Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 55:

419 20 0
By donnionsxx04

DYLAN LORENZO POV:)

"K-kagabi a-a-ano k-ka-kasi..."

Di mapatuloy-tuloy na sabi ni Kuya Ramon.

Pagkatapos kinuha ko na ang mga na-print ko sa printer. "Ano yun?" Tanong ko pa rin at dumeretsyo na sa upuan ko.

Kita ko sa mukha ni Kuya Ramon na tila naguguluhan at nagdadalawang-isip siya. Hindi ko alam kung natatakot ba siya o kinakabahan. Base sa kinikilos niya parang nakakita siya ng multo.

"Kagabi, nakita ko si Sir Clive..."

Nanlalaking mata na napatingin ako dito.

Ibig sabihin...

"...buhay siya."

Nakita niya si Clive?!

"Alam kong si Sir Clive ang nakita ko kagabi dahil sa boses palang niya. Pero medyo nalilito ako kung si Sir Clive nga iyon dahil nagtatagalog siya." Napahawak sa baba na tila nag-iisip."Englishero si Sir Clive, di ba? Di ko tuloy alam kung buhay pa siya o kamukha lang ni Sir Clive ang nakita ko kagabi." Naguguluhang pahayag nito halos napapailing ito habang nakatingin sa ibang direksyon.

Kailangan ko ba sabihin sa kanya na buhay si Clive? Marunong kaya siya magtago ng sekreto? Pagkakatiwalaan ba siya?

"B-baka kamukha lang." Nautal na sabi ko.

"Siguro nga." Napa-kamot sa ulo na sagot niya.

Nag-ring nalang ang telepono na nasa desk ko na agad ko naman sinagot.

"Hello?" Sagot ko sa tumawag."Okay, papunta na ako." Binaba ko naman kaagad ang tawag.

Tumatayo na ako sa pagkakaupo at inayos na ang pin-rint kong mga dokumento na kailangan ni Sir Cedric. Bago paman ako lumabas ng office ay bumaling pa ko kay Kuya Ramon.

"Kuya Ramon, wag mo sasabihin kahit kanino na nakakita ka ng kamukha niya. Baka sabihin nila minumulto ka ni Clive at baka ikaw pa mapagbintangan na ikaw ang pumatay sa anak ni Mr. Sy." Sabi ko. Mabuti na makasigurado na hindi niya sasabihin iyon kay Johnser dahil pag nakaabot rin iyon kay Sir Andrew, masisira ang plano ko at nanganganib ang buhay ulit ni Clive.

"S-sige." Halatang natakot na sagot agad nito.

Lumabas na nga ako dala ang folder na naglalaman ng mga dokumento na kailangan ni Sir Cedric.

Kailangan ko ata pabantayan masyado sa tauhan ko si Clive. Mabuti nalang, si Kuya Ramon nakakita dito. Kung mga kalaban namin nakakita, katapusan ko na at ni Clive. Sana bumalik na ang alaala ni Clive para masabi ko sa kanya ang magiging plano namin para mapalabas sa Uphone ang nagbabalat-kayo.

MANDY YU POV:)

"ANO? BAKLA SI DYLAN?!" Bulalas ko sa gulat halos napatayo ako sa kinauupuan.

"Shhh!" Mabilis naman sila nag-hush sign.

Napatakip naman ako ng bibig ko. Nakita ko naman na sa table namin nakatingin ang mga tao dito sa foodcourt. Nahihiyang umupo ulit ako sa kinauupuan.

"Totoo mga sinabi nyo?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Oo. May nakakita raw kasi kila Sir Johnser at Sir Dylan na maghahalikan sana." Chismis pa rin ni Coreen.

Impossible. So very impossible!

"Alam na ba ng mga tao dito?" Tanong ko.

"Siguro pero di pa namin pinagku-kwento sa iba baka masisanti kami." Sagot naman ni Alesia.

"Wait lang." Sabi ko. Mabilis na binuksan ko ang mineral bottle at uminom. Pagkainom, pinunasan ko pa ang bibig ko. Di ako makapaniwala na bakla si Dylan."Wag nyo ipagkukwento sa iba ito ah? Baka masira ang image ng Uphone." Sabi ko sa kanila.

