BNDASD PART II: The Painful S...

By TheWhelveLady

20.9K 1.2K 170

-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. T... More

DISCLAIMERπŸ“£
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
ANNOUNCEMENT!

Chapter 68

472 31 4
By TheWhelveLady

Walamg imik kaming tatlo sa lamesa.

Panay ang sulyap sa akin ng magkapatid. At kada sulyap nila sa akin ay magtitigan sila na para bang may wirdo silang kasama.

Andito pa ako, hoy.

Pero tuwing titingnan ko sila ay agad silang aakto na parang walang nangyari.

Tanging ismid at irap lang ang ibinibigay ko kay Deive na kanina pa ang kindat sa akin.

Parang hindi lumandi kanina ah?

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. At kung nagsasalita lang ang kinakain ko malamang sa malamang minura na ako.

Paano ba naman, sa karne ko naibunton ang galit at inis ko sa malantod na si Deive. Ending namurder ko tuloy ang kinakain ko.

"Kuya, I'll get some sweets lang doon. Wala ba kayong ipapakuha?" Tanong ni Deivine.

"Okay, ikuha mo na rin kami. May susuyuin lang ako." Sagot naman ng malantod.

Umirap na lang ako sa sinabi niya.

Suyuin mo lola mo.

"Okie, dokie. Suyo well! Pero put the label first!" Nang aasar aniya. "Kidding I gotta go!"

Label?

Pinanood ko lang ang papalayo niyang bulto hanggang sa makarating ito sa sweet corner.

Nagbuntong hininga na lang ako at bumaling sa katabi ko na sana hindi ko na lang ginawa.

Galit nga pala ako.

"Lumayo ka sakin." Banta ko sa kaharap ko na ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ko.

"Hindi daw nagseselos ha. Ano yang mukhang yan?" Ngising tanong niya.

Mukha ng dyosang maganda.

"Hindi nga ako nagseselos. Bakit ba ang kulit kulit mo?! At anong meron sa mukha ko?"

"Bakit salubong yang kilay mo at nanghahaba yang nguso mo?" Turo niya sa mukha ko

Nagtaka ako naman ako at agad na kinapa ang kilay at nguso ko.

Natigilan naman ako ng makapa ko ang magkasalubong kong kilay at ang nanunulis kung nguso.

Hindi nga ako nagseselos.

Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit ba? Ganito ang tunay na maganda. Salubong ang kilay at nanghahaba ang nguso." Pag mamaang maangan ko.

"Reasons, reasons, reasons." Ngingis ngisi niyang sabi na may kasama pang pag iling. "Eh bakit ang sama ng tingin mo sa amin kanina?"

Au nakita niya pala yun, edi arouch.

"Eh sa ganon ako tumingin eh, ba't ba? At saka lumayo layo ka nga sa akin bago pa magdilim ang paningin ko at manaksak ng tinidor. Sige ka." Banta ko sa kanya at iritang ipinakita sa kanya ang tinidor na hawak ko.

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na nagseselos ka? Look hindi mo ba matanggap na gwapo ako kaya ganon sila makatingin sa akin?"

Anak ng pucha?!

"Ano bang pinaglalaban mo? Hindi nga ako nagseselos, okay? Look wala akong karapatan na magselos dahil wala namang tayo?! Ayos lang na lumandi ka sa apat na linta kung yan ang gusto mo basta huwag mo na akong kakausapin pag katapos. Ayos lang kahit pa sampo ang landiin mo, kahit pa magtukaan  kayo! Wala akong pakialam. Basta ba tatanggapin mo ang pangungulam ko sayong letche ka!" Halos kapusin ako sa hininga sa sinabi kong iyon. Punyawa siya.

Nakakurap na lamang siya sa sinabi ko. Ano, punyeta ka kung ano ano tuloy lumalabas aa bibig ko. Nawalan tuloy akong preno.

Nang makabawi siya ay isang ngisi ang nabuo sa mapupulang labi niya.

"Hindi pala nagseselos ha---"

"OO NA PUTANGINA! NAGSESELOS AKO! HAPPY? HAPPY?" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Wala na akong pake kung marinig ako ng kalapit namin.

Rinding rindi na ako sa punyawang katabi ko.

Napaawang ang labi niya at napakurap sa sinabi ko.

Maging ako ay natigilan nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Nanlaki ang mata ko at dali daling tumayo palayo sa kanya.

"Y-you---"

"B-banyo muna ako!" Putol ko sa sasabihin niya at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo.

May ilan pa akong nabubunggo ngunit wala dun ang atensiyon ko. Nang makarating ako ng banyo ay agad akong naglock at minura ang sarili ko sa harap ng salamin.

Siniguro ko muna na walang laman ang ilang cubicle bago ko sermonan ang sarili ko.

"Bakit kasi umamin kang shunga ka?! Gaga ka ba?! Edi hindi ka na astig niyan?!" Pagkausap ko sasarili ko. Namumula at nag iinit ang pisngi ko sa tuwing naalala ko ang sinabi ko kanina.

Bakit ko ba kasi sinabi yun?

Ilang beses ko pang natuktukan ang  noo ko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"Paano yan, wala ka ng mukhang ihaharap sa malantod na yun?" Wala sa sariling tanong ko.  "Kung nagseselos ka mang babaita ka, wala kang karapatan. Remember wala kayong label, oo wala kayo label. Bwisit!"

Pumasok ako sa isang cubicle para muna magbawas.

At ng matapos ay tumambay muna ako ng ilang sandali sa harap ng salamin. Naghilamos muna ako para mahimasmasan at tinapik tapik ang pisngi.

"Kaya mo yan, limang lalaki nga kaya mong patumbahin. Yun pa kayang lalaking yun na malandi?"

