Sinful Desires

By Clovertell

756K 15.9K 1.6K

COMPLETED More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 9

23K 560 38
By Clovertell

Hi:) sorry for the long update. I was busy in school the whole week.

Ps: All chapters is unedited so I apologize for the ungrammaticals and typos:(

_____


"Huy, leigh ang gwapo ng kuya mo ah" sabay tulak pa sakin ni Clarise sa balikat ko

"Oo nga! Hindi mo sinabi samin na may kapatid ka pala. Mayaman at gwapo pa!" Sabi naman ni Mia

Tipid ko silang ngitian habag tahimik naman si lucas sa tabi ko. Nagsibalik sila sa upuan nila ng dumating ang prof namin. Actually kanina pa nila ako tinatanong tungkol kay Ross, hindi ko alam kung pano nila nalaman iyon pero kumalat daw sa social media yung mga pictures namin ni Ross nung sa Mall kami. Ang iba akala nila ay girlfriend ako ni Ross,yun yung mga nabasa ko sa mga post. Siguro hindi pa nila pinapaalam ang tungkol sa akin at hindi ko rin alam kung dapat ko ba itong sabihin sa iba pero dahil sa pangungulit ng iba kong kaklase kanina sinabi ko nalang ang totoo na kapatid ko siya. Mabuti na iyon kesa sa kung ano pa ang isipin nila. Hindi ko naman alam na kilala pala ang pamilya nila!

"So uhm," napabaling ako kay Lucas ng magsalita siya "May kuya ka na pala"

Ngumiti ako pabalik "half brother" pagtatama ko

"Masaya ako para sayo. At least may tutulong na sa inyo ng Mama niyo tsaka akala ko ba patay na ang Papa mo?"

Sumulyap muna ako sa prof namin bago binalingan si lucas "Nagsinungaling si Mama saken. Basta, mahabang storya"

Mahinang tumawa si lucas at tumango

Habang nagsasalita ang prof namin sa gitna ay lumilipad naman ang isip ko kagabe.

Si Ross? Nagseselos kay lucas?

Parang imposible naman ata yun. He's just being a protective brother I guess? Oh, I forgot to thank him for the siomai last night. Hindi ko inaasahan na bibilha niya ako. Ginawa ko yung midnight snack habang nag-aaral kagabe yung iba ay pina ref ko kina manang lucy, yung landlady namin ang dami kasi ng binili niya! Medyo nagulat pa nga ako kagabe kasi mag a-ala-una na pero online padin siya kagabe. After ko mag mag-review nag open ako ng fb at inistalk ulit yung account niya may isang babae na nag tag sa kanya magkasama sila sa pic. Yung isang pic parang family dinner kompleto ang pamilya nila ni Ross tas nandun yung babae magkatabi sila yung isang pic ay parang nasa resort nakatalikod silang pareho. Parang nagbakasyon sila ganun.. that post was last year. I stalked the woman's account, her name is Olivia Enriquez she's so pretty and I guess magkasing edad lang sila ni Ross and actually....bagay sila.

While I'm busy stalking the woman's account last night, Ross suddenly message me! Sinabihan niya lang ako na matulog na daw ako coz it's late na then kaninang umaga mga 6 am nag good morning siya saken and I should eat my breakfast daw before going to school. The heck! Gusto kong pigilang ngumiti sa mga texts niya kanina pero ang hirap! Nakangiti tuloy ako kanina habang kumakain ng breakfast.

"Huy leigh!" I flinched when someone called me. Si Clarise iyon na nasa harap ko na

"Anong iniisip mo jan?" Sabay tawa niya

Bigla tuloy akong nahiya. Ba't ba kasi iniisip ko ang Ross na yun!

"Uh, w-wala naman..bakit?"

"My group activity tayo. Tig-aapat. Tayong apat ni lucas at Mia magka grupo, ok lang?" Nakangising sabi ni Clarise

Tiningnan ko si lucas sa tabi ko "Ano sayo?"

He sighed "ikaw bahala"

Hinarap ko ang dalawa at tipid ko silaang nginitian "sige"

"Yes! Oh, sa sabado ha? Sa bahay tayo gagawa" Masiglang sabi ni Clarise. Tumango lang ako at napailing nalang si lucas sa tabi ko.

