The Billionaire's Surrogate

By SweetAga16

145K 3.4K 1K

"I guess my role ends here... Thank you for using me." More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 2

6.3K 122 6
By SweetAga16

Grabe naman po kayo. Nang makita ko ang sunod-sunod na notifications dito sa Wattpad tinigil ko talaga ang plates ko para makapag-update.

Thank you so much sa suporta and Happy 2,510 Followers Sweeties. Thank you so much.✨

Nawa'y hanggang dulo ay sumubay-bay kayo. ✨🤍

Enjoy Reading :)




Bernadette's POV

"Ano lilipat kayo ng bahay?" tanong ng kaibigan kong babaeng bakla.

Napatitig naman ako sa kanya bago nagkibit balikat. Hindi ko rin naman alam kung ano'ng sunod na hakbang na gagawin ko.

"Hindi ko alam. Syempre magsisimula na naman ako sa umpisa, alam mo namang ako lang ang nagtra-trabaho sa bahay. Isama pa na kailangan ng gamot ni Papa, nag-aaral ang dalawang kapatid ko, at isama mo pa ang mga gastusin sa bahay. Kapag talaga hindi binalik ng matandang 'yon ang pinaunang bayad ko sa bahay... kukulamin ko 'yon," mahinang sabi ko kaya naman narinig ko ang malakas na tawa ni Kassidy.

Nainis naman ako bigla dahil wala naman talagang nakakatawa sa sinabi ko. Hindi rin ako nagbibiro kaya ko talagang gagawin ko 'yon kapag nagkataon.

It is not easy to make and earn money. Kung totoo lang sanang nagbubunga ng pera ang mga puno baka minahal ko na ang kalikasan at magtanim ako minu-minuto.

Kaso hindi e. Mukhang kailangan kong pang gumiling sa mga nagpapasadang jeep para magkapera.

It's not that the salary of the Car Company that I am currently employed isn't good. Nagkataon lang talagang kapos kami ngayon.

"Kassidy..." tawag ko sa kaibigan ko kaya naman napatingin siya sa akin.

Nang tumitig siya sa akin ay alam ko na agad na nakuha niya ang gusto kong iparating sa kanya. Maliban naman kay Angel ay si Kassidy ang malapit sa akin dahil nga hindi rin magkasalubong ang buhay na meron kaming dalawa ni Angel.

"Magkano ba kailangan mo? Pasensiya ka na pero alam mo na, ganito lang kaya kong ibigay..." sabi niya at tinaas ang sampong daliri niya.

Alam ko na ibig niyang sabihin. Sampong libo katulad na lang ng nakasanayan naming dalawa.

"Babalik ko rin kapag nagkataon na magkapera ako... sa susunod na sahod mag-aabot ako," mahinang sabi ko sa kanya kaya naman agad siyang umiling sa akin.

"Ano ka ba naman Berns, wala 'yon. Alam ko namang mas kailangan mo 'yon kaysa sa akin. You can pay me anytime, I really don't mind," she said while looking at me.

"Siguro ka talaga?" tanong ko.

"Oo naman. Pero kung hindi mo mamasamain. Pwede ba akong magtanong?" tanong niya sa akin kaya naman natawa ako.

"Nagtatanong ka na," pambabara ko sa kanya.

"Oh wala na... ang panget na naman ng ugali," sabi niya kaya naman malakas akong tumawa.

"Ano ba kasing itatanong mo?"

"'Di ba alam mo na... kulang na lang singsing sa mga daliri mo, pinaalam mo ba ang boyfie na may problema ka?" tanong sa akin ni Kassidy. Sasagot na sana ako nang magsalita pa siya, "tsaka bakit hindi ka humingi ng tulong kay Angel? I mean we're not that close pero 'di ba nasa mayamang pamilya si Angel. Sigurado akong tutulungan ka ng boyfriend mo tsaka ni Angel sa problema mo."

