HUSBAND AND WIFE

By fedejik

124K 6K 575

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 20

2.1K 107 11
By fedejik

CHAPTER 20

Thaddeus Art


Gabi nang makauwi si Lauren. Pinilit kong magpakakaswal kahit pa nagpupuyos ang damdamin ko.

"I am so sorry, hon. Hindi ko na narinig ang tawag at messages mo. Naka-silent kasi at may kausap akong mga client."

Tumango ako at mapait na ngumiti. Alam kong ang susunod kong tanong ay maaaring sumira sa tiwalang mayroon ako. Pero kailangan kong malaman kung sasagot nga ba siya ng totoo or hindi.

"Sino'ng kasama mo?"

"Um, si Everett... Sabi nga ni Joan nagpunta ka sa opisina. I'm sorry talaga, hon..."

Tumango ako. At least she didn't lie about who was with her. Though, I knew that there is a possibility na iyon ang sinagot ng secretary niya dahil iyon ang binilin niya.

"Saan ba kayo nakarating?"

"Sa tabi-tabi lang din. Hindi naman kami solong lumabas ni Everett. Mga client ang kasama namin."

"Kilala ko ba ang mga client na 'yan?"

Mabilis siyang umiling. "I don't think so..."

Kumunot ako. Kung hindi man siya ang nagtataksil, ibig bang sabihin ay pinagtatakpan niya ang affair nina Christoff at Marie Antoinette? Suportado niya ang mga iyon dahil kaibigan niya?

She must be fucking kidding me.

"Maghapon mo bang kasama ang mga kliyente mo?"

"Oo, e... Pero si Everett, nauna na siyang umuwi before lunch..."

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sagot niyang iyon. Ayos na sana ang nauna niyang sinagot kanina. Bakit bigla ay kailangan pang magsinungaling na hindi na niya kasama si Everett nang hapon? Para ba hindi ko sila pag-isipan?

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. Alam kong wala akong mapipiga sa kanya kung tatanungin ko siya ngayon. Possibleng ayaw lang niya ako magselos kaya sinabi niya ang bagay na iyon.

"Nag-dinner ka na?" malambing na tanong pa niya sabay kandong sa mga hita ko.

Umiling ako. Wala akong gana kumain.

"What do you want for dinner? Ipagluto kita?"

Umiling ako. Baka paboritong ulam na naman ng ibang tao ang maalala niya ay lalo lang akong madismaya.

"Kumain ka na ba?" balik tanong ko.

"Medyo busog pa nga rin ako sa merienda namin ng mga client kanina..."

Okay. Client. 

Kung sa bagay ay client naman talaga niya si Christoff dati. So, client na rin ba si Marie Antoinette? Hindi ko man personally kilala ang babaeng iyon, sa asta at kilos pa lang ay alam kong galing din sa mayamang pamilya.

I shouldn't jump into conclusion. Walang magagawang mabuti ang mga hinala ko.

Huminga ako nang malalim bago ipulupot ang aking mga kamay sa kanyang baywang. At kahit pa nag-aalangan ay ibinaon ko ang aking mukha sa  kanyang leeg. Nang maamoy ko ang kanyang pabango ay parang noon na lang ako nakahinga nang maluwag.

"I think we should go to bed..." malambing kong sabi habang pinapaliguan ng halik ang kanyang leeg.

"Hon, bad news... May dalaw ako..." nangingiti pa niyang bulong.

Yeah. Bad news nga. Shit.

"Matulog na lang tayo at pagod din ako. Tara na," aniya sabay alis sa kandungan ko.

Kinuha niya ang kamay ko at banayad akong hinila para tumayo. Tamad naman akong sumunod at humugot ng malalim na buntonghininga. Kahit pa umarte akong ayos lang ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip. Sana lang ay hindi na masundan pa ng ganitong pangyayari. Dahil sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung magagawa ko bang magtimpi pa sa susunod.


Nang sumunod na araw ay bumawi naman si Lauren sa akin. Ito pa mismo ang dumalaw sa opisina at dinalhan ako ng pagkain. Kung anomang nakain niya ay hindi ko rin alam. Madalang naman niyang gawin ang ganitong bagay kung kaya medyo nakapaninibago. Pero siguro nga kahit na papaano ay nagi-guilty rin siya. Alam naman niya siguro kung saan siya nagkulang.

We decided to go home and spend the day cuddling each other. Sobrang na-miss ko ang alone time naming ito. Siguro nga ay mas magandang i-plano namin ang aming araw para hindi kami nawawalan ng oras sa isa't isa.

Matapos niyang magbanyo ay agad akong sumunod. Kahit pa halos wala naman kaming ginawa nang hapon ay hinihila pa rin kami ng antok. Mukhang gusto lang ding magbawi ng aming katawan sa pagod nitong nakakaraan.

Lalabas na lang sana ako nang mapatingin sa trash can. Bahagyang nakaawang iyon at nakalitaw ang nakataob na pantiliner. Hindi ko alam kung ano'ng puwersa ang humila sa akin at binuklat iyon. At ganoon na lang ang mangha ko nang makitang wala ni kapatak na dugo iyon.

Pakiwari ko ay nanginig ang aking buong katawan sa natuklasan. Hindi ko malaman ang dapat na isipin at kung ano'ng rason niya kung bakit siya nagsinungaling na may regla siya.

Ayaw na ba niya akong kasiping? Pero bakit? What have I done wrong?

Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na buntonghininga. Kumuyom ako at nagluluhang tiningnan ang reflection ko sa salamin.

I tried so hard to be a good husband. Ginawa ko ang lahat para lang mapasaya siya. Saan pa ba ako nagkulang? Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin?

