Embracing Her Lies (THREE KIN...

By LegendArie

5.5M 149K 132K

Three Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 27

108K 2.6K 2.8K
By LegendArie

The start of our ending.

"How's your father?" mula sa pagkakasilip sa bintana ng sasakyan ay nilingon ko si Blare.

He's looking straight on the road, ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela habang ang isa naman ay nakapatong sa hita ko.

"Ayos na siya... sa ngayon, but he still needs a kidney transplant," I answered him using my low voice.

Lumuwas kami sa Manila para ilipat  ng hospital si Papa isang linggo pagkatapos niyang inatake ng sakit noong nasa Laguna kami. Gusto na nga sana niyang bumalik sa New York kasama ako pero hindi pa niya kayang bumyahe ng malayo dahil sa kalagayan niya ngayon.

I look outside when Blare's car suddenly stop. I look at him again when I saw the other cars stop because of the heavy traffic, hapon na rin kasi at weekends pa.

Blare faced me then play with his lower lip using his thumb, "I missed you," he whispered under his breath.

Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos ng libing ni Lola dahil naging abala ako kay Papa at pinipigilan ko siya sa tuwing gusto niya akong puntahan sa Laguna dahil ayaw kong gumawa na naman ng eksena si Valerie kapag nakita siya.

I just want some peace of mind, masyado na akong napapagod sa dami ng nangyayari. Una ay ang pagkawala ni Lola, ngayon naman ay natuklasan ko na may malala palang sakit si Papa at ayaw kong dumagdag na naman si Valerie sa mga iniisip ko.

"I should visit your fathe--" I stopped him midway. Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Blare dahil alam ko naman ang gusto niyang mangyari, ilang beses na kasi niyang sinasabi sa 'kin na gusto niyang bisitahin ang Papa.

"H'wag na, you're busy so don't bother yourself," dahilan ko pero ang totoo niyan ay ayaw ko lang na magkita ulit sila ni Valerie.

He crossed our distance and gave me a peck on the lips. "I respect your father and I am worried about him. I don't want him to think that his future son-in-law is nowhere to be found when things get hard."

"He'll understand, Blare. Hindi mo na kailangan pang puntahan si Papa" --- dahil nandoon din si Val at ayaw kong magkita na naman kayo.

"But love, I want to show him that I'm a good man for you," binato ko siya nang naiinis na tingin dahil nakukulitan na ako sa kanya.

"You don't need to prove anything to my father, Blare." Pasimple kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa hita ko.

Bigla na naman akong nairita kay Blare, noong isang araw din ay gustong-gusto ko siyang makita pero naiirita ako sa mukha niya kahit wala naman siyang ginagawa.

"Van, gusto ko lang naman dalawin ang Papa mo. Nakakahiya naman kasi kung hindi niya ako makikita sa panahon na kailangan mo ako," hindi ko na napigilan ang pag-irap.

"Valerie's there and she'll go crazy again once she sees you," I tried to hide the irritation on my voice, nainis na naman kasi ako tuwing naaalala kung paano nag-react si Valerie noong huling kita niya kay Blare.

"Edi pupunta ako kapag wala si Val--- aray!" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla kong pinitik ang tungki ng matangos niyang ilong. 

Sinamaan niya ako ng tingin habang hinihimas ang namumula niyang ilong. "That hurts. Alam mo kasing hindi kita kayang saktan kaya ikaw ang nananakit."

Ngumuso ako, nakonsensya naman ako nang mapansin na sobrang pula nga ng ilong niya. "Ikaw kasi, ang kulit mo! Sinabi ko na kasing ayaw kong puntahan mo si Papa pero nagpupumilit ka pa rin."

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago siya tumango. "Alright, if that's what you want. Sige, hindi na po ako pupunta kung ayaw mo," aniya at itinaas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko na sa 'kin.

Napangiti ako sa inasta niya kaya naman nilapitan ko siya at binigyan ko ng halik ang tungki ng namumula niyang ilong.

Napailing siya na para bang namamangha sa mabilis na pagbabago ng mood ko. "Ang moody mo naman, miss," bulong niya.

Lumayo ako sa kanya nang bahagya pero pinigilan naman niya ako. He pulled me closer and played with the loose strands of my hair.

I rolled my eyes. "Akala ko ba moody ako? Bakit niyayakap mo 'ko ngayon?" Bahagya ko siyang tinulak dahil mas lalo lang niyang nilapit ang katawan sa 'kin. "Layo ka nga! Moody pala ah."

Blare chuckled and kissed my shoulder. "Bakit ba sinusungitan mo 'ko? Hindi mo ba ako na-miss? Hmn?"

