Love Grows Where His Camila G...

بواسطة archalista

1.9K 685 137

Is their love for each other too late? Are they ready to love knowing they will also have to say goodbye soon... المزيد

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
Epilogue

41

41 13 6
بواسطة archalista

41

Camila's POV

"Magkita na lamang tayo sa korte. Ipaglaban mo ang sarili mo."

May diin ang mga salita ni Mama nang tapusin niya ang pakikipag-usap kay Sevann. Dumapo sa akin ang tingin ni Sevann, hindi ko siya kakikitaan ng kaunting pagmamakaawa sa akin, bagkus naging seryoso ang mukha niya.

"Do whatever you want, Mrs. Monreal, but to inform you truly, I did not rape your daughter." He stated with full of authority. He stand for the truth, and I am with him.

Mama smirked at him, but an irritation immediately flashed on her eyes. "Sa korte ka magpaliwanag, hijo. Hindi mo matatakasan ang batas." She said.

Napalunok si Sevann, at mapait na napangiti kay Mama. "Hindi po kasama sa batas ang pabibigay ng maling akusasyon," Huminga siya nang malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko po minamahal ang anak niyo para lang tarantaduhin nang ganoon. I am man with principles, I would never broke that."

Mama did not respond, instead, she glared at Sevann. She grabbed my arms and forcedly letting me in our car. Mahina akong napadaing nang tumama ang paa ko sa kotse.

"Please, take care of my baby," Sevann stated, looking so apologetic towards my mother. It has double meaning. I could sense it. "Pananagutan ko pa po ang anak niyo."

Natigil si Mama sa pagpasok sa kotse nang dahil sa sinabi ni Sevann. Bumaba siya bago isarado nang kaunti ang pinto ng kotse. "Layuan mo na ang anak ko. Kaya kong buhayin ang anak ko, at ang magiging apo ko kung sakali."

Naging mariin ang mga salita ni Mama. Bumalik ang tingin ni Mama sa akin, bago niya isarado nang tuluyan ang pinto ng kotse namin. Muli siyang nagsalita nang bumuka ang bibig niya. Hindi ko na iyon narinig dahil masyado nang naging mahina ang boses niya.

Bahagya akong nagulat nang makitang tumalim ang tingin ni Sevann kay Mama. Nagngalit ang bagang nito at saka nanlaki ang mga mata nang bahagya. Pinangiliran siya ng mga luha habang nakatingin nang deretso sa mga mata ni Mama.

"Hindi mo gagawin 'yon!" Iyon ang narinig kong sigaw ni Sevann kay Mama, galit ang tono nito. His jaw moved.

At, hindi ko malaman ang dahilan para masabi niya iyon. Naging tikom ang bibig ni Mama pagkatapos nang ilang minuto. Napapailing na tumingin siya kay Sevann.

Binuksan ko nang bahagya ang bintana ng kotse. Muling nagsalita si Sevann, nakangiti nang mapait kay Mama. Pinunasan niya ang tumulong luha sa kanang pisngi niya, mabigat ang mga paghinga niya. Nanginginig din ang labi niya habang seryosong nakatingin kay Mama.

"Tangina naman po kasi e! Anak ko na ang pinag-uusapan natin dito!" He shouted in pain, but not directly at my mother.

Napapikit ako at nag-iwas ng tingin para hindi ko makita kung gaano kasakit ang pag-iyak niya habang nakikipag-usap kay Mama. Nagdilat ako ng tingin, nagsalubong ang tingin namin ni Kuya Jojo sa may salamin ng kotse, naroon ang awa sa mga mata niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko, bago mag-iwas ng tingin sa kaniya. Bumigat lalo ang sakit sa pag-iyak ko nang marinig ang mga sinabi ni Sevann.

"Kung gusto niyong layuan ko na lang ang anak niyo, gagawin ko." mariin ang pagsaad niya. Ramdam ko ang kirot at pighati habang nagpipigil siya ng mga luha. "Just... spare my child's life, Ma'am." His eyes were bloodshot with tears forming at the side of his eyes. His lips were shaking while saying those words.

Halos magmakaawa na ang tono ni Sevann nang sambitin ang mga salitang iyon kay Mama. Kumirot ang puso ko at napakuyom ang aking kamao sa aking damit. May diin ang paghampas ko sa aking dibdib para pigilan ang sakit na nararamdaman.

Masakit. Mabigat.

"My child is too innocent in this case. Let my child live... with its mother." Sevann talked, the tone of his voice was filled with sadness, pain and grief. "My child shouldn't have paid for what I did. Kung ipapakulong niyo ako, ipakulong niyo po ako. I won't hire a lawyer to defend me. Huwag niyo lang ipapalaglag ang anak ko..." His voice broke.

Nakagat ko ang aking labi, bumigat ang paghinga ko nang marinig muli ang mga sinabi niya. There was so too much damage made, and I couldn't even control it anymore.

