Bizarre Connection

By rvnjace

12K 369 73

University Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne... More

Author's Note
U-Belt Encounter Novella Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Afterword

Chapter 10

357 15 2
By rvnjace


Napapailing nalang ako sa tuwing naaalala ang ginawa ni Alas at ang mga salita. He's such a playboy at pati ako ay gusto niya yatang pagtripan. Pero medyo nasasanay na rin ako sa kanya habang tumatagal kaya madali nalang palampasin ang mga pinangsasabi niya. Natural na sa kanya ang pagiging flirt at mapang-asar.

Abala ako no'ng mga sumunod na araw sa pag-asikaso ng mga requirements para sa tour. Nagwithdraw ako ng pera mula sa bank account ko, inasikaso 'yong waiver, nagpaalam kay Shin at nag-impake na rin.

When Shin knew about it ay agad siyang nagpahayag ng suporta. Naisip ko naman na dahil 'yon sa naririnig niya sa akin no'ng bata pa kami. 'Yong kagustuhan kong makapunta sa ibang lugar kasama siya at si mama.

"Mag-iingat ka doon, lalo na't dagat karamihan sa pupuntahan niyo, hindi ka pa naman marunong lumangoy," aniya.

Tama siya, hindi ako marunong lumangoy, pero wala naman akong balak na lunurin ang sarili ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi na ako bata."

"Alam ko, pero mag-iingat ka pa rin. Tsaka pati sa mga lalaking classmate mo, mag-iingat ka rin."

Parang gusto ko namang matawa dahil sa narinig.

"Iyong mga 'yon? Huwag kang mag-alala kayang-kaya ko 'yon sila. Just calm down, Shin. I can handle myself, ako pa ba?"

He sighed. "Basta tawagan mo ako kapag may problema."

Ngumiti ako dahil sa bagong napapansin sa kanya. Nagiging madaldal na siya. I don't know if I have to thank Erika for that or what.

"Bakit? Lilipad ka? Superhero ka na n'yan?"

Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos at sumimangot.

Ang cute talaga.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Huwag ka ng mag-alala. I'll be fine. Tsaka kukuha ako ng maraming pictures and videos para makita mo kung gaano kaganda doon, gusto mo mag vlog pa ako? Para kunware kasama kita?"

Hinarap niya ako at tumango.

"Take care and enjoy, okay?"

Enjoy. Ayan nanaman.

Ngumiti nalang ako at tumango, bago siya niyakap. Aalis na kasi ako sa makalawa at pakiramdam ko hindi na ako makakabisita bago umalis dahil abala pa kami sa school.

"'Yong bilin ko ha? Huwag masyadong kumain ng canned foods tsaka instant noodles."

I smiled when I left his apartment. Kung three months ago siguro ako aalis, sobra akong mag-aalala sa kanya dahil ilang araw kaming hindi magkikita. But now, thinking that he has someone to talk to other than me, it feels a little lighter. Sana lang ay huwag siya masaktan sa huli, dahil makikipag-away talaga ako.

"Oh my gosh! Sasama ka rin pala!" Fina shrieked when she saw the list ng mga kasama sa tour. Ito kasi unang pagkakataon na sasama ako sa kanila.

"Sa wakas," nakangising sabi ni Kyle saka bumaling sa mga kasama niya.

"Nasaan si Priam?"

Agad akong lumayo no'ng marinig ang pangalan niya. Naguguluhan din ako kung bakit ko ginawa, pero ang alam ko lang...mas lalo akong maguguluhan kapag malapit ako sa kanya.

It will be my first time riding a plane kaya hindi ko maipagkakaila na medyo hindi ko alam ang ibang gagawin, pero mabuti nalang ay sanay na sila kaya sinundan ko nalang ang ginagawa nila. Madaling araw ng Huwebes ang flight namin, iisang flight lang kami at halos magkakatabi rin sa upuan.

Hindi ko nakita si Priam, hindi ko rin alam kung bakit, at mas lalong hindi ko alam kung bakit ko ba siya hinanap bigla. But maybe it's because no'ng mga nakalipas na araw ay lagi ko siyang nakikita at nagtataka lang ako ngayon dahil out of sight siya.

Nasa bandang window ang seat ko, okay lang naman, mas gusto ko nga 'yon dahil makikita ko 'yong view at makakakuha ako ng pictures.

"Pare akala namin hindi ka na makakahabol." Agad akong napalingon no'ng marinig ang boses ni Kyle.

Then I saw Priam, kararating lang yata niya.

"Hayaan mo na, Kyle. Kahit naman mahuli 'yan, marami pa rin 'yang pambili ng ticket."

I just shrugged my shoulders and looked away, hindi na dapat ako nakikinig because it's not my business.

Isang oras mahigit ang biyahe papuntang Puerto Princesa at pagdating doon ay agad akong nanibago sa lugar. Nakakamiss din pala ang probinsya.

Ang nakalagay sa plano ay isang araw kami sa Puerto Princesa, isa't kalahating araw sa El Nido at ang natitirang araw ay sa Coron. Medyo hectic dahil marami ang nakalagay sa itinerary pero mukhang nakikisama rin ang panahon.