Sa halip na sagutin siya ay kinurot ko na lang ang pisngi niya kaya naman napadaing siya at bumitaw sa 'kin.

"What's wrong with you, woman?" naiinis na aniya habang hinihimas ang pisngi na pinanggigilan ko. Imbes na matakot sa sigaw niya ay napatawa na lang ako ng malakas dahil ang cute ng mga makakapal niyang kilay na magkasalubong.

"Ikaw ha, sobra ka na," nakasimangot niyang sabi. Pinaandar na niya ang sasakyan dahil nagsimula nang umusad ang nasa harapan namin.

I crossed my arms and faced him while he was driving. "Ano? Sobrang ano?" nanghahamon kong tanong.

Bahagya niya akong nilingon mula sa pagmamaneho bago siya nagkamot ng batok. "Wala, sobra ka na sa ganda, sa sexy, sa lahat! Ang swerte ko naman."

Napahalakhak ako sa narinig at muli ko na naman siyang kinurot sa tagiliran kaya mabilis siyang umiwas at pinigilan ang kamay ko.

Nanlalaki ang mga mata ni Blare nang lingunin niya ako. Amusement is evidence on his face when he look at me. "H'wag kang makulit, Vanilla. Baka mabangga tayo." 

"Saan ba kasi tayo pupunta? Pinagsuot mo pa ako ng ganito." I pointed out the white dress that I'm wearing, siya ang bumili nito katerno ng suot niyang white long sleeves.

"You'll see, love," he whispered with a smirk before he enterwined his hands on mine, hinalikan pa niya ang likod ng palad ko.

Ilang minuto lang tinatanaw ko na ang labas ng university kung saan kami nag-aral. Nasa loob pa lamang ako ng sasakyan at nakasilip sa bintana ay puno na ng pagtataka ang mababakas sa mukha ko.

"Let's go," he opened the car door for me then grabbed my hand gently as he guide me out. Hinawakan niya agad ang beywang ko habang naglalakad kami papasok.

Binato ko si Blare ng tingin na puno ng tanong. Naguguluhan kasi ako kung ano ang ginagawa namin sa university sa ganitong oras, halos pagabi na. "Blare?"

Nilingon niya ako, malaki pa rin ang ngiti na mababakas sa guwapo niyang mukha. "Hmn? Yes, love?"

"What are we doing here?" I asked him, kahit naguguluhan ay nagpapatangay pa rin ako sa kanya papasok sa loob.

"Gusto mong malaman?" Tumango ako. "Then close your eyes," he said and I obliged. Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na tumakip sa mga mata ko.

"Huy! Baka naman madapa ako," reklamo ko na tinawanan lang niya.

"Don't worry, I will never let you get hurt," he whispered under his breath.  Hinawakan niya ang beywang at braso ko habang naglalakad kami.

Lalo akong nagtaka dahil nakarinig ako ng mga taong bumubulong sa paligid noong papalapit na kami, hindi rin naman nagtagal ay inalis na ni Blare ang takip sa mata ko. "Surprise, love."

I gasped the moment that I opened my eyes just to welcomed by a candle light dinner. Napagtanto ko lang na nasa gitna kami ng soccer field ng university nang lingunin ko ang paligid. May lamesa at magkaharap na upuan sa gitna ng maraming kandila na ginawang hugis puso at nagkalat din ang mga petals ng puting rosas.

I fixed my gaze on Blare just to see him smiling from ear-to-ear while watching my reaction. "Here, in this exact place... 'di ba sinabi mo sa 'kin na dito mo 'ko unang nakita? Sabi mo dito mo 'ko unang narinig kumanta."

Tumango ako habang pinupunasan ang luha na tumutulo na pala mula sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Naaalala ko pa kung paano ako na-love at first hear sa boses niya almost 10 years ago.

"Yeah, I saw you sitting alone there," tinuro ko ang bench kung saan ko siya unang nakita.

Blare chuckled when I get emotional. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan ang ulo ko, pinunasan din niya ang luha ko kaya pinalo ko ang kamay niya.

"Why?" He looks confused. Ngumuso ako at yumakap sa kanya. "H'wag mong punasan! Tears of joy 'yan."

He bit his lower lip to suppress his laugh and then kiss me again. "Ang cute mo, kanina pa ako gigil sa 'yo. I'll punish you for being naughty after our date," he seductively mumbled.

"Ehem," nagulat ako nang may tumikhim sa likuran namin kaya agad kong nilingon kung sino 'yon at ganoon na lamang ang tawa ko nang makita si Joji, Russ at Bricks na nakasuot ng waiter uniform.

