Operation: Secret Glances

By viexamour

37.8K 847 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 1

1.3K 36 0
By viexamour

Sinakop ko ang aking buhok dahil sa malakas paghampas ng hangin. Ramdam ko na rin ang basa kong leeg at batok buhat sa pawis galing sa init ng araw. Bitbit ang walis ting-ting ay lumakad ako palapit kay Cassie na nakaupo sa malaking bato habang hawak niya naman ang dust pan.

"Gosh! Kasalanan talaga 'to ni Ulrim!" reklamo ni Cassie habang nagpapaypay sa kanyang sarili.

"Nahuli nila tayo sa likod ng junior high building at nag-iinom kayo. Anong gusto mong gawin nila, hayaan tayo? Of course, isusumbong tayo!" I said and a little bit irritated too.

Umupo ako sa kanyang tabi para magpahinga na rin. Kanina pa kami rito bilang parusa. Well, kasalanan nga naman talaga ni Ulrim ang lahat. Sinabihan na namin siyang huwag ilabas ang alak pero ginawa pa rin at nag-inuman sila. Ako at si Cassie ay hindi naman talaga kasali. We are just hanging around them. But then we got caught by the student council for goodness sake!

"Lagot ako kay Abuelo nito!" aniya kaya napailing na lang.

"Lagot ka talaga..." pang-aasar ko pa kaya sumimangot ito sa akin.

Two years have passed and we're now at our senior high school level. Parehas kami ng strand ni Cassie dahil sabi niya ay kung saan ako ay doon na rin daw siya. Noong una ay sinabihan ko pa siya dahil baka magsisi ito sa huli. Pero halata naman na wala siyang pinagsisihan dahil halos iba-iba ang nagiging boyfriend nito sa STEM strand.

Ako naman ay hindi maitatanggi na naging bulakbol sa pag-aaral. I always get a low score on my test and even my grades. Tumataginting na mga palakol ang marka ko sa card. Wala namang ibang sinasabi si Tita Kilari pero alam kong nagtatampo iyon sa ginagawa ko.

I found a new barkadas on my senior-high. Nadagdagan kami ni Cassie. Naging lima na kami ngayon. Ulrim and Ulrid, the fraternal twins na pinsan ni Cassie. Mukhang pinadala dito sa Laguna dahil nagbubulakbol din sa Albay. At si Radin ay gano'n din. Galing din itong Albay at magkakaibigan na ang tatlo bago pa sila nakarating dito.

Hindi rin maitatanggi na naging kilala ang grupo namin hindi dahil sa matalino kami, kundi dahil laman kami lagi ng guidance office.

"O, tubig. Nakakahiya naman kasi. Alam kong minumura niyo na ako kanina pa..." natawa ako ng mahina sa ekspresyon na pinapakita ni Ulrim.

"Si Cassie lang 'yon," tipid kong sabi at tinanggap ang bottled water na binigay niya.

Pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang ginagawa hanggang sa inabot na kami nang alas-tres sa oval kakalinis. Ang lagkit-lagkit na rin ng pakiramdam ko kaya binuksan ko ang dalawang butones ng aking blouse para naman makahinga ako sa init. I also bun my hair, at may iilang buhok ko pa ang nalaglag na hindi na kayang ipusod. Hinayaan ko na lang 'yon.

"Your time is already done. Go to the guidance office," malamig niyang sabi ngunit malambot ang boses.

I heard the three boys whistling.

Really? Wala namang kamangha-mangha sa babaeng 'to!

Tamad kong tiningnan si Angel. I smirked. Being a vice-president of student council makes her became a popular student, huh. It's been two years, pero ang nararamdaman ko sa babaeng 'to ay talagang nagbabaga. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa galaw niya at sa kahit anong ginagawa nito.

Everything about her!

"Sama ng tingin, ah. Galit na galit?" bumulong sa tainga ko si Cassie kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up!" asik ko at tinalikuran na ang mga ito.

Hinagis ko pa kay Radin ang walis ting-ting na hawak ko. Agad niya naman itong nasalo at ngumisi tila alam na kung bakit ako biglang naging iritado.

