Wanted: Mr. Perfect (Publishe...

By xMissYGrayx

3.5M 89.4K 8K

Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard... More

Wanted: Mr. Perfect
Perfect 1: Agent X
Perfect 2: Price tag
Perfect 3: Epic Fail
Perfect 4: Babe or Babae?
Perfect 5: What's your fantasy?
Perfect 6: Jealousy is the ugliest trait
Perfect 7: Garreth
Perfect 8: Walang Iba
Perfect 9: When Curiosity Strikes
Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman
Perfect 11: Bakit pa-fall?
Perfect 12: Torn In Between
Perfect 13: #PrayForAshleyEsqueza
Perfect 14: Pinoy Style
Perfect 15: Harana nga ba na maitatawag?
Perfect 16: Pusang gala naman, oh.
Perfect 18: No Rules
Perfect 19: Confused dahil sa selos?
Perfect 20: Galleon Ship
Perfect 21: Horror House
Perfect 22: Describe mo nga!
Perfect 23: Hugot pa, Ashlita.
Perfect 24: Hugot Part Two
Perfect 25: Ikaw Lang
Perfect 26: Thank you, sagad.
Perfect 27: Possessive Garreth?
Perfect 28: Pushing and Pulling Me Down To You
Perfect 29: Tanga Na Kung Tanga
Perfect 30: Bugbugin Kita Dyan!
Perfect 31: Giling Mo Lang
Perfect 32: May The Best Man Win
Perfect 33: Today Was A Fairytale
Perfect 34: Nasa Huli Ang Pagsisisi
Perfect 35: I Choose You
Perfect 36: Trouble
Perfect 37: Another Mishap
Perfect 38: She Will Survive
Perfect 39
Perfect 40
Perfect 41
Perfect 42
Perfect 43
Perfect 44
Perfect 45
Perfect 46
Perfect 47
Perfect 48
Perfect 49
Perfect 50
Perfect Epilogue

Perfect 17: How to learn to kiss?

65.5K 1.7K 303
By xMissYGrayx

Alam mo, hindi ko talaga alam kung paano magwalk-out sa date na ito na hindi magagalit si Garreth. Kinakabahan kasi ako, seriously! Habang hinihiwa niya 'yung liempo sa harap ko parang ako 'yung hinihiwa niya. Parang gusto niya ko saksakin dahil badtrip si'ya.

"Kumain ka." Utos nito sa'kin.

Nakatingin lang kasi ako sa kanya. Paano ba kakakain kung nanginginig 'yung mga kamay ko? Shiat naman kasi, eh.  Nang hindi padin ako gumagalaw pinaghiwa ako ni Garreth ng liempo tapos kinuha 'yung spoon ko at deretsong isinaksak sa bibig ko.

"Nguya." Utos nanaman nito.

"Di mo na kailangan iutos 'yan." Reklamo ko.

Ngumiti naman ito. "Good."

Tapos, ayun tahimik nanaman kami. Wala ba kasing break the ice sa date na 'to? Hanggang ngayon kinakabahan padin ako sa kanya lalo na't pag galit si'ya. Nakakabaliw lang. Hindi ko tuloy maimagine na dati pinangarap ko si Garreth na maging Mr. Perfect ko.

Gwapo naman si'ya.

Mayaman.

'Yung mga gusto ko sa lalaki nasa kanya.

Kaso, 'yung ugali.

Siguro pag sinagot ko si'ya walang araw na hindi kami mag-aaway. O sabihin na natin na walang araw na hindi niya ko sisigawan, right? Tama naman 'di ba?

Gusto ko magtanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Magdadasal ba muna ako? O ire-ready ko na 'yung paa ko sa pagtakbo after ko magtanong sa kanya?

"G-garreth." Kinabahan na sabi ko.

Tumingin naman ito habang ngumunguya. "Oh?"

"Bakit ba gusto mo ko kidnappin simula palang? Saka ano ba talaga trabaho mo? Saka bakit nung tinype ko sa laptop ni Hunter na Wanted: Mr. Perfect ikaw 'yung lumabas?" kinuha ko agad 'yung buko at sumipsip sa straw.

