Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.3K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 33

927 47 8
By MaybelAbutar

Maagang nagsimula ang araw ni Hurricane kinabukasan. Magkakaroon sila ng feeding program para sa mga bata at magbibigay ng mga regalo habang inaayos ang pasilidad para sa mga ito. 

Nasanay na rin si Hurricane na manatili kasama ng kanyang team kung saan ginagawa ang programa. Kung ano ang ginagawa at kinakain ng iba, ganoon din siya. Hindi niya hinayaan na may special treatment sa kanya. Kagustuhan niyang pantay-pantay ang turingan ng bawat isa na malaki ang naitulong sa samahan nila. 

"This is for you," Nakangiti niyang sabi sa isang bata ng ibigay niya ang Nutri-food nito.

Tatlo silang nagbibigay ng mga Nutri-food para sa mga bata. Inaalalayan naman ng mga madre ang maliliit na bata sa pagkain. 

"Salamat po, Ate!" Masaya nitong sabi at nagtungo sa mahabang mesa na naroon. 

"Ito naman ay para sa napaka-cute na batang ito," Puri niya sa batang lalaki. 

Bahagya pa itong namula at nakatungong tinanggap ang pagkain. 

"S-salamat po, Ate." Nahihiya nitong sabi.

Hindi napigilan ni Hurricane na pisilin ang mataba nitong pisngi. 

"Ang cute mo naman. Anong pangalan mo Baby boy?" Nakangiti niyang tanong. 

Mas lalong pumula ang bata at pilit iniiwasan ang paningin niya. 

"H-harmy po," Nahihiya nitong sagot. 

"Ilang taon ka na?" Muli niyang tanong. 

Nakita naman niya ang pagkailang nito kaya mas lumawak ang ngiti niya rito. 

"It's okay. Enjoy your food, Harmy." Hindi niya napigilan na halikan ito sa noo na ikinagulat ng bata. 

Tumakbo ito palayo sa kanya. 

"Wait, Harmy!"

Kinuha niya ang iniwan nitong pagkain bago ito sundan. Nahirapan pa siyang habulin ang bata dahil sa bilis nitong tumakbo. Tumigil lang ang bata at nagtago sa likuran ng bagong dating na lalaki. 

Kusa ring tumigil si Hurricane sa pagtakbo ng makita si Primo. Hindi rin niya naiwasan na palihim itong ilarawan sa kanyang isip. Mas mukha itong presko ngayon kesa kahapon. Simpleng white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko ang suot nito pero kapansin-pansin na bahagyang lumaki ang katawan nito sa nakalipas na mga taon.

He's aura become dangerous dahil sa seryoso nitong itsura. Now she's wonder what happened to him after so many years.

"Are you listening?"

Bahagyang nagulat si Hurricane ng marinig ang boses nito.

"S-sorry. May sinasabi ka ba?" tanong niya.

Tinago niya ang hiya sa posibilidad na nakita nito ang palihim niyang pagmamasid sa itsura nito.

"I'm asking why are you chasing this little man?" Seryoso nitong tanong.

Tumingin naman siya sa batang nakatago sa likuran nito.

"I'm giving his food," Sagot niya sabay pakita sa dalang pagkain.

Nagulat naman si Hurricane ng lumuhod ito sa harapan ng bata at bahagyang ngumiti. Naantig ang puso niya ng masuyo nitong hinaplos ang mukha ng bata. May kumurot naman sa kanyang puso ng malambing nitong tanungin ang bata.

"You need to eat, Little man. Why did you run away?"

Sumulyap sa kanya ang bata bago ito muling tumingin sa lalaki.

"Natatakot po ako sa kanya," Sagot ng bata.

Nalungkot si Hurricane dahil sa sagot nito. Nagtangka siyang lumapit pero pilit nitong tinatago ang sarili sa bulto ni Primo. Sinenyasan naman siya ni Primo na huwag munang lumapit. Nanatili siya sa pwesto habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Why?"

Napansin niya na lalong tumungo ang bata. Pinaglaruan din nito ang laylayan ng damit.

