(Agent Series Book 5) Falling...

By miss_melle

63.3K 2.2K 562

(Completed) Warning: Matured Content | R-18 Anong mangyayari kung pagsasamahin ang isang mataray, prangka at... More

A/n
Synopsis
Chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue
Special Chapter
Announcement

Chapter 13

1.6K 63 17
By miss_melle

Ilang araw nang hindi bumabalik ng mansion si Brando. Hindi rin ito nagpapakita kay Rafaella. Ang sabi ni Xander ay may importante itong inaasikaso.

Sa ilang araw na hindi niya nakikita si Brando ay ilang araw na rin siyang lihim na umiiyak. Ikinulong niya ang sarili sa loob ng kwarto. Wala siyang ganang kumain at hindi siya nakikipag-usap sa lahat ng tao sa mansion.

Alam niyang napapansin na ito ng mga magulang niya ngunit walang magtangka na magtanong sa kanya.

Parating tumatawag sa kanya si Brando ngunit pinapatayan niya ito ng telepono. Galit siya dito at kung gusto talaga nito na kausapin siya ay sa personal, dahil ayaw niya itong makausap sa telepono lang. Alam niyang tumatawag din ito sa mansion ngunit ibinilin niya sa mga kasambahay na huwag ibibigay sa kanya.

Nasasaktan siya, iniisip pa lamang niya na kasama nito ang first love nito ay para na siyang sinasaksak ng libo libong kutsilyo sa dibdib.

Iniisip niya na kung ginagawa din ba ni Brando sa Kyla na yon ang lahat ng bagay na ginagawa nito sa kanya. Hinahalikan din kaya niya ito. Niyayakap kapag hindi makatulog. Ang daming posibilidad na naglalaro sa isip niya. Ang wala siyang magawa kung hindi ang umiyak.

Ano ba ang laban niya sa babaeng iyon. Matagal nitong nakasama si Brando at minahal siya nito samantalang siya ay bago pa lang. Ni hindi nga niya alam kung mahal din ba siya ni Brando.

Sa ilang araw na wala si Brando ay tanging si Xander at Azrael ang naghahatid sundo sa kanya.

Simula ng huling pag-uusap nila ni Xander ay hindi na ulit sila nakapag-usap pa. Alam niya ang ibig sabihin ni Xander. Ngunit paano siya lalaban kung umpisa pa lang ay talo na siya.

Alam niyang hindi doon natatapos ang lahat. Kung sana ay may karapatan siya. Ngunit wala, dahil umpisa pa lang ay alam na niyang hindi sa kanya si Brando. Hindi niya ito pag-aari na maaaring angkinin. At iyon ang natutunan niya, na hindi lahat ng bagay na gugustuhin natin ay makukuha natin.

Sa ilang araw na malungkot siya ay ginugol na lamang niya ang oras sa nalalapit niyang graduation. Upang kahit papaano ay malibang siya at makalimutan ang pag-iisip niya.

Habang nakaupo siya sa gazebo ay nagsindi siya ng sigarilyo. Hindi naman siya naninigarilyo talaga. Gusto lamang niya na may mapagbalingan kaya nagta-try siya ng mga bagong bagay.

Pakiramdam kasi niya ay mababaliw na siya kakaisip kay Brando. Wala siyang karapatan na magalit dito. Hindi naman sila at lalong walang responsibilidad si Brando sa kanya. At iyon ang masakit na katotohanan. Hindi nga niya alam kung tama ba na iniiyakan niya ito gabi gabi.

Bumuntong hininga siya saka tumingin sa kalangitan. Walang bituin at mukhang uulan. Kahit ang langit ay mukhang nakikiramay ata sa pagkamatay ng puso niya.

"Hindi ko alam na naninigarilyo kayo mam."

Napatingin siya sa lalaking nagsalita mula sa kanyang likuran. Tuwing gabi ay grupo ni Azrael ang nagpapatrolya sa loob at labas ng mansion. Sa umaga naman ay si Xander ang kasama niya.

Mas humigpit ang seguridad nila dahil mas nalalapit na ang halalan. Kaya hindi sila nagpapabaya at sinisigurado ng mga ito ang kaligtasan ng pamilya niya.

"Alam nyo bang masama sa kalusugan yan. Kaya kung ako sa inyo ititigil ko na yan." Ani muli ni Azrael.

"Ngayon ko lang ito sinubukan." Maikling sagot niya dito.

