Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.5K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 31

965 50 1
By MaybelAbutar

"Sir, narito po ulit si Ma'am Leticia." Sambit ng katulong na kausap ni Primo sa kabilang linya.

Hinilot ni Primo ang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa pangungulit ni Leticia na dumagdag pa sa mabagal na daloy ng trapiko ngayon. Tinawagan niya ang katiwala sa Mansyon upang ipaalam na hindi siya makakauwi ngayong gabi. Masyadong delikado ang daan kung magpapatuloy siya sa biyahe. 

Hindi siya tinitigilan ni Leticia sa loob ng apat na taon simula ng malaman nitong wala na ang agreement sa pagitan nilang dalawa. Napatunayan din niyang hindi ito nagdadalang-tao at kung buntis ito, siguradong hindi iyon sa kanya. Hindi na niya ginawang big deal ang kasinungalingan nito dahil sa pakiusap ng First Council. Para sa ikatatahimik ng lahat, hinayaan na lang niya ang babae ngunit patuloy pa rin itong lumapit sa kanya. Mas naging agresibo ito sa paglipas ng mga taon. Minsan siya na lang ang hindi umuuwi sa sariling bahay para iwasan ito dahil doon siya inaabangan ng babae. 

"Tell her to leave if she insist, tell the guard to throw her out." Utos niya sa katulong.

"Yes, Sir."

Bumalik ang atensyon ni Primo sa daan pagkatapos niyang makipag-usap sa katulong. 

"D'mmit!" Sambit niya ng lumakas ang ulan.

Sinubukan niyang tawagan si Quirie ngunit hindi ito sumasagot. Nagpadala na lang siya ng mensahe na pupunta sa bahay nito upang magpalipas ng sama ng panahon. Wala siyang pagpipilian dahil iyon lang ang maaari niyang puntahan ngayon. Hindi niya alam kung nasaan ang pinsan dahil alam niyang busy ang Council sa muling pagbubukas ng Devils Game for this year. Hindi naman problema kung pupunta siya roon ng walang paalam. May duplicate siya ng susi at minsan na rin siyang nakikitulog doon kapag iniiwasan niya si Leticia. 

Pagdating niya sa bahay ni Quirie ay napansin niyang bukas ang ilaw. Nakita naman niya ang pinsan na abala sa pagluluto pagpasok niya sa loob. Hindi na niya ito inistorbo pa at dumiretso siya sa ginagamit na silid sa bahay nito.

Pagbukas niya ng pintuan hindi na siya nagulat kung nakikita niya sa harapan si Hurricane. Hindi na ito bago sa kanya dahil sa paglipas ng mga taon, nakakasama niya ito maging sa kanyang panaginip. 

Mabilis siyang lumapit dito at niyakap ng mahigpit ang babae. Kahit sa ganitong pagkakataon, mayakap man lang niya ito. Kahit alam niyang mawawala na rin ito na parang hangin paglipas ng ilang segundo. 

"You're like a real one today. I miss you, Sweety." Sambit niya ng maramdaman ang init ng katawan nito. Langhap na langhap din niya ang nakakabaliw nitong amoy. 

Sa loob ng apat na taon, tandang-tanda pa rin niya ang nakakahumaling nitong amoy at ang init ng katawan nito na naghahatid ng abnormal na tibok sa kanyang puso. 

"P-primo,"

Nagulat siya ng marinig ang boses nito kaya mabilis siyang kumalas sa yakap dito. 

"You're real?" Gulat niyang tanong.

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinagmasdan itong mabuti.

"Sh't! You're real!" Masaya niyang sabi at muli itong niyakap. "You aren't my imagination. You're real. You're really here!"

Muli niya itong nilayo sa kanya habang hawak ang magkabila nitong balikat. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang napakaganda nitong mukha, pero namalayan na lang niya ang pagbagsak sa sahig kasunod ng pagdilim ng kanyang paningin. 

... 

... 

... 

"Primo!"

Nagising si Primo ng marinig ang tawag ni Quirie. Kaagad siyang bumangon ng maaalala ang nangyari. Ngunit nanlumo siya ng makitang maayos siyang nakahiga sa kama tulad ng ginagawa niya sa tuwing narito siya.

Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Akala nya totoo ang nangyaring nayakap niya si Hurricane pero isang panaginip na naman pala.

"Hey, gising ka na ba? Let's eat!" Muling tawag ni Quirie mula sa pintuan.

Tumingin siya sa bedside table kung saan nakapatong ang green na orasan. It's almost 9:00 pm at hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.

Tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Binuksan niya iyon kaya tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Quirie.

"Huwag mong sanayin ang iyong sarili na matulog ng walang laman ang iyong tiyan. Hindi 'yan maganda sa iyong kalusugan." Sermon nito habang patungo sila sa kusina.

Magkatapat silang umupo sa mesa pagdating doon.

"Heto oh! Paborito mo," Ibinigay nito ang mangkok na may lamang tinolang manok. "It's good to eat this because of the weather."

Tinanggap naman niya iyon pero binaba rin niya sa mesa.

"Do you have any news about her?" tanong niya na nagpatigil sa pinsan sa pagsasandok ng kanin.

"Who?" Tanong nito bago muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Hurricane," Tipid niyang sagot.

Dito lang siya naghihintay ng balita tungkol kay Hurricane. Hindi niya magawang alamin ang kinaroroonan nito dahil hinaharangan siya ng Head Council.

"W-wala pa," Sagot nito.

Huminga ng malalim si Primo at nagsimulang sumandok ng kanyang pagkain. Tulad ng sinabi ni Quirie, paborito niya ang tinolang manok pero hindi siya natatakam dito ngayon.

"Will you forget about her? It's been four years, Primo."

Tumingin siya sa pinsan. 

"I'm still seeing her, Quirie." Pag-amin niya. Alam na rin nito ang tungkol sa bagay na iyon. "Do you think I need to see a doctor? I think I'm crazy to feel that she's real but the truth is not."

"If I were you, forget her. You need to think about having a Supreme wife. Your time isn't long enough to get one. Remember the Council's condition or else you will end up to Leticia, for real." Paalala nito.

Mas nawalan ng gana kumain si Primo. 

One month ago ng muli siyang kausapin ng Council about having a Supreme wife. If he won't marry by the next three months, he have two options. It's either marry Leticia or give up his position.

Buo ang kanyang loob na ipaglaban ang posisyon na iniingatan ng kanyang pamilya simula noon. Hindi niya iyon hahayaang mapunta sa pamumuno ng Third Council at abusuhin nito ang kapangyarihan over the Mafia's. 

"If I end up with Leticia, maybe it's my destiny to be with her. But, I can't stop thinking about Hurricane," Malungkot niyang pahayag.

"Let's not talk about it now. Kumain na tayo,"

Bahagya lang siyang tumango sa pinsan bago simulan ang pagkain. The food taste is good but he can't eat too much. Kaya ng matapos siya sa pagkain bumalik agad siya sa silid upang magpahinga.

...

...

...

"He's already in the room,"

Narinig ni Hurricane ang boses ni Quirie ng pumasok ito sa kabilang silid. Katatapos lang niyang kausapin si Thunder ng pumasok ito. Ipinaalam niya sa kapatid kung saan siya pansamantalang tumigil ngayong gabi. 

Tumango lang si Hurricane sa babae. By her mixed emotions earlier, she armed-throw Supremo that caused the man to lost his consciousness. Nakakabigla ang paulit-ulit nitong pagyakap at sabihing totoo siya. 

She has never been fake for godd'mn sake! 

Sakto namang dating ni Quirie that time at pinagtulungan nila itong ihiga sa kama bago siya lumipat sa kabilang silid.

"Are you fine to share a room with me?" Muling tanong ni Quirie.

"I told you I can sleep on the ground and having a roommate is not a problem," aniya habang nakangiti. Siya na nga lang ang nakikitulog, siya pa ba ang magrereklamo?

Ngumiti rin ito sa kanya bago humiga sa katabi niya. Iniwan lang nitong bukas ang lampshade sa katabi nito. 

Pumikit si Hurricane at pilit inaalis sa kanyang isip ang encounter nila ni Primo kanina. She lives her happy and contented life for the past four years. Kahit mahirap nakayanan naman niya dahil sa tulong at suporta ng kanyang pamilya. That four years are not easy for her, especially when she-

"Can I ask you about Primo?"