Pagdating namin sa guidance office ay nandoon na ang guidance counselor. Masama ang tingin sa amin ni Mrs. Ochoa at bahagyang inayos ang salamin sa kanyang mata. I smirked, padarag akong umupo sa upuan at dumikuwatro.

"Next time, don't use that stunts again, students! Ilang beses na kayong nahuhuli sa mga kabalbalang ginagawa niyo! Hindi ba kayo nagsasawa na lagi na lang kayong napapatawag sa guidance office? Ha?!" umirap ako ng palihim dahil sa kanyang malakas na sigaw.

"Chill, Mrs. Ochoa! Next time hindi na kami magpapahuli," natawa ako ng mahina dahil sa sagot ni Ulrid.

Humagikhik kaming lahat kaya malakas na hinampas ni Mrs. Ochoa ang kanyang lamesa at nanginginig na sa galit. Agad na dumalo sa kanya si Angel. Oh... ang anghel ng student council.

Masama niya akong tiningnan kaya naman pinasadahan ko ng dila ang aking mga ngipin habang nakangisi sa kanya. Mabilis siyang napaiwas ng tingin. I chuckled.

Wala ka pala, e!

"Wala na talaga kayong modo! Kung hindi dahil sa pera ng mga magulang niyo ay baka matagal na kayong natanggal sa school na ito!" pagod na pagod na ako sa dahilan niyang na ito.

"Wala na akong magulang, Mrs. Ochoa," I encountered.

Si Tita Kilari lang ang meron ako.

"That's not the point here, Ms. Yamamoto! Hindi iyon rason para magbulakbol ka! Hindi ka naman ganito noong nasa junior highschool ka pa lang. Pero nang sumama ka sa mga ito ay nag-iba ka na!" sigaw niya at tila disappointed sa akin.

"Woah, Ma'am! That's below the belt!" angil ni Cassie at napatayo na sa kanyang upuan.

Wala akong reaksyon na binigay sa kanya. This is my choice. I chose this path. I chose to be like this. At walang karapatan ang kahit na sino para diktahan ako sa mga gagawin ko. I'm happy with this. I'm happy that I was able to forget my problems. My friends gave me comfort.

"Don't insult my friends like that, Mrs. Ochoa." Malamig kong sabi.

"Puwede ba, Milada! Sinasabihan at pinapangaralan lang kayo dahil sumosobra na kay—"

"Kausap ba kita?" I said.

Namula ang kanyang pisngi at ramdam ang pagkapahiya. Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko sa likod ko.

"Ms. Yamamoto!" natigil ako sa aking kinauupuan ng marinig ang boses niya.

Kahit kabado ay tamad ko siyang nilingon. Amadeus with his angry face entered the guidance office. Agad niyang isinara ang pintuan at lumakad palapit sa puwesto nila Mrs. Ochoa. Padarag niyang nilapag ang mga folder at hinarap ako.

Galit na galit?

Diretso ko lang siyang tiningnan at hindi nagpaapekto kahit pa totoong kinakabahan ako sa kanyang presenya. His presence is too much for my system. Ako na ang naunang nag-iwas ng tingin habang may mapang-asar na ngisi.

"Can you just accept that all of you are the one who did wrong?" walang sumagot sa amin sa tanong ni Amadeus.

Palihim akong tumingin sa kanya. Wala pa rin kupas. Ang gwapo-gwapo pa rin at ang bango! Sobrang linis niya sa kanyang uniform na suot. Walang kahit anong gusot at lagi pang suot ang school ID. Samantalang ako ay parang gusgusin kahit pa si Tita Kilari na ang nag-aayos ng susuotin ko.

Napaiwas ako ng tingin ng makitang humawak si Angel sa braso niya.

Tsk! Pati ba naman dito sa loob ng guidance office ay maglalandian sila?

"Mrs. Ochoa... pwede na ba kami umalis? Tapos na rin naman ang community service namin. Wala na pong kahit anong kalat..." ako na ang naunang magsalita.

