Bizarre Connection

By rvnjace

11.9K 369 73

University Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne... More

Author's Note
U-Belt Encounter Novella Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Afterword

Chapter 11

324 13 3
By rvnjace


Nakatulala lang ako habang tinitingnan siyang nakayakap sakin. Yeah, he collapsed after saying those words and I was just on time to catch him from falling.

I sighed and shook my head. About what he said, I refuse to give any meaning to that. Ayaw kong isipin dahil hindi posible. Hypothetical lang 'yon.

Hindi ako ang tipo niya. Hindi ako katulad ni Marian. In fact, I'm nowhere near her in any aspect. I'm like a trash compared to her. A trash that's striving to be recycled.

His phone rang at kahit mahirap ay kinuha ko 'yon mula sa bulsa niya at sinagot. It was Kyle who's calling.

"Hello, pre asan ka? Nagising nalang ako putcha wala kana sa tabi ko. Hindi mo naman siguro naisipang umuwi ng Maynila dahil nandito si—."

"Kyle."

"Oh, shit. Sino ka?"

I sighed. Wala na akong choice. Ayaw kong malaman nila na magkasama kami pero mukhang wala na akong ibang magagawa.

"Si Nisha 'to..." I told him where we are at mabuti nalang ay hindi na siya nagtanong pa.

Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumapit.

"Anong nangyari?"

Ayaw kong mag-explain pero kailangan ko pa ring sagutin ang tanong niya.

"I saw him outside, lasing at nakatulog na. I approached him and then I heard na may paparating kaya hinila ko siya rito. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Tumango siya sa akin. "Salamat, Nisha. Pasensya na. Hindi ko rin alam kung bakit naglasing siya, eh hindi naman niya gawain 'to."

Halos hindi ako nakatulog buong gabi. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya...at siya. Bumalik pa ang tanong sa akin ni Alas.

But, no way! There's no way in hell that someone like him would be attracted to someone like me.

Biyahe namin papuntang El Nido kinabukasan. Mabuti na lang ay hindi kami iisang sasakyan and I also didn't see him the whole morning, pati si Kyle ay hindi ko rin nakita. Pero mas mabuti na 'yon, dahil kung makita ko siya ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Tanghali na no'ng makarating kami ng El Nido at diretso kain ang ginawa namin. Excited silang lahat samantalang ako ay mukhang nalalantang gulay dahil kulang sa tulog.

"Nasaan ba sila Kyle? Hindi ko nakikita." Fina asked.

"Bakit? Miss mo na crush mo?" They teased.

"Yak! Kadiri! Hindi ah, nagtataka lang ako."

They kept teasing Fina after that. Nauna akong matapos kumain at dahil may break naman kami ay minabuti kong maglakad muna sa may dalampasigan.

Mataas na ang sikat ng araw, masakit sa balat kung hindi ka sanay, pero mukhang gustong-gusto siya ng morena kong balat.

Umihip ang malakas na hangin at hinayaan kong tangayin nito ang buhok ko. Kung pwede lang sana na pati ang mga iniisip ko ay matangay na rin niya palayo, kasi hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong isipin.

Hinati kami sa dalawang grupo no'ng hapon. Magkakasama ang grupo namin nila Marian na pumunta sa mga lagoon, habang ang ibang grupo naman ay ibang itinerary rin ang pinuntahan.

I didn't see Priam the whole day at nabalitaan ko nalang kay Fina no'ng pagsapit ng gabi na nakabalik na sila. Dahil sa pagod ay nakatulog na rin ako ng maaga and in exchange ay maaga ring gumising kinabukasan.

I went out of our room para makapaglakad-lakad sa dalampasigan but that was a wrong move dahil nakita ko siya roon, nakatingin sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. Agad akong nagtago bago pa niya makita dahil ayaw ko...ayaw ko siyang harapin o kahit makasalubong man lang ang titig.