"Alam ko namang tutulong sila sa problema ko kaso kasi... nahihiya na rin naman ako," mahinang sabi ko at hindi makatingin kay Kassidy.

"So sa akin hindi ka nahihiya bwakanang-ina ka?" tanong niya sa akin kaya naman natawa ako ng pilit.

Nahihiya rin ako syempre kay Kassidy. Kaso saan ako lalapit kung nagkataon?

"Kasi 'yong Mama ni Lance... ayaw niya sa akin," mahinang sabi ko.

Masama loob ko kasi hindi pa niya ako nakikilala talaga ng lubusan pero ayaw na niya sa akin. Hindi naman ako masamang babae kung tutuusin. May pinag-aralan naman ako kahit papaano tsaka ang ganda ko naman.

Pipili pa ba siya ng iba para sa anak niya? Gold ba si Lance?

"Alam ko na 'yan Berns. Ano naman ngayon? Bakit Nanay ba niya pakakasalanan mo?" tanong sa akin ni Kassidy kaya naman natawa ako.

"Siyang true, bakit siya ba magbubuntis sa akin?" tanong ko kaya naman sabay kaming tumawa ni Kassidy. "Bobo mo seryoso na kasi, tanga ka."

Tumawa pa rin siya kaya naman napairap na lang ako sa hangin.

"Ang dami nang natulong ni Lance sa akin pati noong nag-aaral palang ako. Paano kapag nakarating sa Mama niya? Ayaw ko namang magmukha akong manggagamit sa mata ng Mama ni Lance."

"Napakahwaran mo naman palang nobya," sabi pa ni Kassidy.

"Oo naman, tanga ka ba? Kahit naman ganito ako ayaw ko namang may nasasabi na hindi maganda sa akin."

"Oo na. E kay Angel?"

"Hindi ka pa titigil magtanong?" biro kong tanong kay Kassidy.

"Aba syempre dapat alam ko kung bakit ayaw mo nang humingi ng tulong sa kanya. Malay ko bang nag-away pala kayo at hindi mo lang sinabi sa akin."

Hinampas ko naman siya ng folder na hawak ko.

"Hindi kami nag-away 'no. Nakakahiya naman baka kung anong isipin niya. Mamaya e sabihin niya na tsaka ko lang siya naaalala kapag gipit ako," sabi ko naman.

"Ikaw ang bobo. 'Yang isip mo grabe. Nag-ooverthink 'yern?" maarte nitong sabi sa akin na para bang inis na inis na sa sinabi ko.

"Ano ba ang gusto mo kasi? May hiya naman ko. Tsaka kaya ko naman na sarilihin na lang tsaka nandiyan ka naman. Alangang iwan ko ako? Baka gusto mong lagyan ko ng karayom buong katawan mo," birong sabi ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.

"Your two are at work and not in the market."

Napatingin naman kami ni Kassidy sa pinto kaya nanlaki ang mga mata naming dalawa nang makita ang masungit na Car Engineer dito sa kumpanya.

Pogi sana siya kaso masungit lang.

"Sorry, Engineer," mahinang sabi ko pero inirapan niya lang ako bago tumalikod at naglakad na papaalis.

Doon naman ako nagpanggap na nairita. Itinaas ko ang long sleeve na blouse ko hanggang sa siko ko at naghahamok na ng away.

"Aba ang lalaking 'yon ah!" sigaw ko at susugudin sana ang lalaking tinalikuran lang ako nang hindi ko naramdaman ang braso ni Kassidy para pigilan ako.

"Hindi mo talaga ako pipigilan?" tanong ko kay Kassidy dahil nakatitig lang siya sa akin na parang tanga.

"Go, support. Sugudin mo tapos mamaya tulungan kitang mag-ayos ng gamit mo kasi mawawalan ka na ng trabaho," sabi niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Naupo naman ako ulit sa kinauupuan ko kanina.