Napatigil naman si Garreth sa pagkain. Ay, Lord, sinasabi ko na nga ba dapat hindi na 'ko nagtanong eh.

Tumingin si'ya sa'kin. "Bakit ang dami mong tanong?"

"Wala lang... Nacucurious lang kasi ako. I want to hear the truth."

"Pagnalaman mo 'yung totoo anong sunod?"

"Ewan?"

"Sasagutin mo 'ko? O iiwan mo si Hunter."

Tinaasanan ko si'ya ng kilay at niyakap ang sarili ko. Matalino talaga si Garreth 'no, magulang pa. Gusto lagi siyang nasusunod.

"H'wag na lang." sabi ko. "Akyat na 'ko." tumayo na ko.

At syempre hindi pa ako nakakahakbang nagsalita ulit ito.

"Upo, Ashley Esqueza."

Umupo naman agad ako. "Sabi ko nga, uupo ako."

Inayos muna ni Garreth 'yung sarili niya at nagpunas ng kamay sa tissue. Sabay tingin sa'kin. Isinandal pa nito 'yung braso sa upuan.

"Are you aware that Hunter is a secret agent from FBI?"

"Actually, nung nakipagmeet ako sa'yo dun ko lang nalaman." Pag-amin ko.

"Well, maybe because I'm their perfect target. Kung magse-search ka sa internet I'm one of the most infamous criminals of this country."

Napaatras 'yung upuan ko.

Ngumisi naman si Garreth.

"I do bad things but it doesn't mean I'm evil. Don't be too judgemental, Ashley Esqueza."

"P-Pero 'di ba, gusto mo ko kidnappin saka patayin?"

Ready na talaga ako tumakbo, Lord, isang sign lang na may gagawin si'yang masama sa'kin. Kaya tinanggal ko na 'yung high heels ko sa ilalim ng mesa para hindi na ako mahirapan mamaya.

"Yup, that was my plan before. Lahat ng humaharang sa plano ko itinutumba ko at ng mga alaga ko." Shiat naman, eh! "Akala ko nung una makikipagkita ka sakin dahil may papagawa ka. Because your last name is Esqueza which means galing ka sa mayaman na pamilya. I heard about your brother, he's one of the most powerful business men in our country. I thought I would have a great deal with you. Pero nagkamali ako."

"Oo,nagkamali ka!" sabi ko. "Dahil gusto ko lang talaga nun makipag-date. Like what I always said, gusto ko lang mahanap 'yung Mr. Perfect ko."

"Ayaw mo ba sa'kin? I'm the most perfect man when doing illegal things." Ngumisi nanaman si'ya sa'kin.

"Hindi ka nakakatuwa." Sabi ko.

Gusto ko na tumayo. Please. Gusto ko na tumayo. Naiihi na ako sa kaba dito. Mangingisay na ata ako.

Magpanggap kaya ako na inatake ako ng epilepsy? Ayoko na dito.

I heard him laughed. "Just kidding, Ashley Esqueza. Yeah, illegal 'yung trabaho ko. Mahirap din magtago sa lahat at magpalipat lipat ng titirhan. I don't have that woman who'll stay with me, dahil wala naman talagang tumatagal sa'kin na babae. At baka mapatay lang sila."

Tumayo na ako ng tuluyan. "I'm done here. Thank you for dating me."

"Sit. Ashley."

Shiat! Awtomatikong bumalik ako sa upuan ko.

"Garreth naman, please."

"I'm not done yet talking."

Napahinga ako ng malalim. Ayoko na marinig. Feeling ko na tuloy hindi na ako safe sa kanya. "Bakit hindi ka pa sinusumbong ni Hunter?" nagulat din ako sa tanong ko. Pero teka, kung mamamatay din lang naman ako mas mabuti nang lumalaban.

Kailangan ko lang si'ya takutin ng konti, right?

"Diba FBI si Hunter? Dapat hinuli ka na niya ngayon. Dapat wala ka na dito. Dapat andito na 'yung mga kasamahan niya. Dapat hindi na ako nakikipagdate sa'yo. Dapat—-"

"Katulad niya may alas din ako na hawak kay Hunter." Putol nito sa'kin. "Hindi niya ako pwede isumbong basta-basta dahil alam niya magkakagulo dito sa bayan na parehas namin kinalakihan. Lalo na't dito sa bahay ni 'Nay Marya. Arresting me is like asking for a world war III."

