Will I See You Again?

By IncredibleThingsss

5.7K 721 135

[ ON-HOLD and CURRENTLY REVISING... ] "If we're meant to be, destiny will find a way." -JessaMich: MyungZy sh... More

Prologue
CHAPTER 1 | It hurts
CHAPTER 2 | The Moment
CHAPTER 3 | Finding Him
CHAPTER 4 | He Likes Me?!
CHAPTER 5 | LQ
CHAPTER 6 | Surprise Date
CHAPTER 7 | I'm In Trouble
CHAPTER 8 | Remembering Somebody You've Never Met?
CHAPTER 9 | Girls' Talk
CHAPTER 10 | Thea's Side
CHAPTER 11 | Untold Feelings
CHAPTER 12 | Happily
CHAPTER 13 | She's Back
CHAPTER 14 | Me Or That Girl?
CHAPTER 15 | Cousin And Bestfriend To The Rescue
CHAPTER 16 | Offer Me Something Great
CHAPTER 17 | Sorry But He's Not Sorry
CHAPTER 19 | Unplanned Accident
CHAPTER 20: VISITORS & REJECTIONS
CHAPTER 21: FLASHBACKS
CHAPTER 22: SUDDEN CHANGE
CHAPTER 23: THE NEW ME

CHAPTER 18 | Confrontation

115 22 2
By IncredibleThingsss

POV Akie

Kumakain ako ng breakfast ngayon.

At sa di ko alam na kadahilanan ay bigla na lang may nag-text sakin na hindi kilalang number habang kumakain ako.

Medyo nagtaka lang ako dahil wala namang ibang nakaka-alam ng phone number ko maliban na lang sa mga malalapit kong kakilala.

[From: 095555555555

Di ko alam kung ano bang meron sayo kung bakit ganun ka nila itrato! Ano bang espesyal sayo?! Makikita mo ang hinahanap mo! Mali ka ng kinalaban Ayesha! Wanna know kung sino ako? You'll see kung lalabas ka dyan at kung mahahabol mo ako.]

Huh? Ano bang pinagsasasabi nito? Ano na naman bang nagawa ko? Wrong send lang ata.. pero panong andito ang pangalan ko? Ayesha? Hindi nya ginamit ang nickname kong 'Akie'.. hindi ko sya kilala. Mga malalapit lang sakin ang tumatawag saking Akie so that means hindi sya isa sa mga taong yon. Pero ano bang ibig nyang sabihin?

At ng mag-sink in na sa utak ko ang nakalagay sa huling sinabi ng kung sino man yon, bigla akong napatayo at bigla na lang nagpatakbo palabas.

Tinanong pa ako ni Ate ng 'Akie, where are you going?' nang makita nya ako pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.

Kailangan kong alamin kung sino man yon.

Nang makalabas ako ng gate, tumingin tingin ako sa paligid.

Maraming mga bata ang naglalaro sa may tapat ng kalsada ng katabing mansyon namin. Kasama nito ang mga magulang nila na nakatingin lang sa mga batang naglalaro habang nag-uusap usap. Parang reunion ata nila.

Tumingin tingin pa ako sa paligid kung meron pa bang ibang tao.

At may nakita akong babae na may hawak na phone sa medyo kalayuan. Lakad pabalik balik ang ginagawa nito na parang hindi sya mapakali at ang lalim ng iniisip.

...si Thea.

Kumunot ang noo ko ng magtama ang mga paningin namin. Iba ang ikinilos niya dahil parang nagulat pa sya saka ito tumalikod at tumakbo.

Sinundan ko rin siya ng takbo. Siya ba ang may gawa ng text na yon?

Hindi ko maiwasan na di mag-isip ng ganoong bagay sa kanya dahil sya ang nakita ko sa labas.

Napagod na lang ang ako sa katatakbo, hindi ko siya nahabol dahil nakalayo na siya. Hindi ko na sya mahagilap. Iba pa ang dinaanan niya, hindi sa daan papunta sa bahay nila.

Kinuha ko ang phone ko at nag-text sa number kanina.

[To: 09555555555

Sino ka ba? Ano bang ibig mong sabihin?]

Antagal na pero walang reply. Sinubukan ko itong tawagan pero hindi ko na ma-contact.

Nagsimula na lang akong maglakad pauwi.

Maya-maya lang habang naglalakad ay may napansin ako sa likod ng isang kotse.

..isang babae. Naka-jacket itong black na may hood na tumatakip sa mukha nito. At.. at.. nakasuot ito ng skater skirt na pula at sandals na pink, tulad ng suot ni Thea kanina. Hindi ko lang makita kung naka shirt rin ba ito tulad ni Thea dahil nga sa naka-jacket sya.

