The Princess's Stalker (comp...

By sugarandalmonds

3.1M 77.8K 4.2K

Story of Ran Martinez Romualdez (daugther of Jett and Clem of Blame Me Once) Para sa babaeng lagpas hanggang... More

The Princess' Stalker
SIMULA:TPS
TPS 1: bayaw
TPS 2: hindi kilala
TPS 3: isang bulaklak
TPS 4: Ran vs Ren
TPS 5: the so called debt
TPS 6: invitation
TPS 7: chat
TPS 8: dance dance
TPS 9: questions
TPS 10: welcome
TPS 11: pag-ikot
TPS 12: good girl
TPS 13: pangalawa
TPS 15: battered, bothered
TPS 16: face off
TPS 17: panyo
TPS 18: kape
TPS 19: this is bad
TPS 20: get set
TPS 21 : buds
TPS 22: Monday
TPS 23: absence
TPS 24: menopause baby
TPS 25: hit and threat
TPS 26: take or leave
TPS 27: patas
TPS 28: maybe yes or not
TPS 29: good to hear
TPS 30: coming soon
TPS 31: pillow
TPS 32: this love
TPS 33: baliw na baliw
TPS 34: history
TPS 35: ang inggit
TPS 36: for nothing
TPS 37: forehead will do
TPS 38: not a fan
TPS 39: clingy
TPS 40: first date
TPS 41: can't sleep
TPS 42: subukan mo
TPS 43: watching
TPS 44: his right time
TPS 45: bus ride
TPS 46: si Bryan
TPS 47: friends, allies
TPS 48: miscalls
TPS 49: maling akala
TPS 50: blood, tissues and issues
TPS 51: will be good for him
TPS 52: I'm sorry
TPS 53: love is a fire
TPS 54: a selfish decision
Epilogue
Special Chapter: One
Special Chapter 2:

TPS 14: lakas ng loob

51.9K 1.4K 68
By sugarandalmonds

#UNEDITED

TPS 14: lakas ng loob

 

Maagang tinapos ni Jett ang kanyang meeting para makauwi agad sa bahay. Kanina niya pa tinatawagan siRan pero hindi na ito sumagot matapos ang kanyang tatlong tawag. Praning na kung praning, kahit pa sabihin niya na handa niyang hayaan si Ran sa maraming tao, hindi niya  ito magawang hayaan, gusto niyang malaman ang ginagawa nito at kung ano ang opinion nito sa paligid o ano ang ginagawa ng mga tao sa kanyang paligid.

Hindi niya pahihintulutan na mapahamak o saktan ninuman ang kanyang anak na babae. Kaya si Ren ang binulabog niya maghapon ng hindi sumasagot sa kanyang tawag, oo naman ang naging tugon nito, gaya niya ang level ng pag-aalala ng kakambal.

"I told you dad, mas safe sya sa bahay, mas palagay tayo na hindi siya mapapaano," sagot nito sa kanilang naging desisyon ni Clem. Kung sya lang sana ang masusunod, kahit siya pa ang humanap ng matino at mabait na asawa para sa kanyang anak sa pagdating ng panahon, o di kaya okey naman na hindi na ito mag-asawa kung wala talaga. She acts cold towards other people, bagay na okey lang dahil hindi kailangan I —please ni Ran ang mga tao sa paligid.  They have money, alam ni Jett na may pagka immature pa rin siya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, but it is his way, ang pagpapalago ng kanyang mga negosyo ay para sa kanyang pamilya, sa kanyang mga anak, para maibigay dito ang lahat ng best sa mundo. Maswerte lang talaga siya at kasama niya si Clem sa journey na ito, may isang anghel na nagsasabi sa kanya kung kailan na siya sumusobra at dapat ng tumigil.

Nasa dining table na silang lahat, kumpleto ang pamilya, nasa kabisera si Jett sa kanan niya si Clem at sa kaliwa si Ren, katabi ni Ren si Ron, nasa gitna naman nina Ran at Clem ang bunso na si Rojan na maganang nagkwento tungkol sa pamamasyal nilang mag-ina, naiinip kasi ito dahil wala na ang ate sa bahay, kaya para aliwin ito, niyaya ito ni Clem na mamasyal sa ocean park kahit pa makailang beses na itong nagpunta doon.