Naputol ang kanyang iniisip ng magtanong si Quirie. 

"What about him?" Tanong niya habang nakapikit.

"Even the slightest possibility, did you love Primo before?"

"I did." Mabilis niyang sagot dahil iyon ang totoo. Katotohanan na maging siya'y nahirapang alamin kung paano nagsimula. "But, everything changed." Dugtong niya.

Yes, everything changed starting that night happened. Tandang-tanda pa niya noon na lumabas siya ng walang paalam kay Thunder para pumunta sa bar at aliwin ang sarili. Nang iligtas siya ni Clyde at Rain, matagal siyang nanatili sa loob ng bahay habang bantay-sarado ni Thunder. Hindi siya nito hinahayaan na lumabas sa pag-aakalang gaganti siya kay Primo pero nagawa niyang makatakas. Katatapos lang niyang makihalubilo sa dance floor at ilang shot na rin ng alak ang nainom niya ng makabunggo si Primo. Halata ang labis na pagkalasing ng lalaki kaya inalalayan niya ito. That time, wala na siyang galit na nararamdaman para rito. Malinaw na ang kanyang pag-iisip dahil nasasakupan pa rin ito ng iniingatan niyang Mafia.

She accompanied Primo to his room but ended up having a night with him. Even though she didn't accept it, she felt happy and complete at that time. She even heard him mumble her name and how he misses and loved her. She even thinks that if he pursued getting revenge on Primo, she wouldn't feel the feeling inside his arms. She won't feel his love, but everything changed when she heard that he was getting married and Leticia confirmed it to her that morning. She left the bar without even saying anything to him. She left with a broken heart and decided to leave the Mafia. 

Being the Lead Mafia Council is not easy for her but she managed to get the Council's trust through her brother. Thunder asks her to be part of this so-called team up to maintain the peace between their family and Mafia. Council knows her identity as the Princess but they never knew that she's Abaddon twin except Quirie. They hide the connection between them and pretend that she's only a representative of the Royal Family. 

Iyon nga lang hindi pa rin niya maiwasan ang curiosity about everything that she thinks are worth it for her attention. Because of that, she meet Supremo in unexpected situations that lead her to join Devils Game before.

"Did he know?" Muli nitong tanong.

"Maybe? I don't know. I don't want to talk about it. It's already in the past,"

"I'm sorry," Paumanhin nito.

"It's okay, good night." Sagot niya.

...

...

Tanghali na nagising si Hurricane kinabukasan. Alam niyang payapa na ang panahon kaya mabilis din siyang nag-ayos ng sarili.

Huminga pa siya ng malalim bago lumabas sa silid. Maaaring sa pagkakataong ito, hindi na siya makakaiwas at magkaharap na sila ni Primo.

Agad niyang nakita si Quirie sa kusina habang naghuhugas ng mga gamit sa pagluluto. 

"Good morning," bati niya sa babae.

Bahagya itong tumingin at ngumiti sa kanya bago ipagpatuloy ang ginagawa.

"It's already a late morning. Brunch ka na," Paanyaya nito.

"Thank you, but I need to go." Paalam niya rito. "I need to meet someone today," 

Tumigil naman ito sa ginagawa. Ipinahid nito ang kamay sa suot na apron at humarap sa kanya.

"Pagbabalot nalang kita ng pagkain then ihahatid kita sa pupuntahan mo," Presenta nito. 

"No, it's fine. Magtataxi na lang ako," Nahihiya niyang sabi.

"Are you sure?" Paninigurado nito.

"Yes," aniya.

"Okay, pero huwag mong tanggihan ang pagkaing ihahanda ko." Nakangiti nitong sabi.

"Okay. Thank you," Nakangiti rin niyang sagot.

"Quirie!" Natuod si Hurricane ng marinig ang baritonong boses ni Primo sa likuran niya. Napatingin pa sa kanya si Quirie bago tumingin sa pinsan.

"Y-yes?" Sagot nito.

Nanatili namang nakatalikod si Hurricane rito.

"You have a visitor?" Tanong nito.

"Ahm... Y-yeah. She's-"

"Anyway, I have to go!" Nagmamadali nitong paalam.

