Accidentally In Love with my...

By SAHN-DRAH

4.5K 259 6

Marileigh Gonzales, the only child and only grand daugther of the Chairman Gonzales. One of the richest famil... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 22

144 8 0
By SAHN-DRAH

Marileigh pov

Maghapon akong nagkulong sa kwarto. Mula sa salamin na bintana. Tanaw ko ang dagat, napakalakas pa rin ng ulan. Ngunit nakaramdam na naman ako ng pagkahabag nang makita ko si Samraz na nakaupo kung saan ko sya iniwan.

"Tatlong oras ka na nagpapaulan. Umalis ka na jan." kausap ko ang sarili ko habang malayong nakatanaw sa kanya.

Nakita kong sinundo sya ni Samir. Pero pinagtulakan lang nya ito at hindi pa rin umaalis. Parang nadudurog puso ko at sa pakiramdam ko nasaktan sya sa sinabi kong hindi ko sya mahal.

Agad akong bumaba at kumuha ng payong. Kahit malakas angbulan ay sumugod ako para pabalikin lang si Samraz sa loob ng hotel.

"Samraz. Pumasok ka na sa loob magkakasakit ka." kalmadong sabi ko ng nakalapit ako sa kanya.

"Leave me alone!!" sigaw nya sakin. Ramdam kong galit sya.

"Ikaw pang galit! Tumayo ka jan!" sabi ko sa kanya. Akala nya madadaan nya ako sa pagtatantrums nya.

"I said! Leave me alone!!! Pabayaan mo ko dito! Gusto ko mapag-isa! Gusto ko mag-isip!"

"Sa ilalim ng malakas na ulan! Ano ka nababaliw na!!" inis kong sabi sa kanya. Tumayo sya at humarap sakin.

"Tell me Mari!!" hinawakan mya ang dalawang balikat ko. "Ano bang gagawin ko para paniwalaan mo lang na mahal kita! Ano?!" sigaw nya.

"Pumasok ka sa loob! Kung mahal mo ko! Hindi mo hahayaan sarili mo na magkasakit!"

"No! Hindi ako papasok kung hindi mo sasabihin sakin na mahal mo rin ako!"

"Ah ganon! Edi wag kang pumasok! Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka sa lamig. Matigas bungo mo eh! Bahala ka jan." sabi ko at tinalikuran ko na sya.

"Please Mari!! Sabihin mo sakin na mahal mo ko! Kung hindi! Magpapakalunod na lang ako dito." kinabahan ako sa sinabi nya. Pagkalingon ko malapit na sya sa dagat. Hinahampas na sya ng alon ng dagat.

Binitawan ko ang payong ko at patakbong lumapit sa kanya.

"Gago ka ba!!!! Nakakainis ka!! Umalis ka yan! Ang lakas ng alon!!" sigaw ko at pilit syang hinahatak at parang matatangay na rin ako sa hampas ng alon.

Mangiyak ngiyak na ako sa kaba at takot sa ginawa nya kaya sumunod na din sya.

"Gago ka ba ah!!!! Gago ka!!!" umiiyak na tanong ko sa kanya. "Talaga bang hindi ka marunong mag-isip Samraz!! Magpapakamatay ka! Naisip mo talaga yun! Sinabay mo pa sa galit na karagatan!" niyakap nya ako at narinig kong umiyak sya. Kaya napaiyak na rin ako.

"Sorry Mari... Sorry.. Please. Forgive me.." napahagulgol ako sa sinabi nya. At sa wakas na rinig ko na rin ang matagal ko ng gustong marinig sa kanya.

"Baliw ka! Sa tingin mo ba. Hahayaan kita magpakamatay jan! Kahit galit ako sayo. Hindi ko hiniling mamatay ka."

"Sorry Mari.. Sorry.." sabi pa rin nya.

Ang kilala kong Samraz na matapang, masungit, at suplado, iyakin rin pala.

"Tara na sa loob."

Sumama sya sa akin papasok ng hotel. Agad kaming binigyan nila Jonas ng towel.

"Saka na lang tayo mag-usap kapag kalmado ka na talaga." sabi ko sa kanya bago ako pumasok ng kwarto ko. Tumango lang sya at nagpunta na rin sa kwarto nya.