"Hay! Ang init! I can smell the sea breeze! Sarap lumangoy!"

"Hoy! Ikalma mo 'yan! Sa El Nido pa tayo makakalangoy."

They laughed at mukhang excited na excited na talaga sila. Ako naman ay hindi ko alam kung excited ba ako o ano.

Unang destinasyon palang namin ay amazed na ako sa ganda ng lugar kaya panay ang kuha ko ng pictures. It's called Plaza Cuartel, a historical place. Hindi man gano'n karami ang alam ko sa history nakakaamaze pa rin.

Pinaliwanag naman sa amin ng guide na ito raw ang tinaguriang site ng "Palawan Massacre", dahil sa mga US soldiers na pinatay ng mga Japanese.

Island hopping naman mula sa Honda Bay ang sumunod, of course kinailangan naming sumakay ng bangka dahil lilipat ng mga isla and it was my first time riding a boat kaya medyo kinabahan ako. Pero nawala rin 'yon no'ng marealize na okay naman pala.

I was so amazed by the view again kaya napavideo ako. They were talking selfies and all, at hindi ko naman alam kung dapat ba akong makisali.

"Nisha! Tara dito!" Lumapit lang ako sa kanila no'ng tinawag ako.

They were so loud at ang iba ay nakapagpalit na ng damit. Pakiramdam ko tuloy ay biglang hindi bagay ang puting shirt na suot ko at maong shorts.

But it's okay, pumunta lang naman ako dito dahil kailangan...experience.

"Nisha! Picture!" Kyle said at iginiya ako sa grupo nila. Bahagya niya akong tinulak at kumunot ang noo ko no'ng marealize na si Priam na bigla ang katabi ko.

What the heck?

Tumingin nalang ako sa camera at agad na umalis pagkatapos. I don't want to be near him, as much as possible.

Underground River naman ang sunod naming destinasyon, kinailangan naming sumakay nanaman ng bangka para makarating doon.

Pasampa ako ng bangka no'ng bigla itong gumalaw dahil sa mga malilikot naming kasama. Muntik na akong mahulog kung hindi lang sa kamay na humawak sa akin.

"Careful," he said. "Okay ka lang?"

Tumango ako at umiwas ng tingin bago lumapit kila Fina.

Bakit ba laging siya? Bakit lang siya ang sumasalo sa akin?

Hindi kami nakapasok sa Underground River dahil high tide. Nasayang sila pero agad ding natuwa no'ng pinayagan silang magswimming sa mga susunod na beach na pupuntahan namin.

May tatlo pa kaming beach na pinuntahan, at sa panghuli kami mamalagi sa gabi. Doon din naman nila naisipang magswimming para raw sulit.

Saktong sunset na no'ng makarating kami roon. At sakto rin na maganda ang view ng sunset. It was actually the first time I saw a beautiful sunset view from the seashore kaya panay nanaman ang kuha ko ng picture.

Nagpalit na sila ng panlangoy, halatang handa na para sa night swimming. 'Yong iba naman ay nagpaalam kung pwedeng magbonfire, tuwang-tuwa rin sila no'ng pinayagan.

I was just looking at all of them habang nakaupo sa batuhan.

Marian and her friends started setting up the bonfire, samantalang 'yong iba naman ay lumangoy na. Naisipan ko na ring magpalit ng damit, mabuti nalang at may dala akong beach dress na nabili ko lang online.

Saktong kakatapos ko lang magbihis no'ng pinatawag kami para magdinner. Seafoods ang karamihan sa inihanda at minsan lang ako makakain ng gano'n kung kaya't medyo naparami ang kain ko.

I didn't see Priam during the dinner hanggang sa pinagsabihan na kami na matulog ng maaga dahil maaga pa ang alis namin para sa next destination kinaumagahan.

Lima kaming babae sa loob ng isang kwarto. Okay lang naman dahil malawak 'yon at maganda ang interior design, native-inspired.

Ilang oras na akong nakahiga but I couldn't sleep, marahil namamahay ako dahil hindi ako sanay na matulog sa ibang kwarto. I sighed and get up.

Alas onse na ng kagabi at palagay ko naman ay tulog na silang lahat so I decided to go out to catch some fresh air.

Naglalakad ako sa pasilyo no'ng may marinig akong boses, pamilyar 'yon at tila may pinapatahan. I got curious again kaya hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses kahit na dapat ay hindi na ako nakikialam.

I saw Priam, nakatalikod at may kausap sa phone niya.

"I know, if mom is still alive, things would have been different. Pero wala na tayong magagawa, Phia. Nangyari na. It's our present now."

Alam kong mali ang makinig sa usapan ng ibang tao pero mas lalo lang tumindi ang kuryusidad ko dahil sa narinig.

"I know. I feel bad, too. Nasasaktan din ako, pero wala na akong magagawa kundi ang harapin ang katotohanan. Kailangan nating mabuhay, kailangan nating magpatuloy, para kay mama at para sa sarili natin, okay?"