We both know naman ni lucas na Mia and Clarise are one of those mean girls dito sa school. We're not close and they're not good to me since the first day I got here. Basta parang hate nila ako, pinagtatawanan minsan dahil pokpok daw ako nagtatrabaho sa bar and most esp kaya ayaw nila saken kasi inaagaw ko daw si lucas at hendrix sa kanila at sa kung sino man yang mga heartthrob kuno dito sa school! Jusko! May crush kasi si Clarise kay lucas kaya rin siguro nakikipag close sa akin ngayun o baka naman dahil nalaman nila na mayaman ang Ama ko?

......

Lunch time na at nandito kami ni lucas sa canteen, pumipila na siya ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Where are you?"

Tumaas ang isang kilay ko sa text niya. Ano na naman kaya ang kelangan ng lalakeng ito.

"Nasa canteen ako" reply ko

"Let's have our lunch together"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero unti-unti ding sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

He wants to see me

"Dito ako kakain"

"Sino bang kasama mo? Eat with me please:("

Gusto kong ihampas ang cellphone ko sa reply niya tas may pa sad face pa. Ba't ba gusto niyang samahan ko siya?

"Si lucas kasama ko"

I saw him typing

For sure magagalit to

"Will you stop hanging out with him?"

"Eat lunch with me. I'm already outside of your school"

Napatayo ako sa reply niya. Nandito siya?! I mean nasa labas na siya?!!

Agad kong linapitan si lucas na nakapila parin, ang haba kasi ng pila.

"Lucas," kalabit ko sa kanya

"Oh, leigh? Nagugutom ka na ba? Ang haba kasi ng pila eh"

"Hindi, ok lang. Uh, ano kasi eh, niyaya ako ng k-kuya ko na kumain sa labas.." I saw his smile faded "ok lang ba kung ikaw nalang m-"

"Oo naman!" Masigla niyang sabi pero halata ang pilit niyang ngiti

"S-sigurado ka? Sorry talaga-"

"Ok lang leigh. Tsaka ngayun lng kayo nagkasama ng kapatid mo so, you should spend time with him. I'll be fine" he smiled to assure me. I nodded and went out of our canteen.

Sa gate palang kita ko na ang mga kumpol ng mga estduyante,mosty girls and gays. Animo'y parang may dumating na artista. Sumingit ako sa mag nagkukumpulan at maiingay na mga estudyante na nagsisitili!

Nang makalabas ay nakita ko si Ross na nakasandal sa kotse niya habang nakahalukipkip, parang nagpo-photoshoot lang ang mokong!

He quickly stood up and went to me. Mas lalong umingay ang mga estduyante sa likod ko. Narinig ko pa ang mga pinag-uusapan nila.

"Hala, boyfriend ni leigh?"

"Swerte naman niya! Ang gwapo ng jowa niyaaa!!!"

"Huy! Mga gaga! Kapatid niya yan. Half brother niya raw nakita ko sa social media" narinig kong sabi nung bading

"Weh? Talaga?"

Sakto pagkaharap ko ay nasa harap ko na si Ross

"Where is he?"

"Huh?" Takang tanong ko

"Your fucking bestfriend, lucas" seryoso nitong sabi

"Ba't mo naman siya hinahanap?"

He raised an eyebrow "oh, I thought hinatid ka niya mabuti at hindi pala at baka mabugbog ko yun"

Pinagsasabi nito??

Agad siyang tumalikod at pumunta sa kotse niya.

"Anong sinabi mo?!" Sumunod ako sa kanya. Umikot siya sa kabila at pinagbuksan ako ng pinto. I got distracted when the students shrieked again, siguro ay dahil pinagbuksan ako ng pinto.

"Anong bubogbugin ha?!" Nakatayo lang ako. Hindi ako pumasok kahit nakabukas na ang pinto ng kotse niya. He is standing beside me.

"Just get in" masungit niyang sabi. Inirapan ko nalang siya bago ako pumasok sa loob

Habang nasa byahe ay panay ang sulyap niya saken. Ewan ko kung sa akin ba siya nakatingin o ano. Hinintay ko siyang tumingin ulit saken saka ako humarap sa kanya

"Ano?"