Si Ren naman at ang ama ay tumetyempo sa kanilang pagtatanong, gusto nilang malaman kung tutuloy pa ba si Ran sa pagpasok bukas.

"So ate, can we play tomorrow? At saka I want you to come with me, dalhin natin si Choco sa doctor," masuyong sabi nito, nilingon ni Ran ang kapatid, mahirap biguin ang punong pag-asang tingin nito kaya lang,

"Sorry, I have classes tomorrow," sagot niya dito na nagpatigil sa mag-ama sa pagsubo, nag-conclude kasi sila kanina na titigil na si Ran sa pagpasok.

"Babalik ka pa rin?" takang tanong ni Ren, dahil ayaw niya lang talaga, kanina habang kaharap si Yuan alam niyang hindi ito titigil. He will pissed him off more by pursuing Ran, kung noon pa nga lang hindi ito nagpasindak sa kanya, ngayon pa na may mga tumatayo na rin sa likod nito?

Hindi niya rin gusto ang nasagap niyang balita sa mga kalalakihan sa school. They are checking out his sister, sa tingin  niya mapapa-away siya sa araw-araw, masyadong mahahalay pa naman ang isipan ng mga tao sa campus. Hindi halata dahil sa antas sa lipunan, pero sa school nila nag-aaral ang mga dangerous playboys in town, at hinding hindi siya papaya na sumayad ang mga daliri ng maruruming lalaki nay un sa kanyang kapatid.

"Why do you look so surprise?" balik tanong ni Ran sa kakambal na naghahalungkat ng maisasagot. Lumapit namna ang tingin ni Clem sa kanyang anak na lalake, tiyak na sasabihin nito sa harapan ng lahat ang tungkol sa napag-usapan nila kanina.

"Maybe because of Yuan," sagot ni Ren sa kakambal, salubong ang kilay ni Ran sa sinabi nito.

"Or maybe you just don't want  me to see how you enjoy your life," diretsang sabi ni Ran dito na nagdulot ng tension sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya minsan tahasang sinabi dito ang pagkakainggit niya dahil malaya ito, hindi katulad niya. Ngayon lang talaga niya naramdaman na unfair ang tadhana sa kanya, bakit hindi patas? Bakit siya may sakit tapos ang kanyang kakambal malusog na malusog.

"Well sorry-" naputol na ang sasabihin ni Ren ng nagsalita ang kanilang daddy.

"At sino ang Yuan na ito?"  si Clem na ang sumagot para sa kaalaman ng kanyang asawa, ayaw niya na humaba pa ang usapan, hindi naman kasi dapat gawin itong issue. Nasa side siya ni Ran sa puntong to, masyado kasing overprotective ang kanyang ama, mana sa isat-isa bagay na kahit talaga siya ay masasakal.

"Classmate nila noon,"

"Remember dad doon sa party noong kaibigan mo, yung naghalik kay Ran," ang pangungunot ng noo ni Jett at mas nadoble pa ng maaalala ang eksena na yun, batang bata pa si Ran, pero nanakawan na ng halik.

"where is that kid?"

"Jett," hinawakan ni Clem ang kamay ng asawa, she needs to calm him, baka takutin ang pobreng bata na ang kasalan lang naman ay magustuhan ang kanyang anak.

"Why I just want to meet him," may halong pagbabanta sa boses nito. Clem rolled he eyes ang kulit talaga,

"Okey meet him then, just be ready for what at stake," binitawan na nito ang pagkakahawak kay Jett, umayos ito ng upo at pinansin si Ran na nakamaang lang sa lahat, ang mag-ina niya na ang nag-usap.

Napaiisip naman si Jett at ng mareliaze niya ang ibig ipahatid ng kanyang asawa ay agad siyang nagreklamo.

"Hey, you can't do that!"