"Kasama talaga ng ugali mo," mahinang sabi ko kaya naman natawa siya bago niya nilagay ang hintuturo niya sa bibig niya na senyales na pinapatahimik niya ako.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Aba, ikaw nga ang maingay rito," sabi ko.

Magsasalita na sana ako dahil talagang iniinis ako ni Kassidy nang tumunog ang cellphone ko.

Nakita kong nag-text sa akin si Jiji.

From: Jiji

Ate may extra money ka po ba? Exam na po kasi namin. Kailangan kong magbayad para sa permit hehe.

Agad naman akong nagtanong kung magkano kaso hindi na nagreply si Jiji at baka bumalik na sa klase niya.

Napabuntong hininga naman ako.

Ang daming gastusin. Hindi nga ako makabili ng sa sarili ko lang panay ako palabas ng pera kasi wala namang nang nagtra-trabaho sa amin maliban sa akin.

Gamot ni Papa.

Sa araw-araw naming pagkain.

Sa pag-aaral nila Jiji.

Tapos sumasabay pa ang problema na binigay ni Mama sa amin. Iniwan pa niya ang ibang utang niya na ako na ang nagbabayad.

Tumingin ako kay Kassidy kaya naman tumingin din siya sa akin.

"May problema?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Meron ka bang ibang trabaho na alam? 'Yong hindi sana sasagasaan ang oras ng trabaho ko rito. Tsaka mag-online selling kaya ako?" tanong ko sa kaibigan kaya naman nakita ko siyang napabuntong hininga.

"Humingi ka na kasi ng tulong kay Daddy Lance. Boyfriend mo naman 'yon e tsaka handa ka ngang pakasalan. Share your problems with him. Mahal ka no'n sigurado akong gagawa siya ng para matulungan ka."

Wala nga talaga akong pamimilian kundi ang sabihin kay Lance ang pinagdadaanan ko.

"Sige pag-iisipan ko. Salamat Kassidy ah," mahinang sabi ko sa kanya.

"Walang problema, Berns."


Hanggang sa bumalik ako sa trabaho ko. Lutang ako habang nagtra-trabaho. Kakaisip kung saan pupulutin ang perang ipanggagastos namin nila Jiji.

Hindi ko na namamalayan ang oras.

Hindi pwedeng may tumigil sa mga kapatid kong mag-aral.

'Yon na lang ang maibibigay kong suporta sa kanila.

Isama pa na hindi rin pwede na tumigil si Papa sa pag-inom ng gamot niya.

Paano ako makakahanap ng sapat na pera? Ang mga ipon ko alam kong mauubos 'yon kahit sobrang pagkandakuba ako sa pagtratrabaho.

"Berns hindi ka sasabay?" Napatingin ako kay Kassidy nang magsalita siya. Nasa labas na kasi kami ng gusali kung saan kami nagtra-trabaho.

Nakita kong naghihintay sa kanya ang nobyo niyang pinagbuksan na siya sa kotse nito.

Ngumiti ako bago umiling, "hindi na Kass, thank you na lang pero susunduin din ako ni Lance."

"Sige-sige. Mag-iingat ka," nakangiti niyang sabi kaya tumango na lang ako bago ko niyakap ang sarili ko at tumingin sa relo ko.

"5:23 PM... late siya," mahinang sabi ko.

Baka busy na naman sa trabaho. Kahit kailan kasi ay hindi nalelate si Lance na sumundo sa akin. Tumatawag din siya kapag alam niyang hindi niya ako masusundo.

Naghintay na lang ako dahil baka busy lang sa trabaho. Tatawag naman 'yon sa akin kapag hindi makakasundo.

During my long relationship with Lance, I had in mind to wear a white gown and then he was the man waiting for me at the altar.

Napag-uusapan namin syempre pero ngayon na kinakaharap ko ang problema sa pamilya ko.

Hindi ko kayang magdagdag na naman ng panibagong obligasyon sa akin.

Hindi madaling maging Asawa. Nakakatakot pumasok sa relasyon tapos may nakaatang pa sa 'yo.