It would be awkward, kahit na wala namang dapat ika-awkward. Ako lang yata ang gumagawa ng rason at nagbibigay ng kahulugan sa mga bagay-bagay na alam ko namang walang katuturan.

I tried to avoid him again that day at mukhang successful naman dahil hindi nagkrus ang landas namin buong umaga. Not until dumating ang hapon dahil pinagsama na ulit ang dalawang grupo. We're going to stroll around the town and blend with the locals, like study their culture and such. Masaya raw 'yon at eksayted sila ngunit nababahala ako.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong nagbuntong-hininga sa tuwing muntik magkasalubong ang mga mata namin. Mabuti na lamang ay maraming binebentang souvenirs kung kaya't doon ko nalang itinuon ang pansin ko.

I bought a lot for Shin, meron din kay Sharo at Ed, para sa landlady dahil binilin niya...and then.

I rolled my eyes when I remembered Alas and his words before I left.

'There's no way I would buy something for him' I thought, but an hour later, I found myself holding a bracelet with his name on it.

I sighed. Naiinis na talaga ako sa sarili ko.

Mayroon din akong nagustuhan na kwintas kaso ang mahal masyado kung kaya't ipinagsawalang-bahala ko nalang.

Tumalikod na ako at laking gulat ko naman nang tao ang bumungad sa akin pagkalingon ko.

"Uh..." agad akong napaiwas ng tingin.

"Sorry." he said and walked away.

Sinundan ko siya ng tingin at muling napabuntong-hininga.

See? He's not even bothered by it. Siguro nga ay hindi na niya 'yon naaalala dahil lasing naman siya o baka nasabi lang talaga niya 'yon dahil sa kalasingan pero heto ako...iwas ng iwas sa kanya dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya.

I shook my head. Maybe I'm just paranoid for nothing at baka feelingera na rin. I need to stop it.

Muli ay inabala ko ang sarili ko pagkuha ng mga larawan at sa pagtingin ng mga souvenirs. That way, I'd forgotten that he's just around.

No'ng magsasunset na ay bumalik na kami sa resort kung saan kami namamalagi. They watched the sunset together habang nagtatawanan at nagkukwentuhan, and I watched it too. Malayo nga lang sa kanila.

Napahawak ako sa dibdib ko no'ng matanaw siya. I hate that my heartbeat is getting faster again. Dati ko pa napapansin 'to ayaw ko lang punahin.

Pero ngayon...

Napakuyom ako ng kamao. Bakit ko ba nararamdaman 'to sa kanya? Alam kong hindi ko siya gusto pero bakit ganito...bakit laging kakaiba nararamdaman ko sa tuwing nagkakasalubong ang tingin namin? At kapag malapit siya, bakit ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko?

I don't like him, I know. I fucking know that I shouldn't like him! Pero ano 'to? Bakit gan'to?

"Nisha! Group picture!" Fina shouted kung kaya't lumipat ang tingin nila sa akin. Umayos ako ng upo at nagpasyang hindi na sasali pero lumapit si Fina at Marian sa akin.

"Dali na, please. Last group picture bago tayo pumunta ng Coron." Marian said, si Fina naman ay hinatak ako. I also saw him looking at me pero agad akong umiwas ng tingin.

Sa huli ay pumayag nalang ako dahil wala akong maisip na matinong rason para hindi sumali.

Fina pushed me beside her.

"D'yan ka nalang, Nisha. Ayaw kong tumabi sa epal." She said, referring to Kyle na nakangisi sa kanya.

I sighed at humarap nalang sa camera. The cameraman took few shots at pagkatapos ay saka kami naghiwahiwalay.

"Nisha picture!" Kyle suddenly said at lumapit sa akin, at hindi ko inaasahan na pati siya ay lalapit.

"1...2...3...smile..."

Hilaw na ngisi ang nagawa ko no'ng naramdaman kong nasa likod ko lang siya.

Agad akong umalis pagkatapos no'n at nagpasyang magkulong muna sa room namin. Akala ko ay mag-isa lang akong aalis kaso sumunod din sa akin sila Fina at Marian, na kasama ko sa room, pati na rin 'yong dalawa pa nilang kaibigan.