"K-kasi po hinalikan niya ako. Sabi po kasi ni Sister Mariam bawal halikan ng lalaki ang babae kung hindi niya ito pakakasalan. Ibig sabihin bawal din pong halikan ng babae ang lalaki. Paano niya po ako pakakasalan, e bata pa po ako. Hindi ko rin po kayang maghanapbuhay para sa kanya. Kahit sobra po niyang ganda, hindi pa rin nararapat na siya ang bubuhay sa akin. Ako po ang lalaki dapat responsibilidad ko siya,"

Natulala naman si Hurricane sa paliwanag ng bata. Hindi niya akalain na may ganito itong mindset. Sa tingin niya na sa 6 to 7 years old lang ito pero ganun na mag-isip.

Napalunok naman siya ng tumingin si Primo sa direksyon niya.

"Why did you kiss him?" Seryoso nitong tanong.

"What?" Gulat naman niyang sabi.

Hindi niya maunawaan ang gusto nitong iparating sa kanya.

"I said, why did you kiss him? He's too young for that."

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito.

"Are you serious?"

"Do I look like I'm joking?"

Napailing si Hurricane. Hindi naman ito mukhang nagbibiro dahil sa seryoso nitong itsura pero ang isipin na parang pinagsamantalahan niya ang bata ay isang malaking kalokohan.

Mabilis naman siyang nakalapit sa lalaki at hinila ito palayo sa bata.

"Bakit sinasang-ayunan mo ang iniisip ng bata? Dapat ipaliwanag mo na hindi tama na mag-isip siya ng ganoon. Bata pa siya! Dinidiin mo pa ako sa harapan niya!" Bulong niya rito para hindi mahalata ng bata ang gigil niya.

Bahagya pa siyang sumulyap sa bata na nagtatakang nakatingin sa kanila.

"You can't kiss someone without their permission," Sagot nito.

"He's a cute and adorable child. 

It's not a big deal to kiss him!"

"But it was a big deal for him,"

"Kaya dapat nating ipaunawa sa kanya na-"

"Ikikiss mo rin po ba siya?"

Napatigil si Hurricane dahil sa tanong ng bata. Kunot-noo siyang tumingin dito bago bumalik ang paningin kay Primo. Agad siyang umatras ng makitang sobrang lapit nila sa isa't-isa pero nagulat siya ng hapitin nito palapit ang kanyang baywang. Naramdaman niya ang kuryenteng dumaloy sa kanya ng maglapat ang kanilang katawan.

"W-what are you doing?" Kinakabahan niyang tanong.

Napalunok siya ng unti-unti nitong ilapit ang mukha sa kanya.

'Sh't!' sigaw niya sa isip pero iba ang isinisigaw ng kanyang puso.

Her body wanted him to kiss her and she unconsciously close her eyes to wait for the kiss. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha na nagpapatunay na sobrang lapit nito.

"As much as I want to kiss you but I can't. I can't do it in front of a curious little man watching us,"

Napamulat si Hurricane ng maramdaman ang labi nito sa kanyang noo bago siya bitawan ng lalaki. Nagtungo ito sa harapan ng bata habang siya'y hindi pa rin makapaniwala sa ginawa nito. 

"Little man," Muli nitong hinarap ang bata. "Ang pagpapakasal ay nasusukat sa pagmamahalan ng dalawang tao at hindi sa isang halik lang. Maraming klase ng halik at masyado ka pang bata para isipin iyon," Paliwanag nito sa bata at marahang ginulo ang buhok nito.

"E, ano pong klase ng halik ang ginawa mo kanina?" Curious nitong tanong.

"Huwag mo ng isipin ang bagay na 'yon," Mahinahong sagot ni Primo.

"Gusto ko pong malaman dahil ganun din po ang ginawa niya sa akin kanina," Pagpupumilit ng bata.

"Pagmamahal," Sagot ni Primo. 

Napahawak si Hurricane sa kanyang dibdib ng malakas iyong tumibok.

"Ibig sabihin po mahal niya ako at mahal mo rin siya?"

