Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 54:

439 18 3
By donnionsxx04

ROSE PADILLA POV:)

Akala ko makakaligtas na ako kay Jonas pero bandang alas kwatro, umuwi siya na sobrang lasing na lasing. Hindi pa rin ako nakaligtas sa pambubugbog at pananakit niya kaya nandito ako ngayon sa apartment namin. Nakakulong at maraming pasa na dahilan hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho. Medyo masakit ang likod ko dahilan sa pinalo niya akong sandok sa likuran ko na alam kong namamaga iyon.

Gawain ko lamang dito sa kwarto namin ni Jonas, nakahiga lang habang nakatagilid. Wala na naman yung magaling kung ka-live in, nasa sabungan na naman siya para tumaya. Pag hindi, nasa sugalan na naman iyon kasama ang mga barkada niya. Syempre, lulong pa siya sa masamang bisyo kaya lahat na kasamaang ginagawa ng lalaki, sinalo na niya. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya noon at ngayon lamang ako nagising sa katotohanan.

Hindi ko alam Hanggang kailan ako magtitiis sa kanya. Para akong nakatira sa hawla na pinapahirapan ng isang demonyong tao at hawak niya ang kalayaan ko.

Dahil alas dose na ng umaga, hindi pa ako nakakapag-tanghalian. Kahit almusal, hindi pa rin. Pinilit kong bumangon kahit bagsak na bagsak ang katawan ko. Bibili ako sa labas ng kakainin ko. Hindi ko pwede pabayaan ang sarili ko. Ayaw ko pa mamatay at takot akong mamatay. Hindi ko na alam kung totoo bang may diyos o gawa-gawa lamang ng mga mapang-panggap na rehiliyoso. Kung totoo man ang diyos, sana tulungan niya akong makaalis sa impyernong mundo na ito.

Nakasuot ako ng jacket at jogging pants para matakpan ang mga pasang natamo ko. Pagkalabas ko ng apartment namin, nakita ko na lamang si Ryan na papasok pa lamang sa apartment niya.

"Ryan!" Tawag ko. Two weeks ko ring hindi siya nakita at ngayon lang siya nagpakita.

Nagulat pa siya ng makita niya ako. Mabilis na lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit may pasa ka na naman? Binugbog ka na naman ba ni Jonas?" Alalang tanong nito at hinawakan nito ang kamay kong may pasa. Inapakan kasi ni Jonas ang mga kamay ko kaya medyo namamaga iyon."Sabi ko na sayo, iwanan mo na siya."

Naiiyak na tumango ako."Lasing kasi si Jonas." Sabi ko sabay tumawa ng pilit."Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hinahanap ko si Kuya. Nag-iimbistiga ako kung sino ang boss ni Kuya dahil kutob ko may alam yung Boss sa pagkawala ni Kuya Tomas." Sagot nito.

"Asan na kaya si Tomas?" Malungkot na sabi ko nalang.

Mabait naman si Tomas pero dahil sa hirap nakakagawa siya ng masama. Hindi ko alam ano tawag sa trabaho ni Tomas pero isa siyang parang hina-hire para pumatay ng tao. Di ko alam kung ano tawag sa trabaho na iyon.

Sabagay, kailangan din kasi nila ng pera. Ako nga e, binibinta ko ang katawan ko para makakain araw-araw. Kahit labag man sa kalooban, no choice ako dahil napakahirap ng mundo at ang hirap mabuhay kung wala kang pera kaya naiintindihan ko ang mahihirap na kumakapit sa patalim kahit ikapahamak pa ng buhay nila.

"Kumain kana?" Tanong na lamang nito sa akin.

Umiling ako.

"Tara! Ipagluluto kita. Di pa rin ako kumakain." Nakangiting yaya sa akin ni Ryan.

"Sige." Payag ko.

At pumasok kami sa apartment niya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Good morning, Sir." Bati ko pagkapasok sa office niya dala maliit na cart na naglalaman ng panlinis.

Natigilan naman ito sa pagta-type sa laptop niya nang marinig ang boses mo. Mabilis na tingnan ako nito.

