San Vicente 3: Illustrious

By psychedelic26

6.6K 365 115

San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 10

268 17 3
By psychedelic26

"BOSS, ALAM MO iwan mo na lang ako dito. Ako na bahala bumalik kung saan man." Sabi niya kay Alpha.

Marci was waiting for her impulse to throw up to stop. Sa haba ng byahe nila ay sobrang hilong-hilo na talaga siya. Ayaw niya ng amoy ng aircon. Noong una ay okay lang. Sanay siya sa sandali lang na mga byahe kaya hindi masyadong nakakasuka sa kanya pero iba ngayon, ang tagal na nila sa byahe kaya naman heto siya at nagsusuka.

"Alam mo ba kung nasaan tayo?" Tanong nito sa kanya.

Mula kaninang madaling araw hanggang sa ngayon ay iniintindi siya ng lalaki. He checked on her every once in a while habang para siyang nanlalata sa pagpipigil na masuka. Buti sana kung sila lang dalawa pero kasama din nila ang sumunod na kapatid ni Alpha na si Omega. This is the first time that they've met tapos ito pa ang entrada niya dito. She seemed kind and patient, katulad ng kapatid ay inaalalayan din siya nito.

"Hindi pero para mapabilis kayo, madali naman magtanong diyan—wait." Then naduwal nanaman siya. Buti na lang hindi madami ang kinain niyang umagahan kaya wala na siyang maisuka ngayon. "Boss, dun ka nga. Kadiri oh."

Nakatayo sa gilid niya ang lalaki habang hawak ang kanyang buhok. Kanina niya pa ito pinalalayo pero ayaw naman. Mula kanina nang mapansin na nito na sumasama ang pakiramdam niya ay nakaalalay talaga ito sa kanya. He'll give her water and candies. Kung alam niya lang na ganito ay uminom sana siya ng gamot kanina.

"Hindi ako madidiriin." Sabi lang nito. "At hindi mo alam ang lugar tapos magpapaiwan ka? Look at yourself, makakarating ka ba anywhere looking like that?"

"Masama na nga ang pakiramdam nung tao tapos pagagalitan mo pa Kuya." Bumaba din si Omega sa sasakyan para abutan naman siya ng tubig. "Do you feel better Marci?"

"Salamat Miss Omega," nang abutin niya ang tubig. "Pasensya na at nagtatagal tayo."

"Si Kuya Kairos naman ang pinakamahalagang makarating dun, not us, kaya huwag kang mag-alala. My sole purpose will be batukan si Mikee because of this crazy stunt she pulled." Natatawang sabi nito sa kanya.

Omega San Vicente really doesn't fall far from the tree. Grabe, sa looks department pa lang winner na. Maganda din ang ugali nito at palangiti. Nagulat nga siya kanina nung dumating ito sa condo ni Alpha. Tinatamad daw itong magmaneho kaya makikisabay na lang kay Alpha.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman sa kanya ni Alpha.

"Okay-okay naman na boss. Sorry," humingi siya ng pasensya dahil imbes na hindi na masyado magtagal ang byahe ng mga ito ay lalong nagtagal dahil kailangan nilang tumigil every now and then. "Nagtatagal tayo dahil sa akin."

"Kaunti na lang at andun na tayo." Sabi Alpha sa kanya. "I can't leave you here. Okay?"

"Ah," tumango-tango na lang siya. May kung ano nanaman kumabog sa dibdib niya. He looked so concerned. "Si-sige boss, kaya ko pa."

Nginitian siya nito at iginiya muli sa sasakyan. "Tsaka palagi ka nagpapaiwan. Hobby mo ba yun?"

"Ako?" Nasa loob na sila ng sasakyan at muli nang bumibyahe.

"Every morning kapag may hinahanap kang file o gamit na sabi mo inayos mo na. Every end of the work day kasi may gusto kang tapusin. Kahit sa pagkain." Sabi nito sa kanya.

Madalas niya ngang sinasabi iyon din. "Ayaw ko lang maging abala."

