Operation: Secret Glances

Від viexamour

35.3K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... Більше

Operation: Secret Glances
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Simula

2K 41 7
Від viexamour

Mga ingay. Tunog ng mga sapatos mula sa pagtakbo sa hallway. Tawanan. Kuwentuhan. At kung ano-ano pang naririnig ko habang nakadukdok ang aking ulo sa ibabaw ng aking desk. Inaantok pa ako dahil napuyat ako kakanood ng anime kagabi. Mabuti na lang din at natapos ko na ang mga assignments.

"Milada! Yuhoo!"

Tamad akong nag-angat ng ulo ng makita ang mukha ni Cassie. Malaki ang ngisi at pinakita sa harapan ko ang isang CD ng porn. Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinablot 'yon sa kanya upang itago at inipit sa libro ko.

"Cassie!" malakas kong sabi bago napahagikhik.

"Nakuha ko 'yan sa drawer ng cabinet ni kuya. Ang galing ko, 'no?" napahalakhak ako at napailing sa kanya. "Kailan natin panonoorin 'yan?"

Nilibot ko ang tingin sa loob ng classroom at nilagay sa tapat ng labi ko ang aking hintuturo upang sabihin sa kanya na 'wag siyang maingay. Baka marinig kami ng iilang kaklase at makantyawan pa kami.

Isa kami sa mga kabataan na mas'yadong kuryoso sa mga bagay. Pero hindi naman masama na maging edukado sa mga bagay na 'yon. Hindi naman talaga ako nanonood no'n. Madalas niya lang talaga akong hikayatin pero hindi naman siya nagtatagumpay. Sinasabi niya na masaya daw manood ng gano'n, pero iba sa akin.

Hindi man ako gano'n ka-prim and proper tulad ng ibang kababaihan, pero marunong naman ako magdesiplina ng sarili. Isa pa, wala lang talaga akong lakas ng loob manood ng mga ganoong klaseng bagay. Pakiramdam ko kapag nangyaring nakapanood nga ako no'n ay hindi na ako dalawin ng antok. Sa mga kinukuwento pa lang sa akin ni Cassie ay naiimagine ko na rin.

"Ano? Kailan?" nakangisi niyang sabi at tinaas-baba pa ang kilay niya.

"Ayoko."

Tipid kong sabi at nilabas ang aking dila upang belatan siya.

"Ang kill joy naman! Malapit na tayo mag-senior highschool. I'm sure na mas mahirap subjects doon."

Pinalobo nito ang bubble gum na kanina niya pa siguro nginunguya.

"Ayaw ko nga! 'Tsaka na 'ko manonood niyan kapag ready na talaga ako," naiiling kong sabi.

"E, kailan? Ako nga ilang CD na napanood ko. Meron din mga website. Bigay ko sa 'yo?" ayaw niya talaga sumuko.

"You're just fourteen, Cassie."

Pumangalumbaba ako at pasulyap-sulyap sa pintuan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Bumuntong-hininga ako at tamad na sumandal sa silya habang magka-krus ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.

"O, ano naman? Sex education nga, 'di ba?"  she even emphasized that word.

Tumawa ako ng mahina at inilingin siya. Cassie is a liberated person, especially that she was raised in US. Our personality are totally different at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paanong nagawa naming magkasundo. Naging kaklase ko siya noong grade 7 seven pa lang kami. At hanggang sa pagtungtong ng grade nine ay magkaklase pa rin kami. Lalo't blockmates naman ang mga section sa school namin.

Nakarinig ako ng tilian sa labas ng classroom namin. At mula sa pintuan ay pumasok doon si Amadeus. Napaayos ako ng upo at agad hinalungkat ang salamin ko sa bag. I checked my face and put some lipgloss on my lips. Pinaglapat ko pa ang mga labi ko upang kumalat ang gloss na nilagay ko roon. Kita ko naman ang pag-arko ng kilay ni Cassie at tamad na pinapanood ako. I also combed my hair using my fingers and smile like an idiot in front of the mirror.

"Maganda na ba ako, Cassie?" malambing na tanong ko sa kanya.