Tumango-tango naman sila sabay thumbs up.

Hindi pwede na bakla si Dylan. Kailangan niya panagutan ang feelings mo sa kanya. Tama! May naisip akong plano. Gagawin ko siyang straight.

Napa-evil smile na lamang ako ng palihim.

ANTHONY DURAN POV:)

"Kuya, bayad namin." Sabay turol ng bayad namin sa tricycle driver.

Nagsibaba naman yung mga kumag kong kaibigan. Pagkabayad, bumaba na rin ako. Nag-stretching pa ng mga likod at braso ang tatlo samantala si Ros panay tingin sa paligid na tila may hinahanap ito.

Sa kalagitnaan kami ng paglalaro ng computer kaming apat nang tinawagan kami ni Ros. Ito nga, nagpapasama siya para hanapin raw yung flower shop na hindi ko alam kung bakit. May flower shop naman malapit sa pinagtatrabahuan niya, gusto pa niya sa malayo at magpapasama pa sa amin.

"Sigurado ka na dito sa address na 'to yung flower shop na sinabi ko?" Tanong ni Ros at nakatingin pa rin sa mga store sa paligid namin.

"Oo. Base dito sa google map, dito raw ang destinasyon nun." Sagot naman ni Jake sabay bukas ng cp nito para makasiguro na tama nga ang pinunta nilang address.

"Wait lang, Ros. Bakit hinahanap mo itong flower shop? Kung bibili ka ng bulaklak para kay Elizabeth, bakit sa malayo ka pa bibili e may nadaanan naman tayo kanina." Nagkakamot sa ulo saad ni Jero.

"Ano ka ba? Malay mo, sikat ito sa internet. Baka doon nakita ni Ros kaya gusto nya maganda yung ibibigay na bulaklak kay Elizabeth." Kontra naman ni John sa sinabi ni Jero.

Napahawak naman sa baba nito sa Jero."Hmm, sabagay." Payag naman nito sa sinabi ng kaibigan.

Napansin ko nalang na naglalakad na si Ros palayo sa amin.

"Hey! Wait lang, Ros!" Tawag ko.

Sumunod naman kami dito. Panay tingin siya sa mga store na nadaanan namin habang kami naman ay hinahanap rin ang hinahanap niyang flower shop. Napahinto na lamang si Ros sa pag-hakbang na dahilan tumigil rin kami sa paglalakad. Tiningnan naman namin ang tinigilan nitong store na tila sarado at walang kalaman-laman ang loob. Siguro matagal nang walang nagtitinda dito o nalugi ang nagtitinda dito dati.

Malungkot na napaupo naman sa gilid ng kalsada si Ros. Kita ko sa mukha nito ang lungkot at pagkabigo. Naupo rin ako sa tabi niya at hinawakan ang kabilang balikat.

"Okay ka lang, Ros?" Tanong ko.

Napabuntong-hininga naman siya. Maya-maya umangat siya ng tingin at tumingin sa kalangitan.

"May bumabalik na ng alaala sa akin." Amin nito.

"Ano?!!" Bulalas ng tatlo sa narinig.

Marites na marites na naupo naman kaagad ang tatlo at tumabi sa amin.

"Bampira ka dati?" Tanong kaagad ni Jake.

"Anak ka ng hari?" Sulot naman ni Jero.

"O anak ka ng witches?" Dugtong naman ni John.

Mabilis na nakatanggap naman sila ng batok sa akin.

"Aray!" Sabay turan nila at sapo ang ulo nilang binatukan ko.

"Kakanood nyo yan ng anime." Sabi ko sa kanila. Bumaling ulit ako kay Ros na bakas pa rin sa mukha nito ang lungkot."Ano ba naaalala mo?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko pa rin alam kung sino ako pero base sa naalala ko, may gustong pumatay sakin. May gustong mawala ako. At may gustong pumalit sa pwesto ko. Ewan ko kung alaala ko ba 'to ng dating ako o gawa-gawa lang ng isip ko." Malungkot na pahayag nito."Isa lang ang alam ko sa sarili ko. Ayaw ko na bumalik sa nakaraan ko kung sino ako."