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Bahagya naman akong napangiwi ng makita ko ang mahabang pila sa banyong pinasukan ko. Matatalim ang tingin sa akin ng bawat babaeng nadadaanan ko.

Ni aano ko kayo?

Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa aming pwesto.

Nadatnan ko ang nakangising magkapatid na wari mo'y may gianwang kalokohan. Tumikhim ako at umupo sa upuan ko.

Nagsisimula na ang palaro sa mga bata.

Nawala ang atensiyon ko sa mga kasama ko at natuon sa mga batang kasali sa palaro. Ilang beses akong natawa sa mga kalokohan ng emcee.

Kawawang mga bata, pinatripan ng emcee.

Panaka naka ko ring nilalantakan ang sweets na nasa pinggan sa harap ko. Maya maya pa ay natapos ang palaro at nagbigayan na ng trick o' treats.

Nag ning ning naman ang mata ko. Yes! Ito talaga inaabangan ko eh. Mwhehehehehe!

Nagsimula na rin ang sayawan sa dance floor. Doon ko lang rin napansin na madami pala ang mga kaedaran namin dito. Ang akala ko ay karamihan dito ay puro bata lang.

Akmang kukuha muli ako ng marshmallow sa pinggan ko ng mapansin ko ang isang papel.

Binasa ko ang nakasulat dito.

'May I dance with a beautiful lady like you?'

-hndsm suitor-

Napalingon ako sa gilid ko ng may maglahad ng kamay. Tiningnan ko ito at ito na naman ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko.

"May I dance with you,'mia spericolata'?"

Napatitig ako sa kanya. Hanggang sa mapagtanto niya na hindi ako sasagot at siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kamay niya.

Play the song.
Fool's Gold by one direction

I'm like a crow on a wire
You're the shining distraction that makes me fly
Oh, home
I'm like a boat on the water
You're the rays on the waves that calm my mind
Oh, every time

Nakarating kami sa gitna at dadahan niyang inilagay ang kamay ko sa mga balikat niya at ang kamay niya sa bewang ko.

Ang mata niyang kulay kayumanggi na para bang hinihigop ang aking kaluluwa. Ang labing mapupula, ang perpektong niyang  mukha na parang nililok ng isang dakilang iskultor.

Nagsimula na kaming umugoy sa saliw ng isang malamyos na musika.

But I know in my heart, you're not a constant star
And yeah, I let you use me from the day that we first met
But I'm not done yet
Falling for you, fool's gold

Nakatitig lang siya sa aking mukha Parang pinag aaralan ang bawat sulok ng aking mukha. Maging ako ay hindi maiiwas ang mata ko sa nakakahipnotismo niyang mga mata.

At ito, ito na naman ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing siya ay nalalapit sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko na siya lamang ang nakagagawa. Ang biglaang pagtigil ng paligid at tanging siya lamang ang nakikita ko.

Imposible kayang--- hindi, hindi puwede, Aice. Hindi puwede.

And I knew that you turned it on for everyone you've met
But I don't regret
Falling for you, fool's gold
I'm the first to admit that I'm reckless
I get lost in your beauty
And I can't see

"You beautiful lady, what did you do to me?" Tanong niya sa akin ngunit hindi niya pinuputol ang aming titigan.

"H-ha?"

May kung anong bumubulong sa akin na itulak siya ngunit taliwas ito sa sinasabi ng aking dibdib.

Two feet in front of me
And I know in my heart
You're just a moving part
And yeah, I let you use me from the day that we first met
But I'm not done yet

"What did you do to me to feel this way?" Dinala ang kamay ko sa dibdib niya.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi ko alam kung ang kabog ba ng puso niya ang nararamdaman ko ang kabog ng puso ko?

"It's damn beating fast for you."

At sa sandaling mag angat ako ng tingin ay isang pares ng mata ang sumalubong sa akin. Mga matang nagpapahiwatig ng kung ano ngunit hindi ko mawari.

"Falling for you, fool's gold
And I knew that you turned it on for everyone you've met
But I don't regret
Falling for you, fool's gold, oh-oh, ooh" Biglang pagsabay niya sa kanta.

Ayokong bigyan iyon ng kahulugan ngunit iba ang aking nararamdaman.

Ayokong umasa dahil alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli. Ayokong umasa dahil andiyan pa si Athalia. Ayokong umasa dahil masakit umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Ayokong umasa dahil wala akong kahit anong mapapanghawakan.

Masakit ang umasa.

Yeah, I know your love's not real
That's not the way it feels
That's not the way you feel
And yes, I let you use me from the day that we first met
But I'm not done yet
Falling for you, fool's gold

Hindi ko dapat maramdaman ito. Hindi, mali ito. Sa simula pa lang ay sinabihan na ako ni kuys na kung magmamahal man ako ay wag si Deive, pero ito ako. Nagsisimula nang mahulog sa isang taong alam kong ang dala lang ay gulo.

Gulo sa aking isip at puso.

And I knew that you turned it on for everyone you've met
But I don't regret
Falling for you, fool's gold
Oh-oh, ooh
Oh-oh, ooh

At sa sandaling matapos ang kanta ay siya namang pagdidikit ng labi naming dalawa at ang pagkalimot ko sa pangako ko na hinding hindi ako mahuhulog sa kanya.

Please don't forget to vote and comment💖

————————————————————————————————————————————————————————————

Continue Reading

You'll Also Like

83.9K 4.3K 65
"Bakit ba lagi na lang ako pinag aagawan?." Skylie
Mafia War By yueeiyy

Teen Fiction

4.4K 160 6
4 na babaeng pumasok sa school bilang nerd at isa isang binali ang rules ng mga nag ha hari harian sa school
82.5K 3.2K 38
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
Riptide By V

Teen Fiction

323K 8.3K 117
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...