"Of course, Milada! You're not just beautiful, but gorgeous!" pumalakpak pa siya sa ere kaya natawa ako.

"Magagandahan kaya sa 'kin si Amadeus?" 

"Ha? So, kaya mo ako tinanong dahil sa ultimate slash forever crush mo!?" eksahederang sabi niya kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"Ang ingay mo naman! Mamaya ay marinig niya tayo at biglang ma-turn off sa 'kin!" mahina kong sabi.

"Gaga! Matagal nang turn off sa 'yo 'yan. Sa baba ba naman ng grades na nakukuha mo kada grading, e, talagang turn off 'yon."

Sumimangot ako at inirapan siya.

"Ang galing mo talagang mang-cheer up ng kaibigan, 'no?" tumawa siya ng malakas kaya napatingin na sa amin ang iilan kong kaklase.

Natatawa naman akong hinampas siya sa balikat at palihim na sumulyap kay Amadeus. I smiled shyly. Nilagay ko ang iilang takas na buhok ko sa likod ng aking tainga at kinikilig na pinagmamasdan ang kanyang likod.

Ang guwapo!

Pero agad na napawi ang ngiti ko nang lumapit sa kanya si Angel. Ang muse ng aming classroom. Hindi ko talaga alam paanong naging muse siya, e, mas hamak na maganda naman ako sa kanya?

Well... lamang lang siya ng talino.

I'm not bobo naman. Pero sobrang hirap na hirap talaga ako sa Mathematics subject na umaabot sa 75 ang grade ko. Sa madaling salita pasang-awa!

Silang dalawa ni Amadeus ang laging nangunguna sa klase and I envy him for that. Buti pa siya nakakalapit at nakakausap ng malaya si Amadeus. Samantalang ako ay kahit hawak sa bag ay hindi ko magawa.

"Cassandra, alis na diyan. Uupo na 'ko."

Sabay kaming napalingon ni Cassie kay Aiden.

"Aba! First come first serve ang upuan!" reklamo ni Cassie pero alam kong wala naman siyang magagawa dahil si Aiden talaga ang nakaupo roon.

"Magreklamo ka kay Concha. Baka sakaling payagan ka," tamad na sabi nito kaya padarag na tumayo si Cassie at bumaling sa akin.

"Balik na 'ko sa upuan ko. May paepal kasi," aniya at umirap.

"Bakit mo ba naging kaibigan 'yon?" tumingin ako kay Aiden at nagkibit balikat.

Hindi ko rin alam, e...

Nagsimula ang klase at halos dumugo ang utak ko kakaintindi ng mga Math problems. I don't get any of those formulas. Nahihilo ako at gusto ko na lang matulog.

Lalo na kanina, dahil sa nagdi-discuss pa lang ang teacher namin ay wala pang kahit anong nakasulat sa black board. Pinaglalaruan ko lang din ang aking ballpen na nilalagay ko sa pagitan ng aking ilong at itaas na bahagi ng labi. Noong malaglag ang ballpen ko sa sahig na agad ko namang kinuha, pag-angat ko ay halos mahimatay ako ng makitang may mga bagong formula na roon.

Nalingat lang ako saglit may mga formula na agad at wala man lang akong kahit isang nasundan.

Like, how did it happen?!

Segundo lang akong nalingat pag-angat ng ulo ko ay gano'n na karami ang nakasulat.

"Pagod na pagod?" pang-aasar ni Cassie.

"Hmm... Math subject talaga ang magpapadali sa buhay ko," nanghihina kong sabi.

Kapag talaga nagrereklamo ako ng ganito sa kanya ay tuwang-tuwa siya. Ginagawa niyang joke ang mga reklamo ko tungkol sa subject na 'yon.

"Pero gusto mo maging Engineer?" pang-aasar niya pa lalo.

"O? Anong problema kung gusto ko maging Engineer? Wala namang masama doon. Kahit bobo ako sa Math ay walang makakapigil sa akin mag Engineer."

