My Troublesome Guy βœ”

By gabzandra

9.9K 612 124

My Troublesome Guy, named Terrence meets Fliss. Paano kaya sila magkakamabutihan kung pareho sila ng ugali? S... More

P R O L O G U E
Chapter 1 - Heartbreak
Chapter 2 - Newly Wed
Chapter 3 - Same Roof
Chapter 4 - Meet Him Halfway
Chapter 5 - Again
Chapter 6 - Juices
Chapter 7 - A Plan
Chapter 8 - Outing
Chapter 9 - Gang Fight
Chapter 10 - Tempted
Chapter 11 - Thug Ground
Chapter 12 - His Wife
Chapter 13 - From The Moment
Chapter 14 - Continuation
Chapter 15 - Rights
Chapter 16 - Jealousy
Chapter 18 - Photograph
Chapter 19 - Parents (Part 1)
Chapter 20 - Parents (Part 2)
Chapter 21 - Responsibilities
Chapter 22 - Pabebe
Chapter 23 - Past And Present
Last Chapter - Her Troublesome Guy
Epilogue

Chapter 17 - Fliss's Possesion

334 14 0
By gabzandra

TERRENCE POV
"What are you doing here?" Tanong ko kay Yva na nasa tamabayan namin ngayon.

At paano naman kaya sila nakapasok dito gayong halata namang taga ibang University sila? Hindi kaya'y umakyat sila sa napakataas na pader ng eskwelahang ito?

"Tsk." Nasabi ko nalang saka buntong hininga ng malalim.

"Tsk. Uwi na tayo." Yaya niya kaya naman napakunot noo ako.

Bakit naman nagyaya ng umuwi ang babaeng 'to?

"Mauna ka na." Sagot ko saka sumandal sa sofa

"Sabay na tayo." Saad niya

"Isama mo na si Flaire." Tugon ko

"Sige, uuwi na tayong tatlo."

"Sunod nalang ako."

"Kaya nga, uuwi na tayo!" Sigaw niya kaya naman nang-init ang ulo ko bigla at napatayo ako sa upuan ko.

Ayaw na ayaw ko kasi ng sinisigawan. Pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga!

"Wag mo akong sigawan!" Sigaw ko rin.

"Ikaw ang sumisigaw!"

"Anong ako?! Ikaw ang nauna!"

"Dahil ang tigas ng ulo mo!"

"Bakit? Nakakita ka na ba ng ulong malambot?!" Sigaw ko uli

"Actually Bro, may malambot talagang ulo eh hehehe."

"Shut up!" Sigaw namin kay Rocco na madumi ang utak.

"Haha sorry po." Aniya kaya naman naghagikgikan ang iba ko pang tropa dahil sa kabastusan ng lalaking 'to.

Pero kung iisipin ay tama nga naman siya. May malambot nga! Haha oo, ano ngayon kung green? Palag kayo?

"Bakit ba pinapauwi mo na ako?" Harap ko uli kay Yva

"Ah. Eh." Aniya na hindi mahanap ang tamang salita

"Ahem." Tikhim ni Rocco kaya napatingin ako sa kanya.

"Tangna. Sarap mong bangasan!" Sabi ko sa kanya dahil nakangisi ang loko na parang may naglalarong kadumihan sa utak.

Lumapit naman siya at umakbay sa akin "Bro, isa lang ang ibig sabihin niyan."

"Ano?" Tanong ko naman sa kanya na maging ang iba ay nasa kanya ang atensyon.

"Gagawa daw kayo ng baby." Sagot niya na ikatunganga ko na siya namang alis niya agad sa tabi ko.

Uuwi na kami para gumawa ng baby?

Kami? Gagawa ng baby?

Siya? Gusto niyang gumawa kami ng baby?

Ako? Tataniman siya ng--Argh!

Pesteng Rocco talaga 'to!

Nilingon ko si Rocco nang bumalik ako sa katinuan para sana batukan pero huli na dahil naghahabulan na sila ni Yva. Hinahabol na siya ni Yva dahil sa sobrang hiya. Sus. Goodluck nalang sayo Bro. Amazona pa naman yan.

Nagtawanan nalang kaming lahat ng mahuli siya ni Yva at pinulupot ang isang braso nito na halatang hindi naman mahigpit pero wagas kung makaaray si Rocco.

Naupo nalang uli ako sa upuan ko na nakatawa sa eksena nung dalawa ng may mapansin ako sa katabi kong si Xyddan.

Tinignan ko siya na siya namang tingin niya kay Flaire. Anong problema ng lalaking 'to? Parang mangangain na ng tao sa talim ng tingin at bakit kay Flaire pa?