I can't take his presence here. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako lalo na sa kanyang tingin na ibinibigay. Punong-puno ng intensidad.

"I'm talking to you, Ms. Yamamoto." Galit na sabi ni Amadeus. Mas lalo pang nagdilim ang kanyang mata ng bumaba ang tingin nito sa blouse ng uniform ko.

Hindi ko siya binigyan ng tingin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo gano'n din ang mga kaibigan ko. Mrs. Ochoa looks like a stress old lady because of us.

"Amadeus, just let them go. Tapos na ang kanilang trabaho. If they wanted to change, they will."

Nagulat man sa mahinahong sabi ni Mrs. Ochoa ay pinanatili ko pa rin ang seryoso kong mukha. I'm so tired with this tuwing nahuhuli kami ng student council kasama siya. Dahil siya ang presidente. Saglit ko siyang tiningnan at inirapan ito bago kami lumabas ng guidance office. At pagkalabas na pagkalabas namin ay agad na nag-ingay ang apat habang naiwan naman akong tahimik. I don't feel to be happy, especially whenever I think that Amadeus is mad at me.

"Ano? Sa dating tambayan?" tanong ni Ulrim at umakbay sa akin.

Nilingon ko siya at tinanggal ang braso nitong nakaakbay sa akin.

"I can't go, Tita Kilari's birthday today." Hindi naman sila nagtanong pa.

Inimbitahan ko na lang sila dahil iyon din naman ang gusto ni Tita. Kinuha lang muna namin ang bag namin sa guard house bago sabay-sabay na naglakad palabas ng gate. Nakasabay pa namin sa paglabas sila Amadeus at Angel.

Lumingon sila Amadeus sa amin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Binaling na lang sa mga kaibigan na maiingay.

"Panira talaga ng araw kapag nakikita mo ang crush mo kasama ang girlfriend niya 'no?"

"Sira!" asar kong sabi kay Radin.

"Sabi sa'yo tayo na lang dalawa. You know..." nandidiri ko siyang tiningnan.

"Yuck! Baka nakalimutan mong may naiwan ka sa Albay. Kayong tatlo pala!" asar ko sa tatlong lalaki.

"Bakit kami nadamay ni Ulrim? Wala kaming kinalaman kay Radin!" asik ni Ulrid at umakbay sa kanyang kakambal. Napahalakhak naman ako.

Bumaling ako kay Cassie na seryosong nakatingin sa cellphone niya at napakalikot ng mga daliring nagtitipa roon. Lumapit ako sa kanya at iniwan ang tatlo.

"LQ with your boyfie?" tanong ko rito.

"Nakakainis kasi siya! I said na ayaw ko munang sumabay sa kanya pauwi kasi aalis nga tayo. But he insisted to go with us and I said no. Ayon nagalit! He's such a clingy guy!" reklamo niya.

"Then break up with him," tipid kong sabi.

"I already did. He's not worthy of my time." Aniya sa galit na tono.

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Tita Kilari. Humalik ako sa kanyang pisngi at bumeso naman si Cassie sa kanya. Nagmano naman ang tatlong ugok na akala mo'y mababait.

Pinaghandaan kami ni Tita Kilari ng pagkain na ikinatuwa naman ng apat. Naging masaya ang salo-salo dahil sa maloloko ang mga ito. Natutuwa naman sa kanila si Tita Kilari at hindi na mapigilang makisali sa tawanan namin.

"Bakit ba kasi kayo nagdala ng alak sa school? I'm a teacher too, and that's so wrong." Pangaral ni tita sa tatlong lalaki.

"Trip lang namin, Tita. 'Tsaka para matulungan na rin itong kaibigan namin na makasulyap man lang sa crush niya. Ayos ba, Tita?"

Bumilog ang mata ko sa sinabi ni Ulrim. Nagtawanan ang tatlo at nagawang ibulgar kay tita 'yon.

Mga traydor!

"Really? Milada has a crush? I mean... new crush?" ngumiwi ako tila tuwang-tuwa si Tita Kilari.

