The Disguise Of A Wallflower

By issawandablue

253 19 2

Rocky's life turned upside down upon entering the prestigious school of elites where fate is based on one's s... More

The Disguise Of A Wallflower
Prologue
01
02

03

38 2 0
By issawandablue

Classes

Umagang umaga palang ay parang gusto ko nang umuwi. All eyes are on us–on me habang binabaybay namin ni Aya ang hallway papunta sa magiging classroom namin.

"Pagtutusukin ko kaya mga eyes nila?" Maarte akong binulungan ni Aya sabay hawi ng mahaba at straight niyang buhok. "Are we an artista ba?"

Kahit medyo maarte at conyo magsalita si Aya ay natatawa pa rin ako sa kanya lalong-lalo na sa facial expressions niya. Yung kaartehan niya ay hindi yung sinasadyang maarte. Natural na natural sa pagkatao niya ang bawat pagkilos at pananalita na parang bang she was born like that.

"Ang aga mo naman magjunk food." Sabi ni Aya. Napansin niya sigurong ice tea ang iniinom ko umagang umaga.

Ngayon lang 'to.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad at hindi ko mapigilan ang mailang.

Hindi naman sa feeleer ako pero sige na. Feeler na kung feeler pero ramdam ko naman talaga na ako pinagtitinginan nila. They gave me the same gaze and vibe nung una akong tumapak ng Polaris.

"Tabeeeee!" Sabay sabay kaming napalingon sa likuran at natanaw ko na may papalapit na lalake sakay ng skateboard at papunta siya sa direksiyon namin. "Sabi nang tabeeeee!"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahilan para tumilapon ako sa sahig nang bungguin ako nung naka-skateboard.

"Sorry!" Sigaw nito habang papalayo sa amin.

Napa aray naman ako sa sakit.

"Khalixto!" Gulat kong nilingon si Aya nang sumigaw ito habang nakatingin sa lalakeng bumunggo sakin.

Pinalibutan tuloy kami ng mga estudyanteng nakikiusyoso pa. May natatawa at mukhang may naawa naman.

Agad akong dinaluhan ni Aya at tinulungang makatayo. "Oh my lantang gulay! Your shirt! Very madumi na." Aniya at tinulungan akong pagpagan ang damit ko.

I wore an unbuttoned flannel shirt na color black and white at saka loose denim pants. Nakasuot naman ako ng white shirt sa loob ng flannel. Nadumihan tuloy yung white shirt kanina pagkatilapon ko sa sahig.

Medyo madami yung mantsa dala ng ice tea na sabay na natapon pagbagsak ko sa sahig.

Gusto nga akong samahan ni Aya pabalik ng dorm para makapagbihis kaso lang baka ma late kami sa first class namin. Ayaw ko naman na madamay pati si Aya.

"Okay ka lang ba Rocky?"

"Okay lang ako. Wala nman akong galos oh." Natatawang sagot ko. Parang si Aya pa kasi tong alalang-alala.

"Patay talaga sakin 'yon!" Bulong ni Aya pero hindi ko masyadong naring.

"Ano yun?"

"Ha? Wala wala. Tara na, baka malate tayo."

Paglabas namin ng CR ay panay pa rin ang tingin ng mga estudyante sakin.
Sinubukan ko nalang wag pansinin yung mga mapanghusgang mata nila at itinuon ang atensyon kay Aya na panay ang kwento tungkol sa mga rules ng school.

Rules.

That word still haunts me.

Pakiramdam ko ay nasusuffocate na naman ako.

"Huy, ok ka lang?" Tanong ni Aya. Hindi ko napansing nasa tapat na pala kami ng classroom namin. Tumango naman ako. I was out of my mind for a second.

"Ready?" Halata ang excitement sa mukha ni Aya. Her aura is really bright. I smiled at her kahit deep inside ay kinakabahan talaga ako.

Sabay kaming pumasok ng room at mukhang normal naman ang paligid. Normal like wala namang kakaiba. Lalo na sa mga kaklase namin. May bumabati at ngini-ngitian kami hindi gaya nung mga tao kanina sa labas.

Agad sinalubong si Aya ng mga kaklase namin. Mukhang magkakakilala at close na talaga sila.

Hinila niya ako papunta sa may bandang dulo ng classroom at doon naupo. Pinaupo ako ni Aya sa upuan na katabi ng bintana at naupo siya sa may tabi ko.

"Uy, upuan yan ni–" ani ng lalake sa likuran ko.