Parang may kakaiba pero ayoko na munang isipin yun. Hihintayin ko nalang na magsabi siya sa akin kapag hindi na niya kayang itago pa kung ano man yan.

Ano kayang magandang gawin? Ayoko pa kasing umuwi.

"Tara, mall tayo?" Yaya ko para mapatigil sila

"Tinatamad ako." Sabi ni Gray na hindi naman ganyan dati. Anong nangyari dyan.

"Magsipag ka." Sabi naman ni Asul sa kanya na nakangiting parang baliw. Hindi kaya nagkapalit sila ng katauhan?

"Tsk. Tara na nga. Baka makalas pa mga braso ko dito. Gawin ba naman akong barbie ni Fliss." Sabi ni Rocco na nangunguna ng lumabas ng tambayan sunod din agad ang tatlo.

Tinignan ko muna si Yva at Flaire sabay sabing "Tumalon uli kayo sa Pader."

"What?/Ano?" Sabay nilang sabi

Wow. Ano 'to? Sabayang pangbigkas?

"Oo. Alam niyong bawal kayo dito pero ang titigas ng ulo niyo kaya sige na. Hintayin niyo kami sa kabila." Sabi ko saka sumunod na sa apat kong kaibigan at iniwan silang dalawang nakanganga.

Tig-iisa kami ng dala ng kotse at nahinto sa tapat nung dalawa na nakasimangot na nakatingin sa akin. Lumapit sa akin si Yva na sasakay na sa passenger seat at ganun din sana si Flaire sa back seat pero agad na nagsalita si Xyddan.

"Dito ka nalang Flaire." Tugon niya na ikinagulat ko pero hindi ko nalang inintindi masyado hanggang sa makasakay na si Flaire sa sasakyan niya.

Padabog na sinara ni Yva ang pinto pero hindi ko nalang inintindi baka kasi mag-away uli kami. Mahirap na. Nagdridrive pa naman ako.

Tahimik lang akong nagmamaneho at nakatingin sa daan ng marinig ako ng shutter sound kaya agad kong nilingon si Yva.

"Ignorante ka ba? Pati daan kinikuhanan mo ng litrato?" Sabi ko saka balik ng tingin sa daan.

"Wala kang pakialam!" Aniya kaya naman hindi ko na sinagot pa dahil mabatukan pa ako ng camera niya.

Dumaan ang ilang minuto ay panay panay na ang rinig ko sa shutter sound kaya hindi ko maiwasang hindi mairita. Kunot na kunot na ang noo ko at tumataas taas narin ang kilay ko kaya naman wala sa loob akong tumingin sa kanya na sakto namang nakaharap sa akin ang camera.

Ano 'to? Ako naman ang trip niyang kuhanan ng litrato?

"Wag ka ngang magulo! Hindi ko tuloy nakuhaan yung building!" Lintana niya

So, building pala? Hindi ako? Tsk. Assuming ka kasi.

"Bakit mo kasi kinukuhanan yang mga yan?!" Inis kong tanong

"Bakit? Anong gusto mo? Ikaw ang kuhanan ko?" Sagot niya

"Itatapon ko yan sa labas." Pambabanta ko

"Subukan mo lang kung ayaw mong ikaw ang palabasin ko!"

"Isasama pa kita!"

"Edi wow! Na-touch ako!"

"Dami mong arte."

"Babae ako! Natural na maarte kaya tanggapin mo yun!"

"Tigil tigilan mo na nga kakapanood ng drama. Kung anu-ano napupulot mong kalokohan!" Bwelta ko.

"Walang pakialamanan!"

"Sinabi ng tahimik eh!"

"May dila at bibig ako kaya tatahimik ako kung kailan ko gusto!" Sagot niya

Agad ko namang inihinto ang kotse at hinablot siya palapit sa akin. And next thing i know? Tumutugon na siya sa halik ko.

Napatigil kami ng biglang magring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko agad ng naka-loud speaker.

"Bro, what happened?" Tanong ni Asul

"Oo nga Bro, bakit kayo nahinto ng ganun kabilis?" Tanong namanni Rocco

"Grabe, nakakatakot. Buti nalang pala hindi ako nakisakay dyan." Sabi naman ni Flaire at rinig ang hagikgik ni Xyddan

"Okay lang kami. May mahaderang maganda kasi dito kaya pinatahimik ko lang sandali." Sagot ko kaya naman natawa silang lahat since naka-conference call kami

"Haha sige, Bro." Ani Gray saka binaba na ang tawag.