"Bakit wala dito 'yung mga tauhan mo?" tanong ko.

Napapalakas na din 'yung boses ko. Naiiyak  na kasi ako sa takot lalo na't ngayon pinaglalaruan nanaman niya 'yung kutsilyo habang nakatingin sa 'kin.

"I have respect for 'Nay Marya, I don't want her to know the real job of her son."

Nanlaki ang mata ko. "Mother mo siya?"

"Idiot." Sabi nito. "Anak-anakan niya kami ni Hunter. Galing kami sa magkaibang pamilya niyan."

"Ah, sorry naman." Panay padin ang ikot nito sa kutsilyo sa kamay. "Pwede ba tigil mo paglalaro dyan sa kutsilyo mo? Kinakabahan kasi ako feeling ko isasaksak mo 'yan sa 'kin."

Umiling si Garreth.

Ano ba naman!

"Don't worry Ashley Esqueza. I mean no harm. Hindi ako nananakit ng babae." Tumingin ito. "Minsan lang pagkinakailangan."

"Garreth, seriously, natatakot ako sa'yo." Pag-amin ko. "Hindi ako komportable kausap ka. Lalo na't ngayon na tayong dalawa lang dito."

He doesn't look hurt. "I know I can feel it Ashley Esqueza. Too bad, hindi mo maappreicate 'yung binibigay ko sa'yo na effort."

"Effort?"

"Ngayon lang ako nagharana ng babae at nakipag date ng ganito. Sayo ko lang 'to ginawa. And there you are, walang pakialam. Parang joke lang sa'yo ang lahat."

"Wala naman akong sinabi na ganon, ha?"

"Pero ayun kasi ang pinaparamdam mo."

"Okay, I'll atleast try basta don't hurt me. Natatakot padin ako sa'yo pero sinusubukan ko naman maging neutral sa inyo ni Hunter."

Ngumiti si Garreth. Takte, lumalabas nanaman 'yung dimple niya. Saka bakit kasi ang perfect ng ngipin niya parang ibang toothpaste ginagamit. May abs din kaya si'ya?

"Kapag ikaw ba pinili ko anong mangyayari?" biglang tanong ko.

Kahit hindi ko maimagine sarili ko kay Garreth, gusto ko lang marinig 'yung sagot niya.

Parang nagdilim 'yung mata niya ng titigan niya ko. "Mararanasan mo ang mga bagay na hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo."

What. The. Heck?

"Pero bakit gusto mo ko kidnappin. Is that your plan?"

"Not my plan, really. I just want to show you my world."

Hindi ko alam pero bigla ko narinig 'yung sarili ko tumatawa sa sinabi niya. "H'wag mong sabihin may ibang mundo ka pa? Jupiter? Saturn? Uranus? Neptune? Ha ha." Bigla nagbago 'yung mood ko.

Tumatawa naman si Garreth tila natuwa sa sinabi ko."Pupunta tayo sa planet Neptune, Ashley Esqueza."

"Seriously, Garreth?"

Tumango si'ya. "Seriously, Ashley. I have one island named Neptune. If you choose me, I'll show it to you. Believe me, it's a fucking paradise. You'll enjoy there. Magbubuhay prinsesa ka."

"So dyan ka nagtatago pag hinahanap ka ng mga FBI?" hinahampas ko padin si Garreth. "You're so funny. Neptune, Neptune ka pa nalalaman. I'm just kidding kaya!"

Hihi. Aliw naman pala 'to si Garreth minsan eh. Nakangiti padin ako sa kanya habang tinitingnan naman niya ako.

"Gusto mo umakyat na? You look tired." Sabi nito.

"Wow, kailan ka ba may care sa sarili ko?"

"A minute ago when you said the solar sytem planets." Hinawakan ako sa kamay ni Garreth at hinila na papunta sa taas.

