Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.5K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 36

946 48 2
By MaybelAbutar

Tulalang humakbang si Primo palabas sa madilim na silid. Pagkatapos ng kailangan niyang pindutin sa monitor, isang pintuan ang bumukas. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang paligid. Nakayuko lang siya habang naglalakad at nakatingin sa bawat paghakbang niya sa pinong buhangin. Ramdam din niya ang init ng simoy ng hangin sa lugar pero wala roon ang kanyang atensyon.

"Supremo!"

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa tumawag sa kanya. Nakita niyang papalapit si Lassy kasunod nito si Manzo.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong.

Bahagya lang siyang tumango.

"Where's the others?" Walang buhay niyang tanong.

Nagtataka namang nakatingin sa kanya si Lassy.

"Are you really okay?" Muli nitong tanong.

Umiwas siya ng tingin sa babae kaya ngayon niya lang nakita ang paligid. Isang malawak na buhangin ang natatanaw niya.

"What the heck? We're on a desert?" Gulat niyang tanong.

Saang lupalop ng bansa sila naroroon at nagkaroon ng ganito kalawak na disyerto?

"Iyan din ang tanong namin ng makita ito," Sambit ni Manzo.

"Hanapin natin ang iba para malaman natin kung paano makalabas dito," Suhestiyon ni Lassy na sinang-ayunan nila ni Manzo.

...

...

...

Nakatingin lang si Hurricane sa monitor sa kanyang harapan kung saan ipinapakita ang white and gold button.

Kinuyom niya ang kamao ng maalala kung paano siya humantong dito.

Flashback 1 day ago

"L-ley?" Gulat niyang sabi sa kaharap na babae. 

"Ley?" Nagtataka nitong sabi. "Ley ba ang pangalan ko? Kilala mo ako?" 

Lumapit siya rito at hinawakan ang magkabila nitong braso.

"Thank you, you're alive!" Masaya niyang sabi at niyakap ang babae.

"Wait lang Miss," Marahan siya nitong inilayo. "Paano mo ako nakilala?"

Pinahid muna niya ang bakas ng luha sa pisngi bago ipaliwanag dito ang lahat. Simula ng kupkupin ito ng kanyang pamilya maging ang totoo nitong pangalan. Kunot noo naman itong nakikinig sa kanya.

"Hindi ko maintindihan," Sagot nito pagkatapos niyang magkwento.

"Halika, dadalhin kita sa isang espesyalista para ipasuri ang kalagayan mo." Hindi na niya ito hinintay magsalita. Hila-hila niya ito hanggang makita niya si Mianne.

"Mianne!" Tawag niya sa babae.

Nakangiti naman itong lumapit.

"Bakit po Ma'am?"

"Aalis ako kasama si Sister Mariam. Mamimili kami ng regalo para sa mga bata," aniya. 

"Hindi po ba ako kasama?"

"Ikaw muna ang bahala sa mga kailangan dito habang wala ako," Bilin niya.

"Ay, sige po Ma'am! Tatawag po ba ako ng taxi o gagamitin nyo ang sasakyan natin?"

"Tatawag na lang ako ng taxi. Thanks," Paalam niya rito.

...

"Magaling ba talaga ang Doktor na pupuntahan natin?" Tanong nito ng nakasakay sila sa taxi.

"Don't worry matagal ko na siyang kilala at expertise niya ang kalagayan tulad ng sa'yo," Nakangiti niyang sabi.

Tumango lang ito at tumingin sa labas ng sasakyan. Ginawa rin niya iyon pero napakunot noo siya ng mapansin na iba ang dinadaanan nila.

"Manong, wrong way po tayo." Sambit niya sa Taxi Driver.

Itinigil naman ng Driver ang sasakyan.

Nagtaka si Hurricane ng biglang bumaba si Ley at hindi na niya ito natanong ng muling umandar ang sasakyan.

"Stop the car! Bakit iniwan mo ang kasama ko?" Sigaw niya sa Driver na hindi nito pinansin.

Hinablot niya ito sa kwelyo pero hindi niya inaasahan ang pagtusok nito ng syringe sa kanyang braso. 

Unti-unti siyang nanghina at kalaunan ay nawalan ng malay.

...

"Wake up, Princess! It's time to work,"

Bumalikwas ng bangon si Hurricane ng marinig ang boses na 'yon.

"Relax, mag-uusap lang tayo." Mahinahong sabi ng babaeng nakaupo sa sofa malapit sa kinahihigaan niyang kama.

"Ley? What's the meaning of this?"

Matamis itong ngumiti pero ang ngiting iyon ay hindi pamilyar sa kanya.

"Ley? Me?" Turo nito sa sarili. "You got it wrong, Princess."

Nagulat siya ng alisin nito ang disguise na nakakabit sa mukha.

"Remember me?" Nakangiti nitong tanong.

Pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya maalala kung saan ito nakita.

"Let me remind you, two speed boats, one ship, a girl jumped and was saved by you and Supremo. Remember?"

Unti-unting nagsink-in sa kanyang isip kung sino ito.

"Volin?" Hula niya. 