"May bonfire ulit mamaya!" Excited na wika ni Marian.

"Talaga? Laro ba tayo ulit? Para naman makaamin ka na." Fina answered. Tinukso naman nila si Marian.

"Kailan mo ba kasi aaminin kay Priam na gusto mo siya? Sigurado ako gusto ka rin non."

"Agree! Bagay na bagay talaga kayo."

"Yeah, at sino namang hindi magkakagusto sayo, diba?" ani Fina at tumingin sa amin...sa akin.

Tumango ako dahil totoo naman. Kahit sino magugustuhan siya at ang mga katulad nga niya ang dapat magustuhan ni Priam.

Prim, proper, rich, smart, beautiful, kind...ano pa ba?

I'll just be stupid if I think that Priam might really like someone like me. Someone who's messy and poor in every aspect.

Wala akong balak na pumunta sa dalampasigan para sa bonfire pero baka punahin nanaman nila kung wala ako kung kaya't sumama nalang ako. If they ask about me, then I'm here. At kung walang maghanap, edi mas mabuti.

I decided to wear the black hoodie that Shin gave to me no'ng birthday ko dahil medyo malamig, at habang nagsasaya sila ay itinago ko ang sarili ko sa hoodie.

Parang gusto ko nalang matulog habang nakikinig sa kanilang nagkakantahan. Bumili kasi ng gitara ang isa sa mga kaklase namin kung kaya't 'yon ang gamit nila.

"'Cause you know, you know, you know...that I love you...I've loved you all along..." they sang.

Nickelback - Far Away

I know the song because I used to sing it when I was young...but it hits differently now...kaya hindi ko magawang sumabay sa kanila.

The song reminded me again that I was once like them, too. Singing, laughing like there's no tomorrow, and talking nonstop.

But I couldn't bring that young Nisha back.

"Kyle, kanta ka nga. Wala na akong maisip." Fina suggested na agad namang tinanggihan ni Kyle.

"Ano...ako nalang," si Marian.

Napatingin silang lahat nang tumayo siya.

"Uh, ayan na..."

Kinuha niya ang gitara. "This song describes what I am feeling right now and it sounds good...so yeah, I'm gonna play it."

"Go Marian!"

They cheered for her when she started playing.

"l still remember the third of December, me in your sweater..." she sang.

Natahimik naman sila. Kahit ako. Dahil ang ganda nga naman ng boses niya. But other than that...the song and the message...it bothers me.

"But I watch your eyes as she walks by...what a sight for sore eyes...brighter than the blue sky...she's got you mesmerised while I die..." she continued.

She said that it's what she's feeling right now and I know...it's because of him. Pero bakit? Bakit niya kinakanta na parang may gustong ibang si Priam? Hindi ba't siya naman? I glanced at Priam's direction and I just saw him staring at the ground, tahimik na nakikinig.

"Why would you ever kiss me? I'm not even half as pretty...you gave her your sweater, it's just polyester...but you like her better...wish I were Heather..."

She could relate to it? I sighed and shook my head...because I feel like I somehow could relate to it more. And I hate it so much that I'm feeling and acknowledging it.

"Marian naman, akala mo unrequited love eh!" her friends commented.

"Oo nga, eh gusto ka naman yata non."

They looked at Priam na ngayo'y nakayuko pa rin.

Marian just smiled at them at bumalik na sa pwesto niya.

"Priam..."

Napatingin kaming lahat sa kanya no'ng kunin niya ang gitara at seryosong sinuri 'to.

"Kakanta ka?" gulat na tanong ni Kyle.

Tumango siya and no'ng umangat siya ng tingin ay hindi ko inasahang sa akin 'yong pupunta.

Tipid siyang ngumiti. "This one's for the person I like."

He started strumming the guitar at natahimik ang lahat dahil sa malamig niyang boses.