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Ros pero parang may pinaghuhugutan siya. Pero base sa mga sinabi niya, parang hindi maganda ang buhay niya noon. Tumayo siya sa pagkakaupo kaya napatingala kaming apat dito.

"Tara!" Yaya nito. Nawala ang lungkot sa labi nito at sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang tumingin sa amin."Kain tayo. Libre ko."

"Sige!" Sagot naman ng tatlo kaagad. Nagsitayo naman ito sa pagkakaupo. Mukhang pagkain talaga ang mga ito. Mga patay-gutom.

"Libre mo ah?!" Nakangiting sabi ni Jero kay Ros sabay sinuntok-suntok ng mahina ang braso nito.

"Oo!" Nakangiting sagot naman nito dito.

"Paano yung flower shop na hinahanap mo? Ayaw mo bang maalala o malaman kung sino ka noon?" Nakaupo pa rin na tanong ko dito.

Natigilan naman ito sa sinabi ko. Bahagyang napayuko ito at natahimik.

"Tara na! Kain na muna tayo!" Biglang sabi niya. Tila iniwasan niya ang tanong ko.

Walang magawa, tumayo na ako sa pagkakaupo. Hindi ko pwede pilitin siya lalo na natatakot siya sa nakaraan niya. Kita ko naman sa kanya na ayaw na nya bumalik sa nakaraan niya. Kung gusto man niya, ngayon palang naghahanap na kami ng way para mahanap ang pamilya niya.

Maiingay ang tatlo na naglakad na nga kami para maghanap ng kainan dito. Maya-maya pa nagsalita na lamang si Ros na dahilan kinatahimik namin.

"Masaya na ako sa kung ano at sino ako ngayon." Nakangiting tumingin ito sa akin."Yan ang sagot ko sa tanong mo sakin, Bossbrad. Masaya na ako na nakilala at naging kaibigan ko kayo." Nakangiting sagot nito.

Napangiti naman ako. Mabilis naman hinakbayan ko ito sabay ginulo ang buhok nito.

"Ikaw talaga! Kailan ka pa naging OA ah?" Sabi ko habang ginugulo ang buhok niya.

"Mana sayo." Natatawang sabi niya.

"Ikaw talaga."

Nagtawanan naman kaming lima.

LEANDRO YU POV:)

Isa-isa na binabasa ko ang mga papeles bago ko permahan ito na saka naman bumukas ang pinto at may pumasok.

"Good morning, Sir." Bati ng isang boses babae."Sir, isa po akong janitress. Nandito po ako para maglinis ng office ninyo." Mala-anghel na boses na sabi nito.

"Go ahead." Sabi ko, nakatutok lang sa ginagawa at hindi ko man lang ito sinulyapan.

Tumunog nalang ang cellphone ko na agad na kinuha ko sa gilid. Mabilis na sinagot ito habang sa papeles pa rin ako nakatutok.

"Oh?"

"Bakit mo sinara ang ATM ko?!" Galit na galit na boses ng asawa kong si Lorisette.

"Kailangan mong magtipid. Puro ka bili ng bili ng kung anu-ano na di naman kailangan at di naman nakakabusog" Sabi ko. Puro bili ng mga bags, alahas at mga sandals. Para nang store sa kwarto namin dahil sa dami ng collection niya.

"Honey!"

"Busy ako. Pag-uwi ko nalang sa bahay saka ka makipag-away sa akin." Cold na sabi ko sabay pirma sa isang papeles.

"Honey! Please fix my card---"

Di ko na pinakinggan pa ang sasabihin nito na mabilis na pinatay ko ang tawag. Pagkalapag ng cellphone sa mesa, mabilis na kinuha ko ang basurahan sa ilalim ng desk ko at nilabas. Nilagay ko sa gilid para ipatapon sa janitress ang lamang ng basura.

"Excuse me. Patapon na rin itong basura ko---" di ko napatuloy ang sasabihin ko nang makita ang janitress.

Para akong nabunutan ng tinig sa lalamunan ko habang nakatingin dito. Tila nakita ko dito ang mukha ng babaeng minahal ko noon ng dalaga pa ito.