"No, Tita. Amadeus pa rin," Cassie smirked.

I groaned to them. Ngumiti lang si tita na parang naiintindihan ako. Natapos ang pag-uusap namin tungkol doon nang mag-open ng panibagong topic si Cassie. I mean puro kaartehan niya sa buhay. Tita Kilari and her are close, at nagkakasundo talaga sila pagdating sa mga damit at designer bags.

Pagdating ng ala-singko ay nag-uwian na rin ang mga ito kaya tulong kami ni Tita mag-ayos ng mga kalat. Pagkatapos kong maghugas ay hinila ko agad si Tita Kilari sa sala para maibigay sa kanya ang regalo ko. It is another crochet top. Lumaki ang ngiti niya at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Gosh, Milada! You really improved a lot! Sa dating maliliit na keychain lang na gawa sa crochet ay nag-evolved na sa damit!" masaya niyang sabi at pinuno ng halik ang aking mukha.

Todo naman ako punas at wala namang siyang reklamo roon dahil mas'yadong naagaw ang kanyang atensyon sa binigay kong regalo. I spent my nights just to make it beautiful and perfect. Sa nakalipas kasi na taon ay ang pagco-crochet na ang naging libangan ko. Nakatanggap na rin sila Ulrim, Ulrid, Radin at Cassie sa akin ng gano'n.

Kapag birthday nila ay isang crochet na gawa ko ang regalo sa kanila. Hindi na ako bumibili ng regalo dahil ako mismo ang gumagawa. Mayroon na nga din akong online page para roon i-post ang iba kong ginagawang design. Mapa-damit, sumbrero, keychain at kung ano-ano pa. This hobby became my favorite thing.

"You made me learn this, Tita..." I smirked and blushed at the same time.

"Well, noong nasa edad mo ako ay ganyan din ang naging libangan ko. But I think, pupuwede mo iyang pagkakitaan." Aniya.

Oo nga pala, hindi niya alam na matagal ko na iyong nagawa. Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang page na ginawa ko. Namilog ang kanyang mata at gulat na gulat na kinuha ang cellphone ko.

"Really, Milada?! Kailan pa ito?" namamangha niyang tanong.

"Grade ten ako, Tita... uhm... when I got heartbroken, you know..." humalakhak siya at muli akong pinaulanan ng halik sa mukha.

I groaned and tried to get out in her embrace, but she just giggled.

Nagkatuwaan pa kaming dalawa hanggang sa marinig namin na may nagdo-doorbell. Si Tita Kilari na ang tumayo habang ako naman ay naghuhubad ng sapatos at kinalas na ang butones ng uniform ko. Suot ko pa rin naman ang palda ko kaya wala nang kaso 'yon. Naiwan na lang ang sando ko roon at tamad na sumandal sa sofa. Pinatong ko din ang paa ko sa center table na may medyas pa at pumikit.

"Milada," hindi ako dumilat at hinayaan lang si tita.

"Milada!" tamad akong nagbukas ng tingin at gano'n na lang ang pamumutla ko nang mapagtanto na may bisita pala.

Napabalikwas ako ng bangon at nahihiyang nilibot ang tingin sa bisita. Tita Analyn is smiling at me and Amadeus look down on my body. Doon ko lang napagtanto ang ayos ko kaya mabilis kong pinulot ang gamit ko paakyat sa ikalawang palapag para lang makapag-bihis ng maayos. Nalaglag pa ang isang sapatos ko kaya agad ko itong pinulot ulit. Walang lingon-lingon na nilisan ang sala.

"Naku! Pasensya na kay Milada at nag-community service daw sa school. Kaya ayun pagod..."

Narinig ko pang sabi ni Tita Kilari at alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan.

Bakit ba kasi kasama pa siya?

Nagsuot lang ako ng printed black t-shirt na oversize. At nagsuot ng pajama. Ganito lagi ang suot ko sa bahay at hindi na nag-aksaya pa ng oras para mag-ayos. I'm comfortable with this kind of clothes.