Natawa ako sa pagmumukha ni Cassie kapag inuunahan niya ako sa ganitong issue ng buhay ko. Napakalakas niyang mang-asar at nagpapasalamat ako dahil hindi pa ako kailan man naasar sa kanya.

"Wala naman akong sinabing bobo ko sa Math. Ikaw nagsabi no'n, ah." Inismiran ko siya.

Dahil recess time namin ay maraming tao sa labas ng hallway. Nanatili naman kami sa classroom ni Cassie. Hindi talaga namin gustong makipagsiksikan sa canteen. Paano ba naman kasi ang init-init tapos nagiging maasim ang amoy ng canteen sa halo-halong amoy ng istudyante. At iyon ang ayaw ng kaibigan ko. Hindi ko naman matatawag na maarte 'yon dahil kahit ako ay ayaw sa gano'n.

Napaayos ako ng upo ng pumasok si Amadeus kasama si Angel. Ngumuso ako nang mapagtanto na parehas pa ng letra ang unang pangalan nila.

But my second name is Agnesine. Puwede naman siguro 'yon!

Napairap ako ng wala sa oras ng tumawa si Angel. Wala namang reaksyon si Amadeus kaya hindi ko alam kung anong nakakatawa at tumawa si Angel.

Parang sira.

Wala namang ginagawa sa akin ito pero inis na inis talaga ako sa kanya. Totoo pala 'yon, 'no? Na kahit hindi mo naman nakakahalubilo ang isang tao ay makakaramdam ka na lang ng inis. At hihilingin na 'wag na lang siyang makita.

Gosh! I'm being bitchy!

"Selos ka?" umismid ako sa tanong ni Cassie at dumukdok sa desk ko.

"Why would I? Hindi naman sila," kahit ang totoo ay nakakarinig na ako ng iilang usapan na baka nililigawan ni Amadeus si Angel.

"O, bakit lasang ampalaya? Loosen up, Milada. Mas maganda ka roon. Well, matalino nga lang..."

Nag-angat ako ng ulo dahil hindi talaga siya nakakatulong palakasin ang loob ko.

"Kaya nga ginagawa ko lahat para hindi ako bumagsak sa mga subject natin, Cassie. Baka mahiwalay ako sa inyo kung sakali..."

Gulat siyang nilingon ako at pumalatak ng malakas na tawa. Inarkohan ko siya ng kilay at sumandal na lang sa upuan habang hinihintay na matapos siyang tumawa.

"I'll support you with that," kumindat siya bago tumawa ulit.

Natapos ang klase na hindi natatanggal ang mga nakaw na sulyap ko kay Amadeus. Kahit saan ko ibaling ang atensyon ko ay bumabalik at bumabalik sa kanya. Nang mag-uwian na ay hinintay ko munang maglabasan ang iilang kaklase bago ako nagpasyang lumabas na rin. I saw Amadeus stood up while carrying his back on his left shoulder.

"Una na ako, Milada. Pupunta kaming Manila mamaya, e." Tipid akong tumango.

Nilingon ko ang direksyon ni Amadeus at nakita itong naglalakad na papalayo. Mabilis akong humabol at nang makalapit na ay naging dahan-dahan na ang lakad ko para na rin hindi niya mahalata.

"Amadeus!"

Napabaling ako sa tumawag sa kanya. Ang inggratang Angel na 'to!

"Uuwi ka na?" mahinhin niyang tanong.

Ay hindi! Papasok pa lang sa school!

"Hmm," tipid na sagot ni Amadeus.

Napanguso ako dahil ang lapit nila sa isa't-isa at nakakapag-usap pa ng ganyan. Sana gano'n din kami. Kaso takot akong lumapit. Takot akong kausapin siya kaya wala akong ibang ginawa kundi palihim na sumulyap sa kanya. Palihim na gustuhin siya.

Dahil una pa lang na nagustuhan ko siya ay alam kong wala akong magiging pag-asa sa kanya. Kahit pa ako ang gumawa ng kilos para magkalapit kami.

Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko kinakaya ang nakikita, kaya lumihis na lang ako ng daan. Sinisipa-sipa ko ang mga batong maliliit na nadadaanan at tutulis ang nguso kapag iniisip na baka nagsabay silang umuwi.