"Shhhh." Nagulat ako nang ilapat ni Aya ang hintuturo sa labi ng kakalase naming lalake para patahimikin ito. "Troy, right?" Mabagal namang tumango ang lalake. "Dito kami uupo, okay?" I can feel authority sa boses niya. Tumango nalang ulit si Troy.

Woah. That was smooth. Iba rin charisma nitong si Aya. Para siyang may pinapaamong tupa.

"Upo ka na!" Baling sakin ni Aya.

Maya maya pa ay biglang pumasok ang isang panilyar na mukha. Si Alice.

Nakakatuwang kaklase rin pala namin siya. Talagang lumilitaw ang kagandahan niya kahit sa malayo.

Lumapit siya sa pwesto namin at naupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Hey! I'm so surprised na magkakalase pala tayo!" She chuckled.

Lumapit siya at bigla nalang akong niyakap. Pareho naman kaming natawa.

"Y-You knew each other?" nagtatakang tanong ni Aya.

Nagkatinginan naman kami ni Alice. "Well... she's my sister! From another mother." Pormal na sabi ni Alice.

Natawa naman kaming dalawa dahil sa gulat na mukha ni Aya. She's really convinced eh?

"T-Totoo?!" Halos di makapaniwalng sambit nito.

"Joke lang! Same old Aya. So cute!" Ani Alice at napanguso naman si Aya.

Nagreserve rin kami ng upuan para kay Angel doon sa unahan ng pwesto ni Aya. Nauna na kasi siyang pumasok kanina para dumiretso naman sa Faculty room. Isa raw kasi siyang beedle ng klase namin ayon sa kwento ni Aya. I don't even know kung ano ang beedle pero parang napakaimportante non.

Nakita ko rin sa may harapan si Q. She smiled at me nang nagkatinginan kami.

Ilang saglit pa dumating na rin si Angel at kasunod ang teacher namin. Mabuti nalang at hindi uso rito ang magpakilala. Wala rin nangyaring long introductions sa unang araw ng klase. Medyo nakakailang naman kasi ang ganoon.

Tinawag lang ako ng teacher saglit and asked my name when he saw an unfamiliar face in the class.

"I'm Rocky, sir." Sagot ko ron sa nagtanong na teacher. He's quite old. Mga nasa late 50's na siguro ang edad niya. Mukhang pamilyar siya.

"Welcome to Polaris hija." Aniya at pinanliitan ako ng mata. Ang seryoso naman yata niya. May dumi ba ako sa mukha?

"Achooo!" Mabuti nalang at natauhan si Sir sa malakas na bahing ni Aya kaya napunta sa kanya ang atensiyon ng guro.

"Are you okay Ms. Takumi?"

"Y-Yes, sir." Nahihiyang sagot ni Aya na nagtago pa ng bahagya kay Sir Manuel.

Tumalikod na si Sir Manuel para magsulat sa whiteboard pero bigla nalang siyang humarap ulit sa amin and to be specific, sa akin siya nakatingin!

"You." Nginuso niya ako.

"A-Ako po?" Alangang tanong ko and he nodded.

"Are you perhaps–"

Hindi niya natapos ang sinasabi nang biglang may kumatok na isang estudyante sa room. Agad naman siya lumabas at bumalik pagkatapos ng ilang segundo.

"Okay class. I have an announcement." Nakatayo sa harap si Sir Manuel dahilan para mapunta sa kanya ang aming atensyon.

Sinabi sa amin na magkakaroon ng isang acquaintance party sa susunod na linggo. I'm not sure how of a big deal it is kasi parang seryosong seryosong nakikinig ang mga kaklase ko. Anong bang meron?

Nagsimula nang magturo si Sir Manuel at pakiramdam ko tuloy it was a normal school day. Klase agad agad. Sulit na sulit ang tuition!

May tatlong subjects kami sa umaga and to be honest it was very exhausting. Kasi naman parang hindi first day of class. Noon namang elementary pumupunta lang ako ng school para magdala ng mga requirements gaya ng kartolina, school supplies at pati pa nga floorwax. Pero hindi naman kami nagkaklase sa unang araw ng pasok.

Then came lunch time at nagpunta kami sa cafeteria. With me are my roommates, Alice and Q.

As expected napakalaki ng cafeteria. Mas malaki pa kaysa yung nasa dorm.
Dumaan kami kanina sa registrar's office at nakuha ko na rin ang uniform ko. Nakuha ko na rin yung ID card ko kaya makakabili na rin ako ng mga gusto ko.

"Punyeta! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Napalingon kami when a girl shouted just beside our table.

Galit na galit ang babae matapos maligo sa soup ang kanyang suot na uniporme.

