ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

Par iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... Plus

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 23

1.1K 16 0
Par iirxsh

Kabanata 23

"D-DALAWANG linya..."

Halos manlumo si Kelly sa narinig, mabuti na lang at pinili niyang maupo kanina. Kung hindi panigurado na kanina pa siya natumba. Sa mga oras na iyon parang gusto na lang niyang lumubog sa kinauupuan niya.

Kung ano-ano na ang pumasok sa isipan niya ngayon, mas lalong nadagdagan ang pagkakagulo ng isip niya! Hindi naman sa ayaw ni Kelly ng ideya na iyon, sadyang hindi niya inaasahan na isang beses lang naman nilang ginawa at hindi pa sinasadya. Pero nagbunga na agad?

Paano na lang niya sasabihin sa magulang niya? Hindi niya alam, kung tatanggapin ba nila. Na kung malalaman ba nila, tatanggapin pa rin ba siya? Natatakot si Kelly na mangyari iyon! Hindi niya kakayanin ang magiging reaksyon nila, hindi kailanman niya hinanda ang kanyang sarili sa ganitong pangyayari.

"P-Paano mo n-nalaman?" Kahit naman natuklasan na ni Kelly, hindi niya pa rin maiwasan na kabahan.

Umupo si Alex sa tapat niya. "Favorite mo ang chicken na kahit anong luto. Ayaw mo ng balut... pero nagulat ako nang kumain ka. At iyong pagsusuka mo kanina, iyon ang nag-confirm sa hinala ko na posibleng buntis ka nga." Paliwanag ni Alex, kahit bahid sa boses nito ang pag-aalala roon. Nakikita kasi ni Alex na hindi pa handa si Kelly sa bagay na iyon. "Hindi na rin naman kasi nakakapagtaka, dahil may boyfriend ka..." Dagdag pa nito.

Napaisip naman si Kelly. Bakit hindi niya iyon naisip man lang, iyong mga pagbabago na nangyari? Paano na lang kung ibang tao ang nakahalata noon sa kanya, panigurado na ngayon pa lang buking na siya! Hindi naman kasi niya naalala lahat ng detalye noong gabing iyon, sadyang mas litaw lang ang init ng kanyang katawan dahil sa nainom niyang tubig.

Hay! Hindi ka nag-iingat Kelly!

"H-Hindi ko alam ang gagawin ko, baks..." Napatakip na lang si Kelly sa mukha niya, hindi niya maiwasang maluha.

"I-Itatakwil a-ako b-baks... paano n-na lang ako?" Tuluyan nang naiyak si Kelly dahil hindi talaga imposible na mangyari iyon. Lalo na sa sitwasyon na haharapin niya ngayon.

Tinanggal ni Alexander ang pagtatakip ng dalawang kamay ni Kelly at maingat niyang hinawakan ang mukha nito. Pinahid pa nito ang luha ni Kelly. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, ha... hindi 'yan makakabuti sa iyo." Tumango naman si Kelly dahil may punto naman si Alex sa sinabi niyang iyon. "Nandiyan naman si Adam, hindi ka noon pababayaan... kaya huwag mo munang isipin." Paalala pa ni Alex.

Natigilan naman si Kelly. Ano kayang magiging reaksyon ni Adam, kapag nalaman niyang buntis siya? Magustuhan kaya nito? Paano kung hindi? Paano kung hindi rin pala handa si Adam sa ganoong ideya? Hindi alam ni Kelly kung saan siya pupulutin!

Ilang beses na umiling si Kelly kay Alex. "H-Hindi niya pwedeng malaman." Tutol ni Kelly. Nagtataka naman siyang tinignan ni Alex. "Bakit naman? May problema ba kayo? Nabanggit ba niyang ayaw pa niyang magka-anak? Eh, bakit ka niya binuntis kung ayaw pa pala niya?" Sunod-sunod na tanong ni Alex.

