Bizarre Connection

Da rvnjace

11.9K 369 73

University Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne... Altro

Author's Note
U-Belt Encounter Novella Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Afterword

Chapter 14

303 12 0
Da rvnjace


trigger warning: violence

I let Alas drive me home that night because I felt bad. I know he's a playboy and all, pero narealize ko rin na hindi naman siya gano'n kalala katulad ng first impression ko sa kanya. And I appreciate what he did earlier.

His car stopped on the street near my apartment.

"Tama ba?" he asked, pertaining to the street.

Tumango ako. Bigla ko namang naalala, may ibibigay nga pala ako sa kanya.

"Are you really okay now?"

Inangat ko ang tingin ko dahil sa tanong niya. Nakatitig naman siya sa akin na tila hinihintay ang sagot ko.

"Okay lang," sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin bago kinuha ang bracelet sa bulsa ko.

"Here," inilahad ko 'yon sa kanya. Nang hindi niya kinuha ay hinawakan ko na ang kamay niya at inilapag 'yon doon. Hindi pa rin siya nagsasalita at parang litong nakatingin sa akin.

Mukhang tanga.

"Good night!" Mabilis ko 'yong sinabi at agad na akong lumabas ng sasakyan habang hindi pa siya sumasagot.

Ang awkward sa pakiramdam dahil hindi ako sanay magbigay ng mga ganoong bagay lalo na sa mga katulad niya. Dahil doon ay binilisan ko ang lakad ko dahil baka mamaya ay maisipan pa niyang lumabas.

I immediately opened the door of my unit pagkarating ko, ngunit nagulat ako na hindi 'yon nakalock.

Napatigil ako at mag-iisip na sana ng kung maaari kong gawin nang biglang bumukas ang ilaw mula sa loob at bumungad sa akin ang pilit kong tinatakasan at kinakalimutan.

Gustong umatras ng mga paa ko ngunit tila napako na ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula ng manginig ang buong katawan ko at pilit kong hinahabol ang aking hininga.

Because the past is here. The person who traumatized me is standing in front me. With no regrets nor shame in his eyes. And I'd like to think na sana ay isa lang 'tong masamang panaginip.

Pero hindi...

"Sa tingin mo ba habang-buhay mo na akong matatakasan?" Ngumisi siya at tila demonyong lumapit sa akin.

Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo palayo, gusto ko siyang saktan! Pero nanatili ako nakatayo sa harapan niya.

Kahit pala ngayon, after all the years I've spent to make myself brave, hindi ko pa rin pala siya kayang harapin ng gan'to. I'm still the same weak Nisha.

Hinawakan niya ang batok ko at hinila papalapit sa kanya.

"Wala ka bang sasabihin sa tatay mo? Hindi mo ba ako hinanap-hanap? Hindi mo ba ako namiss?"

Kahit na nahihirapan na ay umiling ako.

Halos mapasigaw naman ako nang hinila niya ako papasok ng unit ko gamit ang buhok ko. Malakas niyang isinara ang pinto at tinulak ako sa sahig. Gusto kong umiyak dahil sa sakit ng likod at braso no'ng tumama 'yon sa sahig.

Muli ay ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Minahal kita, itinuring na parang prinsesa, pero anong ginawa mo?" Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

Napagtanto ko naman kung ano ang sinabi niya at kahit na nahihirapan ay sarkastiko akong tumawa.

Minahal? Itinuring na parang isang prinsesa? Where in hell?

I looked at his face at isa lang ang nakikita ko.

"Isa kang demonyo..." buong poot kong sabi.

Tumawa siya at dalawang nakakabinging sampal ang pinakawalan niya. Halos mamanhid na ang mukha ko dahil doon.

Mukha siyang halimaw na tumatawa habang nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pagtulo ng luha ko.

He's my father. Pero kahit kailan ay hinding-hindi ko maiintindihan kung paano at bakit ko naging ama ang katulad niya.

He's not even human for me. Isa siyang siyang hayop, demonyo, halimaw! Kulang nalang ay higupin na siya ng impyerno at mamuhay kasama si Satanas!

"Iyan ba? Iyan ba ang tinuro sayo ng bastardong anak ni Sheryl?"

Nanigas ako dahil sa sinabi niya. Si Shin. Kailangan ko siyang protektahan. Kahit anong mangyari, kailangan kong maging matapang para maprotektahan siya.

Pinilit kong umupo at huwag munang pansinin ang sakit ng katawan.

"Huwag mong babanggitin si Shin! Wala siyang kasalanan! Ikaw! Ikaw lang ang may kasalanan! Isa kang hayop!" galit kong sigaw sa kanya.

Muli akong napahiga nang dinaganan niya ako at hinawakan sa leeg.

"Nasaan ang bastardong 'yon? Sabihin mo sa akin, ngayon din!"

Pinilit kong makawala at inangat ang katawan ko. Buong lakas ko siyang dinuraan sa mukha.

"Mamamatay muna ako bago mo malalaman kung nasaan siya."

Galit na galit ang tingin niya sa akin at mas nilakasan ang pagkakasakal sa leeg ko. Malaki at malakas siyang tao kung kaya't kahit anong gawin kong pagsipa at pagpiglas ay wala 'yong kwenta.

