HUSBAND AND WIFE

By fedejik

124K 6K 575

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 28

2.4K 137 24
By fedejik

CHAPTER 28

Serenity

Kinabukasan ay maaga akong gumising at nag-ayos. Pero nang matitigan ko ang aking sarili sa salamin ay ngumiwi ako at agad na binura ang makeup na inilagay sa mukha. I think I am overdoing it.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tamad na umalis sa harap ng salamin. Sa aminin ko man at sa hindi, alam kong nagkakagusto ako kay Thad.

At doon ako natatakot.

Natatakot akong mahulog na naman nang husto at masaktan lang din sa huli. Ganitong-ganito ako noon kay Christoff. Inakala kong gusto niya ako dahil sa atensyong ibinibigay niya sa akin, tapos iyon pala ay hindi. Possibleng concern lang sa akin si Thad. Baka iyon lang iyon.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at mariing pumikit. Siguro ang mabuting gawin ay i-enjoy na lang kung anoman ang mayroon sa amin ni Thad. Hindi na lang ako aasa na higit pa sa pagkakaibigan ang gusto niya sa akin. Dahil sa totoo lang, parang ang labo naman kasi. Dati akong asawa ng lalaking kinamumuhian niya. Kung sa akin naman, wala naman sana akong galit kay Lauren dahil umpisa pa lang naman, alam kong hindi ako mahal ni Christoff. Kung nakaramdam man ako ng galit para rito, iyon ay dahil pinagtaksilan niya ang mabuting asawa  na gaya ni Thad.

Hindi nagtagal ay tumunog ang doorbell. Isang beses kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili bago lumabas sa suite.

Bumungad sa akin si Thad na noo'y gwapong-gwapo sa suot nitong white polo shirt at black pants.

Oh, yeah... He's so damn hot!

"Shall we?" nakangiti pang aniya.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ang lakas na naman ng pintig ng puso ko. Nababaliw na nga yata ako.

Nang makarating kami sa parking lot ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan nito. Nakita ko na siyang ginawa ang ganito sa kanyang asawa. Hindi pa rin talaga nabago ang pagiging gentlemanly niya.

"You look really pretty even without makeup," aniya habang titig na titig sa aking mukha.

Ngumuso ako at yumuko para ikubli ang pamumula ng aking mga pisngi.

"Pero may makeup ka man o wala, basta happy ka, ayos 'yon."

Hindi ko na nagawang mag-react sa sinabi niyang iyon. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng building. Kahit pa sa simpleng pagmamaneho ay hindi ko maiwasan ang mamangha. He looked really manly when he's on the wheel.

At tulad nga nang sabi niya, halos fifteen minutes lang ay nakarating kami sa company satellite. Hindi man kalakihan tingnan ang building sa labas, pagpasok naman sa loob ay malaki iyon at mataas ang ceiling.

Maayos na nakalinya ang mga makina at bawat isa ay ino-operate ng mga empleyado. Bawat damit na natatahi ay kinukuha rin agad at dinadala sa ibang department.

"Ganito pala ang production ninyo. Parang ang bilis..."

"Yeah. Pero may times na kinakapos pa rin kami sa tao kapag sobrang laki ng kailangang i-meet na quota."

Inikot namin ang buong tahian at ipinakita niya sa akin ang buong proseso kung papaano nabubuo ang damit. Nalibang ako sa panonood at hindi namin namalayan ang oras.

"Boss, ang ganda naman po ng girlfriend ninyo," biro ng babaeng empleyada nito.

Ngumuso ako at tiningnan ang reaksyon ni Thad na napakamot lang ng ulo.

"Bagay na bagay po kayo, boss," dagdag pa nito sabay kindat.

"Bagay ba talaga?" biro rin naman ni Thad sabay kindat din sa akin.

"Opo. Sobrang bagay po!"

"Nambola pa 'to. Sige na at bumalik na kayo sa trabaho."

"Isang kiss naman diyan, boss!" pahabol pa nito na nagpatawa lang sa amin.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa hindi pagtatama ni Thad sa isip nito.