Nasapo na lang ni Kelly ang mukha niya. Inaatake na naman kasi si Alex ng pagka-marites niya. "Hindi... wala kaming problema!"

Nanlaki ang mata ni Alex, na biglaan pang tumayo. Napatakip pa sa bibig nito, animo'y gulat na gulat talaga! "H-Huwag mong sabihin na hindi si Adam ang ama niyan, ibang lalaki?! Bakit ganoon ka, hindi ka man lang nag-share? Sinolo mo lahat? May Adam ka na nga, humanap ka pa ng iba!" Kulang na lang humagulgol na si Alex. Seryoso ba siya? Sa dami ng pwede niyang maisip na dahilan kung bakit ayaw ni Kelly na ipaalam sa nobyo ay iyong ganoong klase pa talaga ng ideya?

Mas lalong naguluhan tuloy si Kelly. Iyon bang sana hindi na madagdagan pa ang iniisip niya pero parang mas lumala, dahil kasama niya si Alex. Napatayo siya ng wala sa oras, at pinitik sa noo si Alex. Kung pwede lang makipag sapakan siya, kung hindi lang niya iniisip ang kanyang dinadala. Eh, baka nasapak na niya si Alex. "Siraulo ka! Bakit mo naman naisip na may iba ako? At ako pa talaga, ha? Sa ating dalawa, mas mukhang marami ka pang lalaki!"

Napahawak naman sa dibdib si Alex. Akala mo parang siya pa ang mas dehado. "Grabe ka girl, ha! Konti lang naman." Depensa pa ni Alex, eh, ganoon lang din naman iyon.

"Tse!" Irap ni Kelly. "Uwi na tayo, sumasakit ang ulo ko sa iyo. Baka hindi pa kita matansya, eh!"

"Mapanakit pala ang mga buntis, mabuti na lang..." Bulong pa ni Alex, pero narinig pa rin naman iyon ni Kelly.

Naningkit ang mata ni Kelly. "Anong sabi mo?!" Akmang susugod pa siya, nang maagap naman na hinarang ni Alex ang kamay niya at hinila na si Kelly palabas. "Sabi ko... mag gagabi na, kaya tara na."

"Oh, bakit na naman? Huwag mong sabihin na gusto mo na lang maiwan dito?" Napaharap tuloy si Alex, nang pigilan siya ni Kelly mula sa paghila sa kanya. Natigalan kasi si Kelly nang maalala niya iyong isang bagay.

Umiling naman si Kelly. "Hindi, 'no!" Maagap na sabi ni Kelly. Sanay naman siyang mag-isa, pero hindi naman niya gugustuhin na maiwan sa opisina nila. "I-Iyong p-pregnancy t-test kasi... nasaan iyon?" Napalunok na lang si Kelly at hindi pa rin maalis ang kaba na nararamdaman niya. Ang nasa isip lang ni Kelly ngayon ay hindi iyon pwedeng makita ng ibang tao.

"Kukunin mo? Pwede ko namang itago para hindi nila makita." Suhestyon pa ni Alex. Kita talaga ang sinseridad nito at iyong kagustuhan niyang makatulong kay Kelly habang sinasabi iyon. "Alam kong hindi ka pa handa, eh."

Umiling naman si Kelly. Gustong gusto niya ang ideya na iyon ni Alex dahil talagang malaking tulong iyon kaso ayaw na niyang madamay pa si Alex. Paano na lang kung makita iyon sa kanya? Ano na lang ang iisipin ng magulang ni Alex, 'di ba? Mas magiging malaking problema lang 'yon. Kahit hindi naman kasi magsabi si Alex, nararamdaman ni Kelly na may mga iniisip din itong problema. Sadyang sinasarili lang ni Alex.