"Milada?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Tita Analyn, ang mama ni Amadeus. Napawi ang nakanguso kong mga labi at napalitan ng masayang ngiti. Kumaway ako at patakbong tumawid sa kabilang daan kung nasaan ang bahay nila.

Magkapitbahay kami ni Amadeus at noong unang lipat namin dito ay agad ko na siyang nagustuhan. Wala man kaming maayos na interaksyon ay nagustuhan ko pa rin siya. I was ten when I met him. Sumama ako kay Tita Kilari para dito tumira lalo't namatay si mama noong mga panahon na 'yon. Walang guardian na magbabantay sa akin kundi siya lang.

"Si Amadeus? Bakit hindi kayo nagsabay?" nakangiti niyang tanong.

Ang kanyang boses ay napakalambing at nakakahalina. Naalala ko tuloy sa kanya si mama. Ganyan na ganyan din ito sa akin.

"Ah... nasa school pa po," kumamot ako sa aking pisngi dahil sa hiya.

"Gano'n ba? Gusto mo bang pumasok muna sa loob para sa meryenda? Sabay kayo ni Amadeus? Wala pa naman si Kilari diyan," mabilis akong umiling.

"Hindi na po, Tita... ayos lang po," mahina siyang natawa at tumango kalaunan.

"Ma," sabay kaming napalingon sa nagsalita. Natagpuan ko roon si Amadeus na seryoso ang tingin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya at dahan-dahang umatras upang makalapit siya sa mama niya. Humalik ito sa kanyang ina at nagmano. Napanguso ako dahil ang galang-galang niya talaga.

"Milada, ano?" para akong inugat sa kinatatayuan ko ng tumingin sa direksyon ko si Amadeus.

"Ah... h-hindi na po, sige po...uhm... uwi na po 'ko."

Gusto kong pukpukin ang sarili kong ulo dahil sa pagkakautal sa harap ni Amadeus.

Nakakahiya!

Nagpaalam lang ako patakbong tumawid sa kabilang kalsada para umuwi sa bahay namin na katapat lang din ng bahay nila Amadeus. Walang lingon-lingon na pumasok ako sa loob ng bahay. At pagkasara ng pintuan ay napasandal na lang ako sa likod ng pintuan habang hawak-hawak ang aking dibdib.

Kumalma ka, Milada! Tiningnan ka lang naman niya.

"Kumusta ang school?"

Mula sa pagnguya ay nag-angat ako ng tingin kay Tita Kilari. Kakagaling lang nito sa school na kanyang pinagtuturuan. Teacher si Tita sa elementary school medyo may kalayuan sa school ko. Napasok naman ako sa Jacobo Z. Gonzales Memorial National Higschool.

"Ayos lang, 'Ta..." sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Kailan ang exam niyo? May allowance ka pa ba?" sunod-sunod niyang tanong.

"Maybe on the first week of March po. And my allowance pa po ako," tumango siya.

Naging gano'n lang ang pag-uusap namin at agad naman itong umakyat sa kuwarto niya. Pagod ito kaya hindi niya ako mas'yadong dinaldal. Tita is a jolly and funny person. Pero mukhang may problema sa trabaho kaya hindi ito gaanong nagsasalita. Si Tita Kilari ay kapatid ni Mama. At dahil dalawa lang naman sila ay sa kanya ako naiwan. Mabait si Tita at talagang alagang-alaga ako sa kanya. Ni ayaw niya nga akong magalusan.

"Ano na, Milada? Saturday na bukas... panoorin na natin," mahina niyang bulong sa tainga ko.

"Bad influence ka talaga," bulong ko pabalik.

"Ha? Binibigyan lang naman kitang ideya para hindi puro si Amadeus ang iniisip mo." Pinag-krus niya ang kanyang braso ibabaw ng kanyang dibdib.

Naggugupit kami ngayon ng mga construction paper habang nakaupo sa sahig ng aming classroom. Lahat ng kaklase ko ay busy rin dahil kailangan namin lagyan ng disenyo ang aming classroom para sa darating na araw ng mga puso.