Naghintay rin si Hurricane ng sagot mula kay Primo pero hindi iyon nangyari ng akayin nito ang bata palapit sa kanya.

"Ask her, little man." Sambit nito sa bata.

Kunot noo namang nakatingin sa kanya si Harmy.

Bahagya siyang ngumiti at yumukod sa bata kahit naiilang siya sa titig ni Primo.

"I kiss you because you're adorable," Paliwanag niya sa bata.

"Kaya po ba hinalikan ka ni Kuya dahil adorable ka rin?"

Naramdaman niya ang bahagyang pag-init ng pisngi sa tanong ng bata.

"M-maybe?" Hindi niya siguradong sagot. "Tulad ng sinabi sa'yo ni Kuya kanina, huwag mo ng isipin iyon ah. Hinihintay ka na ng mga kasama mo sa hapagkainan. Halika na," Nakangiti niyang sabi bago ilahad ang kanyang kamay.

Inabot naman nito ang kamay sa kanya kaya mas lumapad ang kanyang ngiti. Nasamid naman siya ng makasalubong ang tingin ni Primo.

"Ma'am!" Narinig niyang tawag ni Mianne kaya hinarap niya ito, "Say cheese!" Sambit nito habang hawak ang phone na nakaharap sa kanila. "Souvenir lang Ma'am," Muli nitong sabi.

Bahagya naman siyang ngumiti pero sumimangot si Mianne.

"Closer!" Muli nitong sabi.

"Pwede ba Mianne, tigilan mo na 'yan." Saway niya sa Assistant.

"Isa lang Ma'am! Para kasi kayong kumpletong pamilya,"

Bumalik sa seryoso ang kanyang itsura sa sinabi ni Mianne. Binitawan niya ang kamay ni Harmy at ibinigay niya sa bata ang pagkain.

"Sumama ka na lang kay Kuya ah," Bilin niya sa bata bago tumalikod sa mga ito. Hindi niya pinansin ang tawag ni Mianne sa kanya.

...

...

Nakarating si Hurricane sa likod ng simbahan. Natatanaw niya ang malawak na sakahan mula sa kanyang pwesto. May nakita naman siyang duyan kaya umupo siya roon at marahang dinuduyan ang sarili. 

Muling bumalik sa kanyang isip ang sinabi ni Mianne. Dapat balewala lang iyon sa kanya pero naapektuhan pa rin siya.

'Kumpletong pamilya?' Pagak siyang natawa sa naisip. Malabong mangyari 'yon!

Naramdaman niyang may pumigil sa paggalaw ang duyan kaya lumingon siya sa likuran.

"What the-" Napaatras ang sasabihin niya ng makita ang seryosong itsura ni Primo.

"Let's talk." Madiin nitong sabi.

Umikot ito sa harapan niya at bahagyang yumukod para magkapantay sila. Nakaluhod ang isa nitong tuhod habang mataman itong nakatingin sa kanya.

"What do you want?" Iwas tingin niyang tanong pero hinawakan nito ang mukha niya para tumingin dito. "What are you doing?" Tinabig niya ang kamay nito.

"Why did you left me?" May hinanakit nitong tanong. 

"What?"

"Why did you left me?" Ulit nito sa tanong kanina. Narinig naman niya iyon pero hindi lang siya makapaniwala na itatanong nito ang bagay na iyon. "Why did you left me that night, Hurricane? Why?"

Umiwas siya ng tingin sa lalaki. Nasasaktan siya habang pinagmamasdan ang sakit na rumehistro sa mga mata nito. Hindi niya ito kayang tingnan sa ganoong itsura.

"Look at me, Hurricane. P-please!"

Hindi niya nakayanan ng nabasag ang boses ni Primo. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi na mabilis niyang pinahid.

"Y-you're talking nonsense, Primo." Seryoso niyang sagot. 

"It make sense to me, Hurricane. Everything about you, make sense!" Diin nito sa sinasabi.