Nakahinga ng maluwag si Hurricane ng marinig ang pagsara ng pintuan.

'That was close,' sambit niya sa isip.

Hindi naman siya nagpahalata kay Quirie na kinakabahan sa muntik nilang pagkikita ni Primo hanggang umalis siya sa bahay nito. Ito na rin ang nagprisintang tumawag ng taxi na hindi niya tinanggihan.

Mabilis ang naging biyahe ni Hurricane patungo sa Orphanage kung saan siya magpapatayo ng mga facilities for the orphans. Ito ang panibago niyang proyekto sa taong ito. Napili niya itong suportahan sapagkat napakaliit ng mga pasilidad nito. Kulang sa kagamitan para matustusan ang pag-aaral ng mga kabataan at higit sa lahat, konti lang ang donasyon na natatanggap ng Orphanage dahil sa liblib nitong lokasyon. Rain suggested this Orphanage before but she was hesitant to go back here not until today. She decided to help them without thinking about her past in this country. 

Nang makita niya ang itsura ng lugar mas nahabag ang kanyang kalooban. Mga tagpi-tagping kahoy at lumang mga yero ang nagsisilbing tirahan ng mga bata, pero kahit ganun masaya pa ring naglalaro ang mga ito sa paligid. Makikita ang kontentong mga ngiti at saya sa mukha ng bawat isang bata. Katabi ng maliit na tahanan ay ang konkretong simbahan. 

"Ma'am na sa loob po ng simbahan si Father James kasama si Architect Arkanghel," Salubong sa kanya ni Mianne, ang kanyang assistant. Unang nagtungo ang kanyang grupo rito para sa ilang paghahanda na kailangan nila. 

Nakausap na niya online si Father James kaya inaasahan na nito ang kanilang pagdating. Si Architect Arkanghel naman ay ni-refer sa kanya ni Zion na kaibigan ni Clyde. Humingi siya ng tulong kay Clyde pero sinuggest nito si Zion dahil mas marami itong kilalang mahuhusay na Architect and he suggested Architect Arkanghel na makikilala rin niya ngayon. According to Zion may background din ito bilang Engineer kaya mas higit itong makakatulong sa kanya. 

Sumunod siya kay Mianne habang ngumingiti sa bati ng mga bata sa kanya. Labis siyang napalapit sa mga bata dahil sa kanyang trabaho.

Sinalubong din siya ng ilang madre pagpasok sa loob ng simbahan. Natuwa pa siya ng ikwentas ng mga ito ang handmade garlands sa kanyang leeg. Nakangiti naman siyang nag-bless sa mga ito.

"Maraming salamat sa tulong na ibibigay mo sa amin, Iha. Pagpalain ka nawa ng Poong Maykapal," Naluluhang sabi ng pinakamatandang madre.

"Walang anuman po iyon, Mother." sagot niya.

"Pagpalain ka anak,"

Lumingon naman siya sa direksyon ni Father James ng magsalita ito.

Nakangiti naman siyang lumapit dito at tulad ng kanyang ginawa sa mga Madre, nagmano rin siya rito.

"Thank you Father James. I'm gladly to help you,"

"Masaya kami dahil sa dami ng mga Orphanage sa bansa ay kami ang napili mo. Maraming salamat Iha. Malaking tulong itong gagawin mo para sa ulilang mga bata," muli nitong sabi.

"Mas masaya po akong makatulong Father. Gusto ko pong simulan agad ang proyektong ito para sa mga bata,"

"Labis ang aming pasasalamat sa kabutihan ng iyong loob," Taos puso nitong sabi.

"Walang anuman po iyon, Father James. Kahit sino nanaisin po kayong-"

"Miss Hurricane Versalles," Naputol ang sasabihin ni Hurricane ng marinig ang boses na iyon mula sa likuran ni Father James. "I'm Architect Dither Ruin Arkanghel, nice to meet you."

Hindi makakilos si Hurricane ng makita kung sino ang nagsalita.

"P-primo?"

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
10.7K 667 35
I. Tales of Northwoods Gray just wanted to spend his vacation on his grandparent's house. But because of an unexpected event, a mysterious girl need...