HUSBAND AND WIFE

By fedejik

134K 6.1K 576

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 17

2.1K 95 6
By fedejik

CHAPTER 17

Thaddeus Art


"Close ba talaga kayo ng Eren na 'yon?" tanong ni Lauren nang papunta na kami sa restroom.

"I really can't say that we're close... but she's really nice."

Hindi naman na siya nagkomento. Pero base sa hitsura niya ay para ba siyang nagseselos.

"Are you jealous?" nangingiti kong tanong sabay silip sa kanyang magandang mukha.

Umirap lang siya at ngumuso. "She's so pretty. Who wouldn't be jealous?"

"There's nothing to be jealous of, hon. She's just a neighbor. At saka asawa siya ng client mo, 'di ba?"

Tumango siya pero hindi pa rin ngumingiti. "I just don't feel comfortable with the thoughts that you're being friends with her."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. I completely understand how she felt.

"She's very much in love with her husband like I am with you, so you have nothing to worry about."

Ngumuso siya at nagpipigil na ngumiti nang maluwag.

Yeah, she definitely liked hearing those words.

"Sige na nga. Sinabi mo, e," malambing pang aniya sabay mabilis na halik sa pisngi ko. "Ihing-ihi na talaga ako, hon," bulong niya sabay nagtatakbo papasok sa banyo.

Natatawa akong umiling at pumasok na rin muna sa restroom.

Paglabas ko sa restroom ay naabutan ko sina Everett at Christoff na magkausap di-kalayuan. Nakaakbay si Christoff sa isang magandang babae na hindi ko gaanong kita ang mukha. Para bang sobrang seryoso ng kanilang pinag-uusapan.

Hindi naman din nagtagal ay lumabas na si Lauren na agad din namang kumapit sa braso ko. Nang mapansin niya ang tatlo ay agad pa siyang kumaway sa mga ito.

"Hon, una ka na sa table. May sasabihin lang ako tungkol sa negosyo. Ayos lang ba?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Hindi naman ako kailanman nakisali sa usapan nila basta pagdating sa negosyo.

"Who's the girl?" kuryoso kong tanong.

"Girl?"

"Yong kaakbay ng asawa ni Eren."

"Ah, si Marie Antoinette. She was his long-time friend. That's all I know..."

Hindi ko na sinundan ang tanong. Nag-aalala lang din akong makita iyon ni Eren at pagmulan ng away nilang mag-asawa.

Wala ako sa sariling umiling nang ma-realize ang naiisip. Hindi na ako dapat makialam sa kung anomang gulong gustong dalhin ni Christoff sa pagsasama nilang mag-asawa. Naaawa lang din talaga ako kay Eren. She deserves better.

Bumalik ako sa table namin at uminom na mag-isa. Higit na mas maraming kakilala si Lauren kaysa sa akin kung kaya wala rin akong masyadong makakuwentuhan. Bukod sa iilang kakilala sa negosyo ay halos 'di na pamilyar sa akin ang iba. Ang natitiyak ko lang, karamihan sa mga bisita ay puro may kaya sa lipunan.

Saglit akong nagmasid at nilibang ang sarili sa panonood sa ibang tao. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko si Eren na nag-iisa at panay lang ang pindot sa cell phone nito. Gustuhin ko man siyang lapitan ay mas pinili ko na lang mag-text. Ayaw kong bigyan ng alalahanin ang asawa ko lalo pa't nakita kong medyo nagseselos nga siya.

Me: Busy?

Nang ngumiti si Eren at mag-angat ng tingin sa akin ay alam kong nabasa na niya ang text ko.

Eren: Bored. Wala akong makakuwentuhan dito.

Me: Really? Hindi ba mas kakilala ninyo ang may birthday?

Eren: Oo nga. Pero puro matatanda na ang mga nandito. Karamihan sa mga kakilala ko puro sa abroad na naninirahan. Mas maraming kakilala ang asawa ko at mahilig um-attend sa ganitong mga okasyon.

Me: Ah, okay. Kausap ng asawa mo sina Lauren at Everett. Mukhang may importanteng pinag-uusapan.

