"Just Give Me a Baby! Andres...

By cacai1981

207K 6.8K 2.1K

Another sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her lo... More

Copyright Page
Characters
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Epilogue

Chapter Forty-Nine

4.2K 146 50
By cacai1981

Bumagsak ang pwet ni Kesslee sa malambot na sofa nang sandaling siyang tumayo kanina para damputin ang kanyang telepono. Para siyang puno na nabuwal at nanlambot. At literal na parang naging gulaman ang kanyang mga binti kaya naman nawalan siya ng balanse at bumagsak siya paupo at laking pasalamat na lamang niya na may sofa na malambot na sumalo sa kanya.

At mukhang hindi napansin ni Andres ang kanyang panlalambot dahil sa nanatili na nakapako ang mga mata nito sa malapad na screen ng telebisyon na nasa kanilang harapan ngunit katulad niya ay mababakas ang gulat sa tulala nitong mukha.

Hindi alam ni Kesslee kung bakit umamin si Nikolas, at hindi niya rin alam kung ang pag-amin nito ay aaminin din ni Nikolas ang nangyari sa kanila ni Andres, ang sabi ng isipan ni Kesslee at mas lalong bumilis ang kabog sa kanyang dibdib at hindi niya naiwasan na kunin ang kanan na kamay ni Andres at awtomatikong nagdaop ang kanilang mga palad at hinayaan nilang magsanib ang parehong nanlalamig nilang mga kamay. And Kesslee braced herself kung anuman ang kasunod pang pasabog ni Nikolas.

Napansin nila na wala agad sa mga journalist na nakasagot tila ba ang mga ito ay nagulat din sa rebelasyon ni Nikolas na mas ikinagulat ni Kesslee ang pagiging kalmado ng mukha nito. Tila ba matagal nitong pinag-isipan ang hakbang na iyun at sa sandaling inamin na nito ang katotohanan ay isang mabigat na dalahin sa mga balikat nito ay tuluyan na kumawala.

"You're gay sir?" ang sabi ng isang boses mula sa media na tila ba sinigurado pa nito na tama ang kanilang narinig mula sa labi ni Nikolas.

Tumango si Nikolas at isang tikom na ngiti ang gumuhit sa mga pisngi nito bago ito muling nagsalita. "I am gay, bakla, jokla, what else bayot?" ang sabi pa nito at alam ni Kesslee na pilit na pinagagaan ni Nikolas ang loob nito na dinadaan nito sa biro.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Kesslee at sinulyapan niya si Andres at kahit pa side profile lang nito ang kanyang nakikita, nabakas niya ang kislap sa mga mata nito nang dahil sa pangingilid ng mga luha.

Hindi napigilan ni Andres na mangilid ang luha sa kanyang mga mata. naramdaman din niya ang paninikip ng kanyang lalamunan dahil sa labis na emosyon na kanyang nadama ng sandali na iyun. Nagulat man siya sa hindi inaasahan na pag-amin ni Nikolas pero naroon pa rin ang kaba at takot na kanyang nadarama dahil hindi niya alam kung hanggang saan ang aaminin nito.

"Kaya naman hindi kami magkakaroon ng relasyon ni Kesslee, o baka naman sumagi rin sa isipan ninyo...ni Andres," ang paglalahad ni Nikolas.

"Sana huwag na natin silang idamay na dalawa, they were...my friends at...hindi nila deserve ang mga mapanira na istorya na kumakalat," ang saad ni Nikolas at nadama ni Andres ang labis na emosyon sa boses ni Nikolas at katulad niya mukhang naninikip na rin ang lalamunan nito dahil sa labis na emosyon na pareho nilang nadarama ng sandaling iyun.

"Kesslee was experimental para makapag-isip ako, kaya naman nakita niyo kami na magkasama, and they were always...sa kabila ng mga speculations about us, nanatili silang tahimik kahit pa ako ang dahilan ng lahat at iyun ay dahil sa pagiging gay ko, and they don't deserve the hurtful stories ans speculations lalo na at pati mga anak nila ay nadamay na, and this made me think na, kailangan ko silang tulungan dahil sa ako naman ang cause ng lahat, they were still silent of everything kahit pa sila ang naging tagasalo ng mga masasama at masasakit na tsismis and this made me think that...ito na ang paraan para makabawi ako sa kanila, they are the perfect couple and...they love each other, kaya naman huwag na sana natin...silang guluhin pa," ang pagpapatuloy ni Nikolas.

"But ano nga ba ang naging dahilan kung bakit parang umiiwas sa iyo si Andres dahil ba sa nalaman nito na bakla ka? Was he discriminating you?" ang tanong na nagmula sa isa sa media.

Nanlamig ang katawan ni Andres habang hinihintay niya ang isasagot ni Nikolas at hindi niya napansin na mariin na ang pagkakahawak niya sa kamay ni Kesslee. Tila ba iyun ang sasagip sa kanya sa isang pagkalunod na magaganap sa kung anumang isasagot ni Nikolas.

At sa sandaling iyun ay nanatiling nakapako ang kanyang mga mata sa malapad na screen na nasa kanyang harapan kung saan naroroon si Nikolas. Pinanood niyang umiling si Nikolas habang may malungkot pa rin na ngiti sa labi nito.Tumingin ito sa camera at tila ba nagtama ang kanilang mga mata at nanatili ang mga iyun hanggang sa magsalita si Nikolas.

"Dahil sa ipinamukha niya sa akin ang katotohanan na hindi ko pa matanggap. Katotohanan sa aking sarili, at dahil doon ay...I let him down and I hurt him," ang sagot nito at umiling ang ulo ni Nikolas at nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. "Because they made me realized what...love truly is...and it made me contemplate on things and...they...or he, Andres, open up my eyes that...I have to learn to love myself first and that's how I can love other, without hurting...myself or someone else."

Umiling si Nikolas, "No hindi ako nakatanggap ng discrimination mula sa kanya o kay Kesslee, they were so...good to me...at dahil sa kanila ginawa ko na umamin, hindi ko kaya na...danasin nila ang ganitong hirap at sakit mula sa mga ipinupukol sa kanila ng dahil sa akin, nang dahil sa pagiging bakla ko, hindi sila nagsalita at nanatiling tahimik para pagtakpan ako, and it made me realsed that I should open up, at nagsalita na ako dahil sa pati mga anak nila ay nadamay, they don't deserve this and I am sorry," ang naluluha na pag-amin ni Nikolas. At hindi na nga nