S1: The Fighter Girl In Secti...

By Lady_Solkeii

104K 4.6K 564

Ara- Ara is the one who always grieves from her past. She doesn't want to involve anyone to help her. Her pas... More

Disclaimer Note
TFGISGL CHARACS INFO:
Welcome In SGL!
Chapter 1
Chapter2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27: Welcome to SGL
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Author's Note
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
A/N: "Thank you again & again"
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Announcement!!
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 : Mystery Games?
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80

Chapter 66

823 44 2
By Lady_Solkeii


Arabella's Pov

Katatapos ko lang maligo at magbihis kaya lumabas na ako dala ang bag pack.

Bag pack, bag pack~ bag pack, bag pack~ yeah!

“Kumusta? Ako si Dora.” Saad ko at tumawa ng bahagya habang nababa.

Kagabi kasi pinanood ko 'yon ang ganda pala pero ang tangs lang kasi tinatanong pa ni dora kung nasaan 'yong lugar na pupuntahan.

Kung batokan ko kaya 'yon? Para matauhan at malaman niya na malapit lang sakaniya tapos si Map tinatanong din, anong klasing mapa 'yon?

“Luh, baliw 'yan.” Napatigil ako sa pagtawa dahil sa narinig kong nagsabi no'n pinandilatan ko lang siya.

“Inggit kasi hindi pinasaya.” Saad ko at pumunta sa sala para ilagay ang bag pero nagitla ako nang makita andito ang kaklase kong anim kasi hindi sila kumpleto.

Kevin, Roger, Phoenix, Josh, Axel at Leo. Couple 'yan?

“Ano ginagawa n'yo rito?” Nagtataka kong tanong sakanila at nilagay sa sofa ang bag ko.

“Sabay-sabay tayong papasok.” Saad ni Kevin at nagtaas baba ng kilay kaya napangiwi ako.

“Tapos kapag sumakay sa Jeep sasabihin niyo wala kayong pera?” Tanong ko kay Kevin at umiling lang 'to.

“May pera ako isang libo!” Mayabang niyang saad na ikinangiwi ko.

“Tej, kumain kana kung hindi kapa kumakain ayoko pinag-iintay ang beauty ko.” Singit ni Phoenix kaya tumawa ako ng mahina.

“Ganda ka lang pero mas maganda ako.” Natatawa kong sabi at tumungo sa kusina upang kumuha ng pagkain.
“Asan si tita, Jays?” Tanong ko kay Jays na kumakain sa hapag ngunit hindi ako sinagot nito. “Tsk.” Singhal ko at kumuha ng pagkain bago pumunta sa hapag at humila nang upuan bago ito inupuan at nagsimula na kumain.

“Bilisan mo diyan ayoko nandito mga kaklase mo baka makita 'yan nang mga kaklase ko. Kasama mo pa 'yang baklang--” Hindi natapos ang sasabihin ni Jays nang pinalo ko ang lamesa dahilan magulat siya.

“Huwag mo pagsalitaan nang masama ang mga kaibigan ko kung ayaw mo gilitin kita diyan.” Banta ko sakaniya habang nanlilisik ang mga mata.

Ngumisi naman siya. “Okay, Defend them until you know the truth.” Ngisi niyang sabi at tumawa bago nilagay ang pinagkainan sa lababo 'tsaka siya umalis sa hapag.

Wow! Hindi naghugas ng plato? Katamaran ni Jays umiiral.

Natapos na ako kumain kaya tumayo na ako at hinugasan ang pinagkainan namin ni Jays, buti na lang hindi nababasa ang damit ko kapag naghuhugas ako nang plato. After ko maghugas nang plato nag tootbrush na ako bago ako magpunas at tumungo sa sala.

Kumunot ang noo ko nang makita ang lungkot sa mata nila napatingin naman ako kay Jays na nakatingin sa akin at pinandilatan ako nang mata bago tumingin sa mga kaklase ko.

“Tandaan ninyo ang sinabi ko, kung ayaw n'yo ilayo ko siya mismo sa inyo.” Saad niya sa mga kaklase ko at lumabas na siya. Nagtaka ako bakit sinabi niya 'yon.

