CHAPTER 07
Shianna's POV
Nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at pumasok na sa classroom pero hindi pa ako nakakadalawang tapak ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya naman ay napalingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses na yun at laking gulat ko nalang nang makita ko siya papunta sa direksyon ko.
Nang nasa harapan ko na siya,nakikita ko ngayon sa mukha niya ang gulat.
“Z-zander?”
“Bakit ka nan dyan sa section na 'yan?” seryoso niyang tanong.Pero nagugulahan ako kasi pumunta pa talaga siya dito sa classroom para lang magtanong niyan. Knowing Zander,mas prefer niya makinig nalang ng music at tumambay sa roof top,gawain niya yun eh bata palang kami.
“What are doing here?” taka kong tanong kay Zander.
“I said what are doing here in Section Z?” seryoso niyang tanong ulit. Kaysa naman sa magtalo pa kami ni Zander,sinagot ko nalang siya.
“Dito ako nilagay ng Guidance dahil sa bad records ko sa MHS.” mahinahon kong sagot kay Zander.
“Umalis ka na sa Section na'to Shianna, binabalaan kita.”
My forehead creased sa sinabi niya.Bakit ba big deal sa kanila na punta ako sa Section na'to? ano bang meron? OA na sila masyado sa totoo lang.
Pati ba naman si Zander? nalilito na ako sa actions nila. Una si Tristan,sunod naman si Rian, tapos si Ivan at ngayon si Zander. Ano bang problema ng mga taong 'to? mga drug adik ba sila?
“H'wag nang matigas ng ulo Shianna.I'll talk to the dean. Sasabihin ko sa kanila na ilipat ka sa Section ko or idrop out ka nalang para mabalik ka sa Milian High School.”
Nagulat ako sa huling sinabi ni Zander. Bakit niya nasabi yang nga bagay na yun? Pinsan ko siya!tapos sasabihin niya 'to sa harap ko?
“What? are you crazy, Zander? Drop out? Bakit mo nasabi yan hah! Pwede ba? umalis ka nalang dito Zander!” pagtataboy ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
Sasagot pa sana si Zander pero napatingin siya sa likod ko kaya naman ay tumingin rin ako dun at laking gulat ko nang makita ko si Tristan na nakapamulsa at ang sama ng tingin nito kay Zander.
Ngumisi siya at lumapit sa kinatatayuan namin ni Zander.
“Zander, napadpad ka yata dito?” mapang-asar niyang tanong kay Zander. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa para maawat ko sila kung may mangyari man.
“I'll get my cousin.” tipid na sagot ni Zander.
Hinawakan ni Zander ang kanang kamay ko at kinaladkad ako paalis sa harapan ni Tristan pero nahinto si Zander sa paglalakad sakin nang may humatak rin sa kaliwang kamay ko kaya tinginan ko iyon kung sino,ganun rin si Zander.
“T-tristan?”gulat kong tanong.
“What are you doing?” imbis na sagutin ni Tristan si Zander ay mas hinatak niya pa ako. Para na akong manikang pinag-aagawan ng dalawang bata.
“Bitiwan mo si Yanna.” mahinahon na utos ni Zander ka Tristan sabay hila sa kaliwang kamay ko na hawak niya.Pero imbis na makinig si Tristan ay mas lalo pa niya akong hinila.
“Kita mo bang nandito siya sa section namin Zander? kaya kung aalis ka,Leave this place alone but don't you dare take Shianna with you.” seryoso niyang sabi.
“Bitiwan mo si Shianna, Tristan” sabay kaming napalingon sa nagsalita.
“What?” kumunot ang noo ni Tristan sa sinabi ni Stanley.
“Anong sabi mo Stanley?”
“I said bitawan mo si Shianna” ulit niya pero imbis na makinig siya kay Stanley ay mas hinigpitam niya pa ang paghawak sa braso ko.Namimilipit na ako sa sakit sa ginagawa nilang dalawa ni Zander na wala rin yatang planong bumitaw sa kanang kamay ko.
“Huwag kang maki-alam dito Stanley.”
Stanley took a deep breath at humarap kay Zander na nakapamulsa. Inayos niya ang eyeglasses niya at tumingin kay Zander.
