Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.5K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 35

966 52 3
By MaybelAbutar

Nagtipon-tipon ang lahat ng Mafia members sa stadium kung saan gaganapin ang laro sa taong ito. Makikita ang excitement sa bawat isa lalo pa't nabalitaan nila na may kakaibang mangyayari ngayon. Hindi naman maiiwasan ng iba na magkaroon ng pambato sa magaganap na laro. Kahit hindi pa nagsisimula, mayroon na silang inaasahan na mananalo. 

Taliwas sa excitement ng mga manonood, balisa naman ang grupo ni Primo sa maaaring mangyari. Kahina-hinala ang pagkakalagay ng mga pangalan nila sa listahan ng mga manlalaro at siguradong may dahilan iyon.

"Supremo!" Masayang bati ng Third Council kay Primo ng dumating ang kanyang grupo sa loob ng stadium. Kasama ng matanda ang pamangkin nitong si Drevon. "Maraming salamat at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon," Dugtong nito.

"This is not an invitation, Third Council. I know you're up to something," Seryoso niyang sagot.

Nakakalokong tumawa ang matanda.

"You're making me a bad guy, Supremo. It's just a friendly game. Why are you so bothered?" Nakangiti nitong tanong.

Higit sa lahat, alam ni Primo na may tinatagong plano ang matanda sa likod ng ngiting iyon.

"Whatever it is, Third Council. I won't let you succeed." Sambit niya bago lampasan ang matanda.

Nagkasalubong pa ang tingin nila ni Drevon. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito ngayon.

"Primo, what happened?" Naguguluhang mukha ni Quirie ang sumalubong sa kanila pag-upo.

"I'm supposed to ask you that, Quirie. What's the Council plan?" Tanong niya sa pinsan.

"I didn't know anything! Nabigla rin ako sa nangyari. I don't know who's behind this." Paliwanag nito.

"Then, let see who wants to play with us." Seryoso niyang sabi.

"Good day, Mafia's!" Malakas na boses ang narinig sa buong stadium kasunod ng mga nagagalak na sigaw mula sa manonood. "Today, we will witness an incredible, extraordinary and remarkable game in the history of Mafia! Are you ready?" Muling sumigaw sa tuwa ang manonood.

Mataman namang nakikinig ang grupo ni Primo at hinihintay na matapos ang introduction at opening ceremony para sa gaganaping laro.

"Tulad ng nakasanayan, magkakaroon pa rin ng apat na bahagi ang laro! Mayroon tayong solo, duo, trio at grupo, ngunit sa pagkakataong ito ay lalagyan natin ng twist! Ang twist na ito ay napagkasunduan ng buong Council-!"

"Kasinungalingan. Wala akong ideya sa sinasabi mo!" Komento ni Quirie na alam nilang hindi naririnig ng nagsasalita.

"At ito ay ang Win by Knockout!" Pagpapatuloy ng nagsasalita. "Applicable ang Win by Knockout sa unang tatlong bahagi ng laro. Ibig sabihin may panibagong patakaran pagdating sa ika-apat na bahagi. Excited na ba kayong malaman kung ano 'yon?!" Muling sumigaw ang manonood. Halata ang excitement sa mga ito. "Ang patakarang iyon ay," Sandali itong huminto pero nagulat sila ng sabihin nito ang patakaran sa huling bahagi ng laro. "Win by Kill!"

"Are they serious?" Gulat na tanong ni Onix na nakaupo sa bahaging likuran ni Primo.

"They want a killing game again," Malungkot na sambit ni Lassy na nakaupo sa tabi ni Quirie.

"Whoever behind this wants a war inside the Mafia," Gigil na komento ni Orio.

Kuyom naman ang kamao ni Primo habang nakatingin sa kinaroroonan ng Third Council. Nakangisi ito sa direksyon niya habang tahimik ang ibang council sa tabi nito.

"The Head Council is not here." Napukaw ang atensyon ni Primo sa sinabi ni Quirie.

"Where is he?" Tanong niya sa pinsan.

"I don't know. I didn't talk to him after I picked up Hurricane in the airport." Sagot nito.

Muling natuon ang atensyon nila ng magsalita ang Mafia announcer.

"Mafia's, nais kong ipakilala sa inyo ang mga kalahok ngayong taon. Simulan natin sa pinakamataas na Familia mula sa Los Crucio. Narito ang grupo ni Supremo!!!"

Malakas na sigawan ang pumuno sa stadium. Kanya-kanyang sigawan ang mga ito ng umakyat sa platform ang grupo ni Primo.

Sunod-sunod na ipinakilala ng M.A ang bawat Familia. Na sa dalawangpu't lima ang Familia sa loob ng Mafia at mayroong lima hanggang anim na kalahok ang bawat isa. Halos mapuno ang platform ng umakyat ang mga kalahok.

"At ang huli ay ang ikalawa sa mataas na Familia walang iba kundi ang Labeirg Familia!!!"

