✔ || Midnight Mask

By mariyachacha

1.6M 21.5K 3.6K

[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons o... More

EL PARADISO SERIES
Midnight Mask
;
SIMULA
UNA
DALAWA
TATLO
APAT
LIMA
ANIM
PITO
WALO
SIYAM
SAMPU
LABING ISA
LABING DALAWA
Quick Update
LABING TATLO
LABING LIMA
LABING ANIM
LABING PITO
LABING WALO
LABING SIYAM
DALAWAMPU
DALAWAMPU'T ISA
DALAWAMPU'T DALAWA
DALAWAMPU'T TATLO
DALAWAMPU'T APAT
DALAWAMPU'T LIMA
DALAWAMPU'T ANIM
DALAWAMPU'T PITO
DALAWAMPU'T WALO
DALAWAMPU'T SIYAM
TATLUMPU
TATLUMPU'T ISA
TATLUMPU'T DALAWA
TATLUMPU'T TATLO
TATLUMPU'T APAT
TATLUMPU'T LIMA
TATLUMPU'T ANIM
TATLUMPU'T PITO
WAKAS (PART I)
WAKAS (PART II)
WAKAS (PART III)
WAKAS (FINAL PART)
Messag from the Author
SPECIAL CHAPTER I

LABING APAT

29.9K 450 50
By mariyachacha


Chapter 14


We didn't do anything. We just let the night passed and sleep.

Hindi naman sa wala ako sa mood or siya, hindi lang talaga ako nagpadala sa tawag ng aking laman. Masarap naman siyang kasama with or without sex.

Maaga akong nagising at agad na bumaba para magprepare ng breakfast. Siya na kasi ang naghanda  kagabi, kaya ako naman ngayon. I'm not good at cooking pero I'll try.

Pagkababa ko wala pa si Aiko kaya nagkaroon ako ng oras para makapagluto. We also didn't share room. Doon ko siya pinatulog sa guest room at ako naman sa kwarto ko. Kaya hindi ko alam kung natutulog pa ba siya o nagpapalipas ng oras sa higaan.

Nagluto lang ako ng hotdog, egg, bacon, and fried rice. Usual and easy to cook breakfast. May bread and butter din ako kaya ayos na 'yon para sa umagahan ko, sasamahan ko na lang ng coffee. I don't eat rice in the morning.

“Goodmorning, Eve!”

Napaligon ako sa gulat kay Aiko. Sino pa ba ang tatawag sa akin ng Eve? At siya rin lang naman ang kasama ko dito sa bahay kaya hindi ako magkakamali na si Aiko 'yon.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. He's wearing my white pajama and nothing at the top. Nakikita ko tuloy ang katawan niyang puwede nang pang-umagahan.

“Sarap?” he chuckled.

Napaangat ako nang tingin at nakita ang nang-aasar niyang ngisi. Umiling ako at inirapan siya.

“Kumain ka na, bago pa kita kainin---” natigilan ako at nagulat sa lumalabas sa sarili kong bibig.

“What? I can't hear you, Eve...” pang-aasar pa niya bago ko narining ang mga yabag niya palapit sa akin.

Mariin akong napapikit at magpapalusot pa sana nang naramdaman kong nasa likod ko na siya. Mabigat ang bawat paghinga niya na rinig na rinig ko.

“Kainin mo na lang kaya ako?” he said softly as I feel his breathe on my ears.

He's too close.

Hindi tuloy ako makagalaw sa takot na may magawa akong hindi ko na mapipigilan. Mahirap pa namang tanggihan ang taong 'to.

“Breakfast in bed?” panunuya pa niya nang hindi umaalis sa kan'yang puwesto.

I bit my lower lip and look for an escape plan. Hindi ako dapat magpadala sa ginagawa niya. I need to control myself for the meantime.

I need to do something.

Huminga muna ako nang malalim bago ko napagpasyahan na sikuhin na lamang siya para makalayo. Hindi naman siguro siya masasaktan doon.

Nagulat ako nang imbis na masiko ko siya, hinawakan niya ang braso ko at saka niya ako hinarap sa kan'ya.

Napaurong ako at napahawak sa upuan nang mas lumapit pa siya sa akin. He's just an inch away.

“Goin' wild? I like that.” He smirked and move closer to me.

Lumayo naman ako ng konti at tinikom ang aking bibig at nagpigil na huminga. Hindi pa ako nag-to-toothbrush. Pero bakit siya? Ang bango pa rin ng bibig niya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayong araw. Mali siguro ang nahigaan kong side kaya ako nagkakaganito.

Nakipagtitigan lang ako kay Aiko, hanggang sa nakaramdam ako nang kung ano at agad ko siyang tinulak. Nasusuka ako.

Napahawak ako sa aking bibig at tumakbo sa kitchen.

“Eve? What's wrong?” rinig kong tanong ni Aiko na nakasunod na pala sa akin. “Mabaho ba hininga ko?” tanong pa niya.

Umiling lang ako bago nagtungo sa sink at saka sumuka doon. I don't feel good.