Mas mahal ko rin ang mga kapatid ko. Ayaw ko naman na maramdaman nilang iniwan ko sila. Inaaya na akong magpakasal ni Lance. Kung maayos lang ang lahat ay oo ang sagot ko.

Sino ba naman hindi gustong maikasal sa lalaking minamahal?

Lance is the one I want to be with at my very last breath.

"Nabasa mo ba ang memo?" tanong ng katrabaho ko sa likod ko. Mukhang nag-uusap-usap sila.

"Memo?" tanong naman ng iba.

Napairap na lang ako dahil nagdra-drama ako sa isip ko e tapos maririnig ko silang nag-uusap.

"The CEO's youngest son is coming home here in the Philippines," proud pa na sabi ng isang babae sa likod ko.

Mukhang dalawa lang silang nag-uusap dahil dalawang boses lang naman naririnig ko.

"Huwag ka ngang mag-english. Pinipilit mo pang maging sosyal," sabi ng isa kaya naman natawa ako pero agad akong yumuko para matago ang mahinang pagtawa ko.

"Sira totoo kasi. 'Yong may sex scandal ay," sabi pa ng babaeng nag-english kanina.

"Weah? Totoo pala 'yon..." hindi makapaniwalang sabi ng isa.

Nakikinig lang naman ako kahit naman sinong bumalik wala naman akong pakialam. Kung pogi, sure... why naman hindi i-wewelcome ang biyaya ni Lord sa lupa? Pero kapag panget na nga tapos may scandal pa daw. E 'di sana una nang maibaon sa lupa.

"Sa tingin ko sa kanya ipapamana 'yong kumpanya. Siya lang naman ang hindi anak sa labas," sabi ng nag-english kanina.

Totoo palang may anak sa labas ang CEO.

Malupit din palang humakot ng babae. Pare-parehas lang naman pala e. Si Mama nga naging kabit e.

Mabuti sana kung ganito kayaman 'yong pinalit kay Mama. Nakakasuka.

"Ouch!" sigaw ko at napahawak ako sa noo ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Lance.

"Kanina pa ako nagbubusina doon. Pinaghintay ba kita ng matagal?" malambing na tanong niya sa akin kaya naman umiling ako bago ko niyakap ang kanang braso ko sa braso niya.

"Hindi naman," pagsisinungaling ko kahit na halos malagas na ang buhok ko kakahintay sa kanya.

"Iuuwi na kita agad?" tanong niya sa akin kaya napataas naman ako ng kilay.

"Gusto mo iuwi mo na ako? Lika kausapin natin si Mama mo," biro ko sa kanya kaya naman nang makita kong nagbago ang emosyon sa gwapo niyang mukha ay gusto kong kutusan ang sarili ko.

Dahil hindi ko na iniisip ang sinasabi ko.

Lalo't meron pa palang isyu sa pagitan namin ng Mama niya. Alam ko namang naiipit siya dahil mahal niya ako wala namang duda doon. Isama pa mahal niya rin naman ang Mama niya.

"Sorry," mahinang sabi ko.

"Hmm-mm... sakay na ihahatid na kita sa inyo," mahinang sabi niya at pilit na ngumiti sa akin kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.

'Dakila kang bobo, Berna. Ang kabobitahan ay pinapairal na naman,' mahinang sermon ko sa isip ko.

Tahimik lang kaming nasa sasakyan. Pinagdadasal ko na traffic para naman makapag-usap kami at makapag-sorry sa kanya.

"Hoy galit ka ba?" Ako na ang nagbasag sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

"Hindi... bakit mo naman naisip 'yan?" tanong niya pero nakafocus lang naman sa daan ang mga mata niya.

"Aba... hindi daw galit pero ang lamig. Sinungaling."

Tumingin siya sa akin bago niya iniangat ang kamay niya at inabot ang ulo ko pagkatapos ay ginulo ang maayos kong buhok.

"Hindi ako galit, mahal."