Iyon bang nakangiti siya kapag kaharap ka, pero pagtalikod mo punong puno na siya ng emosyon. Pinipigilan lang niya ang sarili na ilabas ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw niya iyong ideya na iniintindi siya ng ibang tao. Sobra kasi ang paniniwala niya na kaya niya kahit siya lang mag-isa.

"Huwag na... baka madamay ka pa, eh." Kontra ni Kelly.

"Ayos lang naman sa akin," Pagpilit pa ni Alex. "Lalaki naman ako."

Nagtataka naman na tumingin si Kelly kay Alex na seryoso pa rin. Ngunit si Kelly ay halos hirap nang magpigil ng tawa. "Kailan pa? Bakit hindi ko alam 'yan?"

Sumama ang mukha ni Alex. "Bahala ka na nga!" Padabog nitong inilapag ang pregnancy test sa lamesa. "Iyan na! Tsk!" Umirap pa si Alex, bago ito tumalikod at nauna nang lumabas.

Napabuntong-hininga na lang si Kelly bago sumunod kay Alex sa labas. Napaka-tampuhin talaga!

"BAKS, lagpas ka na."

Nakatanaw lang kasi si Kelly sa labas, dahil hindi pa rin siya pinapansin ni Alex simula ng makalabas silang dalawa mula sa opisina.

Kahit ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag nila, hindi pa rin nakaiwas kay Kelly ang pagtaas ng kilay ni Alex. Napaka sungit talaga lalo na kapag nagtatampo. "Bakit diyan ka na ba nakatira?" Sarkastiko na tanong ni Alex.

"Hindi. Ah, sasama ka pa?" Kyuryoso na balik ni Kelly.

Umirap lang si Alex. "Hindi pa ba obvious?"

Bigla namang kumulo ang dugo ni Kelly. Panay ba naman ang irap sa kanya ni Alex. "Umayos ka dahil dudukutin ko 'yang mata mo!" Banta ni Kelly. "Maayos naman akong nagtatanong, eh!"

"Kasi naman..." Mahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Alex, halos humaba pa ang labi nito. "Gusto ko lang naman makatulong sa iyo, minamasama mo pa."

Nakaramdam naman ng pagsisisi si Kelly. Biro lang dapat iyon, eh. Pero mukhang mali ang pagkakaintindi ni Alex sa gusto niyang iparating. "Pasensya ka na... nagbibiro lang ako." Dahilan naman ni Kelly.

"Wrong timing lagi ang biro mo, Kelly!" Sita ni Alex. Hindi kalaunan, nagbago rin naman agad ang mood nito. "Pero sige, okay na..."

"Salamat, na-appreciate ko lahat nang ginagawa mo para sa akin." Ngumiti si Kelly. "Sana hindi ka magsawa..."

Napangiti na lang din si Alex, sobrang labo na mangyari ang ideya na iyon. Mas malabo pa sa relasyon ng mga tao. "Oo naman. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin, eh."

"Ano pa lang balak mo?" Pag-iiba ni Alex ng usapan. Baka kung saan pa kasi mapunta ang usapan nila. Ayaw naman niyang magkaiyakan pa sila lalo na at alam niyang emosyonal ang mga buntis. Baka isipin pa roon sa bahay nila Kelly na pinaiyak niya o higit pa roon. Kapag nangyari iyon baka ikabuking pa nilang dalawa.

Natigilan si Kelly. Hindi niya alam ang isasagot kay Alex dahil ang totoo ay talagang hindi pa siya makapag-isip ng maayos. Wala pa siyang naiisip na ideya kung anong magandang gawin.

Umiling lang si Kelly. "Hindi ko alam, baks." Halos pabulong niyang sinabi iyon.

"Huwag ka lang aabot sa ideya na iyon girl. Alam mo naman siguro ang tinutukoy ko... Kung hindi mo kaya, sabihan mo lang ako, kahit gaano pa 'yan kahirap tutulungan kita... haharapin nating dalawa."