Wala namang lumalabas pero nasusuka ako. Nanatili lang ako sa sink at pinilit na sumuka doon kahit wala namang lumalabas. Nakakahiya kay Aiko!

“Eve? Ano bang nangyari?” Ramdam ko ang pag-aalala sa tanong ni Aiko habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ko rin alam.

Napahilamos na lang ako sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Naduduwal ako at unti-unti na ring nahihilo.

“Aiko...” mahinang tawag ko.

“Hmmm?” Kaagad siyang lumapit sa akin. “What do you want?”

“Nahihilo ako...”

“Fvck!” mariing sabi niya bago ako hinawakan sa bewang at nilagay ang braso ko sa may likod ng leeg niya.

Inalalayan niya ako sa paglalakad patungo sa living room at maingat na pinaupo sa sofa. I lean my head and closed my eyes. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Malayong-malayo ito sa hangover na nararamdaman ko tuwing umaga.

“Are you alright?” I heard Aiko sigh.

Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang ginagawa ni Aiko. He's kneeling infront of me...

“Eve...” Si Aiko sabay hawak sa hita ko.

“Umuwi ka na muna, Aiko. Pahinga lang ito,” ani ko na lang para hindi siya mag-alala sa akin.

Hindi ko kasi talaga alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi rin ako sigurado kung pahinga lang ba talaga ang kailangan ko. May naiisip akong ibang bagay, pero hindi ako sigurado. Ayokong isipin dahil hindi ako makakapayag kung sakaling tama ako.

Nagmulat ako ng mga mata nang hindi ko siya naramdamang gumalaw sa kan'yang puwesto. Umayos ako nang upo at saka inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

“I'm fine, Aiko. Don't you trust me?” ani ko pa.

Hindi nawala ang pag-aalala sa ekspresyon niya. Nakatingin lang siya sa akin, tila nagdadalawang isip kung susundin ba ako.

“Please! I said, leave,” mariing sabi ko at saka siya tinulak palayo sa akin.

Natumba siya sa sahig, ngunit imbis na tumayo ay nanatili lang siyang ganoon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kan'ya, pero wala doon ang isip ko. Naiinis ako sa kan'ya at sa hindi ko maintindihang bagay.

Bakit kasi hindi na lang siya umalis?!

“Aiko... please. Kailangan ko munang mapag-isa.”

He slowly shake his head. “You're pregnant...”

Tila nanlamig ako sa sinabi niya at nanigas sa kinauupuan ko. Iyon din ang naiisip ko kanina pa, pero hindi ako makapag-isip nang tama dahil sa presensya niya. Kaya gusto ko siyang paalisin at makapag-isip muna.

“No, I'm not.” Umiwas ako nang tingin.

Hindi ako puwedeng mabuntis. Kahit nasa tamang edad na ako, hindi pa rin maaari. May iniingatan akong pangalan. Hindi ako puwedeng mabuntis na lang bigla.

Ayokong magmukhang katawa-tawa sa harap ng maraming tao.

“Really? Then, let us check or see a Doctor---”

“No! Hindi nga ako sabi buntis!” halos pasigaw ko nang sabi bago tumayo at matalim siyang tiningnan. “Umalis ka na nga, bago pa kita ipakaladkad palabas.” Inirapan ko siya bago padabog na umakyat patungo sa kwarto ko.

Nagkulong lang ako doon at humiga habang nakatitig sa kisame. Ayokong isipin na buntis ako, dahil baka magkatotoo.

Pilit ko lang sinisiksik sa isip ko maghapon na hindi ako buntis at hindi ako puwedeng mabuntis. Ayos lang sana kung kasal na ako sa kan'ya o may relasyon kaming dalawa. Pero, wala. We're both single, and we're not a couple.

Masisira ang imaheng matagal kong iningatan dahil lang sa isang pagkakamali.

I'm not pregnant.

Period.

Days... weeks had passed na halos paulit-ulit ang nangyayari sa akin araw-araw. Nagigising ako dahil sa pagduduwal na wala namang halos lumalabas.

Napansin ko rin na halos magda-dalawang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan, kaya mas lalo akong dinapuan nang takot. Hinayaan ko lang noong unang buwan na hindi ako dinadatnan dahil akala ko normal lang iyon sa akin. Minsan kasi hindi talaga ako nagkakaroon ng isang buwan, na bumabalik naman sa susunod na buwan.

Pero iba na ngayon, almost two months na akong late.

Nakatulala at nakatitig lang ako sa kape na nasa harap ko. Mag-iisang oras ko na siguro itong tinititigan, na hanggang ngayon hindi ko pa rin nababawasan.

Kanina ko pa kasi pinag-iisipan kung gagamit ba ako ng pregnancy test para malaman ko na kung buntis nga ba talaga ako o hindi. Kung gagawin ko naman iyon, kakayanin ko kaya ang magiging resulta kung mag-pa-positive at totoong buntis nga ako?

And if, yes? Aiko is the only person I think would be the father.

Siya lang naman ang huli kong nakaka-sex, at sa lahat ng nakaka-intercourse ko siya lang ang hindi na gumagamit ng condom. We used one to three times, pero after noon hindi na.