Muli akong naligo. Pakiramdam ko sisipunin na yata ako dahil sa ulan na yan.

///

Sa ikalaliman ng tulog ko.
Nagising ako na parang ang init. Pero malamig. Samantalang naka aircon naman ako. Pag lingon ko sa kabilang side. Nagulat ako may katabi ako sa higaan.

"Ui! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Samraz. Balot na balot ng kumot at tila nilalamig.

Agad akong bumangon at tinignan ang labas. Malakas pa rin ang ulan. Muli akong bumalik sa higaan para gisingin sya.

"Gumising ka nga jan! Sinong nagsabing dito ka matulog!" sabi ko at hinablot ang kumot sa kanya.

Nakasuot sya ng sweater at jogging pants. Nanginginig ang katawan nya. Kaya nag-alala ako. Hinipo ko ang noo nya. Halos mapaso ako sa init.

"Samraz. Wake up. Ang taas ng lagnat mo." sabi ko sa kanya.

"Teka. Kukuha lang ako ng basang towel." agad akong kumuha ng basang towel at nilagay ko sa noo nya.

"Teka. Tatawag ako ng doctor."

"No.. Please.. I hate doctor."

"Why?"

"Basta a-ayaw ko sa kanila. H-hindi nila n-nilagtas ang buhay ng lola ko."

"Eh anong gagawin ko? Hahayaan lang kita na inaapoy ng lagnat?"

"I-ikaw ang k-kaylangan ko Mari. Ikaw lang." sabi nya.

Nangangatog sya sa lamig. Kaya pinatay ko ang aircon para mabawasan ang lamig na nararamdaman nya. Tumabi ako sa pagkakahiga nya at niyakap ko sya.

Niyakap nya ako ng mahigpit. Parang nakonsensya ako dahil sa pag-iinarte ko kahapon. Maghapon sya nasa ulanan.

"Sobrang sakit sa puso ko ng sabihin mong hindi mo ko mahal." sabi nya at mas niyakap pa nya ako ng mahigpit. "Please Mari. Love me with uncondionally." bulong nya.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik. Hanggang sa makatulog na muli ako.

¤ ¤ ¤ ¤

K i n a b u k a s a n...

Nagising ako na nakayakap pa rin sya sakin. Tinignan ko ang mukha nya. Maamo pala sya kapag tulog.

Ngayon ko lang napagtanto. Itong mortal kong kaaway, at kaibigan ay mahuhulog na hindi sinasadya sa tulad kong pinangarap ko lang ay tanggapin man lang nya ako bilang isang kaibigan na malapit sa kanya. Ngunit sobra sobra pa pala ang ibibigay sakin. Ang mahalin nya ako ay sobra na.

Muli kong hinipo ang nuo nya. Bumaba na ang lagnat nya. Nang lumuwag ang pagkakayakap nya ay agad akong bumangon para muling tignan ang labas. Malakas pa rin ang ulan.

Agad akong tumawag sa front desk para ipag-utos sa room services na magpadala ng lugaw, at gamot para sa lagnat.

Agad naman iyon dinala sa kwarto ko. Habang mainit pa ang pagkain ay pilit kong ginising si Samraz.

"Gumising ka na.."

"Anong oras na ba?"

"7am. Bumangon ka na jan. Para makakain ka." sabi ko at nakakatuwang masunurin naman pala ang dracula.

"Gusto ko ng rice." sabi pa nya.

"Pch! Okay na yan lugaw muna ang kainin mo." sabi ko at umupo na sya sa upuan kung saan naroon ang mesa at nakahain nyang almusal.

"Ayoko ng porridge." inarte nya.

"Ay ang arte mo ah! Akin na kung ayaw mo akong kakain."

"Sige na. Kakainin ko na."

"Yun naman pala eh. Pagtapos uminom ka ng gamot mo. And then pwede ka ng bumalik sa kwarto mo." sabi ko habang tahimik lang syang kumakain.

Habang kumakain. Tumitig sya sa akin.

"Bakit?" tanong ko na nakataas ang kilay. Habang nakaupo sa dulo ng kama.

"Ang ganda mo." nakangiting sabi nya at pakiramdam ko namula ang pisngi ko.

"Pch! Dati na ako maganda no. Lumitaw lang ng sobra ngayon dahil pinaayos ko na ang buhok ko." magmamalaki ko.

