Her Unwanted Secretary

By w_intoyu

14.6K 581 65

Winrina II More

Disclaimer
Prologue
note
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14 (special chapter)
15 (special chapter)
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35

01

611 26 0
By w_intoyu

Katrina's (Pov)


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng ilang papers para makapag-apply for jobs, mag-iisang buwan narin mula nang bumagsak ang business namin and eventually it became bankrupt, marami na kaming nalabas na pera nang magkasakit si dad at mawala sa amin.





The pain is still there because of dad's loss, nawala ang atensyon namin sa business at lahat ng employer ay nagsi-alisan but we didn't notice that either. Ang importante sa amin nun ay ang kaligtasan ni dad, halos doon na nga kami tumira sa hospital dahil konting paggalaw lang ni dad ay natataranta kami baka kasi kung ano mangyari sakaniya, then one day hindi na niya kinaya at habang tumatagal pa ay mas nahihirapan na siya sa sakit niyang cancer.



we did nothing during those times, even though we still wanted to be with him he asked us to let him go and get used to living without him.




I was in so much pain when we lost him, I just saw him lying in the hospital, I'm already in pain, how can he be gone now.





But for the sake of my family, i'm still standing strong. Kahit dalawang tao ang nawala sa akin ay kakayanin ko parin.





Nang mamatay si dad ayun din 'yung araw na nakipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko, imbis na makasama nang matagal si dad sa hospital ay inuna ko siyang puntahan para lang makipag-break? fuck, i hate my life. Until now, i apologizing to dad dahil wala ako sa tabi niya nung huling hininga niya nalang.




I snapped back in reality when i taste my own tears, umiiyak nanaman pala ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at tumambad ang kaibigan kong si Luna na nakangiti pa ngunit napalitan 'yon ng pag-aalala, napansin niya ata na umiiyak ako.




"b-bes, ready kana ba?" tanong niya, nag volunteer kasi siyang samahan ako para maghanap ng trabaho ngayon. Sabi niya pa nga sa kompanya nalang nila ako magtrabaho but i declined it, andami na niyang naitulong sa akin, sa amin at thankful ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya na sobrang bait like her family. Sila ang umasikaso sa funeral ni dad because mom is still not in a good mood, sa pagkawala ni dad ay siya ang pinaka-naapektuhan dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.




I gently wipe my tears before looking at her "y-yes, h-hintayin mo nalang ako sa baba.."




Nilapitan niya ako at naupo sa kama katulad ng pwesto ko "I know how painful it is, Rina.. but be strong, mawawala rin 'yan.." I smiled at her then she embrace me but not too long, siya rin ang kusang humiwalay.



"thanks, Ning!" I said with a playful smile, ayaw na ayaw niya kasing tinatawag ko siya sa nickname niya dati since bata pa kami.



"Rina! You're welcome!" tugon niya at saka ako tinarayan, tiwanan ko lang siya bago pa lumabas sa kwarto ko.





Masaya kaming nagsa-soundtrip ni Luna sa sasakyan niya habang nasa byahe, nakapagresearch kasi ako kagabi at andami kong nahanap na companies at malapit lang sa lugar namin. I think mga lima 'yon at lahat 'yon ay pupuntahan namin



Mabilis kaming nakapunta sa unang kompanya na hindi naman kataasan ang palapag pero maganda ata sa loob, tumingala ako at nabasa ang name nito "ACE'S COMPANY" kaagad naman naming pinasok yun.




"Good morning girls, how may i help you?" nakangiti at magalang na bati sa amin ng isang babae kaya nginitian namin siya at binati pabalik.


"good morning din po, mag-aapply sana ang kaibigan ko if may available pa for some job." Si Luna ang sumagot

"Sorry, but our company isn't accepting right now" I sighed, 4 down companies nalang.


"It's okay, thank you Ms." huling sinabi ko at hinila na kaagad si Ning para walang masayang na oras.