Sinong ilalayo? Sinong siya? Siya parin ba?

“Tara na.” Yaya ko sakanila at tumango naman sila bago tumayo at lumapit sa akin. “Ano sinabi ni Jays sa inyo?” Tanong ko.

“Ang sabi niya layuan daw na–” Hindi natapos ang sasabihin ni Axel nang tinakpan ni Leo.

“Layuan? Sino lalayuan?” Tanong ko at umiling lang 'to.

“Bili tayo Ice cream bago pumasok sa school!” Nakangiting sabi ni Kevin at sumang-ayon naman sila habang ako hindi ako nakukuntento sa sagot nila.

May tinatago talaga mga 'to. Ano sinabi mo, Jays sakanila?

Lumabas na kami at sabay-sabay kami lumakad papunta sa sakayan ng jeep dahil hindi pala sila nagdala ng kotse kaya sasakay talaga kami sa Jeep.

Sumakay na kami sa Jeep at pumauna ako bago sila, nagbayad na ako gano'n din naman sila. Akala ko hindi magbabayad eh -,-

Buong byahe ay tahimik lang kaming pito hindi sila umiimik at parang may iniisip na malalim mabuti'y katabi ko lamang si Phoenix para mapagtanongan.

“Ano sinabi ni Jays sainyo?” Bulong kong tanong sakaniya.

“Huwag ka raw namin pansinin hanggang school.” Saad niya at bumungisngis pero hindi ko talaga feel na nagsasabi siya nang totoo.

Pumara na kami at bumaba napalingon ako kay Kevin na kinalabit ako sa tabi.

“Alam mo ba, ate Cass?” Tanong niya at binara ko naman ang tanong niya.

“Hindi pa.” Pagbabara kong sagot.

“Ihh!! Ang asim ng katabi ko! Habang nakataas ang kilikili.” Saad niya kaya napatingin ako sakaniya.

“Huh?” Tanong ko at nagtakip naman siya ng ilong.

“Asim ng kilikili ng katabi ko kanina alam ni Roger.” Saad niya tumawa ako ng bahagya.

“Parang hindi ka maasim, ah?” Pabalang kong tanong habang tumatawa.

Bumusangot naman siya. “Hindi ah! Lagi ako naliligo tapos johnson pa gamit ko.” Mayabang niyang sagot umiling-iling ako at bumili na kami ng Ice cream gaya ng sabi ni Kevin kanina bumili kami. Dalawa ang kaniya Isang cup ang akin, pumasok kami sa school at gano'n parin booths parin ang pumapaligid sa campus.

“Ayos na ba sugat mo?” Tanong ni Axel sa akin na andito sa tabi ko dahil pumauna si Kevin, at siya naman ay kumakain ng Ice Cream napangiwi naman ako dahil sa dungis ng mukha niya.

“Okay 'yon.” Hindi ko siguradong sagot at nagpauna na.

Ayaw ko ang topic na 'yan.

Lumapit ako kay Kevin. “Saan kayo natulog?” Tanong ko sakaniya at tumigil siya.

“Sa bahay.” Sagot niya.

“Nino?” Tanong ko.

“Namin.” Sagot niya at kumain ng Ice cream at paubos na ang isa.

Mansion 'yon 'di ba?

“Mansion hindi bahay.” Pagtatama ko pero umiling-iling ito.

“Bahay 'yon.” Pagtatama niya sa akin kahit mali naman.

“Mansion nga ang laki kaya.” Giit ko.

“Bahay nga.” Giit niya rin.

“Basta Mansion 'yon.” Giit ko at sumubo ng Ice cream.

“Bahay, Bahay, Bahay, Bahay 'yon.” Giit niyang sabi kaya naman nainis ako.

“Edi Palasyo na lang!” Padabog kong sabi.

“Mansion kasi 'yon.” Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Palasyo na nga lang 'di ba?” Giit kong tanong sakaniya pero umiling siya at napatingin naman ako nang pasimple siya kumukuha sa ice cream ko dahil ubos na ang isa niyang Ice cream.

