Fontabella 4: Taking The Risks

Oleh TheButterflyReturns

6.2K 319 173

Taking The Risks Aljon Kaizer is chasing the criminal until it vanished from his sight. Running after that ma... Lebih Banyak

Taking The Risks
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 14

282 13 1
Oleh TheButterflyReturns

Chapter 14

After laughing with the two, my eyes went to Aljon. He's on the far side of the room dancing with somebody else whom I don't know. He's back facing us with his broad back, wide shoulders, wearing a white ¾ long sleeves that's folded up to his elbows paired with pants and I don't know what his footwear is.

Kinuha ko ang can ng beer sa mesa saka tumungga ng isang beses. Three can of beers are not enough to make me feel drunk—I'm still sober as fuck! I know it was Aljon kahit nakatalikod pa siya. My senses never lies on me and wala namang kaso kung may kasama siya.

Ang kinaiirita ko rito, naiinis ako kapag nakikita ko siyang may kasamang iba kagaya na lang n'ong Cecilia na iyon. Something's between the two that's for sure but Aljon's feelings for me—I'm uncertain about this one.

Boys want love and attention from women. If a man loves a gay like me, he just wants attention. Maybe Aljon doesn't love me or like me, he just likes the idea of having me, right? Ugh, fuck. Ayaw na ayaw ko na nag-o-overthink nang ganito.

"You good?" I gazed at Ghon and nodded.

"Oo."

While eyeing everyone around the place, I noticed that Griffin's already flirting with the guy sitting pretty on the couch. Ang harot-harot ng gaga.

"He likes that so let him be." Napalingon ako kay Ghon na nakatingin din pala sa gawi ng kapatid. He shrugged afterwards. "Kuya doesn't want to be misunderstood by anyone surrounding him. Gusto niya lang na maunawan siya ng tao na gano'ng bagay ang gusto niya, kung hindi naman kayang unawain, kahit respeto na lang."

Tumango ako at sumulyap nang sandali kila Griffin na patuloy pa rin sa ginagawa. Para nga siyang bata na nakikipaglampungan sa lalaking iyon sa mahabang upuan. He seems so free, unlike when he's around with his parents and people who know him—the outside part of him. Mostly, huhusgahan at kahuhumalingan ka ng tao sa panlabas mo.

Hindi naman na bale ang gano'ng bagay sa akin, ang importante rito ay magawa mo kung ano nagpapasaya sa iyo nang malaya. Sa lagay na ito ni Griffin, akala ng mga tao ay mabait siya na akala mo santo na isasama ka sa simbahan tuwing linggo. Hindi. Kahit na maamo ang mukha niyang hinayupak na iyan, may kabulastugang itinatago iyan.

Iisipin kasi ng tao na kung ano ang panlabas mong anyo ay gano'n ka. Kung dinaanan nga ng delubyo ang mukha mo, sasabihin nilang masama kang tao at kabaligtaran naman sa isa. Nasa sa kanila naman na iyon kung ano ang iisipin nila sa iyo. You can be unbothered about it, don't give them a damn shit.

Griffin is a bisexual. Their parents know at pinapakita naman niya but he never confirmed what his sexuality is. Around his parents, may prinoprotektahan siyang image na kailangang hindi masira at sa mga taong nakikita siya sa pang-araw-araw na buhay. But when he's around with these guys that doesn't even know a thing about him, mas lalo niyang nailalabas ang sarili niya kasi alam niyang hindi siya huhusgahan ng mga ito. Or they just don't really care.

In Ghon and my case, hindi lang namin kilala si Griffin, nauunawaan din namin siya. There's a huge difference between kilala, inuunawa at nauunawaan. Kilala mo ang isang tao kung hanggang saan ka lang niya hahayaang makilala mo siya, ang inuunawa naman ay kahit hindi kayo magkakilala ay inuunawa mo o naiintindihan mo siya at ang nauunawaan naman ay malapit ka sa kaniya at kilala mo siya ng buo.

If you don't get it, ewan ko na lang.

"Ikaw? Single ka pa rin?" tanong ko at nagbalik na ng tingin kay Ghon para sa privacy ng kapatid. Tumawa siya habang umiiling. "Why naman natatawa?"

Dumakot ako ng boy bawang sa lamesa para mangata. For now, enjoy ko muna ang sarili ko at kailangang maging stress free. Relax relax lang muna bago bumalik sa haggard days. Narinig ko ang pagngitngit ng kinauupuan ni Ghon kaya nilaanan ko siya ng tingin. He stretched out his arms and neck.