"T-Thea?" sinubukan kong lumapit sa kanya. Nakita kong ngumisi sya saka tumakbo.

Sinubukan ko ulit siyang sundan pero bigla rin naman itong nawala ng parang bula tulad kanina.

Si Thea nga ba yon?

Pero may parte pa rin sakin na hindi naniniwala na siya nga ang may pakana nun. Dahil bakit nga ba? Ano bang motibo nya para pag-tripan ako ng ganun?

Pero ang isa pa sa pinagtataka ko ay bakit mukhang nagulat at tumakbo pa sya ng makita nya ko?

Saka nakalayo na siya ng habulin ko siya, eh paanong nakapag-tago iyon sa likod ng isang kotse?

Saka wala ring suot o dala na jacket si Thea kanina.

Baka nagha-hallucinate lang ako.

Haisst! Sumasakit ang ulo ko sa dami ng tanong sa utak ko. Kaya umuwi na lang ako at di na lang iyon pansinin. Tatanungin ko na lang si Thea pag nakita ko na ulit sya.

Pagbalik ko sa bahay..

"Akie, where have you been? Bat bigla ka na lang nagtata-takbo?" worried na tanong sakin ni Ate.

"A-A-Ahhh D-Dyan lang sa labas." at agad na kong umakyat sa taas papasok sa kwarto ko. Sorry for lying Ate.

Humiga na lang ako sa kama ko. Im so confused, di ko maiwasang isipin kung sino man ang may pakana ng lahat ng 'to.

Habang busy ako sa pag-iisip kung sino nga ba talaga yon.. bigla na lang nag-vibrate ang phone ko, that means may nagtext.

Dali-dali ko yong kinuha at tinignan, and again.. galing ito sa misteryosong nagbabanta sakin.

[From: 09555555555

2pm at Not-So-Important Restaurant. Goodluck!]

Huh? Pinapapunta nya ako sa isang Restaurant, magkikita ba kami? Medyo malayo ata yun dito. Di pa nga ako nakakapunta don eh, di naman kasi ako lakwatsera. Haayst, magpapahatid na lang ako sa driver namin. Ano na naman ba 'tong gulo na 'to. Kailangan ko syang kausapin, ano ba ang kailangan nya sakin?

Mabilis na lumipas ang oras at nag-ayos na ko ng sarili ko para puntahan na ang resto na sinabi sakin ng di ko man lang kilala na taong yon. Pumunta ako ng walang ibang pinagsasabihan tungkol sa lakad ko, kahit si Ate.

Tinanong ko kay Manong Eric, driver namin, kung ilang minuto ba ang aabutin na byahe papunta sa resto na iyon.. 15 mins. lang naman raw. Dali dali na kong nagpahatid sa kanya.

At nakarating na ko sa resto na iyon, pero may nakita na naman akong isang babae.. parang si Thea na naman talaga pero iba na ang suot niya. At parang may kasama sya sa tabi nya. Nakatago kasi siya sa isang pader pero napansin ko pa rin sila.

Ano ba yan! Mababaliw na nga ata talaga ako! Bakit ba parang puro si Thea na lang ang nakikita ko!? Haayst!

Hindi ko na lang pinansin. Malalaman ko rin naman ang totoo.

Pagpasok ko sa resto, agad na may nag-assist sa aking isang waiter.

"Ahm.. Miss ..Ayesha Hilton?" tanong niya sakin.

Tango na lamang ang isinagot ko. Agad rin naman akong dinala nito sa isang VIP room ng resto.

Nagulat ako dahil maraming pagkain na agad ang nakahain sa mesa.

Hindi rin naman sya matakaw eh no? Haha! kalokohan ko naman.

Papalapit na ako sa isang upuan para umupo na ng biglang may maramdaman ako sa paa ko.

May tumisod sa akin, at sa galing ba naman niya ay na-out of balance agad ako saka saktong natumba sa mesa.

Nagkanda-kalat kalat ang mga pagkain sa sahig pati na rin sa pagmumukha ko.

Mangiyak-ngiyak kong tinaas ang tingin para makita ang kung sino man ang gumawa non.

Sobrang nagulat ako sa nakita sa ko O_O. B-But..

Ngayon maliwanag na sakin ang lahat, ang kung sino nga talaga ang may pakana nito.

"Bagay lang yan sayo!" mataray na sigaw niya sakin.

.

.

.

.

.

O_O "S-S-Sam?!" nakikita ko pa lang siya, naiiyak na ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sino pa nga ba?"

