The Wall Between Us [COMPLETE...

Av thexyll

521K 7.1K 1.1K

COMPLETED ⚠️ [This story is full of LOOPHOLES. LOOPHOLES. HUWAG NG IPAGPATULOY ANG PAGBABASA KUNG HINDI KAYO... Mer

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1 [EDITED]
CHAPTER 2 [EDITED]
CHAPTER 3 [EDITED]
CHAPTER 4 [EDITED]
CHAPTER 5 [EDITED]
CHAPTER 6 [EDITED]
CHAPTER 8 [EDITED]
CHAPTER 9 [EDITED]
CHAPTER 10 [EDITED]
CHAPTER 11 [EDITED]
CHAPTER 12 [EDITED]
CHAPTER 13 [EDITED]
KABANATA 14 [EDITED]
KABANATA 15 [EDITED]
KABANATA 16 [EDITED]
KABANATA 17 [EDITED]
KABANATA 18 [EDITED]
KABANATA 19 [EDITED]
KABANATA 20 [EDITED]
KABANATA 21 [EDITED]
KABANATA 22 [EDITED]
KABANATA 23 [EDITED]
KABANATA 24 [EDITED]
KABANATA 25 [EDITED]
KABANATA 26 [EDITED]
CHAPTER 27 [EDITED]
CHAPTER 28 [EDITED]
CHAPTER 29 [EDITED]
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Age
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SECTION SERIES

CHAPTER 7 [EDITED]

17.5K 292 92
Av thexyll

CHAPTER 7

ABELA SCHENEDER-RIOS

"Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila nang matapos kaming kumain ng hapunan sa hapag.

Unti-unti nang muli napapalapit sila sa akin, kahit na may kaunting agam-agam pa rin ako.

"Ok naman po," nakatungong-saad ni Trasha.

"Gano'n ba? Wala naman bang nang-aaway sa inyo ro'n?"

"Wala po, mabait po sila."

"Ahmm, mommy, puwede po ba kaming pumunta kayla m-mommy Treya bukas? Wala naman po kaming pasok," paalam ni Tres.

Napatingin naman ako sa kaniya, eto na naman 'yung pakiramdam na parang lalayo na sila sa akin. Tangina, minsan na nga lang maging masaya.

"B-bakit?" utal kong saad.

"Ahh, ano po, nag-promise po kasi kami sa kaniya na sasamahan namin siyang mag-mall. Kung ok lang po sa 'yo?"

Treya na naman.. .

Syempre, hindi ok sa akin yon. Harap-harapan ba naman ninyo akong ganituhin.

Unti-unti na akong naririndi sa pangalan na 'yan. Hindi ba puwedeng ako naman? Ako naman sana, minsan ko na lang kayong makasama eh, bakit may ganito pa?

Ayaw ko sanang pumayag pero...

"Ha? Ah, o-oo, p-puwede naman. Basta umuwi kayo nang maaga, ha? Kasi paglulutuan ko kayo ng mga paborito niyong pagkain."

"Talaga po?! Yes!" nalungkot ako nang makita ang mukha nilang masaya.

Ok lang sanang araw-araw silang masaya kung ako lang ang dahilan pero hindi eh. Masaya sila dahil pumayag akong makasama nila si Treya sa Mall.

"Hmm..."

"Puwede po bang isama si daddy? Alam ko pong nami-miss na rin niya si mommy Treya." Ang sakit.

Anak, paano naman ako? Hindi niyo ba ako isasama?

Para akong nabingi dahil ro'n. Lahat na nga kayo ay aalis, tapos isasama niyo pa ang daddy niyo? Paano naman ako?

"H-ha? Ah, eh, baka may trabaho pa ang daddy niyo, tiba, hubby?" please say yes, please...

"Of course..." napahingan ako nang malalim doon. "not..."

Kaagad akong napatingin sa kaniya, katulad nang mga bata ay masaya rin ang mukha niya. Putangina oh, wala ka manlang bang pakiramdam, Travis? Ano, palagi na lang sya? Palagi na lang si Treya?! Sawang-sawa na ko sa totoo lang.

Nais kong isatinig lahat ng tumatakbo sa isip ko pero ayaw bumuka ng bibig ko.

Ang sakit lang dahil hindi na naman ako ang dahilan ng masayang ngiti sa labi niya.