Pinulot niya gamit ang isang kamay ang vase na nakapatong sa malapit na mesa at umambang ihahampas 'yon sa akin. Napapikit ako ng mata at hinintay nalang na tumama 'yon, ngunit lumipas ang ilang segundo na walang nangyari.

Napabukas ako ng mata no'ng maramdamang may humila sa akin patayo. My eyes widened when I realized what's happening.

What? It can't be.

Alas was there, but he wasn't alone. Dahil ang humila sa akin...

I looked around and Priam's eyes immediately met mine, he pulled me closer and hugged me tight habang binababa ang dress kong umangat kanina no'ng bumagsak ako.

He didn't say anything at niyakap lang ako, and I couldn't prevent it anymore. My tears fell and I buried my face on his chest, hiding my face.

Ilang kalabog ang narinig ko and I know...I know it's Alas.

And then...it hit me!

Why the fuck are they here?

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito?" the demon's voice boomed at agad akong kumawala kay Priam dahil doon.

"We will report you to the police." he said and tried to pull me back, but I resisted.

I was thankful that they're just on time pero ayaw ko rin ng ganito. Because of all scenes, bakit ito pa ang kailangan nilang makita?

"Pulis? Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Anak ko 'tong kasama ko! At kinakausap ko lang dahil matagal na kaming hindi nagkikita, hindi ba, anak?"

Lumapit siya sa akin at agad naman akong umatras.

He's doing it again but there's no way in hell I would let him do what he wants again.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan."

He smirked and attempted to come closer again pero bago pa niya nagawa 'yon ay pinigilan na siya ni Alas.

He then laughed while looking at him, at pagkatapos ay kay Priam naman.

"Kaano-ano ba kayo ng babaeng 'to? Bakit kayo nandito?"

Alas almost punched him again but Priam stopped him.

"Even if he's your daughter, violence is never right, so it shouldn't be tolerated." Mariin niyang sabi at nilingon ako. Hindi ko alam kung alam pinaglalaruan lang ako ng mata ko o totoo ngang puno ng pag-aalala ang sulyap niyang 'yon.

Alas looked at me with his gentle gaze.

At parang bigla naman akong nanliit dahil sa napagtanto.

Maybe they pity me now just because of what they saw. Tila balewala nalang lahat ng pagtatago ko sa nakaraan ko because they're aware of it. And maybe soon they'll also know that what they're thinking is not everything.

That I am that girl...

"Huwag niyong sabihin na may gusto kayo sa babaeng 'to?" Muli ay tumawa siya na parang demonyo.

Priam and Alas looked at each other, and the latter just looked away. And I feel ashamed that they had to hear it.

Pagod akong umiling at tumingin sa kanila.

"Umalis na kayo."

Alas immediately shook his head.

"Please," I begged as I looked at them.

Alas face softened ngunit agad din 'yong bumalik sa dati no'ng muling magsalita ang demonyo.

"May gusto nga kayo." He said while laughing.

Napakuyom ako ng kamao.

"Pero ewan ko lang kung magugustuhan niyo pa siya kapag malaman niyo—." I cut him off because I don't wanna fucking hear that! I already had enough!

And feeling so fucking ashamed is even a fucking understatement! Galit na galit ako at kahit sino pa ang makarinig ay wala na akong pakialam. They're free to leave me after hearing what I'll say!

"TAMA NA!" I shouted in his face.

No words can explain how much I want him gone in my life. Ayaw ko na siyang makita pa. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, then I would've killed him noon palang.

"Hindi na ako papayag pang bumalik ka sa buhay namin. I will not let you touch Shin again, magkamatayan man! Kaya umalis ka na! Wala ka ng mapapala dahil hindi na ako takot sayo!"

Inis kong pinulot ang vase na hawak niya kanina at hinagis 'yong sa harapan niya. Ang pagkabasag no'n ay naglikha ng ingay. Alam kong may mga tao ng nakikitsismis sa labas pero wala na akong pakialam. What I want to do now is drive him away from our life.

"Umalis ka na at huwag ka ng babalik pa! And remember this! I'll do everything to return you to jail because that's the only place you belong to, aside from hell!"

Nangangailiti rin ang mata niyang tinitigan ako.

"Hindi mo 'yan magagawa, hindi mo kaya." Tiningnan niya kaming tatlo at ngumisi.

"Mahina ka pa rin kahit anong gawin mo." Those were his last words before turning his back.

Napaupo ako sa sahig no'ng makalabas na siya, pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas.

Umambang lalapit sa akin ang dalawa pero agad ko silang pinigilan.

"Please...just leave me alone."

Continua a leggere

Ti piacerร  anche

937K 17.1K 44
Audrey Claurette Del Vierre, someone who wanted freedom went to a place she's unfamiliar to, just so she could explore things. There she met the self...
17.7K 702 55
HASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned...
30.4K 784 25
University Belt Encounter Series #3 "Crazy Rich. Beautiful. Talented. Smart. Classy. Future Star." That is how they view her. Minus her spoiled atti...
35.8K 1K 25
University Belt Encounter Series #1 Harley Johann Cervantes has a twisted view of life and love. She's different. She's independent and tough. And sh...