Bizarre Connection

By rvnjace

12K 369 73

University Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne... More

Author's Note
U-Belt Encounter Novella Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Afterword

Chapter 7

336 11 4
By rvnjace


Pinilit kong ituon nalang ang pansin ko sa pagtuturo. Half day lang naman kami kung kaya't konting oras na lamang ay ididismiss na kami.

"Ate, babalik po ba ulit kayo sa susunod?" Angela asked.

Ngumiti ako at tumango. Babalik naman talaga kami pero pagkatapos pa ng tour, 'yon ay kung makakasama nga ako.

"Ate kaya ko na po icolor 'yan, hintayin niyo po." Nakangiting sabi niya at kinuha sa akin ang pangkulay.

"Sige nga, kulayan mo, maghihintay ako."

Pinagmasdan ko siya habang ginagawa 'yon. Napangiti ako ng bahagya no'ng mapansin na tutok na tutok siya sa ginagawa. Maayos din naman kahit na hindi pantay-pantay ang kulay, dahil may mga bahaging siguro'y nakalimutang niyang padaanan ng pangkulay.

"Tapos na po."

Tumango ako. "Ang galing naman," komento ko at nakaisip naman ako ng magandang ideya.

"Ibibigay ko 'tong coloring book at krayola sayo, at kapag kinulayan mo 'yong mga drawing dito, ibibili ulit kita ng ice cream tapos dadalhan din kita ng chocolate."

Tumango naman siya at tila tuwang-tuwa dahil sa sinabi ko.

"Talaga po? Maghihintay ako ate ah!"

I smiled a bit and gave her a pat on the head.

Naaalala ko ang sarili ko sa kanya, at hindi ko maiwasang mamiss ang batang ako. No'ng mga panahong ang problema ko palang ay kung paano makakapaglaro sa labas nang hindi napapagalitan ni mama.

I sighed and stood. Napangiwi naman ako no'ng maramdaman ang sakit ng paa ko.

Naku, mukhang kailangan ko pa yata itong ipahinga.

Masakit man ay sinikap ko pa rin na lumapit sa mga kasection ko no'ng tinawag kami ng adviser namin para sa attendance. Gano'n kasi 'yong patakaran, mag-aattendance bago magsimula at pagkatapos.

Kumaway naman si Angela sa akin bago ako umalis.

Pagkatapos mag-attendance ay dinismiss na kami. Sasakay ng van 'yong ibang mga kaklase ko dahil napagkasunduan pala nila 'yon. Ako naman ay walang alam tungkol doon kung kaya't kailangan ko pang lumabas ng kanto at sumakay ng tricycle hanggang sa malapit sa highway, para doon sumakay ng van, jeep, o bus.

Paika-ika man, alam kong makakarating din ako doon. 'Yon nga lang ay matatagalan, pero okay lang naman. Kakayanin ko rin.

Tahimik ako naglakad papuntang kanto, buti na lamang ay may nakaparada na agad na tricycle pagkarating ko. 'Yon nga lang, medyo mahal ang singin kung mag-isa lang ako.

Tumingin-tingin ako sa paligid at napabuntong-hinga nalang dahil mukhang nakauwi na nga ang ibang mga kasabayan ko. Mukhang mapapalaban pa talaga ang pera ko, sayang din.

Pero bahala na, basta makauwi na.

Sumakay na ako at paalis na sana kami no'ng may tumawag kay manong.

"Manong, sandali!"

Pamilyar ang boses na 'yon kung kaya't napatingin din ako sa labas.

"Hijo, saan ka?"

Nanlaki ang mata ko. Si Priam? Akala ko sumabay na siya sa van.

He smiled when he saw me at pumasok na rin sa loob. Dahil malapit kami sa isa't isa ay hindi ko maiwasang mapansin na ang bago naman ng pabango niya. Hindi gano'n katapang pero sakto lang. 'Yon ang mga gusto kong pabango pero sigurado naman ako na mamahalin 'yon. Siya pa ba?

"Kumusta paa mo?" he suddenly asked and his gaze fixated on my foot.

"Ah, hindi naman gano'n kasakit."