Hindi napigilan ni Kelly na yakapin si Alex. Naramdaman niyang malugod naman na tinutugunan iyon ni Alex. Parang kiniliti ang kanyang puso sa narinig. Bihira ang ganoon na klase ng tao, at sobrang swerte ni Kelly dahil tunay ngang maasahan si Alex. Walang kupas!

Mabilis na napahiwalay si Kelly mula sa pagkakayap kay Alex, nang hindi man lang nila namalayan na tumigil na pala ang tricycle. Natigilan si Kelly at halos hindi ramdam ang init sa katawan niya. Mas litaw ang panlalamig nito.

Ilang beses na napalunok si Kelly nang makitang magkasalubong na ang kilay ni Adam. Hindi niya tuloy alam kung lalabas na ba siya o hindi pa.

Unang bumaba si Alex, at inabot pa nito ang kamay niya kay Kelly para sana alalayan ito. Pero ganoon na lang ang gulat ni Kelly nang marahas na tinampal ni Adam ang kamay Alex at nakita niya kung paano mas sumama ang mukha nito. Lalo na kay Alex.

Akala ni Kelly ay maayos na ang dalawa?

"What are you two doing?" Matigas na sabi ni Adam. Bago binaling ang tingin kay Alex. "Why are you here?" Nag-igting ang panga nito sa galit. Walang nakikitang sapat na dahilan si Adam para ihatid pa nito si Kelly.

Marahan naman na hinaplos ni Kelly ang kamay ni Adam. Kaya naman napatingin sa kanya si Adam, na lumambot naman agad ang ekspresyon nito.

Napabuntong-hininga na lang si Adam. Magaan na dinampian niya ng halik sa gilid ng ulo si Kelly. "I'm sorry..." Masuyo nitong sabi. "Did I scare you? I was just asking him..." Paliwanag pa ni Adam.

Umiling lang si Kelly na halos ayaw magsalita. Baka kasi may masabi siyang hindi naman dapat. Hindi lang dapat doble o triple ang ingat na gagawin niya, higit pa roon.

"Hinatid ko lang siya." Parang walang gana na sabi ni Alex.

Tumaas ang kilay ni Adam. "What about the hug?"

"We're good friends. I think it's normal, Mr. Dela Fuente." Nakangising sabi ni Alex, nanunubok pa ang tingin nito.

"Friends or not, I don't care! You.Are.Not.Allowed.To.Hug.Her!" Mariin na sabi ni Adam. "No one is allowed to hug her, unless it's me." Pagtatama ni Adam.

Nagkibit balikat lang si Alex. "Sabi mo eh..." Parang hindi man lang ito nabahala sa tingin ni Adam sa kanya. Nagawa pa nitong tapatan iyon.

"Next time, don't waste your time sending her here... I can do that!"

"Alam ko..." Nagawa pa na ngumiti ni Alex. Kaya naman mas sumama pa ang mukha ni Adam. "Nandito ka man o hindi, hindi naman ako magdadalawang-isip na ihatid siya..." Tumigil saglit si Alex at dahan-dahan na lumapit kay Adam. Nagtataka naman na tumingin si Adam dahil wala itong ideya sa kung ano ang gagawin ni Alex pero parang balewala lang iyon kay Alex. Ang gusto lang naman kasi ni Alex ay sabihin ang nais nitong iparating kay Adam nang malapitan.

"Because... she's a woman, worthy of being taken care of."

Itutuloy...

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

3.1K 201 33
I once had a happy family As time goes by my father pressure me My mother died I made a mistake My boyfriend left me I let someone i knew entered my...
202K 2.6K 32
After dating several women during college, Keith was sure he had found the girl he would marry. Mayumi, on the other hand, lived differently. She tra...
46.2K 695 42
COMPLETED Sa unang beses na maka-encounter ni Amara ang isang lalaki, tila iba na ang naging epekto nito sa kaniya. Simula nang araw na iyon, naging...
398K 20.8K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.