"Wala. Naghihintay," he answered.

I pouted and started chewing the cornick I was eating. "Okay. But for you, si Griffin ayos lang na gano'n?"

His brows creased. "Alter or like that being wild like bullshit?" Natawa ako sa kaniya at sabay pa naming sinulyapan ang kapatid bago kami nagbalik ng tingin sa isa't-isa.

"Both. Oo kasi, you know, he's posting his nude pics, videos, collabs if ever man eh hindi ko pa fully nakikita account niya eh." Napahawak si Ghon sa kaniyang baba saka hinimas ito, waring nag-iisip ng isasagot.

"I know it's fine but paano na lang kung umabot sa parents n'yo?" dagdag ko pa.

"Our parents are both supportive when it comes to whatever we like, but ewan ko ba saan-saang daan napadpad si kuya. Kung malalaman naman nila Mom, matatanggap nila but it'll take time. Ito naman kasing si Kuya sa dinami-rami ng tatahakin Boldstar ampota." Bumunghalit ako ng tawa sa huling sinabi niya.

"Grabe ka naman sa Boldstar, pero true parang gano'n na nga rin iyon for me."

Natahimik na naman kaming dalawa matapos kong magsalita. My head's still drumming because of the hard metallic song from the stereo. Some of it are Felix's songs that made me somehow enjoy being alone with Ghon.

Nang umapak ang alas dose ay nagpaalam na si Griffin kasama ang lalaking ka-hook-up niya ngayong gabi kaya ito naiwan ako kay Ghon na kasama siya. Delikado na sa daan kapag gabi lalo na't mag-isa at lalamya-lamya ako.

"Ayos lang sa 'yo na ihahatid kita?" tanong ng nakatingin na si Ghon sa gawi ko. Mabilis akong tumango para makuha niya ang aking sagot. "How about that man waiting for you?" aniya sabay nguso sa kanan ko—ang bintana.

Kunot-noo ko itong binalingan at nakita si Aljon na may hinihintay. 'Di ako feelingera pero ako ata iyon dahil wala naman si Cecil or baka si Cecil talaga?

I turned back to Ghon. "Tara na, hindi naman ako hinihintay niyan."

Pagkatango niya'y pinaandar niya ang makina saka umalis ng paradahan. Nang makalabas sa building ay binuksan ko ang bintana sa aking tabi para pumasok ang malamig ng hangin. The night's cold, serene and peaceful. Mawala na ang lahat 'wag lang ang gabi. Payapa na ang kalsada dahil iilan na lang ang bumabaybay na sasakyan.

Kaya kong manatili sa ganitong gawi nang matagal o kung papipiliin ay habang buhay. Iniisip ko kasing ako lang ang tao sa mundo kapag tahimik na ang lahat.

"Lamig 'no?" I slowly turned to Ghon driving using his one hand. Nakabukas din pala ang bintana sa kaniyang tabi kaya mistulang inaalon ang malago niyang buhok.

"Nakatulala ka ata sa bintana kanina pa?" puna niya kaya bumaling ako sa ibang direksiyon.

"Oo. Minsan gusto ko ring mapag-isa kahit sandali." Nagbitaw ako ng hilaw na ngisi kahit mukhang hindi niya napansin at kalauna'y bumuntung-hininga rin. Nang magsawa kakatingin sa harap ng daan ay itiningala ko ang aking mata sa langit. Naroon ang mga konstelasyon ng mga bituing hindi ko naman kabisa.

"You asked me earlier if I was in a relationship and I answered I was waiting, right?" Slowly, I turned my wide-eyed gaze on Ghon.

"Oo, why? What does it feel kung naghihintay ka?" I asked. Humalukipkip ako dahil sa lamig.

I felt the car's speed slowed down. "I've been waiting for six years, Lin…" he answered, smiling.

"Ang tagal naman ata? Anim na taon?" tanong ko. Anim na taon. ANIM NA TAON!

Ghon chuckled. "If I could just find someone better than hi—"

"You're bisexual?!" Napalakas ata ang pagtanong ko dahil natawa siya.

"I'm straight. You know, my gender is different from my sexual orientation. Malaking pinagkaiba iyon," sagot ni Ghon. Napansin ko rin na siya na ngayon ang naiilang sa aming dalawa kaya tumingin ako ulit sa labas para makapagkwento siya.

"So, why wait six years if you could just find somebody else?"

He heaved a heavy sigh. "How the fuck I could find someone like you?"

Mabilis pa sa kidlat ang pagharap ko kay Ghon. "Nakahithit ka ng droga kanina 'no?!"