"Ma'am and Sir baka naman gusto niyo nang umupo, kanina pa kami nandidiri--- nilalanggam sa sweetness niyo," nakasimangot na sita sa 'min ni Joji.

"Tsk, istorbo," naiinis na bulong ni Blare nang sumulpot bigla ang tatlo.

"Ikaw pa galit? Wala ka naman pa-sweldo!" nagrereklamong sagot ni Russ na mabilis namang sinang-ayunan ni Joji at Bricks.

Blare rolled his green eyes. "The three of you volunteered to be our waiters for tonight tapos bigla kayong magrereklamo?"

Nagkamot ng batok si Bricks at nginuso ang dala niyang tray na may lamang pagkain. "Lumalamig na kasi yung foods, mas malamig pa sa reply niya," bumagsak ang balikat ni Bricks.

"Gago ka kasi, tawag ka nang tawag alam mo namang bingi yung tao."

"Tanga ka kasi, bakit mo kasi tinanong kung ano'ng size ng bra, alam mo namang flat siya."

Napailing na lang ako nang batukan ng dalawa si Bricks na lukot na ang mukha.

"Ang cute niyo namang tatlo," puri ko sa three idiots na patuloy pa rin sa pag-aasaran.

"Bagay ba, Van?" nag-model pa silang tatlo sa harapan ko kaya napatawa ako ng malakas habang tumatango.

"Tangina, bakit ba ang epal niyong tatlo, hindi tuloy makita sa video si Van at Blare!" nagulat pa ako nang sumigaw si Kirby mula sa likuran habang may dalang DSLR at mukhang kinukuhanan kami ng video.

"Ang sungit mo, Kirby! kaya ka hindi mahal ng mahal mo eh!" sigaw pabalik ni Joji bago nagtatakbo dahil hinabol siya ni Kirby.

Ang ending ay naghabulan ang dalawa paikot sa field. Napapairap na lang si Blare habang pinapanood ang mga 'to. Iginiya niya ako paupo, pinaghila pa niya rin ako ng upuan at inalalayan bago sya umikot sa tapat ko.

Agad namang ibinaba ni Russ at Bricks ang pagkain sa harapan namin, nagsalin pa sila ng champagne sa glass wine na parang professional waiters ang dating.

"Wow, ang effort ah," biro ko kay Blare na hinihiwa ang steak para sa 'kin.

Nginitian niya lamang ako at inabot ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "All for you, ma'am."

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang tumunog ang malaking speaker sa gilid, mula roon ay natanaw ko si France na nakaharap sa mic at may hawak na gitara. Mas natuwa ako nang magsimula siyang kumanta.

"You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh..."

Pinanood ko si Blare nang lagukin niya ang champagne at punasan ang labi bago tumayo at inilahad ang kamay sa 'kin. "Can I have this dance, Doc?"

Mabilis akong tumango habang inaabot ang kamay ko sa kanya, sabay kaming naglakad patungo sa gitna ng soccer field. Inilagay niya ang isang kamay sa beywang ko at ang isa naman ay pinagsalikop sa kamay ko.

I can smell his expensive perfume, I can feel his heart beating along with mine, and I can feel the warmth of his embrace.

Bahagyang inilayo ni Blare ang mukha sa 'kin upang titigan ako, masuyo siyang ngumiti bago sinabayan ang pagkanta ni France.

"It's the sunrise
And those brown eyes, yes
You're the one that I desire
When we wake up
And then we make love
It makes me feel so nice..."

Kinalibutan ang buo kong pagkatao nang kantahan niya ako, his voice was cold, husky yet so sweet, soft, and warm at the same time. Para akong lumulutang sa sobrang ganda nito sa pandinig idagdag pa na nakatitig siya sa akin habang binibigkas ang bawat salita.

"Oh, I can't believe that I'm holding my whole world right now," he huskily murmurs into my ear.

Nagsayaw kami hanggang sa matapos ang kanta. Akala ko ay babalik na kami sa lamesa ngunit napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Vanessa, Van, Vanilla, the love of my life, my home, my future, my whole world..." hindi agad ako nakagalaw habang tinititigan si Blare na nakatingala sa akin.

"... I love you," tumulo ang luha ko nang sabihin niya ang mga katagang 'yon. "... and tonight I---"

"Ate!" sabay kaming napalingon ni Blare nang bigla na lang sumulpot si Valerie sa harapan namin.

"Val?" naguguluhan kong tanong habang nakatingin kay Valerie. "What are you doing here?"

Nahinto ang kanta at tumahimik ang paligid. Hindi nakawala sa paningin ko kung paano tumulo ang luha ni Valerie habang nakatingin sa nakaluhod pa ring si Blare.

