Yesterday and Sunrise

By majestingg

2.1K 185 0

Celestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang... More

Yesterday and Sunrise
Prelude
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 23

49 3 0
By majestingg

Apat na buwan na ang nakalipas magmula nang mangyari ang trahediyang iyon. I suffered a lot, it was such a misfortune to the point that I forced to have a therapy. Kasi noong una, ayaw na ayaw ko pang banggitin iyong mga bagay na iyon. Naririnig ko pa lang, sumisikip na agad iyong dibdib ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

But after four months of therapy, naging okay na rin ako. Hindi ako lumalabas ng bahay no'n dahil natatakot ako kapag nakakakita ako ng mga bata. Ginawa ko rin ang best ko para gumaling nang mas maaga pa, I still have to study. Ayokong mapag-iwanan ng taon. It feels like repeating everything, it feels like a yesterday. And I don't want to feel it again. It's done. My yesterday is already done.

My friends never forgets to visit me. I heard about Drex's ditching his game last intramural. Isang week lang daw siya sa Germany at bumalik din agad ng Pilipinas para tapusin iyong sem. Iyon lang iyong narinig ko about sa kanya for the whole four months. Ngayong nasa school naman ako, and it's been a week since the classes started, but I haven't seen him yet. Not even Danica and Selena who have the same course with him.

"Wala ka nang class this afternoon?" tanong naman ni Danica nang magkasalubong kami sa labas ng school. Kasama niya iyong mga kaklase niya.

Umiling ako. "Meron pa. Why?"

"Where are you going, then? Isang oras lang ang lunch break, baka ma-late ka. Gusto mo hatid kita?"

"Ah, no thanks! Pupunta ako sa 234 street. I'm gonna visit my students. 'Tsaka... Mamayang 5PM pa next class ko." I told Danica to look after my students when I was still suffering in depression. I also asked Terrell, Athena, Isla, and Marlo to be my substitute.

"Hatid na kita."

"Hindi na. Okay lang ako. Besides, I want to try myself if kakayanin ko na bang dumikit sa ibang tao."

"Are you sure?"

Tumango ako.

"Okay, then. Text us na lang if you need some help. Okay?" sabi niya pa saka bumeso sa 'kin.

"Sige. Thanks!"

Tumungo muna akong McDonald's para bumili ng pagkain nila. Sobrang miss na miss ko na rin sila. I can't wait to see them again. Binabalitaan pa rin naman ako nina Athena about them pero iba pa rin kasi talaga kapag ikaw mismo iyong nakaka-witness ng saya nila. Today is Wednesday and I hope na sana mahanap ko sila. I just can't wait any longer. Gusto ko na silang makita.

Pagdating ko sa street, dumeretso muna ako sa bahay nina Magdalene. Sa kanya kasi iyong pinakamalapit at madaling hanapin.

"Tao po?" Kumatok ako ng tatlong beses. Hindi naman tumagal ang pagtayo ko sa harap ng pinto dahil bumukas agad ito at bumungad sa akin ang gulat na itsura ni Magda.

"Ate Tine!" Agad siyang lumapit saka niyakap ako. Nang kumalas siya ay saka ko napansin na mapula ang kanyang mga mata.

Kumunot ang noo ko. "Umiyak ka ba?"

Hindi niya ako sinagot, but instead, hinila niya ako papasok sa loob ng bahay nila at agad na sinara ang pinto.

"Why? What happened?" Nagtatakang tanong ko.

"A-Ate Tine..." I tilted my head out of wonder. "M-May dugo..."

"H-Huh?"

"'Yung shorts ko po... M-May dugo..."

Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Inisip kong mabuti kung ano bang tinutukoy niya. Hanggang sa mapagtanto kong... "You're having your first period?!"

"H-Hindi ko po alam 'yung gagawin ko."

"Oh my, god! Dalaga ka na." Masayang sambit ko. "Go, change and wash your clothes. I'm going to buy a pad for you."

Tumango naman si Magda saka ako lumabas para bumili ng pad. Isang tingiang tindahan lang iyong alam ko rito sa 234 street kaya medyo malayo pa iyong lalakarin ko dahil naka-pwesto pa iyon sa dulo ng street. Nang makarating ako ro'n ay saktong nakita ko sina Shane, Mia, at Niño na naglalaro ng Chinese garter.

"Ate?!" Gulat na saad nila nang makita ako. Hindi pa ako nakaka-response ay agad na nila akong sinalubong ng yakap. "Na-miss ka namin nang sobra, Ate!"

Nang kumalas sila ay napangiti na lang ako nang makita kong umiiyak si Shane. Umupo ako para maka-level ko sila. "Na-miss ko rin kayo..." sabi ko saka pinunasan ang luha ni Shane sa pisngi niya. "Stop crying na..."

Tinawanan naman ni Mia si Shane.

"Naparito ka po, Ate? Hindi pa naman po Sabado, diba?" tanong ni Mia.