"I remember what you wore on the first day...you came into my life and I thought, hey you know this could be something..."

Pakiramdam ko ay nanigas ako sa pwesto nang marinig ang boses niya at tila may nagwawala nanaman sa loob ng katawan ko.

Bakit ganito? Marami na akong narinig na kumanta pero bakit ganito?

"'Cause everything you do and words you say, you know that it all takes my breath away, and now I'm left with nothing..."

Naalala ko ang sinabi niya. Para sa taong gusto niya? I looked at Marian and I just saw her smiling habang nakayuko.

Siya 'yon, diba? Siya ang gusto niya. Pero bakit sa tuwing aangat siya ng tingin ay sa akin siya nakakatitig?

Ayaw ko mag-isip. Ayaw kong mag-assume. Pero parang 'yon na nga ang ginagawa ko.

"Ayiiie, Marian!" Pang-aasar nila.

Tumawa naman si Kyle. "May iba nga 'yang gusto, huwag kayo! Loyal yata 'yan since day one!"

Mas lalong kumunot ang noo ko at hindi ko na napigilan. Tumayo ako dahil gulong-gulo na ako.

"CR lang ako," paalam ko sa kanila at naglakad papalayo...papunta sa kabilang bahagi ng resort kung saan walang tao.

Maliwanag ang buwan kung kaya't malinaw kong nakikita ang dagat. It seems serene...taliwas sa nararamdaman ko ngayon.

Gulong-gulo na ako at inis na inis.

Dati naman hindi ko siya pinapansin, dati naman wala akong pakialam sa kanya, pero bakit lagi na siyang nasa isip ko ngayon?

At kung hindi si Marian ang gusto niya, eh sino?

Umupo ako sa buhanginan at pinilit na pakawalan ang mga iniisip ko, katulad ng lagi kong ginagawa.

Then I sighed, dahil kahit nasa malayo na ako ay naririnig ko pa rin ang mga boses nilang nagkakantahan at nagtatawanan.

I smiled bitterly to myself.

Kung hindi ko pinagdaanan ang mga malulupit na bagay na 'yon at kung buhay pa si mama...katulad din kaya nila ako?

Would I also be able to laugh and sing like them? If only...things were different.

Sarkastiko akong tumawa.

Bakit ko pa nga ba iniisip 'yon? Eh ganito na nga ako ngayon at alam ko naman na wala na akong mababago pa.

Kahit anong gawin kong pag-aayos ay wala na...dahil sirang-sira na. At sino ba ang may gusto ng sira? Wala. People like things that are in good condition, 'yong ideal, 'yong perpekto...hindi 'yong sira at patapon.

Napabalik ako sa reyalidad no'ng may nagsalita sa likod ko.

"It's a full moon," he said.

Napatigil ako at halos hindi na makagalaw ngayong malapit nanaman siya sa akin. Kung bakit niya ako sinundan ay hindi ko 'yon alam.

"It's beautiful, isn't it?"

Dahan-dahan akong tumango.

He then sat beside me and smiled.

"You're right, it's beautiful. But it's also lonely."

Nanahimik nalang ako at nagpasyang hayaan nalang siyang magsalita dahil wala rin naman akong masabi. Having him beside me is already too much to handle.

"I'm sorry, Nisha. If I am making you uncomfortable, pero gusto ko lang..."

He stopped and looked at me with his pleading eyes.

Umiwas siya ng tingin at sa halip ay nilipat nalang 'yon sa taas...sa buwan.

"About what I said last night...would you get mad?" he asked.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 618 41
COMPLETED|| 2 The beautiful and elegant Xynea Fuerro didn't mind about love, because money, beauty and popularity and the flashes of camera's are bet...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
12.6K 548 39
ARCHER SERIES 3 Haielle Sinio, an IT student who's been broken for years because of being trapped on a one-sided-love decided to move on and find so...
35.8K 1K 25
University Belt Encounter Series #1 Harley Johann Cervantes has a twisted view of life and love. She's different. She's independent and tough. And sh...