“Miss Talia, may bisita po kayo.”

Napaangat ako nang tingin kay Lily dahil sa gulat. Hindi ba siya marunong kumatok? Palagi na lang. Pasalamat siya wala ako sa mood magsermon.

“Hindi ba sabi ko hindi muna ako tatanggap---”

“Si Engr. Esguerra po, may importante raw pong sasabihin.”

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sa lahat ng tao, siya ang kahuli-huling tao na gusto kong makita. Hindi ko alam kung bakit, but I don't want to see his face.

“Eve!”

Napatingin ako sa likod ni Lily at agad na nakita si Aiko na nakatayo doon. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na paper bag.

“Papasukin ko po ba?”

Lumipat ang tingin ko kay Lily at matalim siyang tiningnan. “Ikaw na nagdesisyon, bakit hindi mo pa ituloy?” I hissed.

Hindi siya nagsalita bago nahihiyang nilingon si Aiko. “Pasok po kayo,” aniya.

Napahilamos na lang ako sa pagkadismaya sa babaeng 'to. Hindi ko alam kung totoong wala siyang alam, o iniinis niya lang talaga ako.

Pumasok si Aiko at saka naman lumabas si Lily ng office. Mariin akong napapikit bago lakas loob na hinarap si Aiko. Wala na akong choice kung hindi kausapin siya pagkatapos nang ilang linggo kong pag-iwas sa kan'ya at kay Aki.

“What do you want?” I said without any emotion. I'd rather be like this than being the Eve he knows. Baka kasi isipin niyang pumapayag na akong gawin ang gusto niya.

“Let's make a deal,” aniya bago bumaba ang tingin sa hawak niya. “You'll use these PTs to make sure you're not really pregnant. If two lines, pananagutan ko ang anak natin.”

“And, if not?” sagot ko agad.

Nag-angat siya nang tingin bago diretso akong tiningnan sa mga mata. “Lalayuan na kita.”

I didn't know what to say, especially those two options he gave me. Parehong hindi ko kaya at gustong mangyari.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ito matatapos kung hindi ko susubukan. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko pa rin mag-pregnancy test just to make sure kung buntis ba talaga ako.

“O-okay. Fine,” lakas loob kong sabi kahit abot-abot na ang kabang nararamdaman ko.

Hindi siya nagsalita. Binaba niya lang ang paper bag na hawak niya sa mesa ko bago umupo sa visitor's chair sa harap ko.

Mas lalo akong kinabahan habang tinitingnan ang nasa loob ng paper bag. Hindi lang isa, o dalawang kahon ang nakikita kong pregnancy test ang nasa loob, kun'di sobra pa sa nakikita ng mga mata ko.

Lahat ba iyon kailangan kong gamitin?

Napatingin ulit ako kay Aiko. Nagulat ako nang nakitang nakatingin pa rin pala siya sa akin. Wala akong masabi. Umiwas na lang ulit ako sabay kuha ng paper bag at nagmadaling nagtungo sa cr.

I immediately locked the door and let out a deep sigh.

Sh*t!

Aatikihin ako sa puso dahil sa kan'ya.

Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ang tingin ko sa paper bag na hawak ko. Inangat ko ito bago pabagsak na binaba sa sink.

“One line, or two lines?” tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang aking sarili sa salamin.

I just shrugged and get the small container inside the paper bag for my urine. Pumasok ako sa cubicle at tiningnan muna ang tiyan ko.

Kung buntis ako, mapapahiya ako sa lahat ng tao. At kung hindi naman, lalayuan niya ako.

Naguguluhan ako kung sino ang dapat kong piliin sa dalawa. Marami akong pinagdaanan bago ko nakuha at narating ang posisyon ko, but how about Aiko? Alam ko sa sarili kong nagugustuhan ko na siya, pero hindi ko alam kung kaya ko ba siyang piliin at ipaglaban.

Pagkatapos kong punan ang container, lumabas ako ng cubicle. Ilang paghinga nang malalim at pagdarasal muna ang ginawa ko bago ko napagpasyahang umpisahan ang pag-te-test ng ihi ko sa pregnancy test.

Halos sampung box ang binuksan ko at sabay-sabay na nilagyan ng aking ihi. Mariin akong pumikit at muling huminga nang malalim.

Paano ko sila haharapin lahat pagkatapos nito? Paano ko haharapin si Aiko?

Naguguluhan ako.

Nanginginig ang mga kamay ko at naluluhang tinititigan ang pregnancy test na hawak ko. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, o matutuwa sa nakikita ko.

Two lines... I'm pregnant.

Continue Reading

You'll Also Like

152K 3.1K 11
Paano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isa...
1.7M 18.3K 35
Nang magpakasal ulit ang kanyang ina ay napilitang tumira si Felexis sa bahay ng kanyang Step-Father. Hindi rin niya naisip na mayroon pala itong ana...
922 212 11
Love is the last thing in Alethea Lynette Vargas' list ever after giving birth to her son that means the whole world to her or... so she thought. Al...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...