Sinadya kong hindi na banggitin pa ang isang babaeng kasama. Ayaw ko na lang din bigyan pa nang isipin si Eren. Mas mainam na ito na lang mismo ang makakita sa babae. Possible namang kilala niya iyon lalo pa nga at long-time friend. Puwede kasing wala lang malisya iyon gaya nang pagkakabigan namin.

Eren: Ah, gano'n ba? Kaya pala nag-iisa ka rin diyan. Gusto ko mang invite kita rito sa table namin, maraming nagkalat na madudumi ang utak.

Me: Yeah. Parehas lang tayo nang iniisip.

Eren: Hanggang ano'ng oras ba kayo rito sa party? Gusto ko na ngang umuwi... kaso mukhang wala pang balak ang asawa ko.

Me: Hindi ko pa alam. Si Lauren lang din ang hinihintay ko. Mas gusto kong umuwi na at matulog.

Eren: Same. Ang boring kapag walang kausap.

Me: Ayan na nga at magkausap tayo.

Eren: Kung sa bagay... Pero siyempre mas mainam sana magkaharap na lang. Nakatatamad mag-text. Hahaha!

Me: Oo nga. Wala rin akong hilig sa text. Kaso kung tatawagan kita, hindi naman tayo magkakarinigan.

Eren: Oo nga. Maingay masyado.

Me: Hindi ko na sila makita. Wala na sila sa may restroom.

Muling nag-angat ng tingin si Eren at agad na pinahaba ang leeg. Umiling lang siya at nagkibit-balikat nang 'di rin makita ang asawa.

Me: I really wanted to go home. Wait lang, ha. Hanapin ko lang.

Eren: Oo nga. Gusto ko na ring umuwi. Maghahanap din ako.

Halos sabay kaming tumayo at tanging tango ang naging senyasan naming dalawa. Lumakad kami sa magkaibang direksyon at naghanap.

Sinubukan ko ring tawagan ang numero ni Lauren, pero panay lang ang ring noon at hindi sinasagot.

Medyo sumasakit na rin ang ulo ko kaya gusto ko nang umuwi.

Pero naikot ko ang buong bulwagan ay hindi ko nakita kahit na anino ni Lauren at maging ang mayabang na kaibigan nito.

Nagtagpo kami ni Eren sa gitna at nagbalitaan.

"Baka lumabas sila..." salubong niya.

"Siguro nga. Ako na lang ang lalabas at maghahanap sa kanila."

"Samahan na kita, Thad. Umuwi na rin kasi sina Mama. Wala na rin akong kasama sa table."

"Okay sige. Hindi ka ba mahihirapang maglakad sa suot mo?" alanganin kong sabi sabay sulyap sa long gown nito.

Kung mayroon mang pinakamagandang babae na sunod sa asawa ko, si Eren iyon. Walang duda.

Nakangiti siyang umiling. "Yakang-yaka!" mayabang pang aniya sabay kindat.

She's really cute.

"Okay. Let's go."

Sabay kaming naglakad palabas pero bahagyang nakadistansya sa isa't isa. Mas kaunti ang tao sa labas at mas tahimik. Nakalalamang na dito nga sila nag-usap-usap.

Nagpalinga-linga kami at bahagyang nag-aninag sa dilim. Karamihan ng mga nasa labas ay puro magkaka-partner kung kaya saglit kaming nag-alangan.

"Ayos lang ba na sabay tayong maghanap? Baka magalit ang asawa mo?" nag-aalala pang aniya.

Parehas talaga kami nang naiisip.

"I was thinking the same thing... pero madilim na kasi sa ibang parte. Hindi yata kita mapapabayaang maglakad na mag-isa," katwiran ko. Iyon din naman ang totoo.

"Sige. Maghanap na tayo. Inaantok na rin talaga ako," aniya sabay bahagyang humikab.

Tumango ako at muling ibinuhos ang focus sa paghahanap. Ilang katao na ang nadaanan namin, pero wala pa rin ang aming mga asawa roon. Nang makarating kami sa parking lot ay mas lalong wala kaming nakitang tao roon.

Pero halos sabay kaming napatalon ni Eren sa gulat nang biglang may magsalita sa aming likuran.

"What are you doing?"

Nang lingunin ko iyon ay bumungad ang nakasimangot na mukha ni Christoff.

"Christoff?"