"Aamin ako kay Amadeus," sabi ko at napangiti nang maperpekto ko ang paggupit sa construction paper na hugis puso.

Itinaas ko ito sa ere at itinapat ito kay Amadeus na nakaupo sa sariling upuan at mag-isang inaayos ang mga papel de hapon na pangdesinyo para sa kisami ng classroom namin. Nginuso ko ang aking labi habang nakapikit ang isa kong mata.

"Seryoso ka?" natigil siya sa ginagawa at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Oo, aamin ako kasi hindi ko na kayang itago ang pagkakagusto ko sa kanya," matapang kong sabi.

"Teka... teka nga! Kailan mo pa plinano 'yan? Bakit hindi ko alam? At... kailan ka pa nagkalakas ng loob, e, kahit pagkausap nga sa kanya ay hirap na hirap ka?" naguguluhan niyang tanong.

"Aamin lang naman ako sa kanya, Cassie. Nasa sa kanya na 'yon kung ire-reject niya ako."

Humawak siya sa kanyang bibig at namimilog ang mata.

"Magiging okey ka lang ba?" tipid akong tumango.

May kaba akong nararamdaman pero tatatagan ko na ang aking loob. Matatapos na ang taon para sa aming mga grade nine. Sa susunod na taon ay grade ten na kami at sure akong mas magiging busy na kami. Lalo't iyon na ang taon para paghandaan namin ang pagpasok namin sa senior highschool.

"Sabihin mo lang sa akin para masamahan kita in case na... you know?" ngumiti ako sa kanya.

Bumaling ako kay Amadeus na ngayon ay katabi na si Angel at magkatuwang na silang dalawa sa ginagawa. Bumuntong-hininga ako dahil nakakaramdam na naman ako ng selos kahit hindi naman dapat.

Dumating na nga ang valentines day at halos lahat ng istudyante ay masaya. Ako lang yata ang hindi. Dahil nandito ako sa loob ng classroom habang nakadukdok ang ulo ko sa desk ng aking upuan. Wala si Cassie dahil may ka-date siya. Literal na ako lang mag-isa dito. Wala rin naman akong gagawin sa labas pero siguro dahil sa pagkabagot ay naisipan ko na rin gumala sa oval.

I'm wearing my pink chiffon top. Naka-skirt lang din ako at white sneakers. Nakalugay naman ang hanggang balikat kong buhok.

"Milada!" malakas na tawag sa boses ko.

I found Cassie with his boyfriend of the day. I think this is from grade ten level. Napailing na lang ako at hinintay siyang makalapit sa akin. Nagbaba ang tingin ko sa kanyang ka holding hands na hindi ko kilalang lalaki.

"Milada, this is Rico. And Rico, this is Milada my bestfriend."

Magiliw na pagpapakilala sa amin ni Cassie.

Naglahad ng kamay ang lalaki na agad ko namang tinanggap. Alam kong ngiwi na pagkakangiti ko dahil pakiramdan ko ay wala dapat ako sa paligid ni Cassie dahil may date siya.

At magiging third wheel ako!

"Anong oras ka aamin sa kanya?" nilingon ko siya.

Umalis saglit si Rico para bumili ng maiinom namin.

"Mamaya kapag sa fireworks display na," tipid kong sabi at pinapaikot sa kamay ko ang crochet keychain na ginawa ko para kay Amadeus.

Maliit lang 'yon na hugis teddy bear. Mahigit ilang buwan ko rin itong ginawa hanggang sa tuluyan kong naperpekto lalo't hindi naman ako maalam pagdating sa bagay na 'yon. Tita Kilari helped me and I'm thankful for that.

"Probably around seven in the evening. The closing of our party?" aniya na ikinatango ko.

Makalipas ang ilang oras ay hinanap ko talaga si Amadeus para makausap. Alam kong nasa paligid lang din si Cassie, binabantayan ako. At nang makita ko siya ay agad akong binundol ng kaba. Ngunit buo na ang desisyon kong umamin sa kanya.