Naantala lang ang aking pag-iisip nang kumatok siya sa pinto ng banyo.

"Hon, are you okay? Ang tagal mo naman. Matulog na tayo."

"I-I'm okay, hon. Parang n-nasira kasi ang tiyan ko. Mauna ka nang matulog," pagsisinungaling ko.

Kahit pa gusto ko siyang komprontahin ay nandoon ang takot. Natatakot akong hindi ko magustuhan ang kanyang isasagot.

"Talaga ba? Sari-sari kasi ang kinain natin. Ako nga rin parang medyo masakit ang tiyan... Sinabayan pa ng regla ko kaya wala sa kundisyon ang katawan ko..."

I can't fucking believe this.

"O-oo nga... Ang dami nating kinain. Mauna ka nang matulog."

"Okay, hon. May gamot sa medicine cabinet just in case kailangan mo."

"O-okay..."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan na sundan pa ang mga salita. Wala akong maintindihan sa nangyayari.

Why did she lie? Wala na ba siyang gana sa akin? But why?

Sa dami ng mga tanong ay hindi ko matantiya kung gaano ako katagal na nagkulong sa banyo. Basta ang alam ko lang, paglabas ko ay mahimbing na ang tulog ni Lauren sa bed.


Nang magising ako kinabukasan ay walang-wala pa rin sa kundisyon ang aking isip at katawan. Parang sobrang napagod ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.

Papasok na lang ako sa opisina nang mamataan si Eren na nagdidilig ng halaman pero parang wala sa sarili.

"Hey, good morning," pukaw ko pa sa atensyon niya.

Gulat naman siyang napatingin sa akin at mapaklang ngumiti. Mukhang ang dami rin niyang iniisip.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Marahan siyang tumango. "O-okay lang ako. Papasok ka na sa opisina?" aniya sa pinasiglang boses.

"Yeah. Umuwi ba ang asawa mo?"

"Y-yeah..."

She's lying. Siguro ay ayaw na lang niyang pag-usapan.

"Ang asawa mo?" tanong niya.

"Nauna nang umalis," mapakla kong sagot.

"I see..." tumatango pang aniya.

"C-can I ask you something?" lakas-loob kong tanong. Gusto ko lang ding mapanatag ang loob ko kahit na papaano.

"S-sige... Ano ba 'yon?"

"Would you lie about your monthly period if you're not in the mood to have sex with your husband?"

Gulat siyang tumitig sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang ganoong tanong.

"Babae ka kasi... I just want to know..."

"She lied to you about her monthly period?" malungkot niyang tanong. Para bang kuhang-kuha na niya kung bakit ko naitanong iyon.

Marahan akong tumango. Sa tingin ko ay kay Eren ko lang kayang itanong ang ganoong nakahihiyang bagay.

"Are you okay?"

Malungkot akong umiling. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dapat na isipin. Halos magdamag akong hindi nakatulog dahil sa pag-iisip. Kahit pa ano'ng justification ko ay hindi ko talaga magawang makumbinsi ang sarili ko.

"Baka naman wala lang talaga siya sa mood... At para 'wag ka lang ma-disappoint, nagsinungaling siya... Puwedeng ganoon..."

"Does she really have to go that far? I mean, puwede naman niyang sabihin sa akin ang totoo... She knew me better. Alam niyang hindi ko siya pupuwersahin sa kama kung ayaw niya."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga at nag-isip. "Like I said, puwedeng ayaw ka lang niyang tanggihan nang direkta. Alam mo kaming mga babae, may mood swings din talaga. Wala lang sa mood iyon. Huwag mo na lang seryosohin," pampalubag loob niya.

"Kung ikaw ba siya? Would lie to me?"

Ilang saglit siyang natigilan sa tanong bago sumagot. "No... or y-yes? I don't know. Depende kasi kung ano'ng nararamdaman ko at that time."

Okay. That probably helps. Kahit papaano ay iba ang opinyon ng babae.

Mood swings. Maybe that's all there is. And, I have to think that way. 

I need to force myself to think that way. Dahil iyon ang mabuti para sa relasyon naming mag-asawa. Hindi makabubuti kung pag-isipan ko siya nang masama.

Bumuga ako ng hangin at tumango-tango. Siguro nga ay masyado na lang akong nag-iisip kung kaya lahat na lang nang napapansin ko ay binibigyan ko ng kulay.

"Huwag ka na mag-isip. Malay mo, pinaghahandaan ka lang kasi malapit na anniversary ninyo."

"You think so?"

Tumango siya. "Yeah. That's possible." Mapait pa siyang ngumiti. "You need to trust your wife. You knew that, right?"

Nagpakawala ako ng tipid na ngiti at tumango-tango. "Thank you..."

"You're welcome. Kumalma ka na, okay?"

"Ikaw rin. Sana okay ka lang."

Malungkot siyang tumango. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya, pero sana maayos pa rin nila ang pagsasama nila.

A good woman like her deserves everything.

She deserves a man who will love her with his everything.


Continue Reading

You'll Also Like

97.8K 4.9K 40
subaybayan ang ating bida sa kanyang pagiging binibini sa taong 1890, ang tomboy ay magiging binibini? ano kaya ang mangyayari? yayakapin niya kaya a...
66.7K 2.4K 15
"You are aptly named, a Goddess of War and a maze. Pero tingnan natin kung sino ang mananalo, dahil bukod sa hindi ako umuurong sa gulo, magsolve ng...
1.3M 67.7K 63
Tubig at langis? Masahol pa roon ang agwat ng katayuan nina Chantal at Jethro sa buhay. She wore and designed fancy clothes while he works as a mecha...
866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...