Ang sunod naming napuntahan ay malaking kompanya pero hindi pa raw sila tumatanggap ngayon, mapilit si Luna kaya basta ko nalang siya hihilain kasi nagalit pa ata sakaniya ang nakausap namin.



Nang makapasok kami sa kotse niya ay hindi parin siya tumitigil kakareklamo, kesyo daw ang ganda na nga ng lumalapit sakanila ay hindi nila tanggapin. Natawa lang ako sa inaasta niya ngayon.



"Ning, tapos na okay? At nagugutom narin ako kaya kain muna tayo!" she stared at me as if may nagawa akong masama



"Isa pang ning, sasamain ka sa'kin!" ang init naman nang ulo nito, may period ba 'to ngayon?



"Ang init ng ulo mo, hahaha.." tinawanan ko siya at walang nagawa ang bruha kundi i-start nalang ang makina ng sasakyan.




Wala pang 5 minutes nang huminto kami at nasa tapat ng isang café, pumasok kami ro'n at kaagad na nag-order. Strawberry cake lang ang inorder ko at sakaniya ay mango shake, mas nauhaw daw kasi siya. Hindi parin pala siya naka move on do'n sa kanina at tuloy parin ang reklamo nito.




"Ang aarte nila, akala mo naman kalakihan ang building tss! bakit kase ayaw mo sa company namin magtrabaho!?" sige, ilakas mo pa ning.



"Nakalimutan mo naba? Nagtatrabaho doon ang kumag na 'yon!"


"Who's kumag?" i sighed, really? hindi niya alam na doon nagtatrabaho si Ezekiel, my ex.


"duh, Kiel's working there!" nagulat siya at binawi ang mga sinabi niya kanina.




"Oh my god, i didn't know!" hindi niya talaga alam? ewan ko sa'yo Luigi Nadia! "Mas mabuti ngang sa iba ka maghanap ng trabaho, anyway..if mahire ka what position do you want?" hmm? hindi ko naisip 'yan, ano bang magandang position sa kompanya. Sa tingin ko mababa muna 'yan then kapag magaling ang trabaho mo ma p-promote ka



"I don't know! Engineering is my course when i'm studying at 'yon din ang natapos ko!"



Naputol ang usapan namin nang dumating ang server at nilapag ang mga inorder namin, may napansin lang ako na isang babaeng kasing tanda lang ata ni mom na nakatingin sa'kin, bahagya akong natakot pero mukha naman siyang mayaman.




"I noticed na kanina kapa tinitignan ng magandang lady, Rina" nabaling ko ang atensyon kay Ning nang mapansin niya rin pala 'yon




Maya maya pa ay sinisimulan na naming kumain at lumapit ang babae sa table namin, nakangiti ito.



"I'm sorry if i bothered you two..but i've heard that you need a job?" nagkatinginan naman kami ni Luna dahil sa sinabi ng babae.




"Yes, ma'am! 'tong friend ko po ang nangangailangan.." Luna answered instead of me, she also pointed her finger on me.



"Can i sit beside you, hija?" tanong naman ng babae kaya tumango ako nang dahan dahan.



she's harmless, right?


" I need you to work on my daughter's company, as her secretary.." panimula niya, straight to the point. Walang paligoy ligoy niyang pagkakasabi





"But Ma'am, i don't know anything about being a secretary.." nilingon ko naman ang kasama ko at parang sinasabi niya na tanggapin ko nalang ang alok, ano?? gusto niya akong pagtrabahuhin bilang secretary? hell no! Anong gagawin ko do'n tatayo lang? "Here" dagdag pa ng babaeng hindi namin kilala at nilabas ang calling card niya




"You can call me until saturday if you're interested, and oh i forgot. 100k every month"



what the hell?! 100k?! gaano ba kayaman 'to?





Tumayo na siya at nilingon ulit ako nang may ngiti sa labi "I can make it double, if ever you've change your mind..Puntahan mo lang itong company." dagdag niya saka kami nilisan at tuluyan nang lumabas ng café. I still can't believe, Nang makarecover na ay tinignan ko agad ang calling card at binasa ang kompanya "Scion Company?" basa ko rito at pilit inaalala kung saan ba 'yon.