Ini-start ko uli ang engine at pinabilisan ang takbo para makahabol sa apat. Mabuti nalang wala masyadong traffic.

Pagdating namin sa mall ay tahimik na si Yva. Tsk. Tumiklop din ang mahaderang babaeng 'to.

Pagkapark ay sabay sabay na kaming bumaba. Well, hindi pala dahil ang magaling kong asawa? Tsk. Hindi pa nagkusang buksan ang pinto.

"Ipagbukas mo ako ng pinto." Aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Bakit? Baldado ka na ngayon?" Sabi ko

"Babae ako at lalaki ka at higit sa lahat ay asawa mo ako kaya dapat ipagbukas mo ako!" Aniya na para talagang walang balak bumaba

Ano bang nangyayari sa babaeng to? At ganito na 'to kaarte?

Bumaba nalang ako at sinunod ang sinabi niya baka mag-away nalang uli kami at pagtinginan pa kami ng mga tao rito.

"Thank you!" Saad niya na nakangiti pa na parang hindi kami nagbabangayan sa buong byahe

Seriously? Anong meron sa mga babae? Napakahirap espelingin! Hay naku talaga!


FLISS POV
Mahaderang maganda

Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako ng marinig ko yun mula sa kanya. Magagalit pa sana ako nung parang wala siyang maalalang sinabi niya yin pero hindi bale nalang basta sinabi niya na baka kasi bawiin pa eh.

Pagkapasok namin sa mall ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Though, kunti lang naman ang mga tao dito dahil nga puro mayayaman ang namimili rito.

Nanguna kami ni Terrence at kumapit ako sa braso niya dahilan para mapatingin siya sa mga kamay ko pero tinaasan ko nalang siya ng kilay at nag 'tsk' nalang uli siya.

Naku. Napakasuplado talaga ng lalaking 'to! Pasalamat siya suplada rin ako kaya nasasabayan ko mga kasungitan niya.

"Kumain muna tayo mga Bro?" Ani Gray na nakalumbaba na

"Saan ba?" Tanong naman ni Rocco kaya napalinga linga kami ng may mamataan kaming malapit na restaurant.

"Doon nalang." Turo ko.

"Let's go." Sabi ni Blue kaya naman sumunod na kami sa kanya na nag-uunahan pa sila ni Gray sa paglalakad.

Natapos kaming kumain na pare-parehong busog kaya naman nagpahinga na muna kami sandali. Kwentuhan ng kung ano lang ng magsalita si Gray.

"Punta tayong World of Fun." Yaya niya na parang bata

"What the fvck! Seriously?!" Makareact naman 'tong asawa ko ay napaka-OA lang.

"Haha tara na nga. Minsan lang naman tayo magpupunta dun." Pagsang-ayon ni Xyddan na ngayon lang yata nagsalita.

"Sige, tara!" Sabi ko saka nagtayuan na kami maliban kay Yvo na nakaupo pa at tamad na tamad kaya naman hinihila ko patayo.

Pagdating namin sa World of Fun? Nagsisisi ako na sinama ko pa si Terrence. Kasi naman! Pinagkakaguluhan sila sa loob lalo na siya dahil siya pinakagwapo at pinakamaappeal sa kanilang lima.

Hindi rin kami nakapaglaro dahil pinalabas na kami ng guard kasi nagkakagulo na sa loob dahil sa limang ito. Lalo na si Rocco na ngiting ngiti pa sa mga babae kaya naman yung mga babae ay wagas kung magtilian.

Nakakapit lang ako sa braso ni Yvo ng biglang may bumundol sa akin kaya napabitaw agad ako.

At nakita ko nalang ng pinagpipiyestahan na ang asawa ko na halatang inis na inis na katitili nila at anytime, any moment ay maninigaw na ng kahit na sinong tao ngayon mismo.

Lumapit ako kay Yvo at itinutulak ang mga babaeng nakaharang hanggang sa mahawakan ko uli sa braso si Yvo napatingin naman siya sa mga kamay ko saka sa akin at nakita ko ang matipid ng ngiti mula sa kanyang labi kaya naman natuwa na ako.

''Excuse me, aalis na kami ng boyfriend KO!!'' Sabi ko kaya nagtabihan silang lahat para makadaan kami.

Oo, posessive ako. At ang akin ay akin lang. I don't like the idea of sharing dahil makakalbo ko kung sinumang mang-agaw sa kanya!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
14.9M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
11.9K 145 13
Anong pakiramdam ng maloko?ng traydurin? Naranasan mo na ba? Gusto mo bang malaman? Siguro,oo. Pero sigurado akong hindi mo gugustuhing maranasan. Ma...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...