"Wala naman akong pasok bukas, so, ok lang." Sayo-ok lang, pero sa akin ay hindi.

"G-ganun ba? Akala ko..." pahina na nang pahina ang boses ko.

"Bel, ok lang bang samahan ko ang mga bata?"

Hindi! Pero may magagawa ba ako? Parang gusto ko na lang mawala para maging masaya at malaya na kayo ng mga anak natin, pero hindi pa puwede. Hindi pa.

"Ahh, ano."

"Bel?"

"O-oo, puwede, basta umuwi kayo kaagad bago mag tanghalian."

"Yes! I'm excited!

Ilang oras na ang dumaan ay napag-pasiyahan naming matulog na. Pasado alas-nuwebe na, kailangan pang matulog ng mga bata.

Pinauna ko na ang asawa ko sa kuwarto namin upang samahan ang mga anak ko sa kuwarto nila.

"A-anak, puwedeng magtanong si mommy?"

Ayaw kong itanong yung nasa isip ko dahil baka masaktan na naman ako pero kailangan. Gusto ko ng kasagutan.

"Ano po 'yon?"

"Gaano kabait si m-mommy Treya niyo?"

"Si mommy Treya po? Super bait po, maalaga po siya kapag pumupunta po kami nila daddy sa bahay nila, ang sweet po nila ni daddy. Nilulutuan rin po niya kami ng masarap na food," Triv said.

Kaya ko rin lahat ng ginagawa nya anak, kayang-kaya ko.

"Oo nga po, palagi po siya play sa amin, turuan niya rin si Ate Trasha ng homework niya," Traj said.

Ako rin ang dating nakikipag-laro sa inyo, ako rin ang nagtuturo sa ate nyo ng mga homeworks nya dati.

Nagsisang-ayunan naman ang iba pa nilang mga kapatid.

Ako pa rin dapat gumagawa no'n pero bakit sa iba niyo natatanggap?

"Talaga? So, paano kapag wala si mommy, sinong gusto mong maging mommy?"

"Si mommy Treya," ang sakit lang.

Ano kayang meron sya na wala ako?

"B-bakit?"

"Kasi po meron siya kapag wala ka," double kill. Putangina, patanggal ng sakit please.

Ano pa?

"Sinong gusto niyong maging mommy, si Mommy Treya o ako?"

Please, ako naman...

"Si mommy Treya po."

There, Abela. The answer of your questions... Pwede na bang mamatay? Tinatagan ko muli ang loob ko, dahil ginusto ko naman ito kaya bakit kailangan ko ang masaktan?

Gusto ko na lang maging manhid, para lahat ng sakit ay hindi ko na maramdaman.

Muling kumirot ang puso ko dahil ro'n, kung puwede lang sanang mawala ay baka nagawa ko na.

1 down, 2 more...

Malapit na...

Bukas ay gusto ko silang sundan sa mall, gusto kong makita kung paano mapasaya ni Treya ang mag-aama ko.

Gusto kong makita kung paano sila alagaan ni Treya, gusto Kong makita kung paano sila magsama na parang pamilya.

Gusto kong makita kung paano gawin ni Treya ang mga bagay na sinasabi ng mga anak ko. Gustong-gusto kong makita, para Makita ko kung nasa mabuti silang kamay.

Na kung sakali mang tuluyan na akong mapagod ay makita kong okay na silang lahat, na kaya ko na silang iwan ng walang agam-agam.

Gusto ko ng mamahinga, nakakapagod ang araw na ito. Mahirap ang maging masaya, dahil kaaakibat non na may darating na sakit.

Panibagong araw, panibagong sakit na kakaharapin ko.

thexyll

~~

©All Rights Reserved 2022

Fortsett å les

You'll Also Like

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.2K 142 36
Sa mga taong lumipas ay muli ko nakita ang babae na matagal tagal kung hinanap, sa tuwing nakikita ko ang kanyang mala anghel na muka ang puso ko ay...
3.8K 447 16
College Series #1: An art student, Solace Vellarde, chases her dreams alone since she started to decide to be an independent woman. In the middle of...
1.1M 31.6K 80
WATTYS 2021 WINNER Fanfiction Category Dalawa lamang sa milyon-milyong fans ng Westlife sina Kathy at Jem. Katulad ng iba ay hinahangad din nilang m...