Seryosong nakatingin si Primo sa paglapit ng grupo ni Drevon. Na sa unahan ang lalaki kasunod ang iba nitong miyembro. Nagtaka pa siya kung bakit kasama sa grupo nito Casseus mula sa Smith Familia. Ngayon din niya napagtanto na walang representative ang Smith Familia. Isa-isang umakyat ang mga ito sa platform ngunit hindi niya inaasahan ang huling tao na tumapak sa platform mula sa Labeirg Familia.

"Bakit na sa grupo nila si Hurricane?" Nagtatakang tanong ni Lassy. 

Walang emosyon ang mababakas sa mukha ni Hurricane. Deretso lang itong naglalakad hindi alintana ang nagsisimulang bulungan mula sa mga tao. 

"Siya ang dating Lead Council hindi ba?" Tanong iyon mula sa isang kalahok. 

"Bakit na sa Labeirg Familia siya?" Segunda ng isa. 

"Maglalaro ba siya para sa Labeirg?" 

Napuno ng pagtataka ang mga tao maging si Primo ang ganoon din.

"Mafia's, naririnig ko ang inyong mga katanungan sa paglitaw ng dating Lead Council!" Pahayag ng M.A. "Nais pong patunayan ng dating Lead Council ang kanyang sarili na nararapat siya sa paggalang ng buong Mafia kahit wala na siya sa posisyon. Ang larong ito ay nagsisilbing patunay kung ano ang kaya niyang gawin bilang manlalaro. Makikita rin natin kung utak lang ba ang meron siya o mas higit ang lakas at diskarte? Mafia's, alisin nyo sa inyong isipan na dati siyang namumuno sa atin sapagkat sa Council lang naman siya nag-eexist!" Mahabang paliwanag ng M.A.

Hindi naniniwala si Primo na iyon ang dahilan ni Hurricane kaya't sumali ito sa laro. Kahit seryoso ang itsura nito, mapapansin naman ang talim ng mga mata nito habang nakatingin sa direksyon ng Council. Hindi niya alam kung anong paraan ang ginamit ng Council para pumayag itong maglaro para sa Labeirg, ngunit alam niyang mahalaga 'yon dito. Kilala niya si Hurricane na may paninindigan sa tama at kahit buhay nito ay kaya niyang ibigay para sa iba. Maaaring isang buhay ang nais nitong isalba ngayon, ngunit kanino? Kaninong buhay ang gusto nitong iligtas kung pwede naman niyang ipaubaya sa kapangyarihan ng sariling pamilya ang bagay na 'yon. 

"Supremo, magsisimula na ang opening ceremony." Tapik sa kanya ni Manzo.

Saka pa lang niya inalis ang paningin sa direksyon ni Hurricane.

Humarap silang lahat kung saan nakalagay ang simbolo ng bawat Familia. Nakaposisyon iyon sa hugis ng isang singsing habang nakapatong sa bilog na platform sa taas ng stadium. Napapalibutan naman iyon ng makapal na glass wall na yari sa matibay na kasangkapan. Nasa loob din n'on ang diamond ring na dating suot ni Hurricane. Ito ang sumisimbolo sa buong Mafia. Matagal na niyang inalis ang singsing sa putol na daliri ni Hurricane at binaon iyon sa likod ng kanyang mansyon.

Pagkatapos ng seremonya, hinintay naman nila ang anunsyo sa pagsisimula ng laro. Nagtungo sila sa designated area na naka-segregate bawat Familia. Individual silang lalaban ngayon at tulad ng anunsyo kanina, Win by Knockout ang mangyayari. 

"Mafia players maaari muna kayong magtungo sa waiting area habang hinihintay natin ang anunsyo mula sa ating Council," Sambit ng M.A.

Sunod-sunod namang tumayo ang mga manlalaro upang magtungo sa waiting area na sinasabi ng M.A. Ang waiting area ay nagsisilbing quarter ng bawat Familia. Doon sila mananatili kung kailangan nilang maghintay sa laro.

"Ano ba talagang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Lassy pagpasok nila sa quarter.

"Devil's Game," Mahinang sabi ni Primo pero narinig pa rin ng kanyang mga kasama.

"Maliwanag na isa talaga itong Devil's Game, pero hindi naman ganito ang nangyari sa nakalipas na tatlong taon ah," Naguguluhan pa ring pahayag ni Lassy.

"This is not simple as before," Muli niyang sabi.

"What do you mean, Primo?" Seryosong tanong ni Ryz habang nakahalukipkip na nakasandal sa pader.

Naka-indian sit naman sa sahig sina Orio at Onix habang si Manzo ay nakapamulsang nakatayo malapit sa pinto. Nakatitig naman si Primo sa nag-iisang monitor na naroon.

"The second part of Devil's Game happened on the ship." 

Naalala niya ang eksaktong sinabi noon ni Volin, ang kaibigan ni Devileigh. 