"Amadeus..." tawag ko rito.

Natigil sa tawanan ang mga kaibigan niya at tumingin sa akin. Their faces are all confused, lalo na si Angel.

"Puwede ba kitang makausap?" hindi siya sumagot pero nang lumakad siya salungat sa direksyon ng mga kaibigan niya ay nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin.

Sa ilalim ng punong akasya niya ako dinala. Walang tao roon ngunit mula sa puwesto namin ay kita rito ang mga istudyante.

"Anong gusto mong pag-usapan?"

Seryoso ang kanyang mukha at walang kahit anong makikitaang emosyon doon. Pakiramdam ko tuloy ay sinasayang ko ang oras niya na para sana sa kanila ng mga kaibigan niya.

"Ah... here," binigay ko sa kanya ang crochete keychain na gawa ko.

Nagbaba ang tingin niya roon ngunit hindi man lang tinanggap.

"Bakit mo ako binibigyan niyan?" malamig niyang tanong.

Tumikhim ako at sinserong ngumiti sa kanya.

"Amadeus... gusto... kita..."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad akong nagbaba ng tingin. Nahiya bigla sa aking ginawa ngunit gumaan naman ang aking dibdib dahil nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa kanya.

"I like you since the day I met you in front of our house... I really really like you, Amadeus."

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinasabi sa kanya 'yon. Napangiti ako kalaunan at nag-angat ng tingin sa kanya. Mariin at madilim ang kanyang mga mata. His jaw even clenched but he still didn't say anything.

"Thank you," nahigit ko ang aking hininga ng magsalita siya. "But I..."

"Amadeus!"

Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng lumitaw sa harap namin si Angel. Humawak ito sa kaway ni Amadeus kaya nagbaba ako ng tingin doon. At halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ng makita ko ang couple bracelet sa kanilang pulsuhan.

Napaatras ako at narinig ko ang unti-unting pagkabasag ng aking puso sa nakita. Umawang ang aking labi sa napagtanto.

"Milada..." tumingin ako kay Angel ng tawagin niya ako.

Bumaba muli ang tingin ko sa kanilang mga kamay ng higpitan ni Angel ang pagkakahawak doon.

"K-Kayo?" kahit alam ko na naman ang sagot ay nagawa ko pa rin magtanong.

Pero walang sumagot sa kanilang dalawa. Sunod-sunod akong tumango at ramdam ko ang pangingilid ng aking luha buhat sa sakit na nararamdaman. Ngumiti ako at marahang tinapik ang balikat ni Angel gano'n din kay Amadeus.

"A-Ah... sige mauna na ako..."

Tumalikod na ako at mabilis na naglakad paalis roon. Narinig ko pa ang tawag ni Angel pero huli na ang lahat ng bumuhos ang luha ko kasabay ng pagputok ng mga fireworks.

Alam kong posible na mangyari ito. Pero sinubukan ko pa rin. Nagbakasakali pa rin ako. But I didn't know... I didn't know that Angel are already in the scene literally. Sila na pala. They already have a relationship without me knowing.

Kahit malabo ang aking paningin buhat sa mga luhang walang tigil sa pagbuhos ay malinaw kong nakita si Cassie na sinalubong ako ng yakap.

"Shh... magiging ayos ang lahat, Milada, hmm?" masuyo niyang sabi.

Ngunit ang kaninang mahihina kong hikbi ay naging isang malakas na hagulgol na. Yumakap ako ng mahigpit kay Cassie at doon ibinuhos lahat ng sakit at sama ng loob ko buhat sa nangyari.

And that night, I got my first heartbreak at the age of fourteen.

Продовжити читання

Вам також сподобається

A Chance To My Legal Wife Від Mimmy

Сучасна проза

952K 15K 22
Nagkamali at muntikan na silang mawala sa akin. Tinanggap ko ang pagkakamaling iyon, at gagawin ang lahat para makuhang muli ang tiwala at pag-ibig n...
11.8K 321 25
Jadine Fans<3 Please Read :*
M Від Maxine Lat

Історичні романи

6.7M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...