Allejo Series 2 | Will You Un...

由 veniixx

364K 6.8K 2.9K

In fairy tales, when the two person get married, they'll say it's a happy ever after. But for Aiana and Caspi... 更多

DISCLAIMER
.....
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
WAKAS
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
HI, AGAIN!
PROMOTION
NEW STORY ALERT!

KABANATA 2

13.3K 373 253
由 veniixx

                               KABANATA 2

Pagkatapos bisitahin si Aia ay iniwan ko muna sila sapagkat marami pa akong aasikasuhin. Mabuti nalang at hindi muna siya iniwan ng asawa ko roon .

Nagsusulat ako sa loob ng aking opisina nang may biglang kumatok na siyang nakaagaw ng atensyon ko.

" Yes? " I asked.

Dahan-dahang nagbukas ang pintuan at pumasok ang isang parang pamilyar na lalake. Kulay abo ang kaniyang buhok , matangkad at mala demonyo ang mukha.

Hindi naman sa pagiging judgemental ngunit sa unang tingin palang ay malalaman mo nang puro kalokohan ang lalakeng ito.

Napakunot ang noo ko, iniisip kung saan ko ba siya nakita.

Base on his robe, he must be also a doctor.

I looked at him with a questioning face. Iginaya ko siya paupo sa harapan ko. Naghintay lang ako sa kung ano ang sasabihin niya.

Unti- unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi bago maupo. Nakatingin pa rin ako sa kaniya, naguguluhan.

" What? " he laughed.

Parang pamilyar talaga ang lalakeng ito. Pinaningkitan ko siya ng mata, sinusubukang alalahanin kung saan kami nagkakilala.

Nang mapagtanto kung sino iyon ay nanlalaki ang mata ko at agad napatakip sa bibig dahil sa gulat.

Tumawa lamang siya sa reaksyon ko.

" Gray! " Gulat kong sigaw sa pangalan niya.

Muli siyang tumawa at umiling. " Sabagay, halos isang dekada na tayong hindi nagkita kaya posibleng nakalimutan mo na ang pinakagwapong ex mo ," pagmamayabang niya.

Pinandilatan ko siya ng mata, ngunit hindi rin naiwasang tumawa . Hindi pa rin talaga siya nagbabago. He's so full of himself.

" Hindi talaga ako makapaniwalang ikaw yan. " Napatakip na naman ako sa bibig.

" By the way, bakit ka nandito? And you're a doctor, wow! " I praised him which made him smirk. He really looks like a playboy.

" I got transferred here " he winked. " And I'm a psychiatrist." He corrected which made me gasped in awe again.

Tinawanan ko na lamang siya. Noong kami pa lang ay palagi siyang mahilig kumindat. He's a funny person which was one of the reason I liked him before.

Masayang masaya ako. Wala naman kaming sama ng loob sa isa't isa. Maayos ang paghihiwalay namin noon. It was a mutual decision.

Lumabas kami upang ipakilala ko siya sa ibang mga nurse at doctors. Hindi naman maitago ang ngiti sa labi ko dahil palagi niya akong inaasar habang naglalakad kami.

Alam niyang may-asawa't anak na ako. Sinabi ko na rin sa kaniya na malapit na kaming maghiwalay at nagulat pa nga siya roon dahil hindi niya akalaing maghihiwalay kami pagkatapos ng ilang taong pagsasama.

" I really tought you were in good hands when I saw you with him. " He shook his head in disappointment.

He saw me with him? Kailan? Saan?

Mapakla akong tumawa. I also tought that. He told me I deserve the world and he never once tried to give it to me.

Nagtatawanan kami nang biglang makasalubong namin ang asawa ko. A stethoscope was now hanging on his neck and he's wearing an eyeglass which made him more handsome.

Gray just formed an "o" with his mouth and teasingly glanced at me. I just rolled my eyes on him.

Natigilan ako nang maramdamang nasa harapan na namin si Caspian. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan. Those piercing brown eyes was like a knife stabbing my chest.

He glanced at Gray and his jaw clenched.

Lalagpasan ko na sana siya dahil wala naman akong balak kausapin siya ngunit nagulat na lamang ako nang biglang may humigit sa braso ko.

I nervously glanced at him. Hindi ko alam ngunit para akong isang kriminal na guilty.

" What? " I asked.

" Let's talk. " It wasn't a request but a command.

