Bizarre Connection

By rvnjace

11.9K 369 73

University Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne... More

Author's Note
U-Belt Encounter Novella Series
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Afterword

Chapter 1

674 16 3
By rvnjace


It was Priam, I've known him since senior high school dahil magkaklase rin kami noon, and now, he's my classmate again this semester.

Matalino siya, laging pinakamataas sa exam, at active din sa school orgs kaya nakakapagtaka na wala pa siyang partner. Anyway, hindi ko na problema 'yon.

Naglakad na ako palapit kay Fina para malaman kung ano ang gagawin para sa activity.

"Anong pinapagawa?" Agad kong tanong pagkalapit.

"Ah, pinapasagutan 'yong inupload na activity sa canvas tapos ipipresent sa susunod na meeting. Hati nalang tayo, hindi naman gano'n ka complicated." Tumango at kinalikot na ang phone ko para makita ang activity.

"Marian, wala pa raw partner si Priam!" One of our classmates said agad namang tumayo si Marian.

"Si Mico?" she asked.

"Absent eh. Ako sana, kaso may partner na rin ako."

Ang ingay but I tried to just focus myself on the phone.

"Swerte naman ni Marian, nakapartner ulit 'yong crush niya." daldal ni Fina sa tabi ko habang nakikipag-usap sa isa pa naming kaklase.

Hindi ko na sila pinansin dahil hindi naman ako interesado sa pinag-uusapan nila. Pumupunta ako ng school para mag-aral at hindi makitsismis.

Pagkatapos ng klase ay agad na akong lumabas ng school. Dumaan ako sa Lerma para kumain at pagkatapos ay nagpasa akong tawagan si Sharo para tanungin kong nasaan siya dahil kailangan ko ng kunin ang sweldo ko sa kanya.

Si Sharo ang una kong naging kakilala no'ng lumipat kami ng Maynila dahil kapitbahay namin siya doon sa dati naming tinitirahan. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin at tapos na siyang mag-aral. Nagtatrabaho siya sa isang bar sa BGC at lagi niya akong iniimbitahan na magtrabaho bilang busser. The work isn't ideal for me dahil madaling araw ang uwi ko't may pasok pa kinaumagahan, but I need money at malaki ang pasahod nila, kailangan ko ng pera dahil malapit na ang tour namin at susubukan kong sumama doon, kung sakaling makakaipon ng sapat na pera. Shin's father already shouldered my tuition fee at ayaw ko rin namang pati sa gano'ng bagay ay manghihingi pa ako. Kailangan ko ring magtrabaho para buhayin ang sarili ko.

Pumayag ako sa alok niya dahil kaya ko naman ang trabaho dulot na may experience na ako sa pagiging busser, responsable naman ako sa trabaho, at magagawan ko naman ng paraan kahit na madaling araw talaga ang out ko. Makakapagpahinga rin naman ako at titigil din naman agad ako sa trabaho kapag makaipon na ng sapat na pera. Maliban kasi sa papasukan ko ay mayroon din akong ibang trabaho, ang pagiging online tutor.

I started working ten days ago and I was about to get my first pay last night pero hindi ko nahanap si Sharo and you already knew what happened next.

"Nasaan ka?" Bungad ko no'ng sinagot niya ang tawag.

"Ay, nasa work ako. Medyo busy, huwag kang mag-alala, magkikita naman tayo mamaya."

I sighed. "Alright."

"Sige girl, babye, see you later!" She ended the call immediately.

I know Sharo's work but I won't judge her. It's her life, after all. And she's a good person to me and Shin.

Speaking of Shin, I need to visit that guy. Baka kung sino na naman kasing tao na walang maidudulot na mabuti ang umaaligid sa kanya.

At tama nga ako, may umaaligid nga sa kanyang bata. Not a literal child, but she acts like a child. I don't easily judge pero pagdating kay Shin ay iba ang usapan. It's because I know his condition and some people may not be good for him. Lalo na 'yong mga isip batang halatang nanggugulo lang. At ano ba 'tong si Shin, parang hinahayaan nalang na lapit na lapit sa kanya 'yong batang 'yon.