"At bakit hindi?" imbes na tahimik ang dinner nila, mas dito pa nila pinili na magtalo,

"hindi pwedeng isakripisyo yun, moment natin yun! Se-" lumapit agad si Clem para takpan ang bibig ng topakin na asawa, inginuso niya ang mga anak na nakatingin sa kanila.

The twins rolled their eyes, alam naman kasi nila. Yung dalawang bata, mabuti na  lang at bata pa rin sila.

"I'm full," paalam ni Ran saka tumayo. Tapos na rin naman ang ibang mga kapatid,enjoy lang ang mga ito na panoorin ang maliit na awat ng kanilang mga magulang. Ang kanyang daddy, hindi mo taalaga aakalain na iniilagan sa business world.

"Ran, "pumasok din si Ren sa kanyang kwarto, naramdaman niya naman na sumusunod ito sa kanya,

"I'm not in the mood for  another fight, gusto ko ng magpahinga," nakaupo siya sa kama, lumapit ito at tumayo sa kanyang harapan...narinig niya ang paghinga nito ng malalim.

"Sorry for being and ass,"

"Glad that you know," binalewala lang nito ang sinabi niya para magpatuloy.

"Please believe me, hindi ko rin gusto na nasayo ang lahat ng sakripisyo, kung bakit ikaw ang may sakit at ako hindi, kung pwede lang maghatian...no ,.kung pwede lang kunin ang lahat ginawa ko na, " she suddenly felt guilty, she  can tell kung kailan siya sincere, at ito yung mga panahon na  yun. Naubos lang talaga ang pasensya niya at napasobra sya ng sasabihin.

"Sorry too, but this is my life, kung ano man ang desisyon ko, I am the one to blame," sagot niya dito.

"Yeah I know, we know,hindi lang talaga naming mapigil na hindi mag-alala,"

"Ren, I can handle myself, "

"Alam ko kahit paano kaya mo, pero-"

"Don't you trust me?"  Tanong ni Ran na nagpatigil dito.

"I trust you, I just don't trust the people around us," hindi ikinasiya ni Ran ang narinig, nagsisinungaling ito. Wala itong tiwala sa kanya.

"Liar, you don't trust me, If you did, naniwala ka n asana sa akin, if you don't trust the people around us, then bakit ka pa rin naniniwala kay Eunice?" she can't help but to include Eunice again, kapag mga trust issues,  hindi siya titigil hanggang hindi lumalabas ang kulay ng totoong Eunice.

Hindi niya na pinasagot ang kapatid, she instructed him to leave.

"This conversations over, locked the door when you leave," kahit gusto pa sana nitong

sumagot, tinalukaran na kasi niya ito.

....................................................................................

Bumaba si Ran kinaumagahan na bihis na,  hindi na rin siya nagtaka ng mag insist ang kanyang daddy na ito daw ang maghahatid sa kaniya sa school, kasama ang kanilang mommy na tinanguan lamang siya. Nauna na raw na umalis si Ren. She made him mad last night and she will not say sorry for it. Madalas kasi sumusobra ang pagiging pakealamero ng kakambal, kaya lang kapag siya na ang bumanat, natatahimik naman ito. Hindi naman matagal ang magiging tampo nito, ito kasi ang una na nagpapakumbaba.

"Kami ang maghahatid sayo ngayong araw," sabi sa kanya ng kanyang daddy na handa na para pumasok,

"And mom?" hindi naman kasi ugali ng mommy niya na sumama sa trabaho ng ama, maiinip lamang ito, ayaw din naman kasi ni Jett na magtrabaho ito, baka daw mawalan ng oras sa kanila, saka mapagod at higit sa lahat marami daw silang pera kaya bakit pa pagtatrabahuhin ang kanyang reyna?

"I need her for later, may malaki akong deal na kailangang mai close and I need my lucky charm," Ran bought that idea, yung mga asawa kasi ng mga business partner ng kanyang daddy.  Mabait kasi ang kanyang mommy bagay na aminado siya na walang nagmana ni isa sa kanilang magkakapatid, inlcluding her.

"Let's go baka malate na kayong dalawa," nagpaalam na sila sa dalawang kapatid lalo na sa bunso na nakanguso, nagrereklamo na nga ito na wala na raw siya pati ang mommy daw niya ay mawawala din.