"Pwede po bang umupo dito?" Tanong ni Azrael saka itinuro ang kabilang side ng gazebo.

Tumango si Rafaella kaya tahimik itong umupo sa harapa niya. Bumuntong hininga muli siya kaya napatingin si Azrael sa kanya.

"Ang lalim non ah. May problema po ba kayo, mam?"

Napatingin siya kay Azrael ng tanungin siya nito. Agad itong napangiwi dahil mukhang nahiya ito dahil sa itinanong nito sa kanya.

"Pasensya na po kayo kung natanong ko. Mukha po kasi kayong malungkot. Okay lang po kung ayaw nyong sagu..."

"Oo, may problema ako. At hindi ko alam kung hanggang kailan ang problema na to." Pagputol niya sa sinasabi nito.

"Alam mo mam, sabi ng Nanay ko lahat ng tao hindi nawawalan ng problema, kaya dapat hindi mo na pinoproblema yon. Kasi problema na yon eh. Dapat hayaan mong ang problema ang mamurblema sayo." Seryoso nitong ani.

Napakunot ang noo ni Rafaella. Sa totoo lang ay wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito. Puro problema lang ang binanggit nito kaya lalo siyang naguluhan.

Napakamot ito sa batok saka ngumiti sa kanya. Hindi nalalayo ang edad niya kay Azrael. Siguro kasing edad ito ni Steven.

"Naintindihan nyo po ba mam? Ako kasi hindi eh." Ani nito.

Hindi na napigilan pa ni Rafaella at natawa na siya sa sinabi nito pati na rin sa naging reaksyon nito.

Napailing pa siya dahil sa kalokohan nito.

"Yan. Mas maganda po kayo kapag nakangiti, mam."

Nginitian niya ito bago siya humugot ng malalim na hininga. Humarap siya dito.

"Azrael, nagmahal ka na ba?"

Umiling si Azrael. "Hindi pa. Hindi ko pa nararanasan ang ma-in love. Sabi nila nakakatakot daw ma-in love. Nakakatakot daw magmahal kasi nakakabaliw."

"Talaga? Sino naman ang nagsabi sayo nyan?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Yong kapit bahay naming nasa mental na. Nabaliw yon dahil na-in love. Kaya naniniwala ako sa kanya."

Humagalpak ng tawa si Rafaella dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung maiinis ba siya dito o ano. Dahil hindi ito matinong kausap.

"Alam mo Azrael, ang sarap mong kausap. May sense lahat ng sinasabi mo." Sarkastiko niyang ani habang tumatawa at nagpupunas ng luha sa mata dahil sa pagtawa niya.

"Sabi din po nila. Nung una hindi ako naniniwala. Ngayon pinaniniwalaan ko na kasi sinabi nyo rin."

Natatawang napailing siya dito. Kahit papaano ay gumaan ang dinadala niya sa dibdib. Talagang nakatulong ang pagpapatawa nito sa kanya. Minsan mas masarap kausap talaga ang mga taong hindi mo gaano kakilala.

"Salamat ah. Kahit papano napatawa mo ako." Sinsero niyang pasasalamat dito.

"Wala po yon mam. Basta isipin nyo lang po na lahat ng problema ay may solusyon at lahat ng solusyon ay may problema. Kaya huwag na kayong mamrublema para hindi na kayo maghahanap ng solusyon."

"Ewan ko sayo." Aniya.

Sandaling natahimik si Rafaella bago siya tumayo at humarap muli kay Azrael.

"Samahan mo akong uminom."

"Naku mam, naka duty po ako?" Ani ni Azrael. Tumayo na rin ito habang nagkakamot ng batok.

"Ganito na lang. Samahan mo na lang ako uminom para may kausap ako. Kahit isang bote lang ang inumin mo. Okay ba yon?"

"Sige po. Pero huwag po kayong maingay kay sir Xander lalo na kay sir Brando."

"Oo naman. Sikreto na lang natin to." Ani ni Rafaella bago niya ito ngitian.

Magpapakalasing siya ngayon. Ngayong gabi ay ibubuhos niyang lahat sa alak ang sama ng loob niya. At walang makakapigil sa kanya.

                         ®®®®®®

Tahimik na nakaupo sa sala ng bahay ni Kyla si Brando. Ilang araw na siyang malalim ang iniisip at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

"Brando, pakitingin naman nong niluluto ko." Ani ni Kyla sa kanya habang nakaupo siya sa sala.

