Allejo Series 2 | Will You Un...

By veniixx

364K 6.8K 2.9K

In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspi... More

DISCLAIMER
.....
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
WAKAS
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
HI, AGAIN!
PROMOTION
NEW STORY ALERT!

KABANATA 3

12.9K 354 110
By veniixx

                                 KABANATA 3

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganito. Hindi niya sinabi kung anong rason. Bigla na lamang siyang nanlamig.

Six years of marriage and one day, he said he fell out of love.

Pwede pala yun? Kasi sa akin, hindi ko kailanman naisip na hahantong kami sa ganito. Hindi kailanman nabawasan kahit kaititing ang pagmamahal ko sa kaniya.

I tried. I really tried to stick with it. I planned to grow old with this man and possibly die in his arms.

Somewhere we went wrong. We were once so strong.

Tahimik kami buong byahe pauwi. Tulog na tulog si Aia sa likod . Walang salitang namutawi sa aming dalawa.

Nakasandal lang ako sa upuan habang nakatitig sa labas. Hindi pa rin ako nasasanay sa katahimikang bumabalot sa amin.

Tahimik. Masyadong tahimik. Nabibingi ako sa katahimikan.

Ang lapit lapit niya sa akin pero hindi ko siya ramdam.
Kasama ko siya pero pakiramdam ko ,ang layo-layo niya sa akin. Hindi ko na siya maabot.

Lumingon ako sa asawa kong tahimik na nagmamaneho , diretso lang ang tingin sa kalsada.

Gusto kong magalit sa kaniya at sigawan siya. Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko at kung paano niya ako sinaktan ng sobra. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko magawang magalit. Mahal na mahal ko siya sa puntong hindi ako nagagalit kahit sinasaktan niya ako.

Nagsimula ng manubig ang mga mata ko.

" Love, bakit hindi mo na ako mahal? " I asked him using our endearment. Halos pabulong na ang pagkakabigkas ko.

Bakit hindi mo na ako mahal? Ano ba ang nagawa ko at hindi ko nagawa? Bakit mo ako pinangakuan ng habang buhay kung sasaktan mo rin naman ako?

There were so many questions I want to asked him but I fought the urge to ask.

Nakita ko kung paano siya natigilan, ngunit nanatili pa namang maayos ang pagmamaneho niya.

He stilled. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa harapan.

" Love, what happened to us? " my voice cracked.

What happened to us? I kept asking that question. What went wrong? What happened to us? What happened to the nights we shared and the smiles we exchanged? What happened to the vows?

" I'm sorry. " Was all he said. He didn't even bother to look at me.

Mapakla akong tumawa at tumango. Hindi na ako muling nagsalita. Bahagyang nakaramdam ako ng kahihiyan sa pinagsasabi. I felt pathetic.

Caspian really has his ways to make me feel pathetic.

Nang makarating kami sa bahay ay tahimik kaming pumasok sa loob. Buhat buhat ni Caspian ang kaniyang anak na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

Inihiga niya ito sa kama at kinumutan. Gabi na ng makauwi kami kaya bukas nalang namin siya dadalhin pabalik sa ospital.

Pumasok muna ako sa banyo upang maligo at pagbalik ko ay nadatnan ko ang mag-amang nakahiga sa malaking kama.

Gising na si Aia at malawak ang kaniyang ngiti habang nagkuwekuwento sa kaniyang ama. Nang mapansing naroon ako ay lumingon sa akin ang anak ko.

" Mommy! "

I smiled at her. Lumapit na rin ako sa kanila.

Lumingon ako kay Caspian na kanina pa pala nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Nakakapagtaka at dito siya matutulog sa kama.

Inginuso niya lang ang anak namin at agad kong naintindihan ang nais niyang ipahiwatig. It's for our daughter.

Humiga na rin ako sa kama, pinapagitnaan namin si Aia. Malaki ang kumot kaya nagkasiya ito sa aming tatlo.

I miss this. Hindi ko na maalala kung kailan kami nagkasamang matulog sa isang kama.

" Mommy, why do you love daddy? "

Nagulat ako sa biglaang tanong ng anak ko. Akala ko ay natutulog na siya dahil tahimik siya kanina.

Caspian's eyes went to me and I noticed how he was stunned too .

Napakagat ako sa labi, nag-iisip kung tatanungin ko ba ang tanong ng anak ko o hindi. Sa huli ay sumagot na rin ako.

