HUSBAND AND WIFE

By fedejik

125K 6K 575

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 32

2.5K 159 18
By fedejik

CHAPTER 32

Thaddeus Art

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa tapat ng pinto ng suite ni Eren. Halos isang oras pa lang siyang lumabas kasama ang Christoff na iyon ay para na akong masisiraan ng ulo.

Kung ano-ano'ng imahe ang pumapasok sa utak ko!

Mariin akong pumikit at pilit na inalala ang interaksyon nila kanina sa parking lot. Christoff looked nervous. Hindi ko man marinig ang usapan nila, but it looks serious. Nagsenyasan sila at mukhang pupunta pa sa ibang lugar.

Hindi ko na nagawang sumunod sa takot na kung ano pa ang makita ko. I was just wondering if she's not over him. Pero base sa mga kuwento niya, mukhang wala naman siyang masasayang alala sa lalaking iyon. Pero bakit siya sumama? Para ano pa?

Bumuga ako ng hangin at ilang beses na nagpari't parito sa harap ng suite nito. Kung ako ang tatanungin, ayoko nang bumalik pa siya sa lalaking iyon. He has done nothing but hurt her. Hindi ako puwedeng manood lang sa mangyayari at magsawalang-kibo. I need to carefully talk it out to Eren. Hindi ko gugustuhing mahulog na naman siya sa lalaking iyon!

Kulang na lang ay makatulog ako sa paghihintay sa sobrang tagal dumating ni Eren. Kung hindi lang kabastusan na tawagan ito ay baka ginawa ko na.


Halos mag alas-ocho noon nang marinig kong tumunog ang lift. At nang makita nga si Eren ay ganoon na lang ang pasalamat ko. Akala ko ay matutulog pa ako sa harap ng suite niya!

Nang magtagpo ang aming mga mata ay agad na kumunot ang kanyang noo at nagtatanong na tumingin sa akin.

Nang tuluyan siyang makalapit ay wala pa ako sa sariling lumingon sa kanyang likuran para lang masigurong wala itong kasunod. Agad naman akong nakahinga nang maluwag matapos makumpirma iyon.

"Thad? What are you doing here?" bungad niya.

"Can we talk inside?" seryoso kong bungad. Kanina pa ako kating-kati na magtanong.

Nagtataka man ay tumango naman siya at agad na nagtipa ng passcode sa panel. Pakiwari ko ay nadoble pa ang kaba ko.

"Come in," aniya habang naghuhubad ng high heels nito.

Tumango ako at tahimik na sumunod.

"Do you want anything to drink?" alok pa niya matapos magbukas ng ref.

Wala ako sa sariling tumango. "Juice?"

"Do you have any alcohol?"

Biglang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "W-what?"

"I'm sorry. I just thought—"

"May soju ako rito," sabay taas sa green na bote. "Umiinom ka ba nito?"

"T-that's fine," sagot ko na lang kahit na hindi ko pa natitikman iyon.

Nangingiti niyang kinuha ang bote sa loob ng ref bago lumapit sa akin sa sofa at inabot iyon.

"I'll just get—"

Hindi ko na nahintay pa ang sasabihin niya at agad na tinungga iyon.

"A glass..." bulong pa niya. "But yeah, never mind... Have a seat."

Wala ako sa sariling sumunod at patuloy pa ring nilagok ang bote ng alak na iyon. At nang matapos na maubos iyon ay lakas-loob kong hinarap si Eren na noo'y tulalang nakatitig pala sa akin.

"Don't think of getting back to Christoff, Eren. Please," sumamo ko pa.

"Oh-kay... Why not?"

"He doesn't love you... and even if he does, I don't think he's being sincere!"

Gulat siyang tumitig sa akin. Para bang hindi inaasahan ang mga sinasabi ko.

"Think carefully, Eren. Hindi ang klase ni Christoff ang magseseryoso. Huwag kang maniwala sa lalaking iyon!"

"Oh-kay... Why so sudden, huh? Nakita mo ba kami?"

Tumango ako. "Yeah. Hinihintay kita sa parking lot. I didn't know that he was there waiting for you, too."

Tumango-tango siya. "I see..."

"He's an asshole, Eren. I hope you still remember that."

Nagkibit-balikat lang siya at pigil ang ngiting tumitig sa akin.

"What's funny?" Hindi ko na rin napigilang itanong.

Ibig kong magdamdam lalo pa nga at seryoso naman ako sa mga pinagsasabi ko.

"Is it what I think it is?"

Kumunot-noo ako. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Are you jealous?"

Literal akong natigilan sa tanong na iyon. Ilang beses na umawang ang mga labi ko pero wala ni isang salitang lumabas doon.

I am not prepared for that.

"I'm sorry... I thought—"

"I am jealous," seryoso kong sabi na nagpaawang sa mga labi niya.

Kasabay nang pagkatulala niya ay ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

"W-why are you j-jealous?" tanong niya sa maliit na boses.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga. Siguro nga ay kailangan ko na lang harapin kung anoman itong nararamdaman ko.

Bahala na kung hindi man kami parehas ng feelings. Puwede pa rin naman ako sa pagkakaibigan.

"Y-you're important to me, Eren. I like you and I think I'm..." Lumunok ako at lakas-loob na tumitig sa kanyang mga mata. "...in love with you..."

Umawang ang kanyang mga labi at gulat na tumitig sa akin.

"Look, Eren... I know masyadong mabilis. Pero noon pa man, importante ka na sa akin. I care about you a lot. I just realized my feelings after being with you for days. I like the way I am as a person when I'm with you. I feel good about myself."

Nagluluha siyang tumitig sa akin. Hindi ko pa rin mabasa kung ano bang tumatakbo sa isip niya.