"Ulol. Alam ko namang ganiyan gagawin mo kapag sinabihan kitang gusto kita at saka alam kong alam mong mas matanda ka sa 'kin. Alam kong mas gugustuhin mo ng a year or two older than you."

Natahimik ako roon dahil totoo naman. #NeverSaBagets at baka mahimas ko ang malamig na rehas.

"Ghon, maraming iba diyan—"

"Fuck it!" Hinampas niya ang manubela kaya ito nabusina nang malakas. "I know you were going to say that. I wish I could but I just won't. Madaling pakinggan pero ang hirap gawin."

"How about tulungan kitang makahanap ng iba? Like kung sino gusto mo or what?" Umiling si Ghon sa suhestiyon ko.

"I can do it myself. Sorry."

I nodded and here we are again in the middle of the night, driving down the road with no damn city lights. Pasado ala una na nang makarating kami sa bahay. Bumaba ako at mabilis ding humarurot ang sasakyan ni Ghon nang walang paalam.

Hindi naman na ako nagulat nang malaman kong gusto niya ako at anim na taon na rin. Sobrang tagal na. I'm a mere person na umaasa pa rin sa magulang para masustentuhan ang sarili kaya bakit naman siya magkakagusto ng gaya ko, 'di ba? We're not in a fairytale where happy ever after exists.

Maybe gusto niya ako in a way na napapasaya ko siya? Yeah, that's why, no more than that. I was about to enter our house when a bright light came from my back, making me turn.

Si Aljon.

Hinarap ko siya nang nakahalukipkip, ang lamig-lamig na!

"Anong ginagawa mo? Gabi na, ah?" tanong ko. Ihininto niya ang motor sa isang tabi saka pinatay ang ilaw. Pagkaraan ay naglakad nang nakapamulsa patungo sa akin.

"Tatanungin lang sana kita…" he started. Napirmi siya sa harap ko. Isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa kung kaya ang paghinga niya'y aking naririnig at ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib.

"Ano ba 'ko sa 'yo?"

Nagsalpukan ang nagbabagang tingin namin saka dahan-dahang nabalot ng init ang aking katawan dahil sa kaniyang mga nakakamatay na tingin.

"We're friends?" taka kong tanong saka nagkamot ng batok. "Ano nga ba tayo?"

Napatalikod siya nang sandali at humarap din agad. He slowly got closer to my body and the side of his lips rose. "Yeah. We're friends," he said before turning around. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kumaway.

"Better sleep early. Sunduin kita bukas, may pupuntahan tayo." Sumakay siya sa motor saka ito pinaandar at kinindatan ako bago humarurot sa madilim na daan.

Ang gulo rin ng mga lalaki ngayon at hindi ko sila mawari. Minsan, seryoso kaso ilang sandali lang totopakin agad. Ewan. Kung ako tatanungin sa nararamdaman ko para kay Aljon? Hindi ko alam.

Nagkibit balikat ako at naglakad papasok ng bahay. Si papa pa nga ang naabutan kong nakahiga sa kama. Nagising siya nang mag-ngitngit ang pinto.

"Oh, nakauwi ka na pala…." Dahan-dahan siyang naupo at tiningnan ako saka inamoy. "Uminom kayo ng tropa mo? Hindi ba si Aljon iyong kausap mo sa labas kanina?"

I sighed deeply while scratching my nape, trying to squeeze the right answer from my brain.

"Oo, Pa… Narinig mo kaming mag-usap?"

While half asleep and at the verge of closing his eyelids, Papa nodded his head twice, smiling.

"Oo. Natatakot ka ba? Naguguluhan ka? Naghahanap ka ng senyales?"

Naguguluhan man ako sa mga binitawang salita ni papa pero tumango pa rin ako. Lasing ba siya? Mas mukha pa nga siyang lasing dahil sa pinagsasabi niya, eh.

"Oh," Natawa si papa. "Hindi ka makasagot. Hanapin mo kung ano ang para sa iyo. Tiyak ko namang dadalhin ka ng puso't kapalaran mo kung saan ka dapat na naroroon. Iyong kapatid ng kaibigan mo ang sumunod sa 'yo kanina, 'di ba? Bigyan mo ng pagkakataon. Walang masamang magbigay kahit sandali."

Matapos sabihin iyon sa akin ni papa ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa mahabang upuan at naunang tumungo sa kwarto nila ni mama.

"Matulog ka na. Aalis pa ata kayo bukas ng masugid mong manunuyo."

TheButterflyReturns © 2022

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...