"Let's talk." I said, finally decided to ask and warn her about her intentions.

"W-Wala...Wala akong masamang pakay sa kanya. I-I'm just his friend. I mean, I want to be his friend. Friend lang!"

She looked so scared of me like I'm going to bite her. What a kid. Hindi naman siya mukhang malandi but she's the type of person na makikita mong mahuhulog sa kanal dahil nawili kakatangin sa kung anong nasa paligid.

"Ano...sorry if I was insensitive. I didn't think about you...his girlfriend."

What the freaking hell? Now, I don't know if she's just naive or stupid. Gawin ba naman akong girlfriend ng pinsan ko. Is she trying to make me laugh?

Well, if laughing is my thing ay baka nga kanina ko pa siya pinagtawanan dahil katawa-tawa naman talaga siya.

"So fast to give up, huh?"

Gusto ko naman talagang magkaroon ng kaibigan si Shin dahil nasasaktan din ako na nakikita siyang takot sa mundo but I want someone who's responsible, hindi tatanga-tanga, 'yong makakaintindi sa nakaraan at sitwasyon niya, at 'yong hindi duwag at mabilis sumuko.

And this girl...I don't like her.

"You will just destroy him more. 'Yong mga katulad mong mature na dapat pero isip bata pa rin, fun lang halos ang lahat ng nasa isip...sisirain mo lang siya and I definitely don't want that to happen because he already had enough. Kaya Miss, nakikiusap ako na tigilan mo na siya."

She'll just further destroy Shin dahil sa katangahan niya kung kaya't hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Si Shin nalang ang pamilyang mayroon ako at ang tanging dahilan ko para magpatuloy. Ang makitang naghihirap at nasasaktan siya ay parang katapusan ko na rin.

I went back to my apartment after that para maghanda sa trabaho. Kumain muna ako ng dinner, naligo, at nag-apply ng light make-up. Face powder, blush on, konting eyeshadow at lipstick lang naman. Then I put my long wavy hair in a ponytail.

Pagdating sa bar ay agad kong hinanap si Sharo. Maaga pa naman kaya siguro ay wala pa naman siyang kasama.

"Nasaan si Sharo?" Tanong ko sa kakilalang bartender.

"Nasa taas, may kasama, kaibigan daw."

Tumango ako at tinungo na ang second floor ng bar. Iilan palang ang mga taong nasa loob dahil maaga pa naman. Nakita ko naman agad si Sharo na may kausap. Ayaw kong mang-istorbo pero kailangan ko na talaga kunin sa kanya ang pera, dahil mahirap na naman siyang mahagilap kapag dumami na ang tao.

"Sharo," panimula ko no'ng makalapit ako sa kanila.

"Nisha!" Ngumiti siya at nagpaalam sa katabi para lumapit sa akin.

"Kailangan ko ng kunin, pupunta ako sa bangko bukas." Tumango siya at may hinugot sa bandang gilid ng suot niya.

"Salamat," wika ko at aalis na sana nang bigla siyang ngumiti ng may bahid na kung ano.

"Ikaw ha, someone saw you last night making out with—."

Tumalikod na ako at hindi na siya pinansin. For the nth time, I don't want to hear about it.

Pumunta na ako sa pwesto ko at naghanda dahil shift ko na. Binati ako ni Ed, 'yong bartender na nakaassign kasabay ko.

"Mukhang marami nanaman ngayong gabi," aniya at sang-ayon naman ako doon nagsisimula ng dumami ang tao.

Isa ang bar na pinagtatrabahuan namin sa mga pinakasikat sa mga university students kung kaya't sila ang malimit na customers.

"Ang gwapo ng DJ!"

May lumapit na isang grupo sa counter to get drinks.

"Oo nga girl, mukhang foreigner!"

"Palahi ka?"

"Teh, bakit hindi?"

I sneered because of what I heard. How to unhear?

I gave them what they asked for at buti nalang ay hindi na sila tumagal pa sa tapat ko.

"Lupit talaga, ang benta ng DJ natin." Natatawang banggit ni Ed.

Kumunot ang noo ko. "Si Joshua?" Si Joshua lang naman ang kilala kong DJ at hindi naman sa pagiging judgmental pero hindi naman siya 'tong tipo na dadayuhin.