Pagbaba ko ay nandoon na sila sa dining area. Naghahain si Tita Kilari ng kakainin para kila Amadeus at Tita Analyn. Lumingon sila sa akin ng maramdaman ang presensya ko. Kahit nahihiya pa rin buhat sa nangyari kanina ay taas noo akong ngumiti kay Tita Analyn at umupo sa isang bakanteng upuan. Sa harap ni Amadeus.

"Nagdalang buko pie si Tita Analyn mo. Paborito mo ito, 'di ba?" I smiled.

"Thank you, po..." ngumiti lang siya at hinaplos ang buhok ko. Nasa katabi ko kasi itong upuan.

"So... si Amadeus ba ang nakahuli sa 'yo, Milada?" nakagat ko ang aking ibabang labi.

Alam kong inaasar lang ako ni Tita Kilari. Alam niyang malaki ang pagkakagusto ko kay Amadeus dahil hindi ko naman 'yon inilihim sa kanya.

"Opo..." I said that it was almost a whisper.

Natigil sa pagkain si Amadeus at kahit hindi ako nakatingin ay alam kong pinagmamasdan niya ako. I just suddenly remembered the day I confessed to him. Kapag naaalala ko 'yon ay talagang pinamumulahan ako. Hindi ko akalain na nakaya kong umamin sa kanya noon, pero nasaktan lang sa huli.

"Mas'yado na bang pasaway itong si Milada, Amadeus?" nagtaas ng kilay si Tita Kilari tila tinitimbang ang reaksyon ni Amadeus.

"Kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Mas'yado pong malikot..." umawang ang labi ko.

Malikot?! Ano ako batang paslit?

Narinig ko ang halakhak ng dalawang babae na para bang may nakakatuwa roon.

I'm offended!

Palihim ko siyang binigyan ng masamang tingin. Nahuli niya 'yon at mataman na nagtaas lang ng isang kilay.

"Mababait naman iyong mga kaibigan ni Milada, alam mo na... bata kaya mahilig gumawa ng mga kalokohan. Mas'yadong kuryoso sa mga bagay. Ikaw ba, Amadeus... hindi ka pa ba na guidance?"

Gusto ko na lang mapatampal sa noo ko sa mga klase ng tanong ni tita.

"Hindi pa po... at wala po akong balak," aniya at muling sumubo ng pagkain.

"Mas'yadong mabait itong anak mo, Analyn. Baka naman bigyan ng kapiranggot itong si Milada. Tama si Amadeus... mas'yado malikot ang pamangkin ko."

Tuluyan na akong napasimangot at iniwas ang tingin sa kanila. Pero hindi ko rin napigilan at palihim na sinilip si Amadeus. Halos mabulunan ako sa kinakain ng makita siyang nakatingin din sa akin habang nanguya ng kanyang pagkain. Tumikhim ako at binuksan na lang ang tupperware na may laman na buko pie.

"Let's have a little drink, Analyn." Natatawang sabi ni Tita Kilari.

Napailing na lang ako at lumabas ng bahay. Naupo ako sa upuang kahoy na mahaba. Nakalagay ito sa bakuran namin at dito talaga ako madalas tumambay lalo na kapag padilim na.

Inabot na sila ng dilim dito at hindi ko talaga makayanan ang presensya ni Amadeus kaya mas pipiliin ko na lang lumabas kaysa makasama siya roon. 'Tsaka baka kapag nalasing na si Tita Kilari ay kung ano pang masabi no'n sa harap ni Amadeus. Nakakahiya lang.

Ako: Cassie! Nandito si Amadeus sa bahay!

Chat ko at alam kong magri-reply din ito agad. Hindi nagtagal ay tumunog ang notification ko at nabasa ang message niya roon.

Cassie: Really? Kilig ka naman?

Sumimangot ako sa reply niya. Magtitipa pa lang ako ng panibagong message ng tumunog ulit ito.

Cassie: Dumalaw lang 'yan kasi birthday ng Tita Kilari mo. Pero malay mo naman dahil gusto ko makita kahit magkapitbahay lang kayo.