“Mansion 'yon.” Saad niya at kinain ang kinuha niya sa Ice cream ko. “Ang sarap.” Bulong niya at akmang kukuha pa sana ng pinalo ko 'to kaya napanguso siya.

“Meron ka, oh!” Saad ko at tinuro-turo pa ang Ice Cream niyang tunaw na 'yong pangalawa.

“Na tunaw na...” Malungkot niyang sabi at nanliwanag ang mukha nang makita ang akin at nagulat ako na pinalitan niya ang Ice cream niya sa Ice cream ko.

“Hoy aba!” Sigaw ko ngunit nag dinilaan niya lang ako sabay takbo.

Aba walang hiyang batang 'to!

Ano gagawin ko sa tunaw niyang iCe cream?! Arrggh!!

“KEEVIIIN!!!! HUMANDA KA SA'KIN!” Sigaw ko na nakaagaw atensyon nila pero hindi ko sila pinansin dahil tunaw ang ice na kakainin ko! Pati sasakit tiyan niya do'n kasi iba't ibang flavor 'yon.

Lumakad na ako papunta ro'n nang bigla nag ring cellphone ko.

Yes! May cellphone ako! Bigay ni tita second hand.

Ayos na 'yon at least my cp 'di ba? Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang call bago pindotin.

“Hello tita?” Salita ko.

“Ara? Nasaan ka?” Tanong niya.

Hindi niya ba alam?

“Nasa school na po.” Sagot ko habang naglalakad at pinatay na ni tita ang call dahil kinumusta lang naman ako. Naglalakad ako papunta sa building namin nang bigla may tumisod sa akin dahilan madapa ako.

Sinong tumisod sa akin?

Dinig ko ang pagtawa ng iba at bulungan nila lalo na ang pag-insulto na 'lampa' ko raw. Kung ihagis ko kaya sila sa ocean?

Tumayo ako habang nadaing dahil hindi pa fully recovered ang likod ko sinamaan ko nang tingin ang nagtisod sa kin.

“Ay, sorry? Natisod.” Nakangiti niyang sabi at tumalikod bago maglakad pero sinipa ko siya sa likod dahilan mapadapa siya.

“Ay, sorry? Nasipa.” Gaya kong sabi at nagpagpag bago lumakad pa punta sa building namin narinig ko pa ang pagtawa nila.

Kala mo sapakin kita deserve 'yan.

Buti na lang hindi ko nabitawan ang cp kung sakaling nabitawan ko hindi sipa lang ang aabutin ng kimchi na 'yon.

Nang makarating ako sa pintuan inikot ko ang paningin ko at tumigil ito kay Kevin na kumakain ng Ice cream ko.

Bwct na 'to kain na kain sa ice cream ko ah sumakit sana tyan mo.

Pumasok na ako at nandito narin ang iba gano'n parin may mga iba't ibang mundo.

“Ara, may dala kang gamit? Pantulog” Tanong ni Jp sa akin at umiling ako.

At ano naman ang gagawin doon?

“Bakit? May camping ba?” Tanong ko at umiling siya kaya nagtaka ako.

“Nakalimutan mo na ba? Dito tayo matutulog kasi lilinisin natin ang buong campus kasi nga tumakas tayo kahapon.” Paliwanag niya kaya tumango-tango ako.

Oo nga ano?

“Ah shit!” napatingin naman kami sa nagsabi non. “Natatae ako.” Napakagat labi ako habang pinipigilan ang pagtawa.

“Ano ba 'yan, Kevin kailangan updated kami?” Tanong ni Axel na naglalaro ng Ml tumawa naman ang iba.

“Sakit talaga ng tyan ko.” Hindi ko na napigilan tumawa kaya na pasalampak ako sa sahig habang hawak ang tyan at nakayuko habang tumatawa ng walang sounds.

Piste!

“Hoy! Anyare sa'yo?” Takang tanong ni Jp kaya tumingin ako sakaniya na natawa nagulat naman siya at umatras.

“Umaatake pagkabaliw niya guys!” Natataranta niyang sabi kaya napatawa ako.