"Hey kiddo, don't act as if I will steal them for you forever!" sabi ni Jett sabay tapik sa ulo ng kanyang bunsong anak, well he is planning another vacation with his wife kapag naging successful ang transaction na ito, kahit kababakasyon lamang nila. Wala kasing nabuo sa nakaraan. Hindi pa naman huli para humirit ng isa pa.

Kinumusta siya ni Jett habang nasa biyahe sila, she really feel the oddness, pati doon sa makahulugang tingin ng kanyang mommy. Pinaliligoy liguy pa kasi , kung bakit hindi pa siya diretsuhin, naputol ang interrogation sa kanya kagabi dahil sa maaga niyang pag-akyat sa kwarto.

"Alam no na kung saan ang lahat ng room mo?"

"Yes dad, it wasn't hard, I can read directions and with the help of Ali, " nauna na rin si Ali sa kanya sa school ,may activity daw ito sa club nito. Sinabi rin nito sa kanya na dapat daw siyang pumili ng club o group na sasalihan. Nagkatinginan ang mag-asawa sa kanyang sagot, Ran's cold, blunt. Kung ano ang ayaw niya sinasabi niya ng diretso whether it will hurt or not.  Wala sa ugali nito ang makipagplastikan, bagay na ang genes ni Jett ang may kasalanan.

"We're here," imporma ni Clem sa asawa bago pa ito makapagtanong,  the last he went here konti lang ang tao, at ngayong napakarami, he felt uncomportable na ihalubilo dito ang kanyang unica hija. Pero hindi niya na pwedeng bawiin ang kanyang desisyon. Sa tingin niya naman, magiging okey si Ran, he hopes so.

 Bumaba na ito sa sasakyan matapos , humalik sa kanilang dalawa, imbes na umalis na, bumaba na rin siya na sinundan na rin ni Clem, gusto niyang ihatid ng kanyang mata ang anak. Ang hirap talaga para sa kanila na pakawalan ito.

"Itatanong ko pa sana ang tungkol sa lalakeng yun, " bulong ni Jett sa asawa.

"Hindi na kailangan," namamangha na bulong niya pabalik ng mamataan ang isang gwapong binata na nakahawak sa strap ng backpack nito na palapit sa kanilang anak. Abot hanggang tainga ang ngiti, labas ang malalim na dimple, ngayon lang niya ito nakita muli, pero alam niya na kung sino ito. Ganito rin ang mga mata nito dati kapag nakatingin sa kanyang anak.

"Good morning Ran!" masayang bati nito sa kanilang anak, naka cross arms lang si Ran at kita niya na ang pagkakunot ng noo nito.

"You again,"

"Yes me again,"  imbes na mainis,parang mas ikinatutuwa pa nito ang pagkainis ng babaeng kaharap.  Lalagpasan na sana nito ito ni Ran ng batiin nito ang mga tao na nasa kanyang likod pa pala. She forgot that her parents are still there, kinakabahan siyang bumaling dito. Ayaw niyang mag —isip ang kanyang mga magulang na ang baliw na lalake na ito ang dahilan ng pagpasok niya sa school.

"Good morning Tita, long time no see po, ako po si Yuan, yung classmate ni Ran dati, "lumapit pa ito sa nakangiting si Clem.

"Good morning too," nginitiian niya rin ito, kahit noon kasi na chubby ito ay nakikita niya na na lalaki itong gwapo, hindi nga siya nagkamali, sana lang din ay mabait pa rin ito gaya ng dati.

"Good morning po daddy ni Ran, " bati nito  kay Jett na seryoso ang hitsura, mataman siyang nakatingin sa pobreng binata na wala naman balak kung hindi ang magpa-impress lang.

"What so good in the morning?" masungit na sagot ni Jett na agad naman na sinaway ni Clem.

"Po?" kahit narinig, nagpanggap siyang kunwari hindi. Kasama yun sa kanyang ways to impress your future in laws.