"Pasensya ka na sa mga tao ko. Ikaw pa lang kasi ang babaeng dinala ko rito," paliwanag pa niya habang binabagtas namin ang aisle sa kahabaan ng building.

"Talaga ba? Kaya pala kanina pa nila tayo sinusundan ng tingin." Pahapyaw akong tumingin sa mga taong nakasubaybay pa rin sa amin.

"Let's go to my office. Nagpagayak ako ng lunch."

"Ay!"

Maagap niya akong nahawakan sa braso nang mapatid ako sa telang nakahalang.

"Are you okay?" nag-aalala pa niyang dinungaw ang aking mukha.

Ibig kong ma-conscious na naman dahil doon.

"A-ayos lang ako. Hindi ko napansin."

Sinenyasan niya ang tao niyang malapit at sinabihang ayusin ang nakahalang na tela.

Mahigpit niyang ginagap ang aking kamay at tipid na ngumiti. "Para lang hindi ka madapa," nangingiti pang paliwanag niya bago banayad akong hilahin palayo roon.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang paglapad ng ngiti. Sa ginawa niya'y mukha talaga kaming magkasintahan.

And for the first time in my life, kinilig ako ng bongga!

Nang makapasok kami sa opisina niya ay nakagayak na nga roon ang aming pagkain.

"Boss, kakausapin daw po kayo ni Sir Simon."

Tumango siya at sinenyasan akong sasagutin lang ang tawag sa telepono. Diretso siyang nakatayo habang seryosong nakikinig sa kausap. Saglit akong nabato-balani sa sobrang astig niyang makipag-usap. Feeling ko ay nadagdagan ng 100% ang kagwapuhan niyang iyon. Hindi ko maikumpara si Christoff sa kanya dahil hindi ko naman nasaksihan sa trabaho ang dati kong asawa.

"I'll check the shipment details and I'll get back to you, sir," pagtatapos pa niya sa usapan.

Saglit pa siyang tumango-tango bago tuluyang magpaalam sa kausap.

"Sorry about that," pormal pang aniya at pinagsilbihan na agad ako.

Tahimik akong nagmasid habang pinagsisilbihan ako sa pagkain at maging sa inumin. Maging ang ganitong pag-aasikaso ay sobrang bago sa akin.

"Were you like this with your ex-wife?" Hindi ko napigilang itanong.

Saglit siyang nagulat sa tanong pero bandang huli ay tumango rin. "Yeah. Hindi naman dapat pang magkasintahan lang ang pag-aasikaso. Sa mag-asawa dapat ganoon din, 'di ba?"

Humugot ako ng malalim na buntonghininga. "Then, she's not in the proper mind... Kung ako man siguro ang asawa mo noon, baka nakontento na ako. Hindi na ako naghanap ng iba."

Mapakla siyang ngumiti. "Ikaw 'yon... I guess it's different to her."

"Pero sinubukan n'yo namang i-work out, 'di ba?"

Malungkot siyang tumango. "We did. But on the process, ang sarili ko na ang hindi ko nagustuhan. Palagi na akong nagdududa kahit pa wala na siyang ginagawa. I don't know. Sinubukan ko namang ibalik ang tiwala... pero siguro nga, may mga bagay na mahirap na ibalik kahit na ano pang subok."

"Haist... Kung alam lang niya ang inggit ko sa kanya noon. Nasayangan ako sa pagsasama ninyo. Ang sweet pa naman niya."

Tanging mapait na ngiti lang ang isinagot niya. "Let's not talk about other people, hmm? Kumain na lang tayo."

Tumango ako. Siguro nga ay mahirap pa para sa kanya balikan ang nakaraan dahil minahal naman din siya ni Lauren.

Matapos kumain ay saglit kaming nagpahinga bago magdesisyong umalis na.

"May gusto ka pang puntahan?" tanong niya.

Saglit akong nag-isip. "Manood tayo ng sine?"

"All right."

Ngumisi ako at bahagya pang napapalakpak. Hindi ko alam kung date na bang matatawag ang paglabas naming 'to.