"That night," Napapikit si Hurricane ng muling sumagi sa kanyang isip ang nangyari sa kanila ng gabing 'yon. Pilit niyang inaalis ang kaisipang iyong kaya sinalubong niya ang tingin ni Primo. "It was a mistake,"

No. It wasn't a mistake. She loves what happened that night pero ayaw na niya iyong balikan.

"Mistake?" Hindi makapaniwala nitong sabi. Tumayo ito at ginulo ang sariling buhok deretso sa mukha nito. Paulit-ulit nitong hinihilamos ng palad ang mukha na tila ginising ang sarili sa isang panaginip. "All along it was a mistake for you? While me," Turo nito sa sarili. "I am holding the possibility that you love me too?"

Masakit para kay Hurricane na makita itong nasasaktan dahil sa nangyari ng gabing iyon.

"Whatever happened that night, it's already happened without a reason. Don't bring back the past, Primo."

"D'mmit, Hurricane!"

Nagulat siya ng tumaas ang boses nito at suntukin ang punong pinagtalian ng sinasakyan niyang duyan.

"Bullsh't! Argh!" Paulit-ulit nitong sinuntok ang puno.

Tumayo naman si Hurricane at pinigilan ito sa pananakit sa sarili. Hinawakan niya ang kamay nito at hinarang ang sarili sa puno. 

"Stop it! Are you insane?!" sigaw niya rito.

"Maybe I am," Walang buhay nitong sabi. "Thinking of you makes me crazy. I want to sleep early hoping to see you in my dreams. I'm hugging you even though I know that you're not real just to feel I'm complete. I lost myself, Hurricane. You left my heart with you. Do you think I'm still normal? Is it normal to hold memories from four years ago with unclear possibilities?"

Walang maapuhap na salita si Hurricane. Tanging pagsikip ng kanyang dibdib ang nararamdaman niya ngayon. Nasasaktan siya sa mga naririnig mula kay Primo. Hindi niya akalain na ganito ang magiging epekto ng kanyang paglayo sa lalaki.

"Quirie is right. They are right by forcing me to move on. It's painful to love you, Princess."

Tumulo ang pinipigilang luha ni Hurricane ng talikuran siya ni Primo. That was a biggest heartache she experienced in her life. Akala niya wala ng sasakit pa simula ng manirahan siya sa France pero mas masakit palang marinig na tila nagsisisi ang taong mahal mo na minahal ka niya. 

"I'm hurting too, Primo." sambit niya habang umiiyak. "Pero ayokong sumira ng pamilya para lang sumaya. Ayokong maranasan ng ibang bata ang hindi kumpletong pamilya tulad ng-"

"Masakit talaga ang magmahal,"

Pinahid ni Hurricane ang luha para hanapin kung saan galing ang boses.

Nakita niya ang isang madre na nakatanaw sa malawak na sakahan.

"Sabi nila kung hindi mo naranasan ang masaktan hindi mo mararanasan ang totoong pagmamahal," Muli nitong sabi.

Parang slow motion ito sa kanyang paningin ng humarap ito sa kanya

"Hi, ako nga pala si Sister Mariam. Iyon ang tawag nila sa akin dito pero hindi ko alam kung sino talaga ako. Ang sabi nila may amnesia raw ako kaya ganoon pero hinayaan ko na lang masaya naman ako rito e. Ikaw anong pangalan mo?" Mahaba nitong sabi habang nakangiti. 

Nakanganga lang siya rito at hindi makapaniwalang na sa harapan niya ang babae.

"L-ley?"

...

...

...

Mabuhay ang buhay! Hahaha!

Sa gustong hulaan ang sagot dito, fill in the blank: "Pero ayokong sumira ng pamilya para lang sumaya. Ayokong maranasan ng ibang bata ang hindi kumpletong pamilya tulad ng_____."

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats

Continue Reading

You'll Also Like

200K 8.3K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
10.7K 667 35
I. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need...
1.1K 99 15
Her name was Rose. Lia Rose. - @2021
1.9K 61 22
Naatasan sa isang mapanganib na misyon, mapanganib man ngunit balewala ito kay Nikki basta't makapaglingkod lamang sa inang bayan. Buhay ang nakataya...