"Scion? You mean scion company, that is one of the biggest company here!" biglang bulalas ni Luna, nakalimutan kong kasama ko pa pala siya.


Scion? one of the biggest company?



"Oh my god..Rina! You're so lucky!" eh? tinignan ko siya ng confused look, oo malaki yung company na 'yon pero bakit ako naging swerte?



"That beautiful lady earlier is Claudia Jean Asuncion, she used to be one of the famous model here..and look her daughter is a new ceo of that big company!" malakas niyang pagkakasabi kaya may ibang napapatingin sa direksyon namin, napaghahalataang chismosa ka Ning.



Tinignan ko naman ang phone niya na hinarap pa sa akin at binasa ang article na nasa twitter


"Congrats, Minty Gayle Asuncion! New ceo of 'SCION COMPANY'" hinablot ko ang phone niya at binasa nang buo ang article, i also see her picture. She's cute and also beautiful her name too.



"bes, grab that offer! Nagpapasalamat ako dahil hindi ka tinanggap ng ibang company!" ay? ang bilis talaga magbago utak nito!



should i grab it? Paano kapag spoiled brat pala 'yong Minty Gayle na 'yon? then papahirapan ako.. Wait! Pumapayag naba ako?



"pag-iisipan ko.." huling sinabi ko and we decided na umuwi na, hahatid niya lang daw ako sa bahay namin at uuwi narin siya sakanila. Baka raw namimiss na siya ng alaga niyang si ddongi, ewan ko kung anong klaseng hayop 'yon basta grecko raw ang tawag ro'n. Pinakita niya na sa akin 'yon at nung una ay akala ko butiki na something like crocodile na baby pa, ang weird lang talaga ni Ning.




"Hey Rina! You know naman na, no matter what your decision will be..I'll still support you, right?" nabaling ko ang tingin sakaniya na nakatingin sa daan dahil nagmamaneho siya. I smiled and nodded



"Siyempre, i know you Ning! You're such a supportive bestfriend simula pa dati"


"Rina please? stop calling me 'ning' i hate that!" sumimangot siya habang ang paningin ay nakafocus parin sa daan


"Ang arte mo, bakit ba ayaw mong tinatawag kita na ning? tell me...may---"



"May trauma ako diyan!" singhal niya sa'kin kaya nagulat ako "You know Cyrus, right? My long time crush tapos akala ko may crush din siya sa'kin that time kasi ang cute daw ng nickname ko pero nagkaroon siya ng bagong crush na mas cute daw ang nickname kesa sa'kin!" pagkukwento niya, nung elementary pa kami no'n nang magkacrush siya doon huh? Gosh, Luna.



"Matagal na 'yon, Luna! Hindi ka parin nakaka move on sakaniya?" gustuhin ko mang pigilan ang tawa ko pero hindi ko magawa, kaya mas sumimangot siya


"Nevermind, we're here. Sana hindi masarap ulam niyo!" aniya nang hininto niya na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin



"Masarap kaya yung adobo.." sinamaan niya naman ako ng tingin, ang bilis niyang mapikon swear.



"Shut up and get out of my car!"



tinawanan ko siya at kaagad na tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko "thanks for today, Ning! Ingat sa byahe!" bago pa ako mahampas ay pumasok na kaagad ako sa loob ng bahay at nadatnan na parang problemado si mom kasi umiinom na naman siya.




"Mom, Stop drinking please? it's bad for your health!" mabilis ko siyang nilapitan at inagaw sakaniya ang bote ng tequila, tinignan niya ako nang blanko. Sobrang laki na ng eyebags niya at pati narin ang mukha niya ay maputla.

Mom, why are you doing this?



Naaawa ako sa situation ni mom ngayon, she's still suffering sa pagkawala ni dad. Naiintindihan ko siya pero sobra na ang ginagawa niya, araw araw nalang ganito ang nadadatnan ko nasa kusina siya kasama ang mga bote ng alak.