“Anong ginagawa mo dito Zander?” mahinahon na tanong ni Stanley kay Zander.
“I'll take Shianna with me out of this place Stanley.” seryosong tugon ni Zander.
“H'wag kang magsimula ng gulo.Umalis ka nalang dito at bumalik ka sa classroom mo Zander.”
“I won't leave unless sasama sakin ang Pinsan ko.” kumunot naman ang noo ni Stanley sa sinabi ni Zander.
“Pinsan?” tinapunan ng masamang tingin ni Zander si Stanley.
“Stanley” lumingon naman si Stanley kay Tristan at ngumiti lang mapang-asar si Tristan.
Nagkatinginan si Stanley kay Tristan na para bang nag-uusap sila through their minds.
Nakakangalay na yung ginagawa nila!ang sakit na ng balikat ko Bwiset!
“Ano ba! bitawan niyo nga akong dalawa! nasasaktan na ako eh!” binawi ko yung dalawa kong kamay na hawak-hawak nila at hinarap si Tristan.
“What's your problem Tristan? Kanina atat na atat kang paalisin ako sa lintik na Section na'to! na parang malaki yung kasalanan ko sayo! eh hindi naman talaga kita kilala o kung sino ka mang maligno!” sabi ko sa harap ng pagmumukha niya.
Lumapit sakin si Rian at hinawakan ako sa kamay tsaka kinaladkad nalang ako palayo sa kanila.
“Hoy! Rian saan mo ako dadalhin?” gulat kong tanong pero imbis na sagutin ako ay patuloy lang siya sa pagkaladkad sakin hanggang sa naramdaman ko na huminto na siya sa pagtakbo at habol ang hininga na hawak ang tuhod niya.
Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa binasag ni Rian ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“I'm sure you're not feeling ok right now, Shianna.”aniya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
“Huh? anong sinasabi mo diyan?”
“I said sure akong hindi ka ok ngayon.Dahil sa nangyari kanina.” sagot niya.
“Alam mo? I'm confused kong bakit concern na concern ka sakin? eh kanina pa lang tayo nagkakilala ah.”
Kumunot ang noo ni Rian sa sinabi ko maya nagtaka ako.
“Bakit? may nasabi ba akong mali?” kinakabahan kong tanong.
“You don't recognize me?” nagtataka niyang tanong pero umiling lang ako.
“Sa bagay, hindi mo talaga ako makikilala. But ikaw, I know you Shianna. Hindi lang ngayon ang uunang beses nating pagkikita dahil nagkita na tayo. I think that was last week.” nagtaka ako sa sinabi niya Kasi sure talaga akong ngayon lang kami nagkakilala.
“What?anong sinasabi mo?”
“Minura mo pa nga ako eh. Tapos ngayon hindi mo na ako kilala.”sabi niya na umaktong nagtatampo.
Napatakip nalang ako sa bibig ko nang maalala ko kung sino siya.
Oh my gosh! naalala ko na!Shocks nakakahiya. Siya pala yun?
“Oh my God, ikaw yun?”tanong ko.
“Oum yeah? That was me, Yanna.”nakangisii niyang sagot pero tumayo ako sa pagkaka-upo sa hagdan ng school at pinatid ko siya sa kabilang tuhod.
“Aray! Bakit mo ako pinatid Shianna.Anong nagawa ko sayo?” nagtataka niyang tanong na namimilipit sa sakit at hawak-hawak ang tuhod niya.
“Itatanong mo pa hah! eh sinabihan mo ako ng Flat! Akala mo siguro nakalimutan ko na yun Rian!”
Nagpeace sign lang siya at hindi ko maitangging ang cute niya pala.
“Eh ang init kasi ng ulo mo nong araw na yun tapos mainit rin ulo ko nong araw na yun. Pasensya na Shianna.”
“Pssh, ok lang. Hindi na big deal sakin yun, tsaka last week pa naman yun kaya kalimutan mo nalang yun.”nginitian ko si Rian
Andaming nangyari sa araw na'to.Unang araw ko palang pero para na akong pinarusahan. Curious na ako sa kung anong mangyayari sa susunod na mga araw.
|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]