There was a girl na naligo rin sa soup at nakaupo lang sa sahig.

"Bitch!" The girl exclaimed. Tumayo siya saka binuhos ang natitirang soup doon sa babae. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya.

"What the–." Hindi ko namalayang naiyumos ko na pala ang hawak kong paper cup at biglang napatayo pero bigla akong pinigilan ni Aya. Umiiling siyang nakatingin sakin at para bang sinasabi na huwag akong makialam.

"Freshmen huh? Do you know me?!"
Nanginginig na umiling ang kawawang babae.

"So-sorry. I'm sorry." Nanginig na sumamo nito. "H-hindi ko sinasadya. I'm sorry." Mangiyak'ngiyak nitong sambit.

Napakasama niya! Ganun ba talaga dapat niya tratuhin ang isang tao dahil sa maliit lang na pagkakamali?

Bigla nalang hinablot nung impaktang babae ang ID nung freshman.

"A normie, huh?" She grinned at natawa na parang evil witch!

Normie?

Ikinagulat namin nang sinipa niya na naman ang kawawang babae! Kaya napasigaw ito sa sakit.

Everyone seem to enjoy everything. May mga natatawa pa.

The heck. Why isn't anyone  trying to help?

The witch was about to slap her nang biglang may pumigil sa kanya.

"L-Lia.." biglang namutla yung witch at halos natahimik ang lahat.

Siya yung babaeng nakita ko sa lab. She really looks different in uniform. Well she's still wearing that glasses but she's really different. Para siyang supermodel. Ewan ko pero nagagandahan ako sa kanya.

"Stop this or you'll pay for this." Maawtoridad niyang utos.

"I-It's not what you think. Lia this is all just a misunderstanding–"

"Liar." I suddenly blurted it out. Kainis pahamak namang dila to!

Pero wala akong paki naiinis na talaga ako sa babaeng 'to.

Napunta ang paningin ng witch sa akin. Everyone shifted their gaze at me.

Kahit ang mga kasama ko ay napakagat labi nalang. It feels like I did something I'm not supposed to do.

"You–" susugurin na sana ako ng witch pero biglang pumagitna si Lia.

"Heather! Stop it. Now!" Si Lia dahilan para tumigil yung witch na ang pangalan pala ay Heather.

Nagwalk out siya kasama ang mga kaibigan niya pero binangga niya muna ako bago sila tuluyang umalis.

"You'll pay for this." Aniya at tinignan ako ng masama.

Oh grabe. Matatakot na ba ako?

Bumalik na rin ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa. Umalis na rin si Lia kasama yung kawawang babae kanina. Tinulungan niya itong makapunta sa clinic.

"Grabe Rocky! Love it!" Si Aya at nagthumbs up.

Itinuloy namin ang pagkain matapos ang insidente. But everyone.. literally everyone is looking at me right now.

"I know you're one of a kind." Masayang sabi ni Alice. "Well.. it was tough one and you can't do something like that but I really admire you!"

"May mali ba akong ginawa? Naramdaman ko lang kasi na parang kailangan ko nang makialam."

"Well, yes and..no." si Alice habang tinatanggal ang pepperoni sa pizza na kinakain niya. Nangunot naman ang aking noo sa pagkalito.

"She meant it's good that you helped but you shouldn't have done that." Si Q

Huh? Hindi ko pa rin nagets. Ano bang mali sa ginawa ko?

"What's your class?" Dagdag na tanong nito.

"I'm a junior–"

"Q meant ranking, class, hierarchy, status, ganun! Anong class mo Rocky?" Si Alice.

"Ano bang ibig niyong sabihin?" Napanganga nalang sila sa naging tugon ko at sabay sabay na napatingin kay Aya.

"A-Ano?" Maarteng sabi nito.

"You didn't tell her?"

Tell me ang ano?

"Eh sa nakalimutan ko sabihin eh!" She pouted her lips kaya binatukan siya ni Q.

"That is one of the most important info that you should have told her Ayana." Q sighed.

Ngumiti sa akin si Alice bago nagsalita. "Polaris is not just about arts, excellence and grandeur. Taliwas sa kaalaman ng lahat. Polaris has a system within the student body where everyone is treated and respected based on their status. Social status to be specific. But there were exceptions."

Status? Rank? System? Wala akong naintindihan.

"Let's start from the bottom." Si Q ang nagtuloy. "Menials, they are at the bottom of the hierarchy. Either anak sila ng mga servants o sila mismo ang mga tagapagsilbi ng mayayamang pamilya. They are able to enter school through the support of the rich families they serve. They are lucky enough to enter Polaris dahil may mga mamabait na mayayaman na sumusuport sa kanila. However some of them are just for publicity."