"I'm not drunk yet, give me that!" aniya at pilit na inaabot ang boteng hawak ko, pero bigla ko nalang ito binagsak dahilan nang pagkabasag at malakas na tumunog sa bahay namin.



Mom was shocked, parang bigla siyang natauhan at ang dami nang luha ang nagsibabaan sa mata niya




"I'm already tired mom! I'm tired na lagi kitang nadadatnan na ganito, umiinom sa isang sulok at nagmumukmok pero hindi ko magawang sumuko! You wanna know why? Ikaw nalang ang natitira sa akin at hindi ko na kakayanin pa kung pati ikaw ay mawala!" pagkasabi ko at kusa nalang tumulo ang mga luha ko saka hindi na napigilang mapahikbi "you're the only one left for me m-mom, I'm taking the strength from you to cope with the day without daddy's presence,




After what i said, we're both crying now. Mas malakas ang paghikbi ni mom kesa sa'kin and finally na release niya narin ang sakit na tinatago niya lang at ramdam ko iyon nang dahil sa pag-iyak niya.


"I know it's a pain to lose a loved one but what about me mom? have you ever thought of asking if I'm okay? not only you lose your husband mom, I lost dad. We both mourn for the same person.." dagdag ko pa nang hindi na humihikbi, tanging iyak niya nalang ang naririnig ko. Napaupo siya sa sahig at napansin kong puro bubog ang naroon kaya mabilis ko siyang nasaway.




"Mom, let's just accept that dad's already gone. Just like what he said before he left. Get used of living without him, i know that he will guide us even from afar.." Pinatayo ko siya sa mga bubog at saka pinaupo ko sa sofa namin, naramdaman ko namang biglang humapdi ang kaliwang kamay ko, hindi ko nalang pinansin 'yon.




"I'm s-sorry, Rina.. I'm so sorry!" she said while suttering, umiiyak parin siya hanggang ngayon kaya kaagad ko siyang niyakap. Hinaplos ko ang likod niya nang dahan dahan


"It's okay mom, i'm sorry if nasigawan kita" tugon ko saka kinalas ang pagkakayakap sakaniya, i smiled at her sincerely



"Naging makasarili ako, inisip ko lang ang sarili ko because i thought this pain would go away kapag uminom ako, pero gabi gabi akong binabangungot ng sakit.." ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni mom kapag nagsasalita siya. I wiped her tears "I didn't think of you, nahihirapan kana pala nang dahil sa akin, anak."




"Don't think that way mom, i never get tired of you and i understand kung bakit mo nagawa 'yon, nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak at nagpapakalasing.." niyakap ko ulit siya at hinalikan sa sentido.



Hindi na siya umimik pa at nginitian nalang ako, kita ko na ang pagod sa mga mata niya kaya inakay ko siya paakyat sa kwarto nila ni dad. Nakita kong magulo ito ngunit hindi ko nalang pinansin at pinahiga na siya sa kama.




Mabilis ko namang nilinis ang kalat sa baba, lalo na sa boteng binasag ko. After that nagpalit na ako into pajamas para makatulog na ngunit biglang may napukaw ng paningin ko



Isang calling card ang nasa sahig, ito yung binigay ng babae na kasing age ni lang ni mom at binigay sa akin kanina.


bumuntong hininga ako at pinulot 'yon, i already made up my mind.. I'll take this opportunity!



Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, napagdesisyunan kong matulog na at bukas na bukas rin ay pupuntahan ko ang company na 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

307K 10.1K 52
There's no way you're hitting on me right now. ━ Lando Norris x Fem!OC © KissLeclerc , April 2024 Started: April 8, 2024 Completed: May 10, 2...
264K 11K 39
ဤ Fic သည် အရမ်းရိုင်းစိုင်းသော အသုံးအနှုန်းတွေကိုသာသုံးထားသော Big Warning 🚨18+ Fic တပုဒ်ဖြစ်သည် ။
565K 34.6K 99
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
817K 37.8K 59
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...