Hindi naman na siya nagtanong pa ulit. Sandali lang naman ang biyahe at bumaba na kami pagkarating sa kanto. Pagkababa ay medyo malayo pa ang lalakarin at aakyat pa sa overpass para makatawid sa kung saan makakasakay papuntang Morayta, dahil doon ako bababa. Ewan ko nga lang kay Priam kung saan siya, ang dinig ko sa mga kaklase no'ng nakaraan ay nasa Cubao ang condo niya. Hindi ko nga lang sigurado kung totoo ba 'yon.

Mabagal ang lakad ko dahil sa paa ko at no'ng mapansing nakasabay pa rin si Priam sa akin ay napakunot ako ng noo.

Hindi ba nagmamadali 'to? Gaano ba kahaba pasensya niya? Bakit parang sobra naman na yata pagiging gentleman niya?

O baka naman trip lang talaga niyang maglakad ng mabagal katulad ko.

Tss. Kailangan ko ng bawasan pag-iisip ko, baka mamaya matulad pa ako kay Erika. Advance mag-isip eh wala namang katuturan!

Hinayaan ko nalang siyang maglakad din ng mabagal. Choice naman niya 'yon. Hindi naman siya katulad ko na kahit gustuhing magmadali ay hindi pwede dahil masakit ang paa.

No'ng matanaw ang overpass ay napabuntong-hininga nalang muli ako bago nagsimulang umakyat.

Hirap na hirap ako sa unang hakbang, pakiramdam ko ay aabutin yata ako ng ilang minuto bago makalipat sa kabila. Mukhang napansin 'yon ni Priam kung kaya't lumapit siya sa akin.

"Okay lang ba kung buhatin nalang kita?" he asked while looking intently at me. Muntik namang manlaki ang mata ko dahil sa narinig.

"Ha?"

Buhat?

Tinuro niya ang likod niya. "Sumampa ka nalang sa likod ko, mahirap kung pipilitin mo pang umakyat, baka mas lumalala sprain mo."

Napaisip naman ako. May point naman siya, kaso...tsk, ano naman? Bakit naman awkward? Nagmamagandang-loob lang naman siya at susubukan ko nalang na bumawi sa kanya kapag may pagkakataon.

Napaiwas ako ng tingin at tumango nalang, para huwag ng tumagal, dahil gusto ko na rin naman na makauwi na at ipagpahinga ang paa ko.

Pumwesto siya sa harap ko. Kinalma ko naman ang sarili ko bago sumampa sa likod niya. His strong arms held my thighs.

Napaisip naman ako. Mabigat kaya ako? Pero siguro hindi naman dahil slim naman ako.

"Okay ka lang ba d'yan?" he asked again.

"Yeah."

Kung kaninang nasa tricycle kami ay amoy ko ang pabango niya, ngayon naman ay mas amoy na amoy ko na. The scent is like a mixture of being manly and baby.

Napansin ko naman bigla na nakatingin ang mga tao sa amin, may mga kabataan pa kaming nakasalubong na nagsabi ng 'sana all' kaya napakunot ako ng noo.

Sana all nabalian, gano'n ba?

Wala naman 'tong malisya kaya hindi ko na iisipin ang sasabihin nila. Dadaan lang naman kami at pagkababa namin ng overpass ay ibababa na rin naman niya ako.

At 'yon nga ang nangyari.

"Salamat," I said without looking at him dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.

Ngumiti siya at inilahad ang braso sa akin.

Huh? Para saan naman 'to?

"Sa Morayta ka bababa diba? Doon din ako, may kukunin kasi ako sa school. Kaya sabay na tayo."

Tumango naman ako at humawak sa braso niya para mapabilis na kahit na nakakahiya dahil kanina pa niya ako tinutulungan. Mabuti nalang ay may dumaan agad na bus kung kaya't nakasakay agad kami.

I sat near the window at tumabi naman siya sa akin.

"Okay lang ba?" tanong niya no'ng makaupo sa tabi ko kung kaya't kumunot ang noo ko.

Why is he asking that? Pag-aari ko ba ang upuan?

"Bakit hindi..." sagot ko nalang bago humarap sa labas.

I don't understand why he had to ask that, and thinking about that, I always notice na bago siya gumawa ng isang bagay ay lagi siyang nagpapaalam. Of course it's a bother but that's the sign of respect and I find it...kind of cute.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe at no'ng makababa sa Morayta ay agad akong pumara ng tricycle dahil ayaw ko ng abalahin pa siya, baka kasi maisipan pa niya akong alalayan pauwi.

"Dito na ako." Mahina kong sabi bago sumakay sa tricycle.

