gastos--"

"Pandagdag sa gastos." Ulit niya.

"Kaya nga I'm asking you if the money is not enough?"

"Oo, hindi." Mariin kong sagot.

Napakunot ang noo niya.

"Why? Because of school? Madaming gastos sa school? Pero alam ko ang lahat ng gastos sa school mo, even for the events. They are always notifying me about it. And if it is for yourself. I don't think I saw you buy things for yourself."

I am offended.

Nawalan ako ng gana sa mga sinasabi niya. Is he questioning kung bakit kulang ang pera? Of course I give money for my family! I have to pay for my own school works! Hindi ako nagrereklamo pagdating doon. Kahit na mag-asawa kami. Kasi alam kong iba ang tingin niya sa relasyon na meron kami bilang mag-asawa.

"Look at you. I don't think that dress is new. You can't even buy things for your own."

Nanliit ako sa mga naririnig sakaniya. Nanginig ang labi at mabilis na nagbukol ang lalamunan sa pagpipigil na may masabing kung ano.

Pinagmasdan niya ako.

"Is that the dress you wore in our wedding? 'Yung tinawad mo pa sa lalaki?" Umiwas ako ng tingin.

"I'm not saying this because I'm questioning where you were bringing your allowance."

But it seems like it. Diba, Kai?

"Kung may iba ka pang pinagkakagastusan, o ano. I don't know. Kumpleto na ang sa bahay.  Sa school. I'm giving you the payment for the water, electricity, and internet. But I heard you cut the electricity. For what? Nagtitipid ka? Tinitipid mo ang sarili mo? O kung may pinagkakagastusan ka? Saan naman? Wala akong nakikita. O kung may pinagkakagastusan ka sa ibang tao?"

"I'm giving most of my allowance to my family!" Hindi ko na kinayanan pa. I gathered my strength to say it. Nang hindi napipiyok, o ano!

Napakunot ang noo niya. Halatang hindi naniniwala.

"Why would you give it to your family?"

"Why are you questioning it? Talaga bang ganito ang sasabihin mo saakin pagdating sa pera?" Dismayado kong tanong.

Tangina lang. Grabe naman siya. First time na nangyari saakin 'to. At hindi ako makapaniwalang sakaniya pa talaga.

Napaawang ang labi niya at para bang hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin pero iyon na ang nangyari dahil sa sinabi ko.

"It's fucking disappointing." Bulong ko at umiwas ng tingin. Tuluyan na talagang nawalan ng gana.

"I'm not demanding that desperately. Pero kung makapagsalita ka naman, Kai. Parang isinusumbat mo na." Iling ko. Hindi mawala wala ang kirot sa dibdib ko.

I saw the panic in his eyes.

"Alam mo, tama ka. This dress is not new. Wala naman akong pakialam kung may mga bagong gamit ako o wala. Alam ko rin at hindi mo na kailangang ipamukha ang mga ginagastos mo saakin sa school. Alam kong utang na loob ito, pero huwag mo naman isumbat ng g-ganito saakin." Napaawang ang labi niya. Halata ang pagsisisi sa mga mata pero umiling lang ako. He may not take it that way, pero iba ang naging dating saakin.

Utang na loob talaga itong mga ginagawa niya saakin. Pero parang nagsisisi na ako na ganito ang ginawa ko. I'm too young, desperate, and ambitious at the wrong time.

"I'm sorry if you think I demand that way." Umiwas ako. Nanghina at parang biglang nawala ang saya saakin.

"Hey..." I shook my head. Hindi niya alam kung hahawakan ako o ano. Tumagilid ako at pasimpleng pinunasan ang luha.

"I didn't mean it that way."

"Alam ko." Malamig kong saad. Tumango nalang para matapos na.

"Tapos kana ba?" Nagbaba ang tingin ko sa kape niya. Nagtagal ang titig niya at naroon pa rin ang guilt at pagsisisi.

"Kung tapos kana. Pwede mo na ba akong iuwi? O kahit bumaba nalang ako at may maaarkila pa namang tricycle diyan." Tumulo ang luha ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang mararamdaman ko. Hindi inaasahan na at some point, magkakaproblema ng ganito ng dahil sa pera.

"Ihahatid kita." I nodded.

"Salamat."

Humalukipkip ako, ipinikit ang mga mata at inaatay nalang na matapos siya.

Nanaig na ang katahimikan at sa ngayon... gustong gusto ko nalang talagang umuwi.

I heard him sighed.

"Seatbelt--" Mabilis kong ginawa iyon. Bago muling bumalik sa kaninang pwesto.

He closed the door behind me. Bago pumasok sa driver's seat at hindi rin nagtagal ay umandar na.

Mabilis akong nagmulat ng mga mata nang maramdaman na huminto na ang sasakyan.

I quickly removed the seat belt and opened the door when I heard him unlocked it.

Humarap ako sakaniya. Hindi pwedeng taasan ang pride lalo na't umaasa lang naman ako sakaniya. Pero hayaan mo, bukas na bukas, gagawa ako ng paraan para hindi na magkaproblema sa pera. At hindi na umasa sakaniya pagdating sa ganitong bagay.

Hayaan mo, Kai. Nakalista naman lahat ng mga ginastos mo saakin. Kapag nagkatrabaho na ako, sa'yo ko ibibigay ng una kong sahod. Hindi naman pwedeng hiwalay na kami, may sarili na ako pamilya, at ganitong may utang na loob ako sakaniya na anytime, pwede niyang isumbat saakin.

I gathered all the courage I have in me to face him. Katulad kanina, naninimbang pa rin ang tingin niya. Pero iniwas ko nalang ang tingin para hindi ko na makita ang iba pang emosyon na galing sakaniya.

Maliit na nakabukas na ang pinto sa kanan ko, nakatanggal na ang seat belt, bago ko siya tuluyang hinarap.

"Pasensya na nga pala sa mga sinabi ko kanina. Huwag kang mag-alala, hindi na mauulit." Malamig kong saad. Bago bumaba at diretsong pumasok sa loob.

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 191 47
(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romantic girl, sa kanilang magpipinsan siya an...
29.8K 463 32
Lies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Eli...
128K 2K 38
Cayth Naval feels nothing but contentment with the life she have. With her intelligence, riches, and friends that she can always lean on, she can not...
2.5K 191 39
Destiny is never an easy thing to think about nor believe, that's what Krissy has in her mind since the beginning. She doesn't really believe in fair...