She even put a laughing emoji on her chat message.

Ako: Of course, pupunta siya rito kasi birthday ni Tita pero hindi dahil sa akin. Bakit ka naman nag conclude ng ganyan?

Kumunot ang noo ko.

"You should go inside. Malamok dito," napabalikwas ako ng upo at agad napatay ang cellphone ko nang makita si Amadeus na nakasandal sa hamba ng pintuan. Naka-krus ang kanyang braso sa may dibdib nito.

"I'm fine..." umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Pagod ka daw sabi ni Tita Kilari. Bakit hindi ka magpahinga kung ganoon?"  naguguluhan ko siyang nilingon at nagugulat sa kanyang mga sinasabi.

Ito ang unang beses na kinausap niya ako na kaming dalawa lang. Dahilan kong bakit ayaw tumigil ng malakas na kabog ng dibdib ko.

"H-Hindi naman... ah... ayos lang..." nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko ng tumunog 'yon.

Cassie already replied to my text.

"Stop drinking alcohol inside the school," suminghap ako at gulat siyang nilingon.

"Hindi ako ang nagdala no'n! Its Ulrim! At isa pa hindi ako umiinom ng alak." Nagulat ako sa sariling boses.

Why do I sound so defensive? At bakit ko nilaglag si Ulrim?!

"Ulrim, huh. Your new friends always bring you to the guidance office. Hindi ka ba nagsasawa? O baka may iba pang dahilan kung bakit gusto mong magpunta sa guidance?" sarkastiko siyang ngumisi sa akin.

"What do you mean? At bakit ko naman gugustuhin na bumalik sa guidance office?" hindi ko na maitago ang pagkairita.

"Then stop your stupid escapades! Dinadala mo ang sarili mo sa kapahamakan. Do you even know those boys well? You always hang out with them. Drinking liquor at this age!" napatayo na ako sa upuan ko dahil sa pagkairita.

"Ano bang pakialam mo? Tsaka I said na nga na hindi ako umiinom ng alak," halos bulong na lang 'yon dahil ayaw kong sigawan siya.

Kahit naiirita ako ay hindi ko pa rin kayang pagtaasan siya ng boses. My voice are soft na kahit galit ako o sumisigaw ay hindi halata. Cassie and the boys always makes fun of me because of that.

Minsan nga ay ginagalit talaga nila ako para lang mapasigaw. At kapag nagtagumpay ang mga ito ay tatawanan nila ako. Kalaunan hiihingi rin naman ng sorry ang mga ito kalaunan.

"Huh?! I'm just concerned—"

"Then stop being concern! 'Wag kang magpanggap na parang may pakialam ka sa akin, when in fact you're not, Amadeus. Hindi mo ako kargo at kaya ko ang sarili ko." Pinal kong sagot.

Concerned? I don't believe him. Sa tagal namin magkakilala. Sa tagal ko siyang nakakasama ay kahit kailan ay hindi siya naging concern.

Kaya ano itong pinapakita niya?

"You changed. You really changed..." naiiling niyang sabi at matalim ang tingin na binibigay sa akin. He looks disappointed to me.

"Yes, I am. I changed. Ano naman ngayon? Does it bother you? Then if I am, stop looking at me and just ignore me."

Tumayo na ako sa upuan at lumakad papasok sa pintuan kung nasaan siya.

Nang madaanan ko ito ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi dahilan ng pangingilid ng luha ko.

"You're not the girl I met years ago..."

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 231 28
Simon Gabriel Maquinto was about to jump off the balcony, but Jamie Faith Del Valle stopped him. He still did it. But he didn't know he was unintenti...
1.3M 18.6K 41
Dice and Madisson
14.7K 179 34
ATHLETE SERIES # 4 Andriette Calliope Clementine Molina, needs to win the last tournament in order to hold the title of national chess master. Little...
80.9K 4.4K 33
What if I can give you a once-in-a-lifetime opportunity to be the person you wish to be? To go back to the time before you were damaged? To exist in...