BS03: Hidden Son Of Mr. Santf...

By riedel_angelica

557K 13.5K 530

Vandeon Brix Santford Ver. 0.2. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 11.1
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Almika Sheen Monteverdi
What happened?
Future
Sleep
Falling
Society Clan
Billionaire Series
Billionaire Series 05
Special Chapter
My POV

Chapter 33

3.5K 89 2
By riedel_angelica

Almika's POV

"Mommy! I want to play with Peyton, later!"

"Sure! Basta huwag lang kayo lumayo ah? Or lumabas ng bahay. Baka may kumuha sa inyo at kakainin kayo rawr!" Kiniliti ko ang bewang niya kayat tawa siya ng tawa.

"Mommy! Hahaha stop it! Mommy!"

"Kakainin kita,Vandish!"

"Mom! Hahaha! Mommy!"

Ngumiti ako habang pinapanood ang anak kong tumatawa. Ayokong nakikitang umiiyak siya dahil nasasaktan ako. Hindi naman iyakin si Vandish, umiiyak lang siya kapag nasa binggit kami ng kamatayan. That's why I don't want to leave him, hindi ko alam kung kailan ako mawawala or hanggang kailan ako mananatili sa lugar na 'to, but I'll promise to myself that I will protect him no matter what happens.

Gusto ko siyang makitang lumaki. Ano kaya ang magiging itsura niya kung ganun? Sigurado ako na halos mukha ni Vandeon ang magagaya niya. Hays, talong-talo talaga ako. Ako ang nag-alaga, nagluwal tapos halos sa ama ang nakuha. Ang unfair naman.

Ngayon ay dumadami na ang mga kalaban, dumadami nadin ang nagtatangka sa pamilya namin. Siguro ay dahil related kami kay Vandeon? Marami siyang mga kalaban at hindi lang basta-bastang mga kalaban iyon. Nasa mataas na posisyon at mataas na ranggo. Kahit anong mangyari, hindi rin naman aatras si Vandeon. Sasabak talaga ng patayan ang mokong na 'yon. Tingnan mo nga ngayon oh, muntik nang tuluyan ni Penelope. Mabuti nalang nakita namin siya, kung hindi ay talagang tapos ang buhay niya.

"Mommy!"

"EHEM!"

Nabalik ako sa wisyo nang makarinig ako ng malakas na tikhim. Napalingon ako sa likuran ko sabay singhap nang mamukhaan ko kung sino iyon. Walang iba kundi si Kace Gunner Velasquez. Nakangisi pa ang gago habang nakatingin sa akin. Punyeta! Naiilang ako dahil naging crush ko noon si Kace. Landi mo Almika. Huwag niya kasi akong ngitian ng ganyan, naka-move on na ako oh!

Ay nga pala, bakit hindi niya kasama si Freena? Maayos na siguro ang lagay nun ngayon.

"Kace, napadalaw ka?" lumapit ako sa kanya.

"Long time no see, Almika! I missed seeing your beautiful face!" tingnan mo nambola pa.

Ni hindi nga ako pinuri nu'ng kasama niya si Freena tapos ngayon na wala, ang lakas ng loob manuri. Nakakasakit sa lungs ah.

Pakiramdam ko namula ako roon. Pero chill lang dapat. Shutaness!

"Tumigil ka Kace, baka biglang tumayo 'yung diwa ni Vandeon at sapakin ka na naman." seryosong sabi ni Kiefer na kararating lang.

Napangiwi naman ako habang si Kace ay napakamot sa ulo niya. "Gusto ko lang naman batiin si Almika, mas lalo kasi siyang gumanda ngayon,"

Eh? Bakit ang corny ngayon ni Kace? Masyado yatang good-mood ngayon si Kace ah. Sino naman kaya ang dahilan? Mabuti na lang marunong na siyang ngumiti at magloko ngayon, hindi tulad noon. Minsan lang siya ngumingiti. Ang laki raw kasi ng problema niya, hindi naman halata na meron.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito? Wala ba kayong trabaho?" pagkuan na tanong ko. Binalingan ko nang tingin si Vandish tsaka tumango sa kanya. Agad naman siyang umalis at pumasok sa loob ng kwarto ko kung nasaan si Vandeon. He closed the door.