"B-Bakit mo-"

"Wanna know why? Dahil lang naman sa kagagahan mo! Nagalit at naging cold sakin si Brian simula ng araw na yon! Ikaw ang lagi nyang iniisip. Na pano raw sya hihingi ng tawad sayo blah blah blah! You're so annoying! Ikaw ang kinakampihan ng lahat dahil ikaw raw ang kawawa.. duhh! Itigil mo na nga yang kadramahan mo! Wala-" pinutol ko ang mga sasabihin niya.

Eto na naman tayo..

"Wala kang alam Sam. Sobrang sakit ng ginawa nyo! Di mo alam yon dahil hindi naman ikaw ang nasa kalagayan ko." mahinahon at nakayuko kong sabi. Nakita kong may tumutulo na ring luha sa mga mata niya kaya di ko na rin napigilan ang maiyak na rin.

"Ginawa ko lang naman yon kasi mahal ko sya. Ang tagal kong nawalay sa kanya. Natakot ako, sobra. Lalo na ng malaman ko na ..na girlfriend ka na nya at magsi-six months na kayo. At ng malaman ko ang lahat.. ng malaman kong ako pa rin pala ang mahal nya ..di ko na napigilan ang emosyon ko kaya nagawa ko ang lahat ng iyon. At eto pa.. ginagawa ko to ngayon dahil mahal ko sya!" umiwas siya ng tingin.

"Ako.. mahal ko rin naman siya. Kaya nga ako nasasaktan ng ganito eh. Pero hindi ko na kayo ginugulo. Kinikimkim ko na nga lang ang lahat ng sakit dahil alam ko! Oo, ikaw ang mahal niya at hindi ako!"

"Anong hindi nanggugulo hah?!"

"Hindi mo alam Sam! Oo pilit kitang iniintindi. Pero sana intindihin mo rin ako na sobrang sakit para sakin non!" nagpagtaasan ko na siya ng boses.

"B-But.."

Napatayo ako mula sa pagkaka-salampak ko sa sahig. Ang dami kong mantya ng pagkain sa damit.

*pak!*

O_O bigla na lang gumalaw yung kamay ko para sampalin sya. Nagulat siya sa ginawa ko, pati naman ako 'no. Hala! Hala! Ano nang gagawin ko?

Wala na kong choice ... pinikit ko ng mariin ang mga mata ko saka ako humugot ng malalim na buntong hininga.

"Magising ka nga Sam! Pareho lang tayong nagmamahal dito! Parehong nasasaktan. Pero mas nasasaktan ako kasi ako yung niloko. Ako! At ikaw! Ikaw yung mahal niya! Di ka pa ba masaya?" Im sobbing while saying all those stuffs.

Natigilan siya.

Kita ko rin ang sakit sa mga mata niya.

Isa isa nang nagsilabasan yung mga luha sa mga mata niya. Preho lang nga talaga kami. Parehong sanay ng umiyak, ang masaktan.

Hindi ko na talaga napigilan na mapa-hagulgol pa lalo sa iyak.

"N-Napaka-selfish ko ba?"

Yumuko siya. "Sorry."

Natigilan ako sa sinabi niya. O_O

"B-Bakit ka n-nagso-sorry?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon alam ko na, na-realize ko na. Sorry for everything. Pero sorry pa rin kasi hindi ko isusuko si Brian sayo, mahal ko sya at di ko kaya na mawala pa sya sakin."

"Oo alam ko. N-Na kayo naman na talaga. N-Na m-mahal nyo ang isa't is..."

Ang sakit! Sobrang sakit! Ang sakit sakit sabihin ng mga salitang iyon.

Tumakbo ako palabas ng restaurant. Di ko na kaya.

Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo ng mapansin kong nasa gitna na pala ako ng kalsada.

O_O

*Peep! Peep!*

"Aaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!"

*BOOGSH!* (Sorry sa mga sound effects. Medyo epic fail XD)



*** Akie again sa media. Still crying. Awwts</3

Wait -what?!! Ano na nangyari?! Sorry pabitin hehehe. Grabe effort sa scenes na 'to. Neherepen keme meg-esep :3

By the way, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa WISYA. Sowie mabagal ang UD.. Na-writer's block kami eh.

And oo nga pala! Waaaahhh!!!! >.< Lagpas 2k reads na po ang WISYA! Kyaaaahh!! Maraming thankies talaga mga readers and supporters! Sana patuloy nyo lang na suportahan :')

Vote. Comment. Be a fan. Recommend. :')

All the love .. xx

-JessaMich<3

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...