HUSBAND AND WIFE

By fedejik

124K 6K 575

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 37

2.5K 150 14
By fedejik

CHAPTER 37

Thaddeus Art

Nilakad namin ang kahabaan ng beach hanggang sa makarating kami sa mataas na rock formation.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga habang bumubuhos ang mga alala. Dito ako muntikang malunod dahil sa pagsubok kong sumagip ng nalulunod na babae.

"W-w-wait..." pigil ni Eren sa kamay ko.

Agad kong sinundan ang linya ng kanyang tingin.

"Ah, iyan 'yong beach house na pag-aari raw ng mayamang pamilya sa Manila. Though, I didn't get to meet them. Madalang lang silang mapunta sa bahay na 'yan."

Hindi naman kumibo si Eren. Parang ang lalim nang iniisip.

"Come on. Let's go there." Itinuro ko ang malaking bato.

Tila lutang naman siyang tumango at paulit-ulit na nililingon ang bahay.

"Is there something wrong?" nag-aalala kong tanong.

"W-wala... Parang pamilyar lang ang bahay."

Hindi na ako nagkomento. Alam kong mayamang pamilya sila, pero hindi naman siguro ganoon ka-coincidental na sila rin ang may-ari noon? Ang laki ng Mindoro para isiping iyon ang bahay nila.

Maingat naming inakyat ang mga bato. At nang makarating kami sa medyo patag na bahagi ay saka kami naupo.

Nananatili siyang tahimik at nagmasid-masid na para bang ang lalim ng iniisip.

"When I was young, there was this girl that I tried to save even though I can't swim that well."

Kunot-noo siyang tumitig sa akin. "A-and?"

"I saved her. Pero ang lakas ng alon that time at nang masalpok ako ng alon, tumama ang ulo ko sa mga bato at nawalan ako ng malay. And that girl tried her best to hold on to my t-shirt. Biglang nabaligtad ang sitwasyon namin. Ako naman ang sinagip niya. I don't know what happens next. Ang alam ko lang, nadala ako sa center at tinahi ang ulo ko," sabay pakita sa ulo ko. "Kita mo ba ang stitches? Natakpan na rin yata ng buhok ko, but it is still there."

Nang mag-angat ako ng tingin at masalubong ang nagluluha niyang mga mata ay agad akong nataranta.

"M-may problema ba, babe? Masama ba ang pakiramdam mo? Do you want to go home?" magkakasunod kong tanong dahil sa sobrang pag-aalala.

Marahas siyang lumunok at agad na pinalis ng daliri ang pisnging nabasa nang luha.

"I just remembered this boy who risks his life to save me... The only memory I have from this place..."

Gulat akong tumitig sa mukha niya. Tila ba hindi ko magawang iproseso kaagad ang sinabi niya. "Y-you're that g-girl?"

"Hindi ko man lang napasalamatan ang nagsalba ng buhay ko dahil umuwi rin kami ng Manila nang araw na iyon. Nag-alala para sa akin ang parents ko kaya nagdesisyon kaming umuwi that time."

Natahimik ako. Sobrang nakamamangha maglaro ang tadhana. It was indeed a small world for us.

"Y-your family owns that beach house?"

Nagluluha siyang tumango at sumulyap din sa malaking bahay na iyon. I can't believe it.

"S-so, y-you are that girl, then?"

Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at mapait na ngumiti. "You're my hero, then, huh? It was nice to meet you," natatawa pang aniya sabay lahad ng kamay.

Ilang sandali ulit akong natahimik at napatitig lang sa nakalahad niyang kamay. Noon pa man pala ay pinagtatagpo ang aming mga kapalaran.

Unang kita ko pa lang sa kanya noon ay sobrang nagandahan na ako. I was stealing glances at her the whole time I am swimming with my friends. Then, she accidentally fell from the rock. That's when I saved her...

That's when she saved me.

And now, she still is...

Sa halip na tanggapin ang kamay niyang iyon ay ginagap ko ang kanyang mukha at ginawaran ng halik ang kanyang mga labi.

"It was nice meeting you too, babe..." bulong ko bago muling sakupin ang mga labi niyang iyon.

Nang tumaas na ang araw ay nagdesisyon kaming bumalik na sa bahay. Pero pagsarado pa lang ng pinto ay hindi pa rin namin mapigilang halikan ang isa't isa. Like there was this strong pull we couldn't resist after knowing what happened in the past.

We kissed each other more passionately like we were each other's lifeline. Kung papaano kami nakarating sa kwarto ay hindi ko rin alam. Basta't ang alam ko na lang ay parehas na kaming walang saplot habang malayang ipinapakita ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Parehas kaming humihingal nang makatapos. We made love numerous times. We just couldn't get enough. At para bang kahit pa ilang beses naming ulitin iyon ay para bang hindi pa rin sapat.

"I am so sorry about this..." nag-aalalang bulong ko. Ayaw ko lang ding isipin niya na sinamantala ko ang pagkakataon. "I love you... and I should have waited—"

Ipinatong niya ang daliri sa aking labi kung kaya 'di ko na nagawang dugtungan ang gusto ko pang sabihin.

"I love you too, Thad... And, thank you... for saving me before... and for still saving me now," nagluluha pang aniya habang hinahaplos ang aking mukha. "And, don't be sorry about this... because I am not."

Nakauunawa akong tumango bago muling halikan ang mga labi niyang iyon.

"I am not sorry for loving you this much, babe... I am not sorry at all," bulong ko bago muling angkinin ang katawan niyang iyon.

Papalubog na ang araw noon nang magpasya kaming bumangon sa bed ni Eren. Tulong kaming gumalaw sa kusina at nagluto ng aming hapunan. And in between that, was me kissing and touching her in all ways possible.