Gee lang, hindi mawala 'yung ngiti sa labi ko. Wow, I finally broke the awkward moment between us. Nakita ko si Josa nasa sala pagakyat namin, nagbabasa lang si'ya. Tiningnan niya kami ni Garreth at 'yung kamay namin na magkahawak.

Ang sama naman ng tingin nito kay Garreth. Okay, mukhang bitter mode pa siya.

"Ang mga babae talaga hindi ko maintindihan minsan. Kapag nagbreak kayo sasabihin lahat ng masasakit na salita sa'yo tapos kapag nakita ka nilang may bago. Parang pakiramdam nila pinagtataksilan padin sila, kahit tapos na naman ang lahat sa inyo."

"Ang galing mo din humugot 'no?" natatawang komento ko.

"Mas magaling ako pumasok."

"You're crazy." Sabi ko.

Papasok na sana ako ng kwarto ng hinihila padin ni Garreth 'yung kamay ko papuntang kusina.

"Actually, hindi dito kwarto ko at hindi pa ako nagugutom ulit."

Binaba ni Garreth 'yung kurtina na papuntang kusina at pinaupo niya ako sa lamesa.

"Actually, Garreth—-"

"Shh.." hinawakan niya ang mukha ko.

Hinahaplos niya 'yung pisngi ko papunta sa ilong ko pababa sa labi ko. Napakagat labi tuloy ako, pakiramdam ko kasi ang gaspang na, biglang natuyot sa titig na binibigay niya ngayon.

"Fuck, gusto talaga kitang halikan Ashley, pero kanina pa tayo ginugulo ng isang manliligaw mo."

"Garreth—-"

He kissed me.

Okay?

NO!

HE'S FREAKING KISSING ME. I SHOULD FREAK OUT OR NAH?

Tila nakarinig ako ng Hallelujah sa background ko ng malasap ko ang unang halik na 'to. Pero wait, there's more. Hindi ko alam 'yung gagawin ko. Gumagalaw 'yung labi ni Garreth sa labi ko.

Ano ba dapat gawin?

A. Kagatin 'yung labi niya?

B. Ngumanga na lang para makapasok si'ya?

C. Inguso ko pa sa kanya 'yung labi ko?

D. Bahala na ulit si Batman!

Tumigil si Garreth pero nakahawak 'yung dalawang kamay niya sa magkabilaan ng pisngi ko. Sobrang lapit ng mukha niya. Oh. Lord. Tulala padin ako.

"You're a statue kisser, Ashley."

Napakurap ako.

"Do you want me to teach you how to kiss?"

Tulala padin ako. T-teach me? Hindi ko alam na may ganitong lesson pala sa buhay ng tao. Edi sana, matagal na ako ng enrol, right?

Alam ko naman humalik. Kasi syempre, nakikita ko din sa TV at sa mga kaibigan ko. Lalo na't kay Ericka kahit sa harap ko ata may kahalikan 'yun eh.

I've practiced it with my hand before. Pero kasi... shiat. This is my first. Nakakahiya man aminin umabot ako sa ganitong edad na wala padin akong first kiss.

"Una, hahawakan sa baba." Hinawakan ni Garreth 'yung baba ko upang matingin sa kanya ng deretso. "Play with it as much as you like."

"Pangalawa, ilapit mo 'yung mukha mo ng dahan-dahan sa taong gusto mong halikan."

Oh. My. God..

Nilalapit na ni Garret 'yung mukha niya sa'kin. Pero hindi padin nagdidikit ulit ang labi namin. Shiat, nag-uumpisa nanaman bumilis ang pagtibok ng puso kong first time makaramdam ng kaba sa unang halik.

"Pangatlo, idikit mo 'yung labi mo sa kanya." Idinikit ni Garreth 'yung labi niya.

OH. MY. GARRETH!

"Like this." sabi nito. "Pang-apat, learn how to respond. Ashley, kailangan mo tumugon. Kapag gumagalaw 'yung labi ko galawin mo din 'yung sayo. For example..."

Mamamatay na ata talaga. Oh my... Gumagalaw nanaman 'yung labi ni Garrreth sa'kin. Sabi niya tugon? I did. Kusa nang napabuka ang labi ko. We're doing the same thing. Lips to lips.