Tumawa si Ed at nilapit ang mukha sa akin, mas lalo kasing lumakas ang music.

"Hindi mo ba kilala? Kasabay mong nagsimula dito 'yong bagong DJ."

Huh? Kaya pala, kakaiba tugtugan ngayon. Medyo mas lively.

"Hindi ko kilala," hindi naman ako friendly kaya hindi na ako nagtatakang hindi ko kilala 'yon.

"Gwapo," aniya at ngumisi pa. Napangiwi ako.

Ano naman kung gwapo? Ang dami naman gwapo sa mundo, hindi lang siya, so there's nothing special.

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa gawain bilang busser. Nakakapagod pero worth it naman dahil malaki ang sahod.

Uminom ako ng tubig at pinunasan 'yong pawis ko no'ng nagbreak ako. Sinandal ko rin ang likod ko sa dingding.

Ang kakalat ng mga tao ngayon kaya ang dami kong nilinisan, pero okay lang, 'yon naman talaga ang trabaho ko.

Pagkatapos ng 15 minutes ay nagpasya na akong bumalik sa counter ngunit muntik na akong mapaatras no'ng mahagip ng mata kung sino ang naroon.

That guy. What the hell is he doing here?

I sighed and shook my head. Baka naman regular dito, kaya kailangan ko pa ring respetuhin dahil nagtatrabaho ako rito at customer siya.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin no'ng bumalik ako at kung hindi pa tumikhim si Ed ay hindi ako nag-angat ng tingin.

"Nisha, siya 'yong sinasabi ko sayong DJ." Ed said at muntik na akong magulat.

He's a DJ? I looked at him from head to foot.

Nakasuot ng black pants, black jacket and white undershirt. Magulo ang blonde na buhok at nakangising nakatitig sa akin na tila tuwang-tuwa siya na nasa harapan niya ako.

Well, hindi halatang DJ siya. Kung sasabihin nilang isang playboy na naghahanap ng ka hook-up ay mag-aagree pa ako.

"Ah, okay." 'Yon nalang ang sinabi ko bago tumalikod.

Akala ko ay tapos na 'yon at hindi na niya ako guguluhin pa pero mali ako, dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay nasa harapan ko nanaman siya't nakatitig sa akin.

Anong trip nito? Akala siguro niya porke't may nangyari na sa amin ay type ko na siya.

"Hey," he said and flashed a flirty smile.

Seriously?

"Here, Ed." Inabot ko 'yong glasses at nanatili muna sa tabi niya para makaiwas sa nanggugulo.

Pero ilang segundo lang ay nasa harapan nanaman namin ulit siya. Nananadya ba 'to?

"Why did you kick me out earlier? I was still sleepy." he asked and smirked.

What the hell? Gago ba siya?

I glared at him.

"Huh? Tama ba ang narinig ko?" Ed asked at hindi na ako nag-abala pang sumagot. Hinablot ko na 'yong lalaki at nilayo sa counter.

"Can you stop bugging me? I won't have sex with you again! I don't fuck the same person twice." Inis kong sabi.

Ngumisi naman siya at mas lalong lumapit sa akin. What a flirt...

"Ang advance mo palang mag-isip, gusto ko lang namang makipagkilala sayo."

I rolled my eyes. Makipagkilala his ass.

"Kilala mo na ako, pero ako, ayaw kong makipagkilala sayo. Hindi ako interesado." Tinulak ko siya.

He looked at me amusingly.

"You're really such a huge surprise." Naiiling niyang sabi.

"Wala akong pakialam sa opinyon mo."

Nakatalikod na ako't ready na para maglakad palayo no'ng magsalita siyang muli.

"Alas. That's my name."

Continue Reading

You'll Also Like

17.7K 702 55
HASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned...
12.6K 548 39
ARCHER SERIES 3 Haielle Sinio, an IT student who's been broken for years because of being trapped on a one-sided-love decided to move on and find so...
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
23.3K 767 25
University Belt Encounter Series #2 Despite the hardships and challenges she had been through, Erika Allison was still able to keep her bubbly person...