"Wala kaming mga trabaho ngayon sa kompanya. May party kasi kaming pupuntahan mamaya, we need to attend in that party," seryosong sabi ni Kiefer. Oh! About pala sa party. Importante siguro 'yung party na magaganap mamaya.

Tumango-tango ako. "Hindi ka ba pupunta, Almika?"

"Hindi eh. Kailangan ko kasing samahan si Vandish dito at bantayan si Vandeon." Nilingon ko ang nakasarang pinto. Rinig ko namang sabay na nagmurahan ang dalawa at tila may binulong pa. Hindi ko narinig dahil ang hina-hina ng boses nila. Ayoko rin namang maki-chismis.

Pero sobrang lutong ng mga murang nilalabas nila. Para saan kaya 'yon?

"Gago talaga ang Vandeon na 'yon! How is he?" tila naging seryoso na ang mga mukha nila ngayon.

"Marami siyang pasa sa mukha at sugat sa katawan. He's not okay." deretsang sagot ko. Umiwas ng tingin si Kiefer, binalingan niya ng tingin 'yung pinto ng kwarto ko at nagmura na naman.

"Is there something wrong?"

"Kailangan kasi namin si Vandeon mamaya sa party. Hindi natuloy 'yung atake namin sa NightOut bar dahil nagbago ang isip ng mga kalaban. Puntirya nila ngayon ay ang party na gaganapin sa Pamilyang Vela Rosa," paliwanag ni Kace. Kumunot naman ang noo ko, wala akong maintindihan.

"Gusto talaga nilang mandamay ng mga tao. Ayaw din naman naming ipaalam sa mga Vela Rosa's dahil pinaghandaan daw nila ang party na gaganapin mamaya. Hindi rin sila makikinig sa amin kung sasabihin namin. Pero sa tingin ko ay may ideya na sila, tahimik lang talaga sila gumalaw."

"Bakit andito pa kayo? Hindi ba't maghahanda pa kayo? Pasensya na, ayoko munang isama sainyo ngayon si Vandeon baka mamamatay siya duon sa kalagayan niya ngayon. Alam kong kailangan niyo talaga siya ngayon pero hindi pa siya magaling. Maybe I can go?" pero walang magbabantay sa kanilang dalawa kung sasama ako? Putangina ang tanga ko rin palang mag-desisyon.

"Naiintindihan namin, Almika. Ayaw din naman namin siyang isama dahil nga sa nangyari ngayon sa kanya. And huwag ka nang sumama sa amin baka pagalitan kami ni Vandeon kapag malaman niyang sumabak ka sa laban. We can handle this, Almika. Sa ngayon ay bantayan mo nang maigi si Vandeon dahil siya ang target ng mga kalaban ngayon. Mabuti na lang hindi siya makakasama ngayon. Mas marami kasi siyang kalaban kaysa sa amin, mas delekado ang buhay niya. Please, take good care of him, pagod na pagod na 'yan hindi lang halata sa mga kilos ni Vandeon. Kahit anong mangyari ay sana huwag mo muna siyang talikuran, Almika. Kailangan niya ng tulong."

"At hindi namin siya matutulungan sa desisyong nagawa niya na."

Napaatras ako nang maramdaman ang panlalamig at malakas na pagtibok ng puso ko. Parang nagising ang buong katawan ko sa mga sinasabi nila.

"Ang dami niyang ginawang sakripisyo para sa clan namin. Muntik pa 'yang mamatay ngayon oh dahil hinarap niya si Penelope Lopez. Wala talagang kinatatakutan ang gago! Gagawin niya talaga ang lahat."

"And, mahal na mahal ka ng gagong 'yon, Almika. Hinarap niya nga si Kamatayan para sa'yo, to save you."

Napaangat ako ng tingin. "W-What?"

"Mahal na mahal ka ni Vandeon, Almika, noon mapahanggag ngayon. Hindi mo lang nararamdaman at nakikita dahil ang manhid mo."

"Tigilan niyo 'ko," gusto kong maniwala at hindi. Ako mahal ni Vandeon? Mas maniniwala pa ako sa noon kaysa sa ngayon. Kung talagang mahal niya ako hindi niya ako sasaktan, but he hurt me.