"Bakit pumasok ka? Di ka pa okay." Kunot-noo na tanong nito halos napatayo sa kinauupuan.

"Okay na ako, Sir. Di naman ako nahihilo." Sabi ko sabay tawa ng pilit.

"Sure ka?" Paninigurado nito.

"Opo." Patango-tango na sagot ko.

Nakipagtitigan pa ito sa akin na tila kinukumpirma kung nagsasabi ako ng totoo. Nakangiti lamang na nakipagtitigan ako sa kanya.

Sa huli, umiwas na rin ito ng tingin. Kumibit-balikat na lamang ito."Okay."

Naupo na ulit ito sa kinauupuan at pinagpatuloy ang ginagawang naudlot.

Tahimik na kinuha ko na sa lagayan ang walis-tambo pati telang pampunas. Nagwalis na ako ng floor sabay punas sa lamesa babasagin. Hindi pa ako nakaka-isang minuto sa paglilinis, may pumasok na lamang sa pintuan na dahilan napahinto ako sa paggawa at binigyan ito ng daraanan.

Kunot-noong tinapunan pa ako nito ng tingin bago makalapit sa kinaroroonan ni Sir Johnser. Ramdam ko sa tingin niya sa akin na ayaw na ayaw ako ni Sir Andrew. Syempre, ayaw niya sakin kasi di ko makuha ang timplada ng kapeng hinahanap niya. Deserve ko talaga yung sampal na iyon kahit alam ko naman na mali iyon.

"Andyan na lahat ang mga reports at mga documents na kailangan mo." Sabi nito kay Sir Johnser sabay bigay ng mga folder dito.

"Thank you, Tito." Pasalamat naman ni Sir dito pagkakuha ng mga folder at nilapag lamang ito sa gilid ng lamesa."Upo ka, Tito." Alok naman niya dito.

Naupo naman si Sir Andrew sa visitor seat sabay tumikhim pa. Naupo naman ng maayos si Sir Johnser at pinagliban muna ang ginagawa.

Tahimik na pinagpatuloy ko na ulit ang paglilinis.

"7th Anniversary ng All Day Shop ni Mr. Kailes. Nakausap mo na ba siya kung ano ang plano niya sa event na iyon?" Panimulang topic nito.

"Magme-meeting daw kami bukas about doon." Sagot ni Sir Johnser sabay sara ng laptop."Oo nga pala, Tito." May kinuha sa drawer ito at nilapag sa lamesa ang isang Flashdrive."Bago ko ipakita kay Papa ang ginawa ko, papatingin ko muna sayo kung okay na ba iyan na Commercial Ads para sa ila-launch nating new phone."

Kinuha naman iyon ni Sir Andrew."Sure, no prob." Nakangiting sagot nito."Oh sya! Aalis na ako." Tumayo na ito sa pagkakaupo."Ipapahatid ko nalang ito sa assistant ko kung napanood ko na."

Tumayo rin sa pagkakaupo si Sir Johnser."Sige po, Tito. Salamat po."

Tumalikod na ito at umalis. Napahinto naman ako sa paglilinis at gumilid para bigyan ito ng daan. Nagulat ako dahil huminto ito sa tapat ko. Takang iniangat ko ang ulo ko at mabilis na yumuko ulit ako ng makita ang malagkit na tingin sa akin ni Sir Andrew.

"Johnser, wala ka bang balak palitan ang personal na tagalinis mo?" Nakakatakot na boses sabi nito kay Sir pagkatapos lumingon ulit ito dito.

"Bakit, Tito?"

"Hindi ko gusto ang awra niya." Prangka nito.

Nasaktan naman ako sa sinabi halos napalunok ako ng laway. Pinatili kong nakayuko pa rin ako dahil feeling ko, nakatingin ito sa akin ng masama. Bakit ang init ng dugo niya sa akin? Sa kape lang, grabe na niya ako pag-initan.

Hindi naman kaagad nakasagot si Sir Johnser.

"Sige, aalis na ako." Paalam na ulit nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkalabas nito, doon ako nakahinga ng maluwag. Kahit may itsura si Sir Andrew pero nakakatakot ang pagiging istrikto niya. Medyo okay-okay pa si Sir Cedric sa kanya, napaka-bright ng mukha.