" Love has no reasons. " Tipid kong sagot kahit alam kong hindi naman iyon maiintindihan ng anak ko.

If you love someone because of his beauty-it's not love but desire. If you love someone because of his intelligence-it's not love but admiration. If you love someone because he is rich-it's not love but interest. If you love someone and you don't know why, this is love. We love truly only when we love without reason.

Bumaling sa akin ang anak ko at kumunot ang noo, hindi maintindihan kung ano ang ibig kong sabihin. Tinawanan ko na lamang siya. Napangiti rin si Caspian habang pinaglalaruan ang kamay ng anak namin.

" If you and daddy will meet again in your next life, will you still love him? " she asked again.

Nakita ko kung paano natigilan ang kamay ni Caspian na naglalaro sa kamay ng anak namin.

Kumikirot ang dibdib ko sa tanong ng anak ko. I will always choose to love him in our next life. But I know that it isn't the same for him.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago ako sumagot.

" Yes, I will. "

Walang sumagot kaya napalingon ako roon sa anak kong kanina pa pala tulog. Nakasiksik ang mukha nito sa dibdib ng kaniyang ama. Nakapikit na rin ang kaniyang ama ngunit ramdam kong hindi pa siya tulog.

Nangilid ang aking mga luha habang dinadamdam ang kirot ng aking puso. Parang paulit-ulit itong sinasaksak at wala akong mahanap na lunas.

Lord, what should I do?

I prayed and prayed to the Almighty to give me strength and tell me what should I do. Mababaliw na talaga ko.

Ilang minuto pa akong nakatitig sa kisame bago dalawin ng antok.

Ang ganda ng panaginip ko, may humalik raw sa aking noo.

                                          * * *

It was Friday. 1 week had passed , yet nothing has happened.

Paulit-ulit lang ang nangyayari. Gigising ako mag-isa, kakain nang mag-isa, papasok sa trabaho nang mag-isa, uuwi nang mag-isa at matutulog nang mag-isa. Yung mga bagay na palagi kong ginagawa kasama ang asawa ko, ako na mag-isa ang gumagawa non. I did it all alone.

" Aia . " Tinapik ni Gray ang aking pisngi dahilan para makabalik ako sa ulirat.

" You're spacing out . " He frowned.

Bumaba ang tingin ko sa pagkaing nakalapag sa harapan ko. Kanina ko pa pala ito hindi ginagalaw. Nitong nakaraang araw ay palagi na akong wala sa sarili.

Kakatapos lang ng meeting at napagpasyahan naming maglunch na rin dito nang sabay kasama ang mga doctors and nurses. Wala si Caspian, hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

" You should take a leave if you're not feeling well. " Gray suggested.

I rolled my eyes. " I can manage. "

Dinampot ko ang phone kong kanina pa pala tumutunog. Hindi ko masyadong narinig dahil maingay ang mga doctors at nurses na nagkuwekuwentuhan habang kumakain.

It was Mama. Caspian's mother.

" Hello, ma . " I tried to sound cheerful.

" Anak, kamusta ka na riyan? " Banayad ang kaniyang boses na siyang nakakapagpakalma sa akin.

Her voice triggered something in me. Gusto kong magsumbong sa kaniya na nahihirapan na ako at ang sakit sakit na ng ginagawa ng anak niya.

Ngunit pinili ko na lamang na huwag siyang pag-aalahanin. Alam kong sa oras na sabihin kong hindi ako okay ay magbabyahe siya mula sa Cavite patungo rito sa Maynila kahit anong oras.

Ganoon niya ako kamahal.

" Ayos lang po, mama. Ikaw? "

I heard her sighed. Tila hindi kumbinsido sa naging sagot ko.

" Bukas, pupunta kami riyan ng tatay mo. Gustong gusto na kitang mayakap, Aiana. " Her voice was so soft.

Tumango na lamang ako kahit hindi naman niya nakikita. Wala ng makakapigil sa desisyon niya kahit ang anak niya pa.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto. Sabi niya ay gusto rin daw niyang makita ang kaniyang apo at ilang buwan ng hindi siya nakakadalaw. Ibinaba niya na rin ang tawag pagkatapos.

I sighed which made Gray chuckled. Nakalimutan kong may kasama pala ako.

" Kaya pa? " He asked.