I stood up and pat their heads. "Nandito ako dahil miss na miss ko na kayo," sabi ko. "Sumama kayo sa 'kin. May bibilhin lang ako."

Pagkatapos kong bumili ng pads for Magda ay inutusan ko muna silang puntahan si Paco, Pablo at si Simon. And as I arrived at Magda's place, nakita kong nagsasampay na siya ng mga nilabhan niya. Napangiti ako, Somehow, I envy how independent Magda is. But knowing the story behind it, mare-realize mo talaga na life isn't unfair. What I mean is that, may mga bagay na meron ka na wala ang iba, at meron silang bagay na wala ka.

Funny but I find it perfect. Little do we know na iyong kulang talaga iyong kumu-kumpleto sa buhay natin, because if there's no kulang, ano na ang hahanapin mo? Wala nang saysay pa ang buhay mo. Kulang is our motivation to live. Why people are working? Because they have no money. They want to make money dahil gusto nilang magkaroon ng ganoon. And when we say magkaroon—it is the opposite of wala.

"Are you done?" tanong ko. Naagaw ko naman agad ang atensyon niya.

"Ay, hala, Ate! Nandiyan ka na pala." Inabot ko naman agad sa kanya iyong isang pack na binili ko. "Thank you po, Ate!"

"You can use it na now. I'll wait you na lang sa kusina. I'll gonna prepare the food. Alright?" sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Ate... Nakakahiya naman po pagiging inglesera niyo..." Napakamot si Magda sa ulo niya.

Natawa na lang ako. "Hala, sorry! Sorry, hindi ko na rin napapasin. Ang tagal ko na kasing sa bahay lang, e. Did you already change na ba?"

Tumango siya. "Ah, salamat pala rito sa binili mo, Ate. Pero may nakita kasi ako sa drawer ni Mama. Kumuha na lang muna ako."

"Ah, it's okay. Hali ka, tulungan mo na lang ako mag-prepare ng dinala kong food. Papunta na rito sina Shane."

"Magka-klase po ba tayo ngayon, Ate?"

"Uhm, no. Kakain lang tayo. Okay lang ba na rito tayo?"

She quickly nodded. "Oo naman po! Walang problema."

Nagsimula na kaming mag-ayos ni Magda. Saktong pagkatapos namin ay dumating na rin sina Shane, Mia, Niño, Simon at si Juan. Nagtaka naman ako dahil wala si Paco.

"Saan si Kuya Paco mo, Juan?" tanong ko sa nakaba-batang kapatid nito.

"Nagta-trabaho po," sagot naman ni Juan na siyang ikinakunot ng noo ko. Paco's already working? But he's just a 12 years old.

"Ah, Ate. Opo... pero ang sabi niya, bawal daw namin po sasabihin sa inyo. Dapat siya na lang daw ang magsabi sa 'yo," sambit naman ni Magda.

Tumango-tango na lang ako dahil naiintindihan ko sila. Hindi na ako nagtanong pa pagkatapos at niyaya ko na silang lahat na kumain. Nagkuwentuhan lang kami about sa mga nangyari sa kanila noong wala ako. Kinwento nila kung gaanong natatakot sila kay Danica, gaanong strict ni Terrell, gaano ka-baliw si Athena at Marlo, at kung gaano naman kalambing si Isla. But what I was wondering... Bakit hindi ko man lang narinig iyong pangalan ni Drex sa kanila? Hindi na rin ba siya bumisita sa mga bata?

"Uhm... class... Aside sa pumunta ako rito dahil miss na miss ko na kayo, gusto ko lang sana sabihin sa inyo na paaaralin ko na kayo sa mismong eskwelahan." Nakangiting sambit ko sa kanila.

I was expecting them to be happy, but they're all remained silent. Hindi ko maiwasang magtaka.

"Ate, wala pong magbabantay ng bahay namin," sabi naman ni Magda.

"Wala rin pong maiiwan kay Niño, Ate..." sabi naman ni Shane.

"Ako, okay lang sa akin, Ate... pero nakakalungkot lang na hindi ko po sila makakasama. Kaya huwag na lang po..." dagdag pa ni Mia.

"Tatanong ko lang po si Papa, baka hindi niya ako payagan. Wala na kasi siyang mauutusan sa bahay..." Simon said.

Hearing those words from them made my heart broken. Not because they rejected my offer, but because of their reasons... Sobrang bata pa nila para maranasan iyon... Iyong mga ganitong edad dapat nasa eskwelehan 'to, e. Hindi pwedeng ganito na lang kami lagi. Hindi dapat nila nararanasan 'yang mga ganyang bagay...

I sighed. "Pero gusto niyo namang makapag-aral, diba?"

Tumango silang lahat.

"I promise, hihingi ako ng tulong kay Dad. You all know him, right?"

Tumango naman sila. "Si Congressman po."

"Yes. I'm gonna ask for his help na lang to convince your parents. Please, huwag kayong matakot sa parents niyo, okay? Mas matakot kayo kapag hindi kayo nakapag-aral. Kailangan niyong ituloy 'to." They need to continue reaching their dreams. Kasi hindi naman ibig sabihin na kapag wala na silang makitang daan, hindi na sila magpapatuloy sa paglalakad.