"Tch! Dahil jan. Marami na naman akong kaagaw." sabi nya at bumalik na sa pagkain nya.

"Wala pa nga. Madami na agad sayo."

"Tch! Mahihirapan na naman akong ipagtabuyan yung mga magtatangkang manligaw sayo."

"Huh! Anong pinagsasabi mo?"

"Wala." sabi nya. Nang matapos na itong kumain ay uminom na sya ng gamot. Agad syang bumalik sa kama.

"Teka. May kinalaman ka ba kung bakit walang natutuloy na manligaw sakin ah?" tanong ko at tumango sya.

"Nababaliw ka na ba Samraz? Bakit mo naman ginawa yun?" muling tanong ko. Naiinis na naman ako.

"Dahil hindi ka para sa kanila." seryosong sagot nya pero hindi sapat na dahilan.

"At kanino? Sayo?"

"Oo. Para ka sakin at wala ng iba." sabi pa nya at pinikit na nya ang mata nya.

Hindi ko maiwasan hindi kiligin sa sinabi nya. Pero hindi ako nagpahalata, dahil baka magyabang pa sya.

"Hoy!! Bago ka umamin na mahal mo ko. Inaway-away mo na ako. Siguro kung ano-ano pinagsasabi mo dun sa mga gustong manligaw sakin." inis kong tanong. Tila mauubos na naman pasensya ko sa dracula na ito.

"Kung ano yung sinabi ko nuon kay Branden, at sa mga bisita mo nuon, ganon din sa mga nauna."

She is my girlfriend and soon to be my wife.

"Naloloka ka na ba! At talagang ganon ang sinabi mo sa mga yun!"

"Dahil iyon ang totoo Mari." sabi nya habang nakapikit.

"Pch!! Dami mong alam!" Bumangon sya at tinitigan ako.

"Tell me Mari. Mahal mo ba ako?" seryosong tanong nya habang nakatitig sa mga mata ko. "Dahil kung hindi mo ko mahal. Hindi mo ko yayakapin ng ganon kagabi. Iba ang kinikilos mo sa sinasabi mong hindi mo ko mahal."

Hindi ko sya sinagot. Hindi ko alam paano ko sasabihin.

"Tell me Mari. Isang bwan, walang araw at oras hindi kita tinawagan. Pero never mong sinagot. Then kahapon hindi mo sinabing nandito ka na, alam mo ba kung gaano kasakit na iparamdam mo sakin na umiiwas ka. Nababaliw ako Mari."

"Matagal ko ng naramdaman Raz, na parang may iba, nung araw na dinala mo ko sa sunflower farm. Parang ibang Samraz ang kasama ko nun. Hindi yung Samraz na araw-araw kong nakikita. Aaminin ko, mas nagustuhan ko yung Samraz na kasama ko sa farm, kaysa yung Samraz na matagal ko ng kilala at kasama." paliwanag ko.

"You mean. Mahal mo rin ako."

"E-ewan ko. Hindi ko alam."

"Tch! Ano bang sagot yan?"

"Eh hindi ko alam eh. Naguguluhan ako." pagsisinungaling ko. Pero ang totoo, sigurado na ako, sigurado na ako sa nararamdamn ko.

"Aisshh!!! Nakakainis!" sabi nya at bumalik sa pagkakahiga. Para syang batang nagmamaktol.

"Wala ka naman na yata sakit, pwede ka ng bumalik sa kwarto mo."

"Ayoko!"

"Ano ka hilo! Bumalik ka na duon!" sabi ko at pinalo ang legs nya.

"Ayoko. Dito lang ako. May nangyari na sating dalawa kaya pwede na ako tumabi sayo."

"Hoy! Anong pinagsasabi mo jan! Nababaliw ka na ba talaga!"

"Yeah. I'm crazy for you." nakangiting sabi pa nya.

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

807 76 22
Mahal mo na nga ang isang tao wag mo na pakawalaan..... Pero paano kung dumating pa ang isa na dating mong mahal sino ang pipiliin mo?
41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
769K 108K 39
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...
72.3K 2.1K 31
Dara is a 33 year old corporate officer of the top TV Station in the country. She have everything any career woman dreamed to have. Except a lovelife...