I smiled. " Kakayanin. "

Kakayanin ko lahat . Para sa sarili ko. Para sa anak ko. Kakayanin ko. Kahit pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng mundo, kakayanin ko pa rin. Kakayanin ko lahat at gusto kong isigaw sa mundo na hindi ako mahina.

" Want to go at a club after work? " Gray suddenly asked. Tapos na siya sa kinakain niya ngunit hindi pa rin ako nakakalahati.

I shook my head. " I don't have time for that. "

Marami akong pinoproblema at kailangang asikasuhin.

He frowned. Pinitik pa niya ang noo ko.

" You also need time to have some fun so that you won't be stressed. You're a doctor so you should be aware of that. " He lectured me.

Ngumuso lang ako at pinag-isipang mabuti ang sinabi niya. Wala naman akong gagawin bukas at sabado bukas kaya okay lang siguro kung uminom ako.

Karapatan ko rin namang maglibang diba? Masyado ng maraming pagsubok ang binibigay sa akin ng mundo kaya kailangan ko rin namang magpahinga upang hindi ako mabaliw. If I'm tired, all I need is to take a rest.

Tumango lamang ako bilang sagot, which made him smiled. Basta kasama ko siya, ayos lang. Matino naman siyang lalake e. Kaya kapag nalasing ako ay alam kong iuuwi niya ako nang buo.

Umuwi ako nang maaga dahil magbibihis pa ako. Bago ako umalis, ay dumaan muna ako sa room ng anak ko at nakipagkwentuhan sa kaniya. Ang dami niyang kinukuwento and I tried my best to listen to her.

Nang makarating sa bahay ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na ba si Caspian. Kahapon pa siya wala at hindi ko rin siya nakikita sa ospital.

I went to my room and wore a red tank top with high waist black pant. I partnered it with black heels. I put a light make up and curled the end of my hair.

Nang makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako. Nagulat pa nga ako dahil nasa labas na si Gray at nakaparada na ang kaniyang sasakyan.

Sinabi ko naman sa kaniyang doon na lang kami sa club magkita ngunit hindi siya nakinig.

Sandali niyang pinasadahan ang kabuoan ko . He gestured me to go inside his car. Umupo ako sa shotgun seat at naglagay ng seatbelt.

" You look gorgeous. " He said out of nowhere.

Bahagyang namula ang mukha ko dahil roon. It was so rare to get a compliment. Akala ko nga ay ang tanda tanda ko na e. I'm stil 29. I was still a bit young when I married.

Nang dumating kami sa club na nangngangalang " Caesarea" ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nang makapasok kami ay agad sumalubong sa akin ang musika. Hindi naman masyadong maingay iyon. Iba't ibang amoy ng alak ang naamoy ko.

Hindi masyadong marami ang tao na siyang ipnagpasalamat ko. May mga nagsasayaw na rin ngunit karamihan ay nakaupo lang sa couh at umiinom. May nakita pa nga akong nag me-make out!

Hindi ba sila nahihiya?

Argh. Just mind your own business, Aiana.

Umupo kami sa isang couch ,may nakalagay ng inumin roon sa table. Pansin ko ang malagkit na tingin ng mga lalake sa kabilang pwesto. I just rolled my eyes on them which made them laugh.

Nakakailang lagok na ako sa alak nang biglang may lumapit na lalake sa amin.

" Gray! " Una niyang napansin ang katabi ko. Nagkamayan pa sila at nagpalitan ng makahulugang tingin.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. " Aiana, right? " he asked. "Don't you remember me? We met on your wedding day."

Nangunot namang ang noo ko sa kaniya. Parang pamilyar nga ngunit hindi ko matandaan kung saan at paano kami nagkakilala.

He just laughed at my reaction.

" Oh, by the way, I saw your husband here earlier. "

Natigilan ako sa sinabi niya. Sumeryoso na ang mukha ko at hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksiyon ko.

I just nodded at him and sipped on my drink.

" And uh- " kumamot siya sa batok, hindi alam kung ipagpapatuloy niya ba ang sasabihin.

I looked at him and urged him to continue.

He hesitated a bit.

" He's with other woman."

                                 

Continue Reading

You'll Also Like

3M 248K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
7.9K 312 18
"Enjoy the Make Up Max-" "Can I now give you, your make up?" #JaneNella in a different world.
2.7M 179K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.5M 90.7K 38
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...