"Pasensya kana kay Tito ah?" Napatingin naman ako kay Sir Johnser nang magsalita.

"O-okay lang po." Nakangiting sabi ko pero deep inside, nasaktan ako."Ah, Sir? May ipapaalam po sana ako sainyo." Paalam ko nang maalala ang binilin ni Aling Sonia kanina.

"Ano iyon?"

"Sir, absent kasi ang mga jannitor at jannitress dahil uso ang mga sakit kaya kulang sa tao." Sabi ko.

"Tapos?"

"Hmm, kung pwede raw po muna amo maglinis sa ibang office." Pagpapaalam ko.

Kumunot naman kaagad ang noo nito."Saang office?" Naging seryoso na tanong nito.

Nagulat naman ako sa nakitang reaksyon sa mukha niya. Baka ipapatanggal na naman niya si Aling Sonia. Masyado naman mahigpit si Sir.

"S-sa office raw po ni Sir Leandro, Sir. Hehehe." Nautal na sabi ko kaagad.

"Okay." Payag nito at nawala ang pagkaka-kunot ng noo nito.

Binuksan na nito ang laptop at nagsimula na ulit mag-type.

Ako naman ay pinagpatuloy na ang paglilinis. Nagulat na lamang ako nang magsalita pa si Sir Johnser.

"Pagkatapos nun, di kana maglilinis sa iba. Sa office ko kalang maglilinis." Parang obsess na sabi niya.

Ay? Grabe ka, Sir? Madamot? Hehehe.

"O-opo." Sabi ko nalang.

THIRD PERSON POV:)

Dahil wala si Mr. Kailes at naka-opisina na ito sa Uphone Company, si Ros na nag-oopisina sa office nito. Pagka-print niya ng mga documento ay agad na nilagay niya iyon sa folder na  nakalapag sa mesa.

Pagkatapos ay naglakad na ito para umupo sa kanyang desk na desk noon ni Mr. Kailes. Di pa siya nakakalabit sa table, bigla na lamang siya nakaramdam ng hilo. Napahawak naman siya sa ulo niya. Bigla na lamang siya nakarinig ng nakaka-binging tonong na kasunod na sumakit ang kanyang ulo na dahilan napapikit siya.

Dahan-dahan siyang napakapit sa visitor seat habang sapo pa rin ang ulo at nararamdaman ang kakaibang sakit. Nakarinig siya na parang batang tumatawa at boses na binatang tumatawa. Doon na lamang lumabas ang isang imahe.

"Daddy Drew." Tawag ng isang bata na alam niyang siya iyon.

Tiningnan lamang siya nito na may kakaibang tingin pero agad bumaling ito sa kapatid niyang kantong nito.

"Tito, salamat dito." Narinig niyang pasalamat ng kapatid niya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakaupo ito na nakatalikod sa kanya.

"Pamasko ko na iyan sayo ah? Galing ako ng Singapore kaya binilhan na rin kita ng laruan doon." Sabi nito dito.

"Daddy, how about me?" Inosenteng tanong ng batang Ros dito.

Tiningnan lamang siya nito ng masama."Tara! Ipapasyal kita sa labas." Baling nito sa kapatid niya at kinarga ito.

Malungkot na naiwan siyang nakatingin sa dalawa na papalayo sa kanya.

Nang maalala ang isang alaala iyon, natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na umiiyak. Takang-taka siya dahil parang ramdam niya ang sakit na hindi niya alam bakit siya nasasaktan sa alaalang iyon. Dahil siguro kahit di siya nakakaalala, nandito pa rin yung pakiramdam niya na di nalimutan ng dating siya.

Bigla na lamang siya nakarinig ng boses sa kanyang isipan.

"Doña Señora Flower Shop." Boses matanda na nagsalita.

Doon ulit may lumabas na imahe sa isipan niya.

"Name of my new flower shop in Philippines." Narinig niyang sabi ng matandang babae sa kabilang linya.