"Correct!" Masaya nitong sabi sabay palakpak. Tumayo pa ito sa kinauupuan at bahagyang lumapit sa kanya. "Aren't you asking me why I did this?" Taas kilay nitong tanong.

"I don't have time to listen to your story. I need to go,"

"Hep!" Pigil nito sa tangka niyang pagtayo.

"What do you want?" Naiinis niyang tanong.

"Oh, the Princess is mad." Mapang-asar itong tumawa. "Do you think I'll let you leave that easily?"

Tumaas ang kilay ni Hurricane.

"Are you threatening me?"

"No, no, no!" Umiiling nitong sabi with hand gestures. "Alam kong hindi ka matatakot," Nakangisi nitong dugtong.

"Tell me, what do you want?" Seryoso niyang tanong. 

"I want you to play for me,"

"Why would I?"

"I don't consider a question to my statement, Princess." Malambing nitong sabi pero nakataas ang isang kilay. "Just do it!" Matigas nitong utos.

Pagak naman siyang natawa at dahan-dahang tumayo. Lumapit siya rito at tinitigan ito ng hindi kumukurap. 

"Do you know who's your talking to, Impostor?" Nakangisi niyang tanong dito. 

"Of course!" Confident nitong sagot. "I know everything about you and what you did for the past four years. Do you want to know how?" 

Nanatili siyang nakatingin dito habang matamis itong nakangiti sa kanya.

"Play for me and I won't expose your secret,"

"I won't," Seryoso niyang sagot.

Muli itong tumawa pero mabilis din bumalik sa seryosong itsura.

"Rucan," 

Pagsambit nito sa pangalang iyon ay mabilis niya itong hinablot at nagawa niya itong ibagsak sa sahig. Malakas ang naging pagbagsak nito na bahagya pang ngumiwi pero malakas pa rin itong tumawa. 

"I knew it!" Masaya nitong sabi. 

"You're not allowed to say his name." Seryoso niyang sabi habang mahigpit na hawak ang leeg nito. 

"If I were you, I'll let her go." Pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ni Hurricane.

Nawala ang atensyon niya kay Volin kaya nasipa siya nito. Mabilis siyang bumangon at hinarap ang bagong dating. 

"Casseus?"

"Hello, Princess." Nakangiti nitong bati.

Nalilito naman siyang nakatingin sa dalawa.

"What is the meaning of this, Casseus?" tanong niya sa lalaki.

"Oh Princess, don't act like a dumb. I know you already figured out what's happening," Sagot nito.

"Let me explain everything to her, Babe." Malambing na sabi ni Volin. Hinalikan pa nito si Casseus sa labi ng makalapit sa lalaki. "Where do you want to start?" Baling ng babae sa kanya.

"Do you want to know everything? Okay, I'll tell you."

"It happened when the Storm family adopted me and became friends with the twins, Jackeleigh and Devileigh. However, Devileigh left and Jackeleigh hates her twin. I pretended to care for her and become a substitute for her twin sister. I planned to kill all their members to avenge my own family. They killed my family and adapted me, that was their biggest mistake!" Galit nitong paglalahad.

"It's all in the past, Babe." Pag-aalo naman ni Casseus sa babae.

Umiinit ang ulo niya sa tuwing maiisip na pinaglaruan ni Casseus ang mabuting pakikitungo niya rito. Hindi niya naisip na may hidden agenda ito sa paglapit sa kanya, pero ngayon napatunayan niyang isa itong traydor.

"I succeeded in killing their parents by poisoning them. I poisoned Jackeleigh's mind to kill her twin and I did it. I successfully did it!" Proud nitong sabi. "But Devileigh came back to get her position as the Head of Mafia Reapers. She wants to change the Reaper's policy and solve the conflict against the Mafia which I objected to. Do you know how smart I am?" Nakangiti nitong tanong sa kanya. "I plan everything to annihilate everyone including the Mafia Supremo, but thanks to you Princess. I didn't succeed!" Galit nitong sabi sa kanya.

"Okay na sana e, magkasama sanang magiging abo ang Mafia at Reapers sa barkong iyon pero umepal ka! Kaya ikaw naman ang gagamitin ko ngayon," Muli itong ngumiti sa kanya.

"What's your connection to this, Casseus?" Baling niya sa lalaki.

"Captain Jack is my brother," Kibit balikat nitong sagot. "And Devileigh killed him." Bumakas ang galit sa mukha nito. "She killed my brother to punish him but she didn't kill her own sister."

"They killed each other, aren't you satisfied?"

"We're not!" Sagot ni Volin. "We want those people under us! Everyone of them and you will help us, Princess."

"There's no better outcome in revenge. Stop it now before you regret everything," Mahinahon niyang sabi pero tumawa lang ang dalawa.

"Princess, we won't lose the four years of preparation for nothing." Sagot ni Casseus.

"What do you mean?"

"Everything is under our control except Supremo,"

"What's your plan?" Ginagawa niya ang lahat ng pagtitimpi para hindi sugurin ang dalawa. Hindi niya dapat pairalin ang emosyon sa ganitong sitwasyon.