Napangisi naman ako sa tinawag niya sa akin. Kinikilig na naman ang pwet ko.

"Mamatay?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga. Alam mo namang hindi ko kayang magalit sa 'yo. Ikaw ang sobra kung magalit sa akin kapag may kasalanan ako," sabi pa niya kaya sinuntok ko siya sa balikat.

"Ano ramdam mo pagnginig ng buto mo sa braso? Ano labanan mo pa ako?" tanong ko sa kanya.

"Bernadette, bawasan mo 'yang pananakit mo sa akin ah." Minamasahe na niya ang braso na sinuntok ko.

"Napaka-arte mo naman Wala ngang pwersa 'yon."

"Will I still thank you for not using force on you punch? You're unbelievable," he said complaining.

Tumawa na lang ako bago ko binalik ang tingin ko sa binata ng kotse niya at tinitignan ang mga nadadaanan namin.

Ngayon paano ko na sasabihin sa kanya na kailangan ko ng pera?

Kaya ko bang humingi na naman ng tulong sa kanya?

Lagi na lang siya ang nandito kapag kailangan ko ng tulong. May problema na nga sa Mama niya ito pa rin ako at umaasa kay Lance.

Ang dami na niyang naitulong sa akin.

Napatingin ako kay Lance nang inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Hinalikan pa niya ang kamay ko sa likod ng palad.

Halos matunaw ang puso ko dahil sa ginawa niya.

Napakaswerte ko kay Lance.



He never let anyone ruin our relationship. Prinoprotektahan niya ako kahit na ano ang mangyari.

Hanggang sa pumutok ang isyu kay Mama ay nandito pa rin siya para sa akin.

Mapapatunayan ko kahit na papaano na hindi lahat ng lalaki kayang magloko. May mga katulad pa rin si Lance na kapag kuntento na sa isang babae ay hindi na maghahanap ng iba.

"I love you," I sincerely said while looking at his handsome sideview.

Napakagat siya sa ibabang labi niya.

"Don't make my heat beat so fast, Bernadette. I'm so crazy in love at you no question needed."

"You're so sweet, Lance."


"Yeah?"




Napailing na lang ako bago hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Please wait for me, I begging you," I begged.

Nakita kong natigilan siya kaya naman tumingin ako sa harapan.

"Hintayin mo muna ako saglit. Hayaan mo munang maging maayos ang lahat sa aming magkakapatid," mahina pero nakikiusap kong sabi kay Lance.

Hindi ko alam kung may mahahanap pa akong ibang lalaking lalampas sa kung ano'ng kayang ibigay sa akin ni Lance.

Wala na siguro.

Hindi ko gusto at ayaw ko rin na meron pang ibang umeksena sa amin.

Sapat na si Lance katulad ng pagiging sapat ko para sa kanya.

"Kapag naging maayos na ang lahat... pakakasalan kita, pangako," mahinang sabi ko. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Lance sa kamay ko kaya naman patingin ako sa kanya.

Nakita ko siya na mahigpit ang hawak niya sa manubela at malalim ang iniisip niya.

"Lance..."



"Huwag mong tagalan, Bernadette. Please, kunin mo ako ng mabilis," mahinang sabi niya sa akin kaya nagtaka naman ako.

Magsasalita pa sana ako para tanungin siya nang huminto na ang kotse ni Lance kaya napatingin naman ako sa paligid at nakita kong nasa harapan na kami ng bahay kung nasaan ako tumitira.

Pero bago 'yon nagtaka naman ako dahil may kotse sa harapan din namin ni Lance.

"What the hell is she doing here?" tanong ni Lance kaya naman nagtaka ako.

"Lance."

"Huwag ka na munang lumabas," mahinang sabi niya at unang lumabas si Lance.

Napatingin naman ako sa kotse sa haparan ng kotse ni Lance nang may bumabang matandang babae.