"Bother him all you want Marci." Singgit ni Omega. Sumilip ito sa kanila mula sa backseat. Doon kasi ito umupo kahit na sinabi niyang sa harap na ito. "Kulitin mo at i-nag all you want. Ako bahala sayo. Para may sub kami."

"Pati si Marci hahawaan mo ng masamang impluwensiya mo." Komento naman si Alpha.

"Ang bait ko kaya." And she sat back properly again.

"Although she does nag a lot." Tiningnan siya nito baka natawa.

"Ang bait ko din kaya boss." She said, defending herself. "Mahalaga lahat ng pangungulit ko."

Makalipas ng trenta minutos ay nakarating na sila sa address kung nasaan si Mikee. Nandoon na ang sasakyan ni Kairos. Mabilis na bumaba si Omega, hindi na ito nagsabi sa kanila at bumaba na lang at pumasok sa bahay, akala mo may giyera sa pagmamadali.

Akmang baba na siya sa sasakyan ng pigilan siya ni Alpha. "Don't go down."

"Ha? Hindi mo ba sisilipin sina Mikee?" She asked.

Pero hindi ito nagsalita at pinaandar na uli ang sasakyan. Wala pang sampung minuto ay huminto na ito sa isang puting bahay at pumarada doon.

"This is where we're staying. Let's go." Bumaba na ito at nagtungo sa pintuan niya't binuksan iyon. "Magpahinga ka muna dito."

"Ha? Hindi na. Tutulong ako magligpit doon. Sabi ni Miss Omega mag-iimpake siya ng mga gamit ni Mikee." Lumabas siya pero ayaw niyang pumasok sa bahay. She wanted to help. Hindi naman siya sumama para mag-sight seeing lang o mahilo sa byahe.

Biglang dinampi ni Alpha ang kamay nito sa noo niya. "You have a fever."

"Ha?" At sinalat niya din ang leeg niya. "Sinat lang yan. Gamot lang ang katapat nito. Kaya ko to."

"Don't be stubborn." He said sternly.

"Nakakahiya naman na andito ako pero talo ko pa ang boss ko at magpapahinga ako." She wanted to be of any use kasi lately parang ang tanging ginagawa lang niya ay sundan-sundan si Alpha. Marci feels like she's being paid for a job that she doesn't really do.

"Marci," he combed through his hair before looking at her again. Palaging ito ang ginagawa ng lalaki kapag nagmamatigas siya.

"Boss," nagulat na lang siya at binuhat siya nito pasampa sa balikat at naglakad na patungo sa bahay. "Boss, ibaba mo ako! Boss!"

"No," he was now opening the door. Ganun lang ba siya kagaan na ang bilis pa din ng galaw nito kahit na nasa balikat siya nito? "I don't want to argue anymore Marci."

"Boss, ibaba mo ako. Maglalakad na ako. Bo—Alpha!" At sa kama na siya binaba nito. Making sure na hindi siya parang ibinagsak lang.

"That got you to say my name again." Alpha smirked. "Magpahinga ka dito, your boss' orders."

"Nakakahiya kasi." She admitted. "Nadelay ko na ang byahe, naging abala pa ako kasi ang sama ng pakiramdam ko, tapos ngayon hindi pa ako makatulong."

"Hey," he squatted down to eye level. "It's fine. Walang kaso sa akin Marci."

"Feeling ko lang wala akong nagagawa para sayo." She sighed. Palagi na lang parang hindi naman siya kailangan at nagiging pabigat lang.

"Masama nga ang pakiramdam mo. You're usually bossier." He laughed before standing up again. "Ikukuha kita ng tubig. You have meds in your bag right?"

Then he was walking out of the room. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun. He's too kind towards her na parang mali na. Ayaw niyang maging pabigat dito but she wants to stay and help him the same way that he did for her. Pero the more that she stays, the more na nalilito siya sa presensya nito. Parang mas kailangan niyang bantayan ang puso niya kaysa sa lalaki mismo.

Nang makabalik ito ay may dala na itong tubig. He rummaged through her bag para kuhain ang medicine pouch doon. Kaya palagi siyang iniinis nito na si Mary Poppins dahil sa dami ng mga dala niya but she does that para ready siya sa kahit na ano. Para pa pala sa kanya hindi para dito.