My forehead wrinkled. As far as I know, wala naman kaming dapat pag-usapan. Is this about the divorce again? He really can't wait ,huh?

" Sure kang talk lang? " tanong ni Gray.

I glared at him, and mouthed "shut up."

Kumindat lamang siya sa akin na hindi naman nakatakas sa paningin ng asawa ko.

Lumingon ako sa kaniya. " What are we going to talk about? " I asked.

Nanatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa braso ko .

" Let's talk somewhere private, " he said.

Nangngising aso na naman si Gray na para bang may malaswang naiisip. " Uy , uy , ano yan? " He teased us again.

Inis na bumaling si Caspian sa kaniya. " Can you stop meddling in our business and f-cking go away? "

My eyes widened at what he said. How disrespectful!

Gray chuckled and raised his two hands. " Oo na, aalis na. Good luck nalang sa talk niyo ha? " ngumisi siya ulit sa akin.

Pinandilatan ko na lang siya ng mata. Todo ang pagpipigil ko na huwag itaas ang aking gitnang daliri.
Minsan, nakakainis talaga ang isang to eh! Walang pinipiling sitwasyon kapag nang-aasar!

Umalis na si Gray ngunit nanatili lang kaming nakatayo ng lalakeng nakahawak sa braso ko. Seriously, this is getting awkward now.

I decided to broke the silence.

" Ano ba ang pag-uusapan natin? " Binawi ko ang aking braso mula sa kaniya. Sandali siyang napatingin sa namumula kong braso bago muling nag-angat ng tingin sa akin.

He sighed. " About tomorrow -"

" It's okay if you won't come " putol ko sa kaniya.

Alam ko namang hindi talaga siya pupunta. Dapat lang ay hindi na sana siya nagsinungaling sa anak ko at pinaasa!

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. " Seriously, why do you keep saying that I won't come? " may bahid ng iritasyon ang kaniyang boses.

Hindi ba't totoo naman ang sinasabi ko? Parati naman siyang walang oras !

Napatitig siya sa galit kong mukha at hinilot ang sentido, animong pasan niya ang mundo.

Humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita. " Ako ang magluluto ng kakainin natin doon. "

Napatakip ako sa bibig at umaktong nagulat sa sinabi niya . " Wow! You know how to cook? " I mocked him.

" Tss. " Sinamaan niya lamang ako ng tingin at walang pasabing tumalikod upang umalis.

I raised a middle finger at his back but I was stunned when he suddenly turned to me. His eyes widened when he saw my middle finger raising at him.

Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko at tahimik na nagdasal.

1, 2 , 3.....

" What the f-cking hell, Aiana?! " Dumagundong ang boses niya sa buong sulok ng ospital.

Tumalikod na ako habang tinatakpan ang tenga , hindi ko siya binigyang pansin.

" Ha? Ano? Bla bla bla bla bla bla " pambabalewala ko sa kaniya at dire-diretsong naglakad paalis.

* * *

KINABUKASAN, gumising ako ng maaga at agad napatingin sa kamang hinihigaan ko.

I felt his absence. It was like waking up one day with no teeth in your mouth. you wouldn't need to run to the mirror to know they were gone.

Maybe, he slept on the sofa again or he didn't really come home last night. I was damn worried last night because he didn't come home. Hindi ko naman siya magawang tawagan dahil nahihiya ako at hindi iyon kaya ng pride ko. Kaya nakatulugan ko na ang pag-aantay sa kaniya.

Pumasok ako sa bathroom at mabilis na naligo. After taking a bath , I wore a simple white puff dress na abot hanggang tuhod ko. I partnered it with a white shoes and sling bag. I look like a teenager.

I wasn't satisfied so I curled the end of my long hair. I giggled when it turned out good! Naglagay rin ako ng light lang na make up.

Nang makuntento sa ayos ay lumabas na ako at pumunta sa kusina upang magluto ng kakainin namin mamaya. Ngunit nagulat na lamang ako ng matagpuan roon ang asawa ko.

Nakatalikod siya sa akin habang seryosong nagluluto. He was topless and I could see how his biceps moved!
Walang hiyang pinasadahan ko ng tingin ang likod niya. Nanatili akong nakatayo roon, halos tumulo na ang laway ko kakatitig. Parang nabusog na tuloy ako.

Kahit siya ay bahagyang nagulat nang lumingon siya sa akin. Naabutan niya pa nga akong nakatitig sa katawan niya!