"Ate! Sinugod sa operating room si Papa!" parang biglang nawala ang lahat ng saya na nararamdaman ko nang sabihin 'yon ni Val.

Nag-panic ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya, walang ibang pumasok sa isipan ko kung hindi ang kalagayan ni Papa.

Wala sa sariling hinarap ko si Blare. "Blare, I'm sorry... I'm sorry, my Papa needs me."

The disappointment in his green eyes reflects mine. Agad siyang tumayo at nakakaintinding tumango. "I'll drive you to the hospital," aniya kaya mabilis akong nagtatakbo palabas, nakasunod sila sa akin ni Valerie.

Tahimik kami habang nasa biyahe. Naririnig ko rin ang mahinang hikbi ni Val mula sa back seat, si Blare naman ay hindi binitawan ang kamay ko hanggang sa huminto kami sa labas ng hospital.

"Umuwi ka na, Blare... I'm sorry for ruining our date," mahina kong bulong.

He sweetly smiled at me. "It's okay, love. I understand," hinalikan niya ang noo at labi ko bago ako bumaba.

Akmang bababa rin siya para samahan ako ngunit agad ko siyang pinigilan. "Please go home, I... we can handle this," I told him, he looks hesitant at first but he just nodded and watched me leave.

Halos madapa na ako nang marating ko ang OR pero ganoon na lang ang pagtataka ko dahil sinalubong kami ng nurse at sinabing walang on-going na operation.

Hinarap ko si Valerie na nakasunod sa akin at binato ko siya ng nagtatakang tingin. "Akala ko ba sinugod sa OR si Papa?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nginitian lamang niya ako nang mapang-uyam. Then I realized that she's fooling me! Hindi totoo ang sinabi niya!

Doon lang din pumasok sa isip ko ang mga tanong na hindi ko naisip kanina dahil natabunan ito ng mga kabang naramdaman ko.

"Valerie... paano mo nalaman kung nasaan kami ni Blare?" I asked her, trying to compose myself.

Tinitigan muna niya ako gamit ang nanlilisik na mga mata bago sumagot. "I followed you and I watched you enjoy your life while I'm here.... taking care of Papa and still grieving for Lola."

"You're selfish, ate. Paano mo nagagawang tumawa at makipaglandian habang nasa hospital si Papa at kamamatay lang ni Lola?"

Natahimik ako sa sinabi niya, I suddenly feel guilty for being happy. Bakit parang maling maging masaya kahit isang gabi lang sana?

Umalis si Valerie sa harapan ko habang ako ay naiwan doon, iniisip kung gaano ako kasamang anak kay Papa para unahin ang sarili kong kaligayahan habang siya ay nahihirapan.

Pumasok ako sa kuwarto ni Papa pagkatapos kong magdasal sa chapel ng hospital. Naabutan ko si Tita Victoria na nakaupo sa sofa at si Tita Cielo na pinagbabalat ng prutas si Papa.

"Pa..." Nilapitan ko siya at agad akong yumakap sa kanya, gusto kong maiyak habang tinititigan ang namamayat na mukha ni Papa. He looks very sick.

"Vanessa, hija... Nag-enjoy ka ba sa lakad mo?" tanong niya gamit ang nanghihinang boses. Pinilit niyang itinaas ang kanang kamay at hinimas ang pisngi ko.

"Opo... sorry po kung nagagawa ko pang magsaya habang nahihirapan ka," saad ko kay Papa habang hinahalikan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"I promise, I'll always put you first, Papa..." bulong ko na mukhang umabot din sa pandinig ni Tita Cielo.

"If you really love your father, you would come with us in New York," aniya habang inaabot kay Papa ang nakabalat na mansanas.

Natahimik ako, ang totoo niyan ay ayaw kong umalis pero ayaw ko rin namang pabayaan si Papa. "Pero paano po yung mga naiwan ni Lola para sa 'kin? I still need to manage it---"

"Ako na ang bahala, Vanessa. Ako na ang kakausap kay Atty. Reyes para isalin sa pangalan mo ang mga pamana mo, ipapadala ko na lang kay Valerie lahat ng documents after ma-transfer," singit ni Tita Victoria sa usapan.

Tumango si Tita Cielo upang sumang-ayon. "That's a big help, Victoria. Thank you."

Nagtataka kong nilingon si Tita Cielo "What? Bakit po ipapadala kay Valerie? Hindi ba siya sasama pabalik sa New York?"

Sinulyapan muna ni Tita Cielo si Papa na bigla na lang tumahimik bago niya binalik ang tingin sa akin.

"Valerie will stay here, may mga kailangan pa siyang kuhanin."

LEGENDARIE

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
38.5K 343 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...
364K 968 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.