"Matulog ka muna. Babalik ako mamaya. Okay?"

Tumango siya. Imbes na umalis agad ay naupo ito sa may paanan ng kama, tila hinihintay na makatulog siya. She wanted to stay awake pero kahit anong pigil niya sa antok ay nilamon na din siya nito.

***

"HOY ALPHAEUS San Vicente." Napalingon si Alpha sa tumawag sa kanya. It was his sister, Omega. Minsan talaga gusto niyang batukan ito eh.

Kababalik niya lang mula sa rental nila. Hinatid niya muna doon si Marci kasi sobrang nanlalata na ito at nilalagnat pa. If he knew na ganoon ang mangyayari dito ay hindi na sana niya ito isinama. She looked so frail kanina na naawa siya dito. Gusto pa sana tumulong nito sa pagliligpit ng mga gamit ng Mikee pero hindi na niya ito pinayagan.

"I'm your older brother Omega Izobel." Nakakunot ang noo na sabi niya dito. "Baka nakakalimutan mo."

"High blood ka nanaman Kuya." Sabi ni Omega, natatawa-tawa pa. Nakatayo ito sa may patio ng bahay na parang hinihintay ngang dumating siya. "Kamusta si Marci?"

"She's fine. I gave her meds. Wala na yung lagnat niya when I left. Hindi ko na dapat siya sinama, baka natagtag sa byahe." Hinintay niyang makatulog ang dalaga bago ito iwan. She must've been so beat from the travel kasi nakatulog ito agad.

"Flavor of the month?" Tanong nito sa kanya.

He understood though, alam niya naman na alam ng mga kapatid niya na he's kind of a ladies man. He was, but he isn't as interested now as he was then. Siguro dahil he has company and someone to talk to after work at madami din naman talaga ang trabaho niya lately.

"Flavor? No." Natatawang sabi niya. "That girl is my assistant, she has been for at least three months now."

"Yeah right." Pagkikibit balikat nito. "Nakwento siya sa akin ni Delta and ni Mama. You're oddly fond of her. Kuya Kairos was oddly fond of Mikee too and look at them, basically attached by the hip now."

He wasn't attracted to Marci at all, he shouldn't be. She's just his responsibility kasi siya ang nagdala dito sa Maynila. But he does enjoy her company kahit na makulit ito at madaldal. Having her around makes him go out less. Lumalabas lang naman siya dahil he's looking for company. The only thing he probably isn't getting is a tumble in bed pero strangely, it's okay. Ilang taon na bang ganun ang lifestyle niya? Nakakasawa din naman.

"I brought her here, hindi ba at normal lang na bantayan ko din siya? I do it for you and Delta." Sabi ni Alpha, seemingly stating a fact.

"And the rest of the family pero you don't hold our hair when we vomit." May pilya at mapang-inis na tawa sa mukha nito. "Or care that much, sobra kang nag-aalala. Ngayon lang kita nakitang nag-alaga ng tao na di mo kadugo...uli."

It did happen to him a few times, na-in love na din naman siya but they didn't end up how he wanted them to. After all that, hindi na siya naghanap pa. He's settled with the fact that he may never have anyone he's going to see a future with.

"Oh get over it Omega. Sa susunod na masuka ka hahawakan ko din ang buhok mo." Sabi niya dito. Ano bang masama na concerned siya kay Marci eh assistant niya ito? Other than that she's a housemate, and she's a friend of his. "Pero the only reason you'll vomit is because of drinking. Huwag mong asahan na hindi kita pagagalitan if that'll be the case.

"Uy, wala na siyang ma-reason out." Natawa na ito. "Wala naman masama Kuya. Do you still go out meeting those girls?"

"No and before you get any ideas, I don't have time." He pointed out. "I'm busy enough."

"That's a good thing though. Live a quieter life, stop being a playboy and settle down."

"Sa atin, hindi ako ang maaasahan na mag-settle down Omega. Baka ikaw o si Delta." Alpha said. He was kind of sure that after how his heart felt. He won't be able to settle down. "Ako, I'm just getting older kaya ako nananahimik. It's not interesting anymore."