Nakita niya ang lalaking nag-eedad 15 na alam niyang siya rin iyon. Nasa garden siya habang nakaupo sa bench at pinapanood ang magandang fountain.

"Wow! Congrats, grandma! I know you like flowers so I suggest to open a flower shop." Nakangiting sabi niya rito.

"I miss you, my grandson!"

"I miss you, grandma."

Nang maalala iyon, mabilis na kumuha siya ng papel at ballpen. Sinulat niya ang pangalan ng flower shop sa alaala niya.

Doña Señora Flower Shop.

Pagkasulat hinawakan niya ang papel at tinitingan ito.

Kailangan niya mahanap at mapuntahan ang flower shop na ito para tuluyan bumalik ang alaala niya.

MANDY YU POV:)

"Mommy, bakit pinasara na itong flower shop? Ayaw na ba ni Lola Valencia?" Tanong niya sa kanyang ina habang nakasakay sila sa kotse at nadaanan niya ang flower shop ng lola ni Johnser.

"Mula nang mamatay ang paborito niyang apo, nawala na ang interes niya sa mga bulaklak." Nakatingin sa labas na bintana na sagot ni Mama.

Naupo na siya ng maayos sabay bumuntong-hininga. Nasa backseat sila nakaupo habang ang driver naman nila ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Sayang naman. Halatang mayayaman bumibili doon." Sabi ko na may paghihinayang."Mommy, nag-usap na kayo ni Daddy?" Pag-iiba ko ng topic.

"Ewan ko doon!"

"Di pa rin kayo bati ni Daddy?" Bulalas ko.

"Kailan pa naging okay kami nun? Palagi nga kami nagbabangayan." Nakabusangot na sabi nito sabay cross-arms. May similarities talaga sila ng mama niya kaya mag-ina talaga kami.

"Ewan ko nga sainyo. Ang tatanda nyo na, away-bata pa kayo." Napaikot ang eyeballs sabi ko.

"Tsk!"

DYLAN LORENZO POV:)

Kanina ko pang napapansin na tulala si Kuya Ramon na nakatingin sa keyboard at walang balak mag-type.

Dahil sa pagtataka, tinawag niya ito para gumising ito sa pagmumuni nito.

"Kuya Ramon."

Napapitlang naman ito sa pagkagulat. Gulat na gulat na bumaling ito sa akin.

"A-ano yun?" Tanong nito.

"Okay ka lang? Kanina ka pang tulala." Tanong ko at bumaling ulit sa ginagawa. Pini-print ko na ang dokumento na kailangan ni Sir Cedric.

Natulala ulit ito at parang nagdadalawang-isip.

"Dylan." Sambit nito.

Tumayo ako sa pagkaka-upo at pumunta sa printer para lagyan ng coupon band dahil mauubos na.

"Oh?" Saka na sagot ko.

"Natural bang may kamukha ang isang tao kahit hindi magkadugo o magkapatid?" Makahulugang pahayag nito.

"Ewan. Bakit?" Tanong ko at nakabaling pa rin sa printer at hinihintay matapos.

"K-kagabi a-a-ano k-ka-kasi..." Di mapatuloy-tuloy na sabi nito.

Pagkatapos kinuha ko na ang mga na-print."Ano yun?" Tanong ko pa rin at dumeretsyo na sa upuan ko.

Bumaling ito sa akin."Kagabi, nakita ko si Sir Clive, buhay siya." Sabi kaagad nito.

Nanlalaking mata na napatingin ako dito.

To be continued...

Sorry sa mga wrong typos.
Aayusin ko nalang ito pag nasa dreame na. Hehehe.
Ano masasabi nyo sa update ko?
Kung sino may nakaka-inspire na comment, ime-mention ko sya sa next chapter .

Continue Reading

You'll Also Like

106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...
8K 357 52
Isang lalaking halimaw ang pinag experimentuhan ng isang baliw na scientist.What if this monster turned into a goodlooking person what will you do?
71.3K 2K 64
Student and Principal Dalawang nag uugnay sa loob ng isang paaralan. Principal ang sinusunod at Studyante ang taga sunod. Pero sa kaso ko ako ang sin...
29K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...