Siraulo.

Tumayo ako at tumingin kay Kevin na nakahawak sa tyan kaya tumawa ulit ako dahil sa itsura niya.

'yan kasi huwag kasi kumuha ng hindi iyo.

“Napapala.” Natatawa kong sabi ay lumapit sakaniya. “A-ano? Tae na.” Natatawa kong sabi at humagalpak ako ng tawa.

Padabog siya tumayo at tumakbo palabas habang ako tatawa tawa.

“Ayan kuha pa.” Natatawa kong sabi bago umiling-iling at umupo sa upuan.

Sumakit likod ko aray.

Napahawak ako sa likod ko dahil sumakit. “Aray.” Daing ko.

“Ayan napapala ng baliw.” Rinig kong sabi ni Jp kaya pinandilatan ko siya ng mata at tiningnan ang oras. Alas syete na walang klase kasi may Intrams pati mamaya pa ang volleyball, napatingin naman ako sa mga kaklase ko pinalibot ko ang tingin ko nagtaka ako kung bakit wala si Nathan, Tantan, Deven, Adrian lalo na si Ruru.

Anyare kaya ro'n?

Napatingin ako sa pumasok. Hindi magsisinungaling ang mata sa akin ngunit ang mukha ay oo. Matamlay ang mata niya, pagod siya kung lumakad, brinush niya ang buhok niya palikod ang kaniyang messy hair, at umupo sa tabi ko bago nag head down.

Kinalabit ko naman siya pero hindi ako pinansin. “Jace.” Tawag ko.

'di ba ayaw mo? Ng jace?

“Hmm?” Tanong niya hinawakan ko naman ang balat niya at napangiwi na lang ako sa init ng balat niya.

Hindi niya ba iningatan sarili niya?

“Init mo pumasok kapa.” Saad ko sakaniya pero hindi ako pinansin.

Nagsipasukan na ang mga kaklase ko kasama na roon si Kevin na nakanguso.

Describe ko ang pumasok na tatlong naakagaw atensiyon ko.

Adrian, his hair have wax, his lips is pinkish, kung nagdamit ay parang dj palagi may headset nakalagay sa leeg.

Leeg naba ang tenga?

Continue sakaniya. Maganda ang hugis ng mukha niya at makikita mo talaga ang jawline niya kaya kapag umigti 'yan galit 'yan.

Maputi siya slight kasi mas maputi talaga sakanila si Nathan at Ruru. Ano kaya height nito? Ang tangkad niya kasi tapos 'yong color ng eyes normal lang then ang shape ng eyes niya ay may pagkasingkit na kaunti...? And, medyo flat ang kaniyang ilong pero medjo lang naman at hindi halata.

Deven, His hair color is dark, his lips color is salmon, kung magdamit siya astig laging formal, his skin tone is soft Beige, his eyes color is . . . Brown? Oh, yeah brown. And his shaped eyes is Almond, He have pointed nose, too! Perfect!

Next!

Nathan, oh yeah my new crush. He have messy black hair, his skin look like a pale! I mean his skin like snow white skin so light, huh? And his eyes color is brown and his shaped eyes is Almond, too like deven, he have pointed nose too, he always wear his glasses and he always reading book because he love reading.

Next! The kabute!

Ruru or Jace na lang, his my enemy but not a lover.  Now, He have messy brown hair, his eyes shape color is asian monolid.

Parehas kami!

His eyes color is ocean blue, he have pointed nose, his face is perfect and his face is diamond shaped like he–nevermind. his lips like a color of rose, his skin tone is Pale Ivory i he always wear messy dress and sometimes I saw him wearing formal attire . . . ?

“Guys! Sino raw gusto sumali sa Competition swimming?” Tanong ni Roger na kakapasok lang dahilan mabalik din ako sa huwisyo.

Kanina andito 'yan ah? Lumabas din pala 'yan.

“Si Axel!” presinta ni Jp at tinuro si Axel na nag m-ml.

“Hindi ako sasali.” Tanggi ni Axel at tinago ang cellphone sa bulsan bago tumayo.

