(A/N):Sorry for the late update,kasi tulad nyo wattpader den ako may binabasa den ,charot!
Happy Reading!
Lynn's POV
Naging tahimik kami ni Sir habang papuntang cafetería,hindi ako sanay kaya ako na ang bumasag sa katahimikan...
"Ahhm Sir pwede po bang magtanong?"
"Sure iha what is it?"
"Bakit po sa dinami-daming section sa University ay Section Ruby ang napili nyong maging advisory?Eh ang bastos nga nila sa inyo?"
"Hahaha kung hindi ako sino?Ayaw ng halos lahat ng teachers dito ayaw sa kanila kasi pasaway...At kung bastos man ay dahil yan sa nang-yari sa kanila..."
May nangyari sa kanila?!
"Ano po bang nangyari sa kanila?"tanong ko
"Nahh you should know it yourself..."Napanguso naman ako sa sagot nya...
Mukhang hindi lang misteryo ng pamilya ko ang aalamin ko ahh...
"Pero Sir hindi po ba kayo napapagod?"tanong ko na lang
"Napapagod den naman,alam mo na matanda na ako pa-retire na ako ehh pero hindi paden sila nakaka-graduate,hindi paden kasi sila nakakamove-on sa nangyari . Last year ko na lang dito sa university na to kung mawawala ako sino ang magtatanggol sa kanila?Sino ang mag-aalaga?Sino...."Mahabang lantaya ng matanda na nauwi sa hikbi...
"Tinuring ko silang anak kahit na ganun sila,Sa eskwelahang ito ako ang magulang nila,ako yung nagtuturo,nagtatanggol,nagmamahal,at nagpapakain..."
Nagpapakain?!
"Bakit po kayo ang nagpapakain?Wala po ba silang baong pera?"tanong ko out of curiosity
"Ano ang silbi ng baon nila kung pinagbabawal silang kumain sa cafeteria?"nangunot naman ang noo ko...
"Yes,you heard it right iha,bawal sila doon sa paniniwala nilang maghahasik lang ng gulo doon ang Section nila"paliwanag nya
"Bakit naghasik na ba sila ng lagim doon?"tanong ko at umiling naman sya...
"Hindi pa,masyado kasing advance ang utak ng mga tao rito kapag sasabihing Section Ruby meaning nyan para sa kanila 'Gulo' talaga"
"Grabe na man...Ang unfair naman ata nyan..."Opinyon ko
"Hindi naman talaga naging patas ang eskwelahang ito sa Section Ruby dahil sa nangyari noon kaya nga kung napapansin mo pati ang classroom na sanay malinis,maaliwalas ay pinag-kait sa kanila..."dagdag nya pa
"Ehh bakit po walang babae sa section nila kung hindi ako dumating?"
Nakaabot na kami sa kung saan nya hinabilin ang the lugaw kaya kinuha na namin ito at kinarga...
"Section Ruby is the most hated section,walang babae doon kasi alam nilang pagnapabilang sila they will be hated by the people too..."
"Ang duduwag naman nila!"
"Yes they are,but now that you're part of the section and you're the only girl...You should get your self ready Ling-Ling..."babala ni Sir
Aba si Sir nakiki-Ling-ling na den!
"Nahh,wag lang silang magkamaling awayin ako kundi makikita talaga nila kung paano magalit ang isang magandang Davaoeña!"proud na sabi ko at tumawa naman si Sir...
Kaasar ha!
"Ehh Sir bakit nga pala ako napabilang sa Section Ruby?"pag-change ko ng topic
"Remember the test you've taken?"tanong nya at tumango naman ako...
"You failed it kaya ka napunta doon..."Sabi nya with matching proud tone pa
Hindi ako nakapasa?!
"Hindi po ako nakapasa?!,bakit ilan po ba ang score ko?"I asked while pouting
"School conduct the test para ang may score na 20 below mapupunta sa Section Ruby..,And you break their expectations!"Proud nyang sabi...
"Pano po nangyari yun?Did I got 21,22,25?"excited kong tanong...
"No iha wala kang tama,You got none but Zero..."
Ay piste ra!
"That's why you immediately drag to the section"Napanguso na na naman ako sa sinabi nya...
Naging tahimik kami sandali at nabasag na naman yun nang magtanong na naman ako...
"Sir diba matagal na po kayo dito?So kilala nyo po yung major stockholder ng university na to?"tanong ko pa tungkol sa mga magulang ko....
"Yes,sina Mr. and Mrs. Espinoza,why?"kumirot naman ang puso ko sa sagot ni Sir...
Bakit kasi Espinoza?!
"Ano po yung pangalan po talaga nila?"tanong ko para i-se-search ko mamaya sa internet
"Mr. Ramon Espinoza at Mrs. Haven Espinoza,bakit mo naman natanong iha?"
"Kasi po k-kailangan ko po silang makausap...napaka-personal po kasi neto sa akin ehh, Kailan po sila dumadalaw sa school po?"
"Unexpected iha ehh,minsan nagsu-surprise visit minsan mag seset ng date para mapaghandaan ng school..."
"Pero kahit nandito na sila sa school ay malabo ay hindi imposible talaga na kausapin ka non...."dagdag nya pa
"Ehh bakit naman po?"
"Do you really think that the major stockholder will talk to a student from Section Ruby?Suntok sa buwan yun iha..."
"Ehh pano po para makausap sila?"
"Based in my observation,they likely to talk to Section Diamond"
Diamond?!Diba na banggit yan sakin ni kabuteng may piercing?!
"If Section Ruby is a section of the most hated students,well, Section Diamond is their opposite. They are group of almost perfect intelligent student throughout the University, they make the University won in every Contest ma pa beauty,Sports and especially debating contest,thats why school really provides more than they need like a clean and air-conditioned classroom,their own janitor and a space in cafeteria provided only for them"
Edi sana ol!
"At mukhang mahihirapan kang makapasok sa Section nayon kasi nga as I've said earlier 'only intelligent student'belongs to it"
Alam ko naman pong bobo ako,hindi na kailangan idiin pa!
Nag-isip ako ng solusyon para sa mga problema ko,at sa problema ni Sir....and ting!may naisip ako
"What if Sir mag tulungan tayo?"suggestion ko sa kanya...
"Ako ang bahala sa Section Ruby,patitinoin ko sila habang ikaw bahala sa grades ko"dagdag ko pa
"Are you telling me to change your grades into a high?!,sinasabi ko sayo Ling-Ling teacher ako hindi doctor...".
"Hindi naman po sa ganun sir....diba sa inyo na po nang galing na may galit ang co-teacher sa classmate ko po so hindi na po bago na sinasabutahi nila ang grades po..."
"Ayy oo nga no ?May utak ka rin pala iha,pero sya ako ang bahala sa grades mo I'll take care of them... Ako mismo ang magcu-cumpute ng grades mo dear..."
"Sige sir,deal?"
"Pero iha how will you get a high grades?Sinasabi ko sa iyo matatalino lang ang pwede doon!"
"Ako na pong bahala doon so,deal?"
"Sige deal"pang-sangayon nya
Hindi naman siguro mahirap paamohin ang mga tigre ng Section Ruby diba?