"Why are you with him, huh?" galit na sita pa nito.

Mabilis na lumapit si Eren dito at agad na nagpaliwanag. "Hinahanap namin kayo. Kayo raw kasi ang kasama ng asawa ni Thad kaya sumabay na ako. Gusto ko na kasi umuwi."

Seryosong tumitig sa akin si Christoff. Halatang hindi nito nagustuhan na magkasama kami ni Eren sa paghahanap.

"Nasa loob lang kami malapit sa restroom," seryosong sagot pa nito habang titig na titig sa akin.

Nagkatinginan kami ni Eren. We're pretty sure that they are not there.

"Inikot namin ni Thad—"

"Are you telling me that I'm lying?" masungit na tanong pa nito sa asawa.

"Inikot ko rin ang area na malapit sa restroom. Hindi ko kayo nakita roon," depensa ko rin naman para kay Eren.

Nagpakawala ng mapaklang tawa si Christoff at umiling-iling. "Seriously... Kapag wala ba kami ni Lauren sa bahay, kayong dalawa ang palaging magkausap? You seemed really close to each other."

"I don't appreciate your tone," inis kong sabi.

Malakas itong humalakhak at muling umiling-iling. "Bro, I was just kidding!" bawi pa nito sabay akbay kay Eren na parang bahagyang namutla. "I really don't mind if you're friends with my wife. Really."

He was being sarcastic. Sa ekspresyon pa lang ng mukha ay alam kong hindi siya sinsero sa sinabing iyon.

Hindi nagtagal ay natanawan ko sina Lauren at Everett na palapit na rin sa amin. Kahit ba sa ganitong okasyon ay hindi pa rin sila mapaghiwalay?

I couldn't fucking believe this!

"Thad, hon, I am so sorry..." nag-aalala pang salubong niya sa akin kasunod si Everett na para bang nang-uuyam pa ang hitsura ng mukha.

"Why aren't you answering my callls?" nakasimangot kong sita.

Agad siyang yumakap sa akin at naglambing. Itong ganitong reaksyon na lang talaga niya ang pakunsuwelo ko sa sarili ko. Kahit pa sa harap ni Everett ay hindi siya nahihiyang maglambing sa akin.

"Hindi ko talaga narinig, hon. Medyo maingay kasi sa puwesto namin sa loob..."

"Hinanap namin kayo roon. Hindi namin kayo nakita."

"Nandoon lang talaga kami. Promise!" aniya sabay taas ng kanang kamay.

Talaga bang nagkamali lang kami ni Eren?

Hindi na ako nakipagtalo. Paniguradong tatlo na silang mangangatwiran sa amin.

"Nakita ko kayong palabas kaya sinundan namin kayo." Si Everett na halinhinan pa kaming tiningnan ni Eren.

Yumuko lang si Eren at hindi kumibo. Kahit pa parang may ibig ipakahulugan ang mga salita nito ay mas pinili kong manahimik na lang at 'wag na pumatol.

"Come on, hon... Let's go home." Si Christoff na inakbayan si Eren at makahulugan pang tumingin sa akin. "Let me take off this dress on you..." mapang-uyam pang aniya sabay haplos sa puwitan ng asawa nito na napaigtad din naman sa gulat.

"Christoff, stop!" namumulang saway ni Eren dito.

I tried not to react differently kahit pa wala akong gustong gawin kundi bigwasan ito sa mukha. Nababastusan lang ako para kay Eren. How could he treat her like that?

"Let's go, Thad. Inaantok na talaga ako..." bulong ni Lauren at hinila ako para lagpasan ang dalawa.

Siguro ay iniiwas na lang din niya ako sa gulo.

"See you soon, Lauren," nakangisi pang pahabol ni Everett at kumaway pa sa akin.

Fucking asshole.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.9K 44
Milgrace Avery Delos Santos left the Philippines for six years, and after reaching the dream she had been desiring since she was a teenager, she fina...
296K 7K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...
99.2K 1.9K 52
Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and make it happen? Officialwhosthatgirl 2014...
415K 15.5K 41
Kuwentong tapusan kahit kabilang sa serye. Ito lang ang naka-upload dito. This is one of my readers' favorites. Uploading for your enjoyment habang...