"I love you, Eren. I don't expect you to believe me, but I'm fine just being around you. You don't need to love me back. Just let me care for you."

Nang tumulo ang kanyang luha ay lalo akong nataranta. Hindi ko alam kung bakit siya biglang umiyak.

"I am so sorry. I was just concerned. Huwag kang magalit sa akin, please. I just care about you so much. Don't cry, please."

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong tinalon at mahigpit na niyakap.

"I love you too, stupid..." bulong niya.

Saglit kong prinoseso ang sinabi niyang iyon. Pero agad din akong napangiti nang mag sink in na sa akin ang lahat.

Does she feel the same way about me? Really?

Ibinalik ko ang katumbas na higpit ng yakap sa kanya. My heart felt so full. Kulang na lang ay hindi ako makahinga nang maayos. But it's the fullness that felt really good.

Ibinaon ko ang aking mukha sa kurba ng kanyang leeg at ninamnam ang bango noon.

I'm home.

She's my home.


Halos magdamag yata akong hindi nakatulog dahil sa naging pag-uusap namin ni Eren. Well, it wasn't a bad thing. Sa totoo lang, sa sobrang saya ko ay parang gusto ko na lang hilahin ang oras.

Kaya naman matapos kong makagayak ay dali-dali akong lumabas at naghintay sa tapat ng pinto ng suite ni Eren. Dati-rati naman akong hindi conscious sa hitsura ko, pero bago lumabas ay nakailampung beses ako ng tingin sa salamin.

Hindi naman din nagtagal ay nagbukas nang pinto si Eren at gulat pang napatitig sa akin.

"Hi. Good morning..." bati ko pa. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako dinalaw ng hiya.

"Hey... Good morning. Ano'ng ginagawa mo riyan?" nagtataka pang aniya at hinayaang magsara ang pinto sa likod niya.

"Um, ihahatid na kita sa work mo."

Umawang ang kanyang labi. Para bang hindi niya inaasahan iyon.

"T-there's no need for that, Thad. Alam kong busy ka rin sa work mo at magkaiba ang daan natin."

"It's all right. Hindi pa rin naman gano'n kalayo."

"A-are you sure?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. "I think you should get used to it because I'll be doing it every day."

She looked at me like I'd grown another head or something. Am I already overdoing it?

"Was there any problem?" Hindi ko naiwasan ang mag-alala.

Nagbago kaya siya ng isip sa aming dalawa? Na-realize ba niyang nabigla lang siya kagabi at hindi pa siya handa sa relasyon? Or could it be because of his ex-husband? At iyong huling rason ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

Nakangiwi siyang umiling at humugot pa ng malalim na buntonghininga.

"Hindi lang ako sanay..."

"Then, sasanayin na kita... Kung okay lang sa 'yo?"

Ilang saglit din siyang tumitig sa akin bago marahang tumango. "All right."

"Let's go?" Naglahad ako ng kamay dito.

Napatitig lang siya sa kamay kong iyon. Punong-puno pa rin ng pag-aalangan. Siguro nga ay hindi ganoon kadali para sa kanya ang magtiwala ulit. Parehas lang naman kami. Ang pinagkaiba lang, kahit papaano ay nakilala ko na kung ano'ng klaseng babae siya. At naniniwala akong ibang-iba siya kay Lauren.

Ibababa ko na lang sana ang kamay ko nang maagap niyang kinuha iyon at banayad pang pinisil.

"Let's go," nahihiya pang aniya sabay banayad na hila sa akin.

Hindi ko napigilan ang ngumiti nang malapad at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay niyang iyon.

Hindi naman ganoon kalayo ang kompanya nila kung kaya hindi pa rin hassle sa akin ang karagdagang biyahe.

"What time will you be out later? Sunduin kita."

"No, Thad. Baka busy ka sa work mo, nakakahiya naman."

"Hindi naman. Magsasabi ako sa 'yo kung magiging busy man ako. Sa ngayon, ayos lang. Kayang-kaya," nakangiti kong sabi sabay kindat pa rito.

Nahihiya siyang ngumuso bago tumango-tango. "Sige na nga. Ikaw ang bahala."

"Basta tawagan or text na lang kita mamaya."

"S-sige..." tumatangong aniya.

At nang tangka niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan ay inawat ko siya at dali-daling bumaba at umikot sa gawi niya. Ipinagbukas ko siya ng pinto at inalalayang makababa.

"Hindi ka na sana bumaba..." nahihiya pa ring aniya.

"It's all right. See you later. Ingat ka, ha."

"Ikaw rin."

Tumango ako at kahit pa gusto kong humalik sa kanya ay pinigilan ko muna. Ayokong madaliin siya sa kahit na ano. Gusto kong maging komportable siya sa akin.

"Bye..." kumakaway pang aniya.

Tumango ako at banayad na kumaway rin. "Bye. Ingat."

At pinanood ko siya hanggang sa matiyak na nakapasok na siya ng building bago muling paarangkadahin ang sasakyan papunta naman sa kompanya ko.

This is our new beginning.

Hindi ko man naisip na magmamahal akong muli ay masaya akong si Eren ang bagong simula ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

25K 922 41
Akala ni Hyannis buong buhay na siya magiging single kasi wala na siyang ibang pinagka-abalahan pa kundi puro trabaho, trabaho, trabaho para lang mak...
1.4M 67.7K 63
Tubig at langis? Masahol pa roon ang agwat ng katayuan nina Chantal at Jethro sa buhay. She wore and designed fancy clothes while he works as a mecha...
2.7M 66.3K 42
Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight in shining armor. He is my Prince Charmi...
2.5M 29.8K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.