This is hot. Really hot.

Lumayo si'ya ng konti sa'kin. Pero 'yung noo niya nakadikit sa noo ko. "Pang-lima, learn how to respond deeply. But first I gotta hold your hair like this."

Holy moly. Inikot ni Garreth 'yung buho ko sa kamay niya. Mas naiihi na ata ako ngayon.

"And then this." kinuha niya 'yung kamay ko at nilagay sa batok niya. "Push it as much as you can—-"

Hindi ko na tinapos 'yung sinasabiniya agad kong hinila 'yung ulo niya papalapit sa'kin. Ganon din naman 'yung ginawa ni Garreth sa ulo ko. Parang nalulunod ako sa halik niya. I don't know how to breathe.

Pero bago pa ako mangisay dito ng tuluyan hinila ni Garreth 'yung buhok ko. "Pang-anim, we gotta do that side to side face, and the rest is history.." Sabi nito.

At nasa labi ko nanaman 'yung labi niya. We're moving. Really moving. Like we're hungry. And then his tongue is slowly entering my mouth. Oh my gulay... he's teasing mine. Kaya ginaya ko 'yung ginagawa niya.

I think I'm floating..

Nasa heaven na ata ako. Kung saan lahat ng bagay lumilipad pati 'yung katawan mo. Ang sarap sa pakiramdam. For the first time, I feel safe with him. Ibinaba ni Garreth 'yung kamay niya sa likod ko.

Pababa hanggang hita ko. Iginiya nito iyon para pumulupot sa bewang niya. Ako naman panay, hila sa buhok niya.

Gee. Gee. Gee!

Ang lambot ng buhok ni Garreth. I swear, kasing lambot ng akin.

I think I can die today.

I can die in his arms.

I can die with this kiss.

I can die. I can die of too much pleasure he's giving me.

Parang may fireworks sa paligid ko at may banner na naman ako na nakalagay.

Finally! Congratulations Ashley Esqueza! The first kiss award goes to you!

"Ming, ming, ming, ming, ming....."

Napahinto kami at napatingin kay Hunter.

Napalunok naman ito ng makita kami. Umakyat baba pa 'yung mata niya sa ayos namin ni Garreth.

"Wala pala dito 'yung pusa, Den-den. Halika katayin na lang natin ng may makain tayo bukas. Matulog ka na!" sabi nito at deretso lumabas.

Natawa naman si Garreth.

Tulala padin ako. Hinawakan ko 'yung labi ko at napatingin sa labi niya na namumula na ngayon. That lips was on mine, a minute ago... Nalasahan ko 'yung laway niya.

Kinagat pa ni Garreth 'yung labi niya. "Not bad for a first timer. Masasanay ka din."

Dalawang kamay na 'yung pinang-hawak ko.

"Practice makes perfect. We should do that more often." He teased.

Hinila naman ni Garreth 'yung kamay niya dahilan upang mapababa si'ya ng lamesa. Speechless padin si'ya sa nangyari. Tinulak si'ya nito papunta sa kwarto nila ni Hunter.

Pinagbuksan pa siya nito ng pinto sabay tulak ng malakas muntikan na siyang madapa.

"Sweet!" napasigaw si'ya.

Ngumiti si Garreth.


"Matulog ka na, panget. I'll kiss you in the morning if you want."


***********

Okay, lumalabas pagkaNON-TEEN writer ko. Haha. Enebe sabi ko Humor lang 'to e, na pwede sa lahat. Haha! :P

 Hi, persianluxurian. This one is dedicated to youuu! :)


Continue Reading

You'll Also Like

101K 4.1K 42
#1 WTF When The Fate Plays. Eloi Samantha Hidalgo Ramos was born with a silver spoon inside her mouth. As she came back in the Philippines, she met s...
399K 12.3K 34
Trevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate bu...
1.6M 17.6K 29
Ito ay kwento ng masalimuot at kumplikadong love story ni Jessica, ang bestfriend ni Haley. Will she give Ambrose a second chance? Will she say "fool...
4.6M 99.5K 53
Book 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the o...