Napipilitan siyang tumayo at sinunod ang inutos nito.

Hindi niya maiwan si Kyla dahil nagtangka itong magpakamatay. Kaya ilang araw na siyang hindi nakakauwi sa mansion. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Rafaella.

Miss na miss na niya ito. Sa tuwing tatawag siya ay hindi niya ito nakakausap. Pinapatayan din siya nito ng telepono. Kaya mabigat ang loob niya. Gusto niyang tumakbo pabalik kay Rafaella ngunit hindi niya maiwan si Kyla. Pakiramdam niya ay kargo niya kung sakaling may mangyaring masama dito.

Gusto na niyang magalit kay Kyla ngunit hindi niya magawa. Hindi niya ito maiwan dahil alam niyang kailangan siya nito.

Ang totoo ay nasasaktan na siya. Nasasakal siya kay Kyla. Pakiramdam niya ay ginagamit lang siya nito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na kausapin ito. At sisisihin niya ang sarili niya kung sakaling may masamang mangyari dito.

Matapos niyang patayin ang stove ay bumalik siya sa sala. Uupo na sana siya ng biglang tumunog ang doorbell.

Lumabas siya ng bahay at binuksan niya ang gate. Bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Xander.

"Bud."

"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong ni Xander.

Tumango siya bago niya ito pinapasok sa loob ng gate saka niya isinarado ang gate nang makapasok ito.

"Sinong bisita?" Nakangiting ani ni Kyla ng salubungin niya si Brando at Xander. Agad itong sumimangot nang makita nito kung sino ang bisita nila.

Matagal ng hindi maganda ang pakikitungo ng mga ito sa isat isa. Nagagalit si Xander kay Kyla sa tuwing gagawin niyang panakip butas si Brando. Kaya hindi niya ito mapatawad dahil hanggang ngayon ay ginagawa niya ang gusto niya kahit nasasaktan na ang kaibigan niya.

"Pumasok ka na sa loob. Kakausapin ko lang si Xander sandali." Ani Brando kay Kyla.

Tumango ito at matalim na tumingin kay Xander. "Bilisan mo ah. Kakain na tayo."

Nang makaalis si Kyla ay iginaya niya ito papuntang garden at saka sila umupo.

"Napadalaw ka?" Tanong ni Brando.

Galit at nagtatagis na bagang na tumitig si Xander kay Brando. Kahit kailan hindi nag-iisip ang buddy niya hanggang ngayon tanga pa rin ito at sunod sunuran sa babaeng iyon.

"Ano yon? Anong meron sa inyo? Bahay bahayan?" Tanong ni Xander.

Umiling si Brando saka siya napakamot ng noo. Yumuko ito at itinikod ang mga siko sa tuhod.

"Hindi ko siya maiwan..."

"Dahil ano? Dahil magpapakamatay na naman siya? At ikaw si tanga at uto uto kinagat mo naman."

Pagod na tumingin si Brando kay Xander. "Bud, alam mong wala ng pamilya si Kyla. Ako na lang ang masasandalan niya."

"Bullshit Ruiz!" Tumayo si Xander at nakapameywang itong tumitig sa  kanya. "Kailan mo ba imumulat yang mata mo na ginagamit ka lang niya? Hindi mo ba napapansin na pinaglalaruan ka lang niya. Na kapag hindi ka niya kailangan wala siya. Tapos kapag nasaktan siya saka niya maiisip na nandyan ka at babalik siya sayo! Anong tawag sayo taga salo? Reserba?"

Kumuyom ang kamao ni Brando saka siya tumingin ng matalim kay Xander.

"Nagagalit ka kasi totoo. Ganon talaga masakit talaga masampal ng katotohanan. Gago ka eh! Nagpapagamit ka!"

"Kailangan niya ako.."

"At kailangan ka rin ni Rafaella! Paano siya? Naghihintay siya sayo."

Sandaling nanahimik si Brando. Napahilamos siya sa kanyang mukha saka siya tumayo.

"Nahihirapan na ako bud. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ako ni Kyla. Mahirap bang intindihin yon? Kapag may masamang mangyari sa kanya kargo ko yon."

"Ano ka ba niya? Nanay, tatay o kapatid. Kaibigan ka lang niya. May hangganan ang pagiging kaibigan Ruiz. At may hangganan ang pagiging tanga..!"

Sa galit ni Brando ay sinuntok niya si Xander sa mukha kaya napaupo ito.