"He said that you can call him tito,"

"What!" baling na tanong nito sa asawa," kailan ko ginusto na magkaroon ng pamangkin na katulad niya?' nangagalaiti na reklamo ni Jett sa asawa. Kinalma lamang ito ni Clem,  nakakahiya din kasi sa bata. Buti na lamang at walang nagtatangkang lumapit sa kanila, kahit maraming mga mata ang kanina pa na nakatingin, kaya nga as much as possible pinapakalma niya ang mainitin ang ulo na asawa.

"Okey lang po, wala din naman akong balak na maging tito kayo." sabay silang napalingon sa sinabi ni Yuan, nakangiti pa rin ito sa kanilang dalawa.

"Kasi po ang balak ko po talaga mula umpisa ay maging magulang ko na rin kayo kapag naging asawa ko na si Ran," kapwa sila napanganga, si Ran naman ay sapo ang ulo, na sumasakit sa pinagsasasabi ni Yuan sa harap pa ng kanyang mga magulang.

"What did you say!?" galit na si Jett, umuusok na ito kaya naman tumigil na sa pag ngiti si Yuan, pero seryoso siya sa kanyang sinabi.

"Don't believe him, he is insane, papasok na po ako," tumalikod na si Ran at umalis.

"Tutuloy na rin po ako, ihahatid kop o siya, good morning po ulit," nagpaalam na ito kahit gusto pang kausapin ni Jett, hinila ni Clem ang asawa papasok sa loob ng kotse.

"Narinig mo ba yung sinabi niya?" nanggagalaiti pa rin ito sa biyahe, he loosen his tie, hindi nito matanggap na indirectly nagpropose ang isang lalake sa kanilang anak.

"Opo narinig ko,"

"So bakit hindi ka nagagalit?" reklamo nito sa kanya.

"Bakit ako magagalit, sanay na ako," natatawa si Clem sa nasabi at mga naalala.

"Seryoso ka?" tanong ni Jett na nanlalaki ang mata, hindi pa rin talaga maka get over, baka bukas magulat na lang siya ikakasal na ang anak sa baliw na lalake na yun.  Kapag nagkakataon baka makapatay pa siya ng di oras.

"Kahit bata pa lang, araw araw na hinihingi ni Yuan ang kamay ni Ran, nandyan na binibigyan din ako ng bulaklak, chocolates at cards, nakakatatawa no, kasi ang tagal na napanahon, yung anak mo pa rin ang gusto niya? Meron pa lang ganoon," nangingiti na wika ni Clem. "ang lakas ng loob niya na sa harap natin ginawa yun, after all these years,"  ibang iba na rin kasi ang histura nito, maraming babaeng tyak na nagkakandarapa dito, pero anak niya pa rin  ang gusto. North at south ang pagitan ng ugali nila. Si Yuan laging nakangiti, si Ran ay tipid, masayahin si Yuan si Ran kapabaliktaran, kahit paano gusto niya na maging masaya din ang mundo na ginagalawan ni Ran kahit sa labas ng kanilang mundo.

"Tsk, lakas ng loob, wait and see at dudurugin ko ang kanyang lakas ng loob," Jett clench his fist, nailing na lang si Clem sa banta ng asawa. Nagpapaka isip bata na naman.

"No wonder ang sungit ng anak mo," komento niya na inirapan nito.

She kissed his cheek pero nagtatampo pa rin, pero hindi niya talaga mapigilan at mapangiti, palagay na rin siya dahil kahit bukod sa kakambal may isa pa na magbabantay at mag-aalaga sa kanilang Ran.



"Kapag malaki na po ba ako at may ngipin na pwede ko na pong maging girlfriend si Ran?"

At malaki na nga ito ngayon...kaya nga lang hindi na lang girlfriend ang balak nito sa kanilang Ran, humigit na doon.

Continue Reading

You'll Also Like

43.2K 3.9K 36
Limampung taon na mula nang mawala ang hinirang ng Ikauna bilang bantay ng kanyang huling testamento. Limampung taon na rin mula nang isilang ang iti...
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...
432K 11.2K 32
Aegon Jon aka as Jon Snow sa mga kaibigan niya. He is a business man with so much potential in life... He has an active life until life took his sigh...
22.5M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...