Publicity? Magtatanong pa sana ako nang si Alice naman ang nagsalita.

"Next would be the Normies. From the word itself ibig sabihin nito ay mga normal students. They are not poor but not rich. Kahit papaano ay na-afford nila ang tuition and expenses either because they are athletes or scholars."

"And sunod would be the Nobles. Sila ang mga anak mayayaman. May mga sariling negosyo ang kanilang pamilya. Ang ilan sa kanila ay mga anak ng pulitiko, anak ng artista, personalities, lawyers, doctors, and other socialites."

Grabe para akong nasa teleserye. This system really do exist?

"Ngayon ko lang 'to nalaman lahat."

"And last but not the least.."

"May pahabol pa?" Mabilis kong tanong. Natawa naman sila.

Tumikhim muna si Alice. "The last but not the least are the Elites or Royals."

Nobles? Tas meron pang Elites? Ano to anak ng presidente? Mga anak ng boss ng mafia? O di kaya anak ng hari at reyna?

"Yes tama lahat ng iniisip mo." Natatawang sabi ni Alice. Nabasa niya lahat ng iniisip ko?

"Ang galing mo magbasa ng iniisip Alice."

"Nah. I know what your thinking because it's written all over your face." She shrugged. "If Nobles are rich. Elites are filthy rich! Mga tagapagmana lang naman sila ng malalaking conglomerates. They are from the wealthiest and best of the best families not only in the country but in the world."

Halos mailuwa ko ang kalderetang kinakain ko. Ano ba 'tong pinasok ko? Parang wala naman kasing ganto sa totoong buhay. Well, Not the part na may mayayaman but school of elites? Really? May pasocial status pang nalalaman ang school. Hindi ba pwedeng maga aral lang.

Ang goal ko lang naman kaya pumasok ako sa Polaris is to have a normal high school life. Pero parang hindi ganito ang inaasahan ko.

Teka, if may social classes. Since scholar ako. I'm a Normie?

"Makikita mo rin sa ID mo kung anong social class mo.

Agad kong tinignan ang ID ko.

Rachel Cyrenne A. Canary
Class 2-A (N)

Ther I saw the initals "N". Which means Normies. I'm one of the Normies. As expected.

"Now you know the social classes."

"I'm one of the Normies." Siwalat ko. Nagkatinginan naman sila at halos sabay-sabay na nagbuntong hininga.

Bigla nalang tumunog ang bell hudyat ng end of lunch break. Mabilis silang nagsitakbuhan kaya sumunod na rin ako.

Sa lakad takbo naming ginawa ay halos mahingal na ako. Sa sobrang pagmamadali ay bigla nalang ako may nabunggo.

"Excuse me." Rinig kong tawag ng isang lalaki. Halata ang inis pero may pagtitimpi sa kanyang pananalita.

Hindi agad ako lumingon at napapapikit nalang ako sa sobrang pagkapahiya at takot.

Marahan akong lumingon nang nakapikit at nakatyuko. "Sorry Sorry talaga!" Paulit ulit akong nagbow saka tunalikod at malis na naglakad papalayo.

Wala pa man limang hakbang ay tinawag na naman niya ako. "Miss."

Halos nakailang lunok ang ginawa ko.  Olats na ako kay Heather the witch. Ayaw ko na na may makaharap pang Elite o Noble.

"You dropped your phone." Aniya na agad ko namang binalikan at pinulot habang nakayuko pa rin.

Kung kanina ay lakad takbo lang ang ginawa ko. Ngayon naman ay tumakbo na talaga ako. Better be safe than sorry.

"Oh saan ka galing?" Tanong ni Aya pagkarating ko ng room. "Pawis na pawis, nag marathon ka ba?

Agad akong nilingon ni Alice. "Hey are you okay?" Tumango lang ako.

"Medyo." Matipid kong sagot. Nginitian ko siya nang bahagya.

"We don't wanna pressure you." Halata sa boses niya ang pag-aalala. "Polaris is really like a battlefield. Yung nakita mo kanina is just few of what you are about to see. As much as possible stay away from trouble. Usually hindi naman binubully ang mga Normies unlike Menials. But still, always remember that there are two higher classes above you. You should be careful."

Bigla naman akong kinabahan.

"They could either bully you or make you suffer the rest of your stay in Polaris. That's the least that they can do."

Shemay ba't bigla akong kinilabutan? Teka, yung witch kanina..

"Y-Yung Heather–"

"She's an Elite."

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 324 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine SerraƱo is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
50.4K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...