Ang totoo ay hindi siya galit dito. Mas galit siya sa sarili niya. Totoo ang lahat ng sinabi nito.

"Umalis ka na bud. Magrereport na lang ako sa headquarters kapag okay na."

Napailing na tumingin si Xander sa kanya. Hinawakan nito ang labi na pumutok dahil sa pagkakasuntok niya.

"Alam kong mahal mo si Rafaella, bud. Huwag mong hayaan na gawin na naman niyang miserable ang buhay mo. Naghihintay si Rafaella sayo bud. Araw araw siyang umiiyak. Araw araw siyang malungkot at alam kong ikaw ang dahilan non kahit hindi siya nagsasalita. Huwag mong hintayin na mapagod si Rafaella na maghintay sayo."

Napayuko si Brando. May luhang tumulo sa mata niya at mabilis niya itong pinunasan.

Hindi lang siya ang nasasaktan maging si Rafaella ay nasasaktan na rin. At dahil iyon sa kanya. Kaya tama si Xander isa siyang malaking tanga. Dahil hanggang ngayon ginagamit ni Kyla sa kanya ang salitang pagpapakamatay.

Nagtangka na ito noon at siya ang nakakita na bumubola ang bibig nito kaya natakot siyang maulit ito. Simula noon ay hindi na niya iniwan pa si Kyla. Kaya lahat ng gusto nito ay sinunod niya.

"Anong nangyayari dito? Okay ka lang ba, tabs?" Nag-aalalang tanong ni Kyla nang makita nitong may sugat ang isa sa kanila.

Inihiwalay niya si Brando kay Xander at inalalayan niya itong pumasok sa loob ng bahay. Ngunit mabilis  na kumawala sa pagkakawahak niya si Brando at lumayo ito sa kanya. Malungkot na napayuko si Kyla dahil nasaktan siya sa ginawa nitong pag-iwas saa kanya.

Nang maiwan sila ni Brando sa labas ng bahay ay nakapamulsang lumapit si Xander kay Kyla.

"Anong plano mo? Bakit biglang kang bumalik at nagparamdam?" Tanong ni Xander kay Kyla nang maiwan sila sa labas ng bahay.

"Wala akong plano. Kinukuha ko lang kung ano ang akin."

Pagak na tumawa si Xander bago siya matalim na tumingin kay Kyla.

"Sayo? Ano bang palagay mo kay Brando? Bagay na pwede mong iwan tapos kapag gusto mo ulit gamitin saka mo babalikan?!" Galit na ani ni Xander.

Ang hindi nila alam ay bumalik si Brando at naririnig nito ang pinag-uusapan nina Xander at Kyla. Ngunit nanatili ito sa likod ng pintuan.

"Wala akong pakialam sa mga sinabi mo. Hindi ako iiwan ni Brando dahil mahal niya ako." Galit na sagot ni Kyla kay Xander.

"Oo noon mahal ka niya. Pero ngayon hindi na. Dahil may mahal na siyang iba."

Nagtagis ang bagang ni Kyla at galit itong tumingin kay Xander. Kumuyom din ang kamao nito.

"Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ni Brando sayo ngayon? Awa? Naaawa siya dahil baka saktan mo na naman ang sarili mo. Naaawa siya dahil sa nangyari sayo. At alam mo ba kung ano ang tawag sayo? Manggagamit ka. At karma sayo ang nangyari sa inyo ng asawa mo!"

Mabilis na dumapo ang palad ni Kyla sa pisngi ni Xander. Tumutulo na rin ang luha nito sa mukha.

Lalabas na sana si Brando sa pinagtataguan nito nang magsalita muli si Xander. Kaya napahinto siya.

Ngumisi si Xander bago siya umiling. "Kahit ako naaawa sayo. Pero mas nakakaawa ang kaibigan ko na ginagamit mo ng paulit ulit. Yong tipong kahit alam mo na mahal ka niya pero wala lang sayo dahil natutuwa ka na nakikitang nagkakandarapa siya sa paghabol sayo. Dahil natutuwa ka na nagmumukhang tanga si Brando."

"Anong sinabi mo?" Ani ni Brando kaya pareho silang napatingin dito.

May galit at mataliim itong tumingin kay Kyla.

"Alam mong mahal kita pero binalewala mo? Alam mong mahal kita kaya hindi kita maiwan kaya sinamantala mo?"