"Okay po, Sir." Maamong mukha na sabi nito at mabilis lumapit sa kinaroroonan ng desk ko.

Habang papalapit ito, nakikita ko sa kanya si Cassandra na naglalakad. Mata pa lamang nito, ilong at labi, para silang pinagbiyak ni Cassandra. Kamukhang-kamukha niya ito at mga galaw nito, gayang-gaya sa babaeng gusto ko noon.

Binuhos na nga ng janitress ang basura sa dala niyang itim na plastic.

"Okay na po, Sir." Di tumitingin sa akin na sabi nito sabay lapag sa ibaba ng maliit na trashcan.

"Ah, thank you." Sabi ko nang bumalik ang tino ng isip ko.

Pinagmasdan ko ulit ito habang nilalagay ang dala nitong itim na plastic na naglalaman ng basura sa cart niyang dala. Nahuli naman nito na nakatingin ako sa kanya kaya medyo napapitlang ako sa gulat.

"Meron pa po basura, Sir?" Tanong nito.

"W-wala." Nautal na sabi ko."Anyway, gusto mo?" Sabi ko at kumuha ng mga chocolate sa drawer ng desk ko.

"Wag na po, Sir. Nakakahiya po." Nahihiyang tanggi nito.

"Kunin mo na." Sabi ko.

Napakamot naman siya sa ulo at nagdadalawang isip kung tatanggapin ba ang bigay ko. Sa huli, pumayag siya at lumapit. Kinuha niya sa kamay ang mga chocolates.

"S-salamat, Sir." Nahihiyang pasalamat nito.

"No, prob." Nakangiting sabi ko.

Bumalik na ito sa nililinis nito. Nilagay na lamang nito ang bigay kong chocolates sa bulsa nito.

Kumuha rin ako ng isang chocolates sa drawer at binuksan.

"Palagi kasi akong may stock na chocolate dito. Stress reliever kasi ito." Nakangiting sabi ko.

"Hmm? Ako rin, Sir. Pag medyo wala ako sa mood o bad trip ako, kumakain rin ako nito. Yun kasi turo sakin ni Mama. Effective naman siya." Nakangiting sagot nito.

Madaldal rin siya tulad ni Cassandra. Siguro mga kamukha ni Cassandra mga madaldal talaga. Ang gaan ng loob ko sa janitress na ito. Para bang kilala ko siya at matagal ko na siyang kilala.

"Good adviser ang mama mo." Nakangting sabi ko habang ngumunguya pa rin ng chocolate.

Ngumiti lang siya sa akin at pinatuloy na nito ang pagwawalis.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko dito nang bumaling na ako sa binabasa ko.

"Elizabeth po, Sir."

"Nice to meeting you, Elizabeth." Nakangiting sabi ko at tumingin dito.

"Kayo rin, Sir." Nakangiting tugon nito at nag-bow sa akin.

Tumunog na lamang ang telepono sa gilid ko. Mabilis na sinagot ko iyon.

"Okay." Sagot ko sa tumawag. Tumayo na ako sa pagkakaupo."Sige, maiwan muna kita, Elizabeth. May pupuntahan lang ako." Sabi ko dito.

"Okay, Sir. Ingat po kayo."

Naglakad na nga ako papuntang pintuan. Pagkahawak ko sa doorknob, may naalala na lamang ako.

"Oo nga pala!" Napatingin naman ito sa akin."May C2 ako dyan, di ko pa nabubuksan. Sayo nalang yun, kunin mo dyan sa table ko."

"Ah? Po?" Gulat na saad nito.

Nakangiting lumabas na nga ako ng office ko.

To be continued...

Thank you sa mga nagbabasa nito.😍💖
Don't forget to like, comment and follow me.
Thank you!😍💖
Wattpad username: donnionsxx04
Dreame username: Lovely Adeline
Novelah/Finovel/StoryOn username: Lovely Adeline
Follow nyo ko sa mga app na yan. 😘💕

Continue Reading

You'll Also Like

824K 16.9K 77
COMPLETED I'm Living with the arrogant and cold blooded king. --- Most impressive ranking; Rank 1 in maid category Rank 1 in exo category Rank 1 in...
28.9K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18