"Pshhh," pagsasawalang bahala ni Omega sa sinabi niya. "I don't think I will be married ag—ever."

"We're hopeless. Si Delta na lang ang asahan ni Mama." Natawa si Alpha sa sinabi. Their poor mother can only suffer in her wait na may isang anak itong magpakasal at magbigay dito ng apo. It's like a dream of hers.

"Hindi siguro natin makita kung sino ang para sa atin." Pagkikibit balikat ni Omega. "Oo nga pala. I think Mama's planning dates for you. She asked for some of my friends' names."

"Just when I'm beginning to feel comfortable in the quiet." Napakamot siya ng ulo, pasaway talaga ang nanay niyang ito. Hindi mapakali. "And I think pinagre-report niya si Marci regarding the girls around me. Narinig kong tinawagan siya ni Marci nung isang araw."

"Oh, she does? Iba talaga si Rosanna San Vicente. She will always find ways to spy." Omega laughed. "Buti hindi mo pa pinapaalis si Marci, you hate having your privacy disturbed."

"Okay lang, hindi naman ako naaabala. She's taking care of all those visitors. She's keeping the peace rather than making a mess." Alpha said, he's figured for a while na pinababantayan siya ng nanay niya kay Marci. It didn't bother him at all. "She's also so stubborn, lahat ng gawain sa bahay ginagawa. She decides on things herself, she likes insisting na gawin ko ang mga bagay-bagay. She even insisted na magpunta ako sa pagsusukat para sa kasal ni Bobbie."

It's been a week since they had a visitor, after what he saw he made sure that no one can go up without any appointment and even if they did si Jun na ang bahala sa mga ito at hindi na si Marci. Nainis talaga siya when she saw that woman's hand hit Marci. It wasn't intentional but he was irritated as fck.

"Hay my brother. I think your playboy days are over." May nakakalokong ngiting sabi nito. "It's good that someone is stubborn enough to go head to head against you. Lahat ata takot sayo eh. Ngumiti ka naman kasi minsan."

"Hindi ko kailangang maging mabait." He said.

"Akala ko kasama ninyo si Marci?" Tanong ni Kairos sa kanila. Pumasok na sa bahay si Kairos at Mikee, he had Mikee in his arms kasi mahirap ipasok ang wheelchair nito.

"Nahilo sa byahe kuya," tinulungan naman ni Omega na kuhain ang wheelchair ng kaibigan.

"Hinatid ko muna siya dun sa rental para makatulog siya. May sinat kanina eh." Sabi naman niya.

"I was telling Kuya Al na he's beginning to look like you Kuya Kairos." Omega laughed.

"You're falling in love with Marci?" Tanong naman ni Mikee nang makaupo uli ito sa wheelchair. "If you're beginning to look like Kai then you're falling in love Kuya."

"You're being overly confident Mikaela." Sabi ni Kairos sa nobya.

"So di ka na-in love sa akin?" Mikee asked. "Kakasabi mo lang kanina sa akin na..."

"Of course I'm in love with you. Always will be." Ngumiti ito kay Mikee bago ibinalik ang tingin sa kanila ni Omega. "I agree with anything Mikaela says. Besides, I like Marci, she has this bright character."

"Huwag kayong masyadong makinig diyan kay Omega. Naalog din sa byahe yan." Sinamaan niya ng tingin ang tumatawa pa ding kapatid. He's not in love. "We, Marci and I, we just look out for each other."

"And another great love story begins." Sabi nanaman ni Omega. Kung hindi lang talaga siya nakakapagtimpi ay binatukan na niya ang kapatid. "But I think, nakwento sa akin ni Delta na Mama made Marci promise na she'll never have any interest in you. Si Mama talaga KJ."

"Marci is good." Napalingon sila kay Kairos. Naibaba na nito si Mikee at iniaayos na ang kumot sa kandungan nito. He really is a different person now that he's in love. "She takes care of you and she can make you listen, stubborn as you are."