“Kalimutan mo na si berta tanga! Hindi kana mahal non.” Saad ni Xander na ikinakunot-noo ko.

Berta?

“Berta?” Takang tanong nila kay Xander.

“'Yong ex-gf niya 'di ba?” Tanong nito na ikinataka nila ako naman hindi maka relate.

“Ah! Tanga! Si Denden 'yon hindi Berta. Saan galing pangalan 'yan?” Tanong ni Aldrin.

“Kay ano . . . sino nga 'yon? Ah! Kay Denise.” Saad niya bumusangot naman ang mukha ni Aldrin.

“Pare, si Denise ang Ex-gf ni Axel. Si Berta ang kaibigan ni Denise.” Pagpapaliwanag ni Leo.

Ahh... Itong Xander na 'to mali-mali.

“Ay? Si Denise ba? Hahaha sorry human lang.” Hilaw na sabi ni Xander.

Lumapit naman si Nathan sa akin. “Ayos na 'yan.” Saad niya at binigay ang selpon kaya nahiya naman ako.

“Magkano? Babayaran ko.” Saad ko ngunit umiling 'to.

“It's okay don't need to pay.” Saad niya na ikinagulat ko.

“Ayaw mo bayaran ko?” Tanong ko.

“Bayaran mo na lang ng pagmamahal mo.” Saad niya na ikinangiwi ko baka mamaya joke lang pala. “Kidding.” Dagdag niya at ngumiti bago tumalikod.

Tignan mo tama ako wala na talagang seryosong lalaki.

Sinubukan ko buksan ang cp at bukas na pala 'to! Yay! Ayos na ang phone ko! Tumingin-tingin ako sa apps if may nawala bang apps sa akin but, wala naman pero may bagong apps na hindi ko alam at nakalagay ito sa home screen at binaliwala ko na lang baka naman ano lang ‘yon wala lang.

May pumasok na lalaki sa room at bigla ako nagulat ng binagsak niya ang dalawang palad niya sa lamesa dahilan matahimik kami.

“TAHIMIK!” Sigaw niya at umiigti ang panga.

Hala galit 'yan?

“Bossing! Maling room napasukan natin sa building one pala! Tang4! Bubu ni Cadice,” Saad nong lalaki na nasa labas at parang nahiya naman ang lalaki kaya tumikhim siya.

“Huwag daw maingay.” Nahihiya niyang sabi at lumakad na mabilis palabas tsaka hinigit ang lalaki dahilan mapatawa kami.

Boang.

“Kahiya 'yon, tol.” Natatawang saad ni Jp at nagsitiwanan kami maliban sa iba na ang k-kj.

“Quiet!” Napatikom kami dahil sa sumigaw dahan-dahan kaming lumingon sa sumitaw.

“I'm sleeping you're so noisy and annoying. Tsk.” Saad ni ruru at putlang-putla ang mukha, tumayo siya pero hindi pa siya nakakalayo nang tinanong namin siya.

“Saan punta mo?” Tanong namin.

“Tutulog.” Malamig pa sa yelo ang pagkakasagot niya bago siya lumakad palabas.

Tutulog. Dwow.

“Puntahan mo kaya?” Napatingin naman ako kay Kevin na nagsabi sa akin no'n umiling-iling ako dahil ayoko. “Kawawa naman ‘yon.” Malungkot na sabi ni Kevin.

“Hayaan mo 'yan,” Busangot kong sabi at lumakad papalabas dahil pupuntahan ko sila Clyden wala kasing broadcast ngayon tapos na kahapon pa Oo kahapon pa pero hindi kasama si Nathan kasi bukas pa siya.

Ano nga ulit? Volleyball pala ang ngayon pupunta ba ako? Huwag na.
_________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

623K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
1.6K 357 36
Mabait ngunit palaban, ganiyan ilarawan ng mga taong sa isang maliit na nayon si Raven. Pinalaki ito ni Evi. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa bu...
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
29.5K 1.4K 70
S2: TFGISGL - A DARK SECRET FULL OF MYSTERIOUS Start date: March 17, 2022 End date: March 12, 2023