Hindi sumagot si Kyla at umiiyak lamang itong nakatingin sa kanya.

Hindi makapaniwalang nakatingin si Brando kay Kyla. Nasabunutan pa niya ang sariling buhok dahil sa prustrasyon.

"Alam mo bang makasarili ka, Kyla? Napaka makasarili mo?" Naiiyak na ani ni Brando.

Lumapit si Kyla sa kanya at pilit siyang hinawakan sa kamay ngunit ihawi niya ito.

"Sana sinabi mo na hindi mo ako kayang mahalin para umpisa pa lang tinuran ko na ang sarili ko na kalimutan ka. Alam mo bang nahirapan ako? Hah?!" Sigaw ni Brando. Nagulat pa ito sa pagsigaw niya.  "Oo wala kang kasalanan kasi hindi mo kasalanan na minahal kita pero sana naawa ka man lang sa akin. Sana inisip mo man lang ang nararamdaman ko. Na nasasaktan din ako!"

"S-Sorry, sorry k-kasi natakot ako. Natakot akong mawala ka sa akin. Natakot ako na baka kapag sinabi ko na hindi kita kayang mahalin baka mawala ka. Baka iwanan mo ako. Ikaw na lang ang meron ako. Sayo lang ako nakasandal noon." Umiiyak na ani ni Kyla.

"Damn you! Natakot ka na mawala ako. Natakot ka na mag-isa kaya ginawa mong miserable ang buhay ko?! Napaka makasarili mo Kyla! Hinayaan mo na masaktan ako huwag lang mawala ang puppet mo. Ginamit mo ang nararamdaman ko para lang mapasunod sa lahat ng gusto mo. Minahal kita. Naging uto uto ako. Para akong aso na sunod sunuran sa lahat ng gusto mo. Tapos sasabihin mo na ayaw mong mawala ako sayo? Tang ina, Kyla, makasarili ka! Sarili mo lang ang inisiip mo!"

"P-Please Brando. H-Huwag mo akong iwan. Hindi ko kayang mag-isa. M-Mahal mo ako diba?" Humahagulgol na ani ni Kyla.

Umiling si Brando saka siya naaawang tumingin kay Kyla.
"Oo mahal kita, noon. Pero ngayon... nasusuklam na ako sayo. At pinagsisisihan ko na minahal ko ang tulad mo."

"No!!!. Sinasabi mo lang yan kasi galit ka sa akin!" Sigaw nito habang umiiyak.

"Yon ang totoo. May mahal na akong iba. Mahal na mahal ko siya at kahit kailan hindi siya naging makasarili na tulad mo."

Napaluhod si Kyla habang umiiyak ito. Ang totoo ay naaawa siya dito. Ngunit tapos na ang pagiging tanga niya dito.

"Alam mo ba na malaki ang pagkakaiba nyong dalawa. Mahal niya ako at alam kong hindi niya ako sasaktan tulad ng ginawa mo."

Tumalikod si Brando at akmang aalis na sana siya nang biglang magsalita si Kyla mula sa likuran nila ni Xander.

"Sige umalis ka! Magpapakamatay ako! At sisiguraduhin kong hindi ka patatahimikin ng konsensya mo! Sige iwanan mo ako!" Nagsisisigaw na ani ni Kyla.

Napailing si Brando saka ito humarap muli kay Kyla. Ngumisi siya kaya lalong nanggalaiti sa galit si Kyla

"Magpapakamatay ka? Sige. Gawin mo kung ano ang magpapasaya sayo. Hindi mo na ako madadaan sa ganyan Kyla. Im done with your drama. Tapos na ang pagiging puppet ko sayo." Ani ni Brando bago niya ito tinalikuran na umiiyak habang nakaluhod.

Tinawanan lamang ito ni Xander bago ito sumunod kay Brando palabas ng bahay nito.


**************miss_melle***********

Hindi ako makakapag update bukas. Abala ang lalabs nyo bukas kaya inagahan ko ang update ngayon.

Enjoy reading Lalabells. Stay safe everyone.😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

186K 2.7K 67
S.P.G Doctor Series #1 Nasa kanya na ang lahat magandang buhay, kagwapuhan, at tinitilian ng maraming kababaihan. Ang lalaking walang nais gawin sa m...
367K 19.3K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
72K 1.7K 38
CONTENT WARNINGS: SPG | Mature content | Sit Back and Enjoy! *** Preface: A Heartless beast, that just one of those words they call him. Exclusiv...