Ngumiti siya.

"Ingat," wika niya at kumaway.

Hindi ako pumasok sa trabaho at kinaumagahan ay lumiban muna ako dahil wala namang ganap sa school. Pero medyo bumubuti na rin 'yong paa ko kung kaya't nagdesisyon na akong pumasok sa trabaho. Mahirap na dahil sa susunod na linggo na 'yong tour at kailangan ko ng malaking pera para ro'n.

Nagpupunas ako ng mga baso sa counter no'ng lumapit si Alas.

"Hey, ilang araw kang hindi pumasok ah." bungad niya.

Wala ako sa mood makipagsagutan kung kaya't hindi ko siya pinansin. Ano naman sa kanya kung absent ako? Boss ko ba siya?

"Balita ko nasprain ka raw, okay ka na ba?"

Damn, Ed! Bakit ba ang tsismoso rin ng isang 'yon? O baka naman si Sharo? Ewan ko sa kanilang dalawa.

At bakit ba ang epal at feeling close nitong si Alas?

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" He leaned closer and stared at me.

"Namiss kita," he whispered to me at muntik ko na siyang matulak dahil doon.

Hindi lang epal, napakalandi pa!

"Can you please shut up?" Inis kong sabi.

Ngumisi naman siya. "Grabe, bakit naman? Hindi mo ba namiss boses ko? Ilang araw din tayong hindi nagkita ah. Akala ko pa naman ihuhug mo ako ngayon kasi namiss mo rin ako."

Huh? What the fuck? Gaano ba kakapal mukha nito? Abot langit na yata self-confidence niya.

"Can I have one Jack Daniel's?"

Agad akong napalingon no'ng marinig ang boses na 'yon. At tama ako, si Priam nga. He's here again at pansin ko na medyo napapadalas siya dito. Ang balita ko noon ay hindi naman siya mahilig pumunta sa mga ganitong lugar pero mukhang regular nga siya. Baka fake news lang 'yong narinig kong 'yon. At mukhang mag-isa lang siya ngayon, o baka hindi palang dumadating mga kaibigan niya.

He smiled when he saw me at dahan-dahang lumapit sa banda ko.

"How's your foot? Okay na ba?"

Tumango ako.

Ngumiti siyang muli. "That's good."

Halos parepareho kaming nagulat no'ng biglang may lumapit na nagwawalang lasing sa counter at tinuro ako.

"Nandito ka lang pala." Walang pasabi siyang lumapit at hinila ako. Tumama ang balakang ko sa counter at agad kong ininda ang sakit.

Agad din namang natigil 'yon no'ng malakas na sinuntok ni Alas 'yong lasing at hinila ako palayo ni Priam.

Malakas ang tibok ng puso at nanginginig ang buong katawan dahil sa gulat.

"Okay ka lang ba? May masakit ba?" Priam pulled me close to him.

My gaze fixated on his eyes and strangely...I find myself getting calm.

He wiped something on my face at inayos ang nagulo kong buhok.

Dahan-dahan naman akong tumango. "O-Okay lang ako."

He sighed and slowly let go of my arms kahit nakatingin pa rin sa akin. Bumaba ang hawak niya sa kamay ko at marahang pinisil ito.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I don't know why but it felt so different.

Napabuntong-hininga nalang ako at umiwas ng tingin. Pinalabas na 'yong lasing ng mga bouncers at bumalik na rin sa kanya-kanyang ginagawa ang mga tao.

Tumango si Priam sa akin at marahang pinakawalan ang kamay ko.

"I'll go now."

Nakatitig ako sa likod niya habang naglalakad siya palayo.

No'ng mawala na siya sa paningin ko ay napaupo ako dahil sa mga bumuhos na alaala sa isip ko...including how I suffered and the way fate betrayed me.

And once again, I hate myself...I hate myself for being like this.

Continue Reading

You'll Also Like

36K 1K 25
University Belt Encounter Series #1 Harley Johann Cervantes has a twisted view of life and love. She's different. She's independent and tough. And sh...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
197K 5.8K 45
The Zorron Series #1 complete | unedited Lierre Minah Zorron thought her life could've been less problematic if she'd create a new identity of hersel...
35.7K 1.2K 63
She lives in a life she never wants. Desperately, she looked for a new life. She's tired of hearing her name, she's tired of living the life she neve...