Medyo nagulat siya ng magtama ang tingin namin. He cleared his throat and awkwardly averted his gaze from me.

Nung nag red light tsaka siya sa humarap ulit sa akin.

"Isn't your skirt too short?" Napatingin ako sa skirt ko, naka uniform pala ako ngayun and it's pencil cut.

"Tama lang naman to ah" inayos ko kaunti ang palda ko. Hindi naman kasi to maiiksi. Tuwing umuupo lang tumaas ganun pero yun nga lang napaka fit nito saken kasi malaki ang puwet at balakang ko!

"Magpagawa ka ng bago" seryoso niyang sabi at pinaandar muli ang sasakyan niya

"Huwag na! Arte nito"

"It's for your own good" sabay sulyap niya saken

OA naman nito masyado! Tsaka sayang pera no. Ok naman to gagaatos lang siya kung bibili ng bago.

"Ok na nga to eh" inis kong sabi

He sighed "fine"

Huminto kami sa isang fancy restaurant. Aaminin ko, na miss ko kumain sa mga gantong resto. Pagkapasok namin ay may nag guide sa amin patungo sa table namin. He already reserved a table for us!

It's a fine dining restaurant. Ang arte naman ng lalakeng to, pwede naman sa mga gilid gilid lang ah, mas masara pa mga ulam dun. Actually nung una hindi talaga ako sanay kumain sa mga karinderya and even sa canteen sa school pero dahil no choice ako ayun, eventually nasanay ako and it's not bad tho. Pero ang isang to, for sure hinding hindi to kakaiin sa karinderya. Baka englishin nito ang tindera, ma nose bleed pa.

Habang kumakain kami ay naalala ko ang binili niyang siomai sa akin kagabe.

Sinulyapan ko muna siya bago magsalita. Ang hinhin kumain parang babae.

"Tungkol pala sa...kagabe" umaangat siya ng tingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong yumuko kunwari ay humhiwa ng karne "S-salamat pala sa Siomai"

Umangat ako ng tingin at nakita kong tumango lang siya tsaka nagpatuloy s pagkain. Ang awkward masyado kapag hindi kami magsasalita.

"Si kuya Rhys pala kamusta?" Yun nalag tinanong ko para may ma topic kami

Huminto siya sa pagkain at hinarap ako

"Ok naman. Busy sa trabaho. Why?" Dire-diretso niyang sagot at uminom ng tubig pero nakatitig parin sa akin.

"W-wala naman. Gusto ko lang siya uhm, makita" palusot ko. Wala kasi akong maisip

"Why? Mas gusto mo siya kesa saken?"

Kumabog bigla ang puso ko sa sinabi niya. Gulat akong humarap sa kanya.

"As a brother, yung ang ibig kong sabihin" umiwas siya ng tingin

"You're both okay naman"

Uminom ako ng tubig.This is getting more awkward!

Tumango lang siya at tinapos ang pagkain niya. Nauna siyang matapos sa pagkain habang may kunti pang natitirang pagkain yung akin.

"By the way, someone took a picture of us at the mall and it's already spreading on social media. A lot of reporters went to the company earlier and they kept on firing questions to Dad..." He took a paused, siguro ay napansin niyang medyo nagulat ako sa mga sinabi niya "And all of them thought that we're dating so they're asking Dad if you're my fiance-"

"Ba't naman fiance agad? Diba pwedeng girlfriend, ganun?"

Nakita kong tumaas ang kilay niya at may sumilay na ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko pero agad din ulit siyang nagseryoso ng magsalita.

"They're kinda eager to know kasi kung sino ang unang ipapapakasal sa amin ni kuya. Arranged marriage is our Parent's plan at alam ng mga Media yun noon pa so dahil dun sa pictures natin, akala siguro nila
Fiance kita"

I nodded slowly " So... Sinabi ni Papa na anak niya ako? Na half brother kita? O-ok lang ba yun? Na malaman ng ibang tao?"

Huminga siya ng malalim bago magsalita " He has no choice but to tell the truth kesa naman sa itago niya at gumawa pa ng mga misinformations ang mga media that will make everything more even worst"

Continue Reading

You'll Also Like

450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
30.9M 585K 42
"You're invited to Temptation Island."
1.3M 60K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...