Pumayag naman silang lahat. Hindi na rin ako tumagal doon dahil may lalakaran pa ako. Nagpaalam na ako sa kanila at saka naman ako dumeretso sa Tea O'clock ni Drex.

I could feel that my knees were trembling as I am taking upstairs. Ramdam na ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kung hindi ko man siya makita sa school, baka makikita ko siya rito. I just want to make sure if he's doing okay. Huling punta niya ay iyong pagluhod ni Dad sa harap naming dalawa. And he was so affected... Nag-aalala lang ako na baka hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin iyon.

Hindi pa naman talag ako totally okay, but since I am taking a therapy, medyo gumagaan iyong pakiramdam ko. But Drex? I don't know.

Huminga akong malalim bago ko buksan iyong pinto, but as soon as I entered the shop, my eyes widened as I saw Paco wearing an apron.

"Ate..." Gulat niya ring sambit nang makita ako.

I was too stunned to speak. Is Drex helping him?

Tumingin ako sa saglit sa paligid to check if Drex is here, pagkatapos ay binalik ko rin agad ang atensyon kay Paco. "Nagta-trabaho ka rito?"

Napaiwas ng tingin si Paco saka marahang tumango. Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa akin. "Assistant lang po..."

"May gagawin ka ba? Maghihintay lang ako rito hanggang sa hindi ka na occupied. Gusto lang kitang makausap sandali."

"Ah, sige po, Ate. Teka lang po. Upo po muna kayo ro'n." Napatingin ako sa kung saan siya nakaturo. "Sige po, Ate. Alis na ako." Narinig kong sambit ni Paco.

Nanatili ang mga mata ko sa pwestong tinuro niya. Marahan akong naglakad palapit doon, bumilis ang tibok ng puso ko nang maikumpirma ko kung anong monoline art ang nakaguhit doon. Nang tuluyan akong makalapit, a memories with Drex flashes through my mind.

"Diyan talaga pwesto mo, 'no? Nung una kitang nakita rito, diyan din 'yon!" Parang pagalit niyang sambit. Natawa na lang ako dahil kanina niya pa akong pinipilit na lumipat doon sa may swing chair. E, ayoko ro'n dahil nakakahilo.

"It's just that... malapit sa plant. Malamig," sabi ko naman. "Dark chocolate lang order ko now," dagdag ko pa.

Tumayo naman siya saka lumapit doon sa counter. Nakakatuwa rin 'tong si Drex dahil kahit na pagma-may-ari niya 'to, nagagawa niya pa ring umakto na parang ordinaryong costumer lang. Gusto niya raw kasi na maging comfortable sa kanya iyong mga trabahante niya, since mga kaedaran lang naman din namin halos lahat.

I turned on my phone to check if anong oras na ba dahil may class pa si Drex mamayang 2PM. Galing pa kasi kami sa isang school supplies kanina dahil bumili siya ng journal sheets niya. Medyo natagalan kaya medyo late na kami nakalabas. Bumili na lang kami ng pastil sa may mga street foods para rito na lang daw namin kakainin sa shop niya.

"Eiffel tower?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko si Drex. Umupo siya ulit sa harap ko saka naglahad ng kutsara't tinidor.

I turned off my phone again at binalik na iyon sa ba ko. "Yes, it's my dream place." I set it as my lockscreen, it motivates me.

"Kailan mo balak pumunta ro'n? Sama mo naman ako," aniya habang binubuksan iyong pastil. Ang weird lang dahil nasa tea shop kami tapos ganito ang kinakain namin. Sa mismong pinagma-may-arian niya pa.

Natawa ako. "I want to go there, alone." I said, emphasizing the word alone.

"Alam mo ba na ang Paris ay tinaguriang city of love because it has a romantic vibes? And you want to go there alone? Hello?"

"Self-love tawag do'n."

It's Eiffel tower.

Napatingin ako sa bracelet na binigay niya. Hanggang ngayon ay sinusuot-suot ko pa rin.

"Hello, Ma'am. How may I help you?" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang bigla ko na lang marinig iyon. Nang nilingon ko iyon, isang babaeng may suot ding uniform katulad ng kay Paco.

Kumunot iyong noo ko sa pagtataka. Tumungin-tingin muna ako sa paligid before I went back my attention to her. "Magli-linya na lang po ako," sagot ko. Wala namang ganitong role sa mga crews ni Drex noon, e. Dumami ba ang trabahante niya?

"No, it's okay po, Ma'am. You're special po kasi!" Masayang sambit niya.

"Special?"

Tumango siya. "Opo. Sabi kasi sa 'min ng Boss namin, exclusive for someone lang daw 'yang table na 'yan. Also, si Paco lang daw 'yung nakakakilala no'n. Since mukhang ikaw nga 'yon, you're special po! So, ano na pong order niyo?"

I looked at her name plate.

Ysabelle Racaza.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...