Parang musika sa tainga ko ang mga tawa niyang iyon kung kaya hindi ko mapigilang magpakapilyo pa lalo.

"Masusunog ang niluluto natin, Thad!" aniya habang pilit akong itinutulak palayo.

Pero umiling lang ako at muling pinaliguan ng halik ang leeg niyang iyon. Nakikiliti naman niya akong hinahampas sa braso habang pilit na inaawat.

"Ang kulit lang, a! Thad! Nakikiliti nga ako!" natatawa pang aniya.

Pero sa halip na tumigil ay iniiba ko lang ang posisyon ng halik para lang kilitiin siya lalo.

"Thad! Ang kulit!" gigil pang aniya sabay gagap sa aking mukha.

Pinatulis ko ang aking nguso at natatawa naman siyang umiling-iling. "Masusunog na ang niluluto natin! Tama na muna!"

Napilitan akong tumango at pinakawalan muna siya sa mga braso ko. Sabay naming sinilip ang niluluto namin at nang matiyak na luto na iyon ay pinatay ko na ang kalan.

"I have a confession..." nahihiyang sabi niya sa maliit na boses sabay kagat ng labi.

Bahagya akong kumunot-noo. "What is it?"

"Kaya ako nalaglag sa bato noon kasi..."

Ibinitin niya ang mga salita sa ere. "Kasi?"

"I was looking at you..."

Hindi ko napigilan ang mangiti. "Really?"

"Bata ka pa lang kasi, ang gwapo mo na..."

"And you were like what? Thirteen? So, first crush mo ako?" nakangisi ko pang tukso.

Nangingiti naman siyang umirap. "Feeling mo naman!"

"Na-crush-an din naman kita, so we're even."

Ngumuso siya at umirap pa rin. "Even naman talaga at sinagip din naman kita, 'no!"

Nakangiti akong tumango-tango. "Yeah... Oo nga pala."

"But what happened made me think..." medyo seryosong aniya. "It's weird how our fate was entangled like that. Para tuloy panaginip lang ang lahat."

"Oo nga. Who would have thought? Hindi ko naman naisip na possible ang ganoon. I guess we're just destined to be together. Don't you think so?"

Kinagat niya ang kanyang labi at tumango-tango.

"Kung naghintay lang sana ako... Baka naman sakaling mas pinagtagpo tayo ng mas maaga, 'di ba?"

"Yeah. After all we've been through, I still think it's worth it. Ang mahalaga pinagtagpo pa rin tayo."

Tipid siyang ngumiti at tumango-tango. "Kumain na tayo?" pag-iiba pa niya.

"I think we should. I'm already starving. Hindi na natin nakuhang mag-lunch kanina at hindi ko na rin naalala dahil ikaw ang inatupag ko," pilyo kong sabi kahit pa iyon naman talaga ang totoo.

After Lauren, hindi ko na nagawang sumiping sa ibang babae. Parang wala rin akong kakayahan na gawin iyon.

Nakanguso naman siyang umirap. "At hindi ko rin naisip na ganoon ka katatag."

Humalakhak ako at tumango-tango. "I didn't know that either. But yeah, I'd rather starve myself than miss that one beautiful thing," makahulugan kong sabi bago mapaglarong kumindat.

Natatawa naman niya akong hinampas sa braso. "Kumain na po tayo."

"Opo. Sabi ko nga, 'di ba?"

Naiiling lang siyang ngumiti. At pinagsaluhan nga namin ang pinakamasarap naming dinner.

Matapos ang dinner ay saglit kaming nagkanya-kanya bago pumasok sa kwarto.

"Baka manibago ka nang may katabi..." nahihiya kong sabi.

Alam kong hindi ticket ang nangyari sa amin para mag-assume na ayos na kaming magtabi sa kama. I still wanted to give her the privacy she needed if she insist.

"Dito ka na matulog. Maluwag naman ang bed," aniya sabay pagpag sa espasyo sa tabi niya.

"Pinag-iisipan mo ba ako nang masama?" natatawang biro ko na nagpaikot naman sa kanyang mga mata.

"Feeling mo, mister. Ayoko lang sumakit ang katawan mo sa papag," maagap na paliwanag pa niya.

"I was just messing up with you, babe." Lumapit ako at banayad na pinisil ang kanyang namumulang pisngi. "Sigurado ka bang ayos lang sa 'yo na tumabi na ako?"

"Ngayon pa ba ako aarte?" namumula pang aniya.

Natatawa akong gumapang sa bed at walang pag-aalangan na hinalikan ang kanyang mga labi.

"I love you..." bulong ko.

"I love you..." malambing din namang sagot niya.

Banayad kong hinalik-halikan ang kanyang mga labi bago tuluyan siyang ihiga sa kama. I am dying to kiss and touch her again.

Wala na talaga akong mahihiling pa. Hindi man kami pinagtagpo sa tamang oras ay itinadhana pa rin naman kaming mahalin ang isa't isa. I guess that's all that matters now.

Me and her.

Together.

Continue Reading

You'll Also Like

367K 14K 50
Terrence will always be Chloe's first love. Lumaki silang magkababata ng lalaki, pero ang batang puso niya ay maaga ring nahulog dito. Lantarang ipin...
88.2K 1.7K 13
A guy who's afraid of commitment... and the girl he loves the most. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (Twitter)
1.2M 67K 63
SPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenith Fujimori
160K 3.3K 61
ACEAN'S Songbird Francesca Morales is becoming popular with the hottest guys at Ace Academy. The High School MVP JC San Miguel and the Elusive Bache...