Nasaktan niya na ako matagal na. Manhid parin ba iyon? Ayaw ko lang talagang magpakatanga.

"Don't make me laugh, Kace Gunner." I tried to act calm. Ngunit, bakit tila nagbabadya ang luha ko, tangina! What is this for? Para saan ang nagbabadya kong luha? Hindi naman totoo 'tong mga sinasabi nila sa akin. I hate him! I really really do! Damn it. Ang oa ko naman yata.

"He truly loves you, Almika. Huwag mong hintayin na mawala siya sa'yo bago ka umamin sa kanya, Almika. Huwag na huwag mong hintayin na magsisi ka sa huli,"

"Kace, stop it. Kailangan na nating maghanda para sa party mamaya. And, Almika?" Nilingon ako ni Kiefer.

"Kung ayaw mong maniwala? Hindi na namin problema 'yon, but if you don't have feelings for him? Let him die."

Nanlaki ang mata ko.

"Leave him alone."

Hindi... hindi ko pwedeng gawin 'yon. K-kailangan siya ng anak namin. Hindi siya pwedeng mamatay.

"I assumed that you already knew that he was the secret weapon of his family. He will die, not now but soon, think again, Almika... ayaw kong nakikitang nasasaktan ang mga kaibigan ko dahil lang sa isang babae na sa tingin ko ay hindi nila deserve. I can kill, Almika. If you don't have feelings for him? Tell him and stay away, Almika."

"I..."

"Sinasabi namin 'to ngayon hindi para guluhin ang isip mo kundi ipaliwanag sa'yo ang lahat bago maglaho ang sinayang mo. Nasa huli ang pagsisi, Almika."

Hindi ako mapakali. Masyadong mabilis ang pangyayari. Sa tingin ba nila ay madali lang magkagusto sa taong sakit ang ginawa sa akin noon? Hindi ko naman idedeny na nasasaktan ako kapag nakikita silang dalawa ni Yeena, but 'yon lang!

"Alam kong masakit, Almika. Alam kong matindi ang pinagdaanan mo mula kay Vandeon but trust me, hindi niya intensyon na saktan ka noon. Ayaw niya lang maiwan ulit. Hindi lang ikaw ang mawalan ng pamilya, Almika. Si Vandeon din, mas masakit, mas malala."

Walang lumabas na sagot sa aking bibig. Nakatitig lamang ako kay Kace na sobrang seryoso na ng mukha ngayon.
Nauna nang lumabas si Kiefer. Mas masakit magsalita si Kiefer kaysa kay Kace. Punyeta.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas sa aking mga mata.

"Mas matindi din ang sasapitin niya. Sana ay maging handa ka kapag dumating man ang araw na 'yon." pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis kaagad siya.

Naiwan akong tulala. Nakatayo, nasa papalayong bulto ni Kace ang tulalang mga tingin.

Anong mangyayari kay Vandeon? Is he sick or what?

Parang puzzle sa akin lahat. Hindi nito masasagot ang mga tanong ko kapag hindi pa buo ang isang piyesa.

Damn this, anong gagawin ko, Vandeon?

***
Malapit na tayo sa kasukdulan ng kwento. Don't forget to hit the vote button and comment if you have concerns about this story. Most of the readers kasi nowadays ay still naguguluhan padin. Do not hesitate to dm me kapag may tanong kayo. I only accept questions na related sa kwento.

Kung hindi kayo nagagandahan sa kwento? You can leave and avoid commenting hurtful words. Thank you for understanding! Keep safe and enjoy reading!

Lablab lang tayo mga fersons!

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 112 45
WARNING: MATURED CONTENT | P-18 | Calista Fascination Calista is known for being aloof with men Always not interested She hates the group of Jerk K...
893K 16.1K 40
I'm Hillary Rayne Olivar. Maganda. Sexy. Mayaman. Matalino pero nagpakatanga sa iisang lalaki na paulit-ulit lang akong niloloko. Naranasan mo na ban...
99K 1.5K 59
I'm married and he's arranged to be married but we both love each other. Can we still be together? -CLARA SHAIRA GUZMAN
53K 2.9K 42
ENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. ...