"Be part of Devil's Game and play under Labeirg Familia. The game will start once you get inside the room," Paliwanag ni Volin. "Consider this as part two, Princess. You'll end everything and everyone who opposes our leadership," Nakangisi nitong sabi.

"Do you want me to kill Supremo?" Hula niya sa gusto nitong mangyari. 

"Magnificent! As expected from you, Princess. You're intelligence is one of a kind!" Masayang puri ni Volin sa kanya.

"No!"Mariin niyang tanggi. Kung noon na malaki ang nagawang kasalanan ni Primo sa kanya hindi niya ito pinatay, mas lalo na ngayon na may kuntento na siyang buhay.

"Yes you will, Princess. Kasalanan mo rin naman 'yan dahil nakialam ka sa Devil's Game. Hindi mo rin sinubukang buksan ang micro bomb na ibinigay ko sa'yo. Sana hindi ka namimili ngayon,"

"Don't involve me with your craziness, Volin. I won't do that!"

"If I say you will, you will! You don't have any choice, Princess."

"Ops!" Pigil ni Casseus sa tangka niyang pagsugod dito. "Don't make a move against us, Princess. You can't stand the consequence," Sambit nito bago ihagis ang cellphone sa kanya.

Nasalo naman niya iyon.

"Go ahead," Nakangiti nitong sabi.

Hindi niya inaalis ang tingin sa dalawa ng ilapit ang cellphone sa tainga.

Umusbong ang labis na kaba ng marinig niya ang boses mula sa kabilang linya. Namutla siya ng bigla rin iyong naputol.

"See? I told you, if I say you will, you will! There's no room for declining me, Princess."

Ibinato niya sa dalawa ang hawak na cellphone pero nagawa nitong makaiwas.

"Don't you dare to touch his single hair. I swear, I'll follow you wherever hell you are and kill even your soul!" Galit niyang sabi.

"Nothing will happen to him, if you're obedient." Sagot ni Casseus.

"Traitor!"

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Let's go, Babe." Paanyaya ni Volin sa lalaki. "Stay here, Princess. Tomorrow is your big day." Sambit nito sa kanya. "Oh, don't try to ask for help. You know, we got him." Pahabol nitong sabi bago lumabas ng silid.

Pinaghahagis niya ang mga bagay sa loob ng kwarto dahil sa galit.

"I swear, I will kill you!"

...

...

"Hurricane, what are you doing here?" Gulat na tanong ni Drevon ng makita siya nito bilang isa sa manlalaro ng Labeirg Familia.

"Iho, she's one of our players." Nakangiting sagot ng Third Council, "Do your best former Lead Council." Sambit nito sa kanya.

Nanatili lang siyang tahimik at pilit kinakalma ang sarili. Ganoon ang ginawa niya hanggang makapasok sa kanilang quarter. Ayon kay Volin, dito magsisimula ang laro. Hindi na nila kasama ang pinakilalang manlalaro kanina maging si Casseus at alam niya kung bakit. Ito ang magbabantay sa kilos niya sa labas ng ground.

"I don't know what's happening, but something is not right." Narinig niyang sabi ni Drevon.

Pareho silang nakatayo at nakasandal sa pader. Hinihintay ang pagsisimula ng laro.

"Uncle Dario said I need to marry First Council daughter after this game," Nakuha nito ang kanyang atensyon.

"Who's daughter?" tanong niya para kumpirmahin ang kanyang hinala.

"Leticia is a sole heiress of Klentiu Familia," Sagot nito. 

"She's not married?" 

"No. Supremo always declined to marry her."

Hinilot ni Hurricane ang sentido sa rebelasyong hindi inaasahan.

"H-how about their child?"

"Is that about the news before you left?" Kumpirma nito kaya tumango siya. "She's never been pregnant and if she is, Supremo is not the father."

Kumapit sa pader si Hurricane para mabalanse ang katawan. All this time, mali pala ang akala niya.

"Supremo is still waiting for you, Hurricane. If he can't marry in three months, his position will no longer be his. It will be transferred to Labeirg and me as the Heir will become Supremo. Then later on, I need to marry Leticia because they want me to. I don't want them to control me. I have my own life!"

"Why don't you want to marry Leticia?" Wala sa sarili niyang tanong.

"I'm in a relationship with Quirie and being Labeirg, it is prohibited to be with Los Crucio," Malungkot nitong sabi.

"Life is unfair," Sambit na lang niya.

Naputol ang usapan nila ng bumukas ang dalawang pintuan. Magkahiwalay silang pumasok doon at dinala siya sa harapan ng isang monitor.

Flashback ends.

...

...

Nagdesisyon siyang pindutin ang gold button. Lumabas ang kailangan niyang gawin para manalo sa laro.

'Kill the Mafia Supremo.'

...

...

...

Sinong tumama sa pader este sa question pala. Hahaha! Doon sa question natin kung sino si Sister Mariam, si Devileigh or Jackeleigh? Dahil wala si Volin sa choices, malamang walang tumama. Hahaha!

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

328K 9.4K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...