"We're not like that, huwag ninyong lagyan ng malisya." Ni hindi nga niya makita na may kung anong relasyon sila nito. She's just someone he's comfortable with. Ayaw niyang i-blur yung lines kasi baka may masaktan siya.

"Sabi mo eh." Iyon lang at iba na ang inintindi ni Kairos. He isn't much of a talker but he comes through all the time. "Just don't confuse one thing for another."

"Sobrang vague nun kuya." Omega laughed.

It crossed his mind a couple of times, if he liked Marci, but he wasn't able to answer it clearly every single time. He liked having her around but there's something in him telling him na hindi pupwede, na hindi dapat. Marci is a good thing in his life, she's a breath of fresh air at ayaw niyang gawan ng malisya ang san'y tahimik lang nilang pagkakaibigan. They look out for each other, hanggang doon lang dapat yun.

***

"ANG CUTE no?" Pinapanood niya si Kairos at Mikee na pawang mga nakaupo sa baybayin ng dagat. They were both laughing about something. Wala na yung madilim na aura ni Kairos. He just needed Mikee.

Makatapos makapahinga ay umokay na ang pakiramdam niya. Ayaw pa nga sana siya isama ni Alpha para tumulong sa pag-aayos ng mga gamit ni Mikee pero nagpumilit siya kaya heto nga siya at tumutulong. Patapos na sila at dapat ay aalis na bukas. Maiiwan din kasi si Kairos at Mikee kasi gusto din ng dalawa na mamasyal at magpahinga pa dito.

"Ang alin?" Tanong sa kanya ni Alpha. "Yung dagat? Kailan pa naging cute ang dagat?"

"Hindi boss, ikaw talaga. Cute sila Sir Kairos at Mikee." She smiled as she turned her gaze to them again. "Kasi diba nung ilang araw ninyong hinahanap si Mikee sobrang dilim talaga ng aura ni Sir Kairos. Desperado na siya eh. Tapos ngayon, tingnan mo, ang saya niya. Ngayon ko nga lang ata siya nakitang tumawa eh."

"And that's cute?" May pagtataka sa mukha nito.

"Yun lang ang nagamit kong salita pero higit pa yun dun. Iba talaga ang power of love." Marci explained. Cute cannot even begin to explain that. "Kapag na-in love ka, iba ang takbo ng mundo."

"Have you ever been in love?" Alpha asked.

"Ako? Siguro. Hindi ko alam boss eh. Madami kasi akong priorities na iba." Napaisip siya bigla. Hindi naman kasi siya ganun ka-invested na may makarelasyon. May mga nakilala siya pero wala yung tipong naging boyfriend niya talaga. Hindi kasi sila ever naging priority niya. "Ikaw ba?"

"Oo. Long time ago. Never gonna do that again." He laughed but something in his smile isn't right yung parang hindi biro lang.

Nasaktan na kaya siya?

"Okay lang yan boss. Kapag dumating yung para sayo malalaman mo na din agad. Oo nga pala..." he looked at him. "Huwag mong sasabihin kay madam na sinabi ko sayo ah."

"Ang alin?"

"Balak ka niyang ipakilala sa mga pwede mo daw maging potential na girlfriends, parang blind date." Nabanggit sa kanya ito ng ginang noong nakaraang linggo. It will be her job to get him to those blind dates.

"Trabaho mo ba na pumunta ako?"

She was flustered. He knew right away. "Uhmm...oo. Pero hindi ba okay yun? Malay mo makilala mo nga boss ang 'the one' mo."

"I don't think have a person like that." He admitted. Nakatingin pa din sa dagat. "It's not for everybody Marci."

"Imposible na wala boss," hinawakan niya ang balikat nito bagay na nagpaharap dito sa kanya. "Tutulungan kita."

"Saan?" He chuckled.

"Mahanap siya." Marci declared. "Yung 'the one' mo. Promise."

"I don't need to look for her." He told her.
______________
Thank you for reading! I'll try to update once more to compensate for the delay.

Hope you're all doing good.

🙋🏻‍♀️: psychedelic26

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 57
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Cyr...