He eyed me from head to toe and licked his lower lip . Umiwas siya ng tingin ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pagngiti niya.

Agad akong umiwas ng tingin. Paniguradong kulay kamatis na ang pisngi ko!

Tumikhim ako . " You cooked? " I casually asked, like nothing happened.

Hindi ko aakalaing seryoso pala talaga siya noong sinabi niyang siya ang magluluto. Hindi naman kasi siya nagluto ng ilang buwan na.

"Yeah. " Tipid niyang sinagot at inihanda na roon ang mga pagkain. Pinanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon. I miss this.

It's amazing how someone can break your heart and you can still love them with all the little pieces.

* * *

Pagkatapos naming kumain ay umakyat siya patungong kwarto upang maligo. Umupo lamang ako roon sa sofa habang tamad na naghihintay sa kaniya.

Nang makabalik siya ay nakasuot na siya ng puting polo na naka tucked in sa black pant niya. I silently praised him. It seems like he didn't even age a bit.

Nauna na siyang lumabas at sinundan ko na lamang siya papunta sa sasakyan niya. It was a black Aston Martin. I bought this as a gift for him on our 4th wedding anniversary. I'm glad that he's still using this.

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa ospital. Ako lang ang lumabas upang kunin ang anak ko roon. Pagbalik ko ay dala-dala ko na siya. Malawak ang ngiti niya nang maupo siya sa backseat.

Hindi siya tumigil sa pakikipag-usap sa ama niyang nagmamaneho . Still, her father entertained her until we arrived at a park. It was a simple yet beautiful place. Marami ring pamilya ang naroon . May pinagkaiba nga lang sa amin.

Naglapag kami roon ng isang malaking blanket bago inilapag ang mga dinala naming pagkain. We started taking pictures together. It was our daughter's request. Kaya pinagbigyan na namin siya.

After that, we ate together while listening to our daughter's non-ending stories. Her laughters were like music to my ears.

I will cherish this moment forever.

" Daddy, can you sing the song you used to sing for mommy? " Aia suddenly asked after we ate .

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ano ba ang pumapasok sa isip ng batang ito?

" Anak, maybe your daddy doesn't remember it anymore. " Mahinahon kong saad.

Tumikhim si Caspian na siyang nakaagaw ng atensyon namin.

" Wait for me. " He said then stood up.

My forehead wrinkled but nevertheless, we waited for him. Hinintay lang namin siya roon, nagtataka kung saan siya pumunta.

Umawang ang labi ko nang bumalik siya ay may dala siyang gitara. May price tag pa roon kaya marahil ay kakabili lang niya iyon. Wth?

Umupo siya habang kami ay tahimik lang na naghihintay kung anong gagawin niya. My daughter was too stunned to even speak.

" Kung tayo ay matanda na, sana'y 'di tayo magbago "

Unang pangungusap palang ay natawa na ako sa liriko. Seriously?

" Kailan man, nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, mmm
Hanggang pagtanda natin?
Nagtatanong lang sa 'yo, ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?

His cold voice sent shivers down to my spine. Kasabay non ay parang hinahaplos ang puso ko. Para kaming isang normal at masayang pamilya ngayon.

" Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko "

Pangako?

He strummed on the guitar as he sing. Habang binibigkas niya ang liriko ng kanta ay nakatingin lang siya sa akin.

My heart ache while watching him . I never knew that you could feel hurt just by looking at the man you love. How can one person be the source of so much pain?

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I want so desperately for him to wrap me up in his arms but also want so much for him to leave me alone.

Caspian, what happened to us?

" Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko "

He continued singing and I noticed that he was struggling. His eyes were bloodshot while looking at me.

And that's when I realized.

He did love me.

Just not the same way I loved him.

I was steeped in denial, but my body knew.

He doesn't love me anymore.

继续阅读

You'll Also Like

11K 309 27
"you can call it what you want, but this is our love story" a wolfstar fanfiction that takes place in our modern timeline! it's mainly texts and wolf...
7.9K 312 18
"Enjoy the Make Up Max-" "Can I now give you, your make up?" #JaneNella in a different world.
2.7K 96 16
lee felix is struggling and refuses help "I didn't mean to," he said, wishing it were true. (hyunlix frendship) tw:sh,depression,suicidal thoughts (i...
4.6K 93 17
Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suffering, fear, and trauma? How can I make...