Doon naman kumalabog ang puso ko nang makita ang Mama ni Lance.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinagmasdan lang sila mula sa loob ng kotse ni Lance.

Kinakabahan ako.

Maggagabi na kaya naman may mga nakasindi nang ilaw sa mga poste.

Nakita kong nag-uusap sila pero halos hindi ako makahinga nang sampalin ng Mama ni Lance si Lance.

Bigla na lang gumalaw ang mga kamay at paa ko dahil binuksan ko ang kotse ni Lance at lumabas ako.

Napunta naman sa akin ang atensyon ng dalawa.

"Sinabi ko nang huwag ka na munang lumabas, Bernadette," nahihirapan na sabi ni Lance pero hindi ako nakita sa kanya. Lumapit ako at tumabi kay Lance.

Kahit na kinakabahan ay ngumiti akong humarap sa Mama ni Lance.

"Magandang gabi po," nakangiti kong sabi at aabutin sana ang kamay niya para makapagmano ako nang bigla ko na lang naramdaman ang mainit niyang palad sa pisngi ko.

"Mom!" Lance shouted.

Bigla akong nabingi dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Kung hindi lang ito ang Mama ni Lance siguradong babangasan ko rin ito pero may respeto naman ako sa Mama ni Lance.

Tumingin ako sa ginang nang kahit papaano ay ayos na ako. Masakit ang pisngi ko.


"Who the hell told you to claim my son?" she asked coldly.

"Ma'am nagkakamali po kayo, h-hindi ko naman po inaangkin si Lance," mahinang sabi ko.

"Mom, let's talk at home. Ako po ang nagpasyang hindi muna umuwi, please. Let's go home." Hinawakan ako sa kamay ni Lance at hinatak para lang mapunta ako sa likod niya.



"No... right here, right now I want to hear from you the you will leave that woman for good and you will marry Roxanne," nanginginig sa galit na sabi ng Mama ni Lance kaya naman natigilan ako.

Magpapakasal?

Sino si Lance?


"Nag-dru-drugs ka po ba?" Hindi ko mapigilan na tanong kaya naman nakita kong nagulat ang Mama ni Lance gano'n din si Lance na napatingin din sa akin.

Hindi ko na napigilan dahil bakit naman ito ang magdedesisyon na dapat si Lance naman ang gumagawa?

Si Lance ang may karapatan na makipaghiwalay sa akin sa sarili niyang desisyon.

As if namang papayag ako.

"See!? Nakita at narinig mo kung gaano kabastos ang babaeng 'yan. Nalaman kong pang kabit ang Nanay niya," sabi ng Mama ni Lance.

"Bernadette, manahimik ka na muna," bulong sa akin ni Lance pero umiling ako.

"Hindi po kami maghihiwalay ni Lance," matigas na sabi ko. "Kung meron pong pakakasalan dito si Lance ay ako po 'yon."



Paninindigan ko ang sinabi ko.

"Pakakasalan mo naman ako hindi ba?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata ni Lance.

Matagal siyang nakatitig sa akin bago niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Mom, umuwi na tayo," mahinang sabi ni Lance.


Tumingin ako sa mga mata ng Mama ni Lance.

Hindi ko siya bibitawan kahit na ano'ng mangyari.

Siya na lang ang nasasandagan ko na alam kong hinding-hindi ako sasaktan at iiwan. Kahit ilang sampal mula sa Mama niyang paladesisyon sa buhay ay tatanggapin ko.

Hindi si Lance ang ibibigay ko sa kanya.



Hinding-hindi.

- - - - - - -

Please READ, VOTE, & COMMENT



🥺✨


Continue Reading

You'll Also Like

20.8K 987 53
Anianette x Lucas Start Writing:07-31-2021 Finish Writing: 02-02-2022 My Story is not edited, wrong grammars and spellings ahead. Please bare with me...
25.5K 444 33
After her heart was shattered by the man she thought loved her, Khiana went to Vista Verde Resort to forget, but then she met and caught the attentio...