Pero oo nga pala... friend's date. Iyon ang dapat na nakatanim sa utak ko.

Nang makarating kami sa sinehan ay napili naming manood ng action movie. Sobrang na-excite ako sa panonood lalo pa nga't sa huling tanda ko ay nasa college pa ang huli kong pasok sa sinehan. Hindi naman ako niyayang lumabas ni Christoff kahit na kailan. Kung nangyari mang kumain kami sa labas noon, ako ang nagyaya at hindi siya.

Tutok na tutok kaming dalawa sa screen nang aksidenteng nagkasabay kami sa pagkuha ng popcorn. Nahawakan niya ang kamay ko at sabay kaming natigilan dahil doon. Nag holding hands kami kanina, pero dahil alam kong inalalayan lang niya ako. Pero ito... yeah... aksidente lang.

"S-sorry..." nakangiwi akong bumulong.

"I'm not sorry..." aniya sabay gagap sa kamay ko.

Gulat na umawang ang labi ko at napatitig na lang sa kanya.

"Hawakan mong maigi ang popcorn," mahigpit na bilin pa niya sabay sulyap sa popcorn na nasa ibabaw ng mga hita ko, "Ako nang magsubo sa 'yo."

May kung ilang segundo ko ring prinoseso iyon bago wala sa sariling tumango.

Hindi niya binitiwan ang kamay ko at sa halip ay ginamit ang libreng kamay na siyang ipinangsubo sa akin.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang ngumiti nang malapad. Mahusay din pumaraan ang lalaking 'to, a. Pero nagho-holding hands ba ang magkaibigan lang?

Pasikreto akong sumulyap sa kanya at kita kong tutok na tutok pa rin siya sa pinapanood.

Natapos ang movie na magkahawak pa rin ang aming kamay. Nang magsindi ang ilaw sa sinehan ay gulat niyang binitiwan ang aking kamay nang makita ang dalawang pares ng mga matang nakatitig sa amin.

At ganoon na lang din ang gulat ko nang matanto kung sino iyon. Si Lauren kasama ang marahil ay kaibigan nito.

Hindi ko man gusto ay nadismaya ako sa reaksyon niyang iyon.

Mukhang affected pa rin siya kay Lauren.

Seryosong lumapit sa amin si Lauren habang ang sama ng tingin sa akin. Bahagya akong nakaramdam ng guilt kahit na alam kong matagal na silang hiwalay.

"Long time no see, Thad," bati pa nito.

Tipid na tumango si Thad. Hindi ko mabasa kung ano'ng tumatakbo sa isip niya.

"Hi, Eren. Kailan ka pa nakabalik?" Pilit pa itong ngumiti sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin iyon.

"This week lang..." mapakla kong sagot.

"I see... Nagkita na kayo ni Christoff?"

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago marahang umiling.

"He's not my concern anymore. If you'll excuse me," iwas ko pa.

Wala akong balak makipag-bonding or something. Nanguna ako sa pagtayo at tangka sanang aalis nang tumayo rin si Thad at sumunod sa akin.

"It's okay, Thad. Baka may kailangan pa kayong pag-usapan ni Lauren."

"No, Eren. I'll come with you," malamig pa niyang sabi bago bumaling kay Lauren. "We'll go ahead, Lauren."

"M-maybe we can have dinner sometime?" hirit pa nito.

"We'll see," tanging sagot ni Thad dito.

"Bye, Thad," kumakaway na paalam pa ni Lauren dito at sarcastic na ngiti naman sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

367K 14K 50
Terrence will always be Chloe's first love. Lumaki silang magkababata ng lalaki, pero ang batang puso niya ay maaga ring nahulog dito. Lantarang ipin...
88.2K 1.7K 13
A guy who's afraid of commitment... and the girl he loves the most. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (Twitter)
866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
368K 7.2K 30
SG: 4th He believes in love. The annoying feeling of that skipping heartbeat whenever that lucky woman was around. He want to meet that green jealou...