Kahit anong pigil ko sa luha ko, tulo pa rin sila nang tulo. Akala ko ay wala na akong mailalabas pa, pero mayroon pa pala. Napakarami ko pang mailalabas na luha. I tried to wipe them away but it didn't stop from streaming down on my face.

When I glanced at him, his shoulders started shaking in pain. Mabigat ang naging paghinga niya nang tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Nag-iwas naman bigla ng tingin si Mama, napapasinghap nang umiwas siya ng tingin.

"I won't fight for my self anymore. I will just let myself be locked up in a jail if that's what you want. I will let you win the case. In exchange for my freedom, it may the life of my child." It was so painful seeing your man cried, and begged in front of your mother.

I couldn't do anything. It is already my mother. Si Mama na ang kalaban ko, na kahit anong paliwanag at pagtatanggol ko pa sa relasyon namin ay wala na akong magagawa kun'di ang manahimik at hayaan siyang manalo.

Sa sugal ng pagmamahal, sa ikalawang pagkakataong tumaya ako, hindi ko aakalaing muli na naman akong makakatikim ng sakit ng pagkatalo.

Parang pinipiga ang puso ko nang makita kung paanong namula ang ilong at pisngi niya habang patuloy sa pagpipigil ng mga luha. Napapikit akong muli bago napaiyak nang matindi habang nakasandal sa upuan.

"Just tell this to your daughter, please..." I could sense that he glanced at my direction. "It was so painful while... loving her too much." His voice broke when he stated those lines.

May kumirot sa dibdib ko at nahirapan ako sa paghinga. I looked away, trying to stop myself from crying so hard with hearing those lines. I never learn, I have been here before.

I bit my lower lips and stared at my shaking hands with teary eyes. Hindi ko alam kung bakit sumosobra lagi ang sakit na natanggap ko kapag nagmamahal ako ng tao. Hindi ko matukoy kung may galit ba sa akin ang tadhana kaya lagi na lamang ako ang napagtritripan niya.

Sobrang sakit, sobra na yung hapdi, at kirot na nararamdaman ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang umiyak nang umiyak sa loob lang ng isang araw. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang saluhin lahat ang sakit ng pagmamahal.

I was crying too hard, but I remained silent. Yumuko ako at bumagsak ulit ang mga luha mula sa mga mata ko. Pumikit ako nang mariin, bago takpan ang mukha ko, at pilit na pinipigilan ang pagdaloy ng sakit na nararamdaman ko.

Narinig ko ang pagtikhim ni Kuya Jojo, matamlay ang aking mga mata habang nagtataas ng aking tingin kay Kuya Jojo. "Makinig ka, Camila," saad nito sa seryosong tono.

Nakagat ko ang aking ibabang labi, ramdam ko na tutulo na naman ang mga luha ko anumang oras na magsalita ang drayber na konektado sa nararamdaman ko.

"Siguro ang pagbitaw ay hindi nangangahulugang kalimutan ka, kun'di ang maintindihan na may mga lugar talaga na hindi para sa inyong dalawa." Huminga siya nang malalim, seryoso ang tingin sa akin. "Sigurado akong ang pagbitaw ay ang tangi niyang paraan para iparamdam sa 'yo na mahal ka niya."

Ang dating walang hanggan ay nagkaroon na ng katapusan. Ito na 'yon. Tapos na kami. Pumasok sa kotse si Mama, nang tignan ko si Sevann sa labas ay naiwan siyang tulala habang patuloy sa pagtulo ang mga luha.

Nanghihina siyang napaupo sa may gilid ng kalsada. Nakuyom niya ang kamao bago umiiyak na napasabunot sa kaniyang buhok. Tinakpan niya ang kaniyang mukha, at gumagalaw na ang kaniyang mga balikat tanda na mabibigat na paghikbi na ang pinakawalan niya.

Napapapikit kong tinanggal ang tingin ko sa kaniya. Umiiyak akong tumingin sa side mirror ng kotse, doon ko nakita kung paanong isigaw ni Sevann ang sakit na nararamdaman niya.

Wala iyong tunog, pero ramdam ko kung gaano kasobra yung sakit na nararamdaman niya. Napakabigat na, hirap na kaming ipaglaban pa yung kung ano man ang ipinaglalaban namin.

All he think about this time is our child's welfare. He is so selfless. He will do everything just for his child.

Nanlabo ang paningin ko, at mas lalong umiyak nang walang lumalabas na tunog. Tinakpan ko ang aking bibig bago pumikit nang mariin kasabay ang sunud-sunod muling pagtulo ng mga luha.

"I'm sorry." I said it in the back of my mind. "I am so sorry if I don't have the guts to fight for us."

&.&

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

22.7M 798K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
312K 9.4K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...
Ace بواسطة Antonia

العاطفية

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
90.2M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...