'End of the day, but not her game.' 

Marahil ito ang tinutukoy ng babae. 

"It can't be!" Hindi makapaniwalang sabi ni Lassy. "Hindi pwedeng may mamatay sa larong ito. Mga miyembro sila ng Mafia!" Nag-aalala nitong dugtong.

"Good day, Los Crucio Familia!"

Naalerto ang bawat isa ng marinig nila ang pamilyar na boses ng isang babae sa silid.

"Miss me?" Muli nitong sabi kasunod ng isang halakhak. "Did you forget about me?" Naging malungkot ang boses nito pero alam nilang pinaglalaruan lang sila nito.

"Who are you?" Tanong ni Onix habang iniikot ang paningin sa loob.

Wala silang makita kahit isang speaker na naroon kaya nagtataka sila kung saan galing ang boses nito.

"How sad," Malungkot nitong sagot. "Anyway, let's play again!" Excited na nitong sabi.

Sa pabago-bago ng mood nito, isa lang ang konklusyon ni Primo.

"Devileigh Storm," Seryoso niyang sambit sa pangalan nito.

Malakas itong tumawa na parang tuwang-tuwa sa kanyang sinabi.

"Do you think so?" Mapaglaro nitong tanong pero nanatili silang tahimik. "It's been four years, Supremo. This game will end everything." Pagkawala ng boses nito ay naramdaman nila ang pagyanig ng silid. Narinig din nila ang malakas na katok sa pintuan.

"Primo! Lumabas kayo riyan! It's a trap!" Sigaw ni Quirie mula sa labas.

Pilit binubuksan ni Manzo ang pintuan pero hindi nito magawa. Nagtulong-tulong sila upang wasakin iyon ngunit wala pa ring nangyayari. Patuloy lang sa pagyanig ang silid.

"Primo, get out there!" Patuloy na sigaw ni Quirie sa labas. "This is not a game! Pinaalis na nila ang mga tao! It's a trap for you Supremo! The council wants your position! Please get out there now!!!" 

"We can't open the door!" Sigaw ni Primo mula sa loob.

"Oh, sh't! The floor is going to collapse!" Sigaw ni Orio.

Bago pa sila makapag-react sabay-sabay silang nahulog kasama ng pagbagsak ng sahig sa ilalim.

...

...

Umubo si Primo at habol ang hininga ng magising. Sumalubong sa kanya ang madilim na paligid. Dahan-dahan siyang bumangon pero agad napangiwi ng maramdaman ang sakit sa kanyang likod.

"Hello?" Sambit niya pero echo ng kanyang boses ang sumagot sa kanya. "Anybody here?"

Nang walang sumagot, dahan-dahan siyang humakbang. Sinusundan niya ang direksyon ng natatanaw na liwanag. Iniisip niyang iyon ang patungo sa labas ng kinaroroonan niya.

"Argh, sh't!" Sambit niya ng madapa. Ramdam niya ang sakit sa palad ng ituon niya iyon para protektahan ang buong katawan sa pagbagsak. "D'mmit!" Muli niyang sabi ng umagos ang mainit na likido mula roon.

Pinunit niya ang suot na shirt at pinulupot iyon sa kanyang kamay bago muling naglakad. Akala niya isang pintuan ang natatanaw na liwanag ngunit isa pala iyong monitor.

Naroon ang mga pangalan nila pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit siyam lang sila roon. May instruction to click the participants name kaya pinindot niya ang larawan doon.

Lumabas ang isang file ng agreement tungkol sa laro. Wala naman siyang nakitang problema sa nilalaman kaya pinindot niya ang next. May dalawang button ang nag-appear sa monitor it's a white and gold. Gold button for the win and white for the loose. It's also said to choose wisely.

Nanatiling nakatitig sa monitor si Primo. Hindi niya alam kung alin ang pipindutin sa button. Nagdadalawang isip siya sa gustong piliin.

Yes, he wants to win this game lalo pa't kailangan niyang ipagtanggol ang sarili sa plano ng Council. Pero may nag-uudyok sa kanya na huwag pindutin ang gold button. Ngunit nanaig ang nais ng kanyang isipan na piliin ang gold button. Doon niya labis na pinagsisihan ang pagsunod sa isip dahil lumabas ang kundisyon upang siya'y manalo.

'Kill Hurricane Versalles.'

...

...

...

Maganda pa ba ang flow ng kwento? Kayo'y mag-react kapag may napansin kayong loophole ah. Huwag mahiyang mag-comment kahit sabihin nyong, 'Miss A ang boring na po' or 'Miss A bakit ganito, ganyan, ganun,' kahit ano negative or possitive maluwag kong tatanggapin 'yan. Hehe!

Don't forget to votes, comments, and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

328K 9.4K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...
7.5K 988 54
She is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
151K 3.9K 36
Astrid Thyreese White lived a dreadful life, always striving to stay alive and live another day to this cruel world. She was convicted of stealing, s...