Wala na ang mama nila, 'yon ang nakuha ko sa mga narinig. At sa kabila ng masayahin at laging kalmado niyang mukha, nasasaktan din pala siya. May pinadadaanan din siya.

"Okay, fine. Pagkabalik ko d'yan, susunduin na kita, sa akin ka na titira. If that will make you safe and happy."

I looked away. Kailangan ko ng umalis. Mali na talaga 'tong ginagawa ko.

I sighed and was about to walk away no'ng marinig ang pagkabasag ng isang bote. Napalingon ako sa pinanggalingan and I saw Priam sitting on the floor at sa tabi niya ang mga nagkalat na bubog.

What? Masusugatan siya!

Ayaw ko man ay hindi pa rin ako gano'n kasama para hayaan siya. He didn't left me when I sprained my ankle so I decided to the same.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Priam," I called him pero nanatili siyang nakayuko.

Magulo ang kanyang buhok at no'ng bumaba ako para silipin ang mukha niya ay nakita kong nakapikit siya.

Is he sleeping? Nevermind! I think he's drunk. Nakumpirma ko 'yon no'ng mapagtanto kung ano ang nabasag na bote. Malakas 'yon na alak.

Napailing nalang ako. What he did is against the rules at talagang lagot siya kapag malaman ng facilitator namin kung kaya't agad akong naghanap sa paligid na pwedeng gamitin para iligpit ang mga bubog.

Dumugo ang isang daliri ko dahil nasagi ko ang isang bubog pero okay lang naman, konting sugat lang 'yon. Napatigil naman ako no'ng makitang dumudugo ang kaliwang kamay niya. Marahil natamaan kanina.

I sighed. Broken people really tends to do crazy things.

"You sneaked out, alam mo namang bawal." I murmured, trying to wake him up.

He groaned a bit at bahagyang bumukas ang mata pero bumalik din naman sa pagkakapikit.

What should I do with him?

Baka bigla nalang lumabas 'yong facilitator namin at makita siya, mahirap na. Kahit na paborito siya ng mga prof namin ay mali pa rin ang ginawa niya. He could get deduction sa grades or worst...baka masuspend siya.

I shook my head and stared at his sleeping face.

Kahit natutulog ay mukha pa ring maamo at maaliwalas ang mukha niya kaya hindi talaga halata na may pinagdadaanan din siya. He lost her mother, too. Pareho pala kami sa parteng 'yon kaya kahit papaano ay naiintindihan ko siya. It's really not easy to lose someone you love. It's devastating.

Inilabas ko ang dalang panyo at pinunasan ang alak na natapon sa braso niya at 'yong konting pawis sa noo niya.

Suddenly, his eyes opened.

"Nisha..." he murmured when he saw me and stared at me kahit halos pumikit na ang chinito niyang mga mata.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong titigan siya. Ngayon ko lang din napagtanto na tama nga sila...gwapo nga talaga siya. His chinky brown eyes compliment his narrow nose and pinkish lips well. Parang kamukha niya ang mga napapanuod ko sa K-drama, pero hindi naman siya Korean. I think he's a Filipino-Chinese.

Agad naman akong naalerto no'ng makarinig ako ng ingay. Fuck! Kung makikita akong kasama niya ay siguradong madadamay din ako dahil kanina pa sinabi sa amin na matulog na, kung kaya't buong lakas ko siyang itinayo at hinila papasok sa isang pinto na pinakamalapit...which turned out to be a comfort room.

Agad siyang sumandal sa dingding pagkapasok namin, nakatitig pa rin sa akin. His stares were making me uncomfortable kung kaya't umiwas ako ng tingin.

Ano ng gagawin ko ngayon? Mas mabuti bang dapat iniwan ko nalang siya doon?

I sighed. Sana hindi nalang ako lumabas.

"Nisha."

Napatingin ako dahil bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Napaatras naman ako no'ng lumapit siya sa akin. Namumungay ang kanyang matang halos papikit niya.

"Stay still," aniya ngunit kahit hindi na niya sinabi 'yon ay wala na rin naman akong magagawa dahil naikulong na niya ako sa pinakagilid ng restroom.

Napatingala ako at narealize na matangkad nga pala talaga siya, pero bakit ganito ang inaakto niya ngayon?

"Bakit?"

He just stared at me, tila pinipigilan ang sarili na magsalita.

Teka...

"Nasusuka ka ba? May sink naman d'yan." luminga-linga ako at itinuro 'yong sink pero nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang balikat ko. Marahan 'yon at halos manghina ako bigla dahil sa hindi ko matukoy na dahilan.

Bakit ba siya ganito? O ganito talaga siya kapag lasing?

"Nisha," he called again.

Hindi ko naman nagawang sumagot pa dahil yumuko siya bigla at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Magagalit ka ba?"

Huh?

He suddenly smiled pero agad din 'yong napalitan ng isang buntong-hininga.

"Magagalit ka ba kung sasabihin kong gusto kita?"

Continue Reading

You'll Also Like

63.5K 2.1K 36
sometimes you have to die in order for you to live.
23.4K 768 25
University Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly person...
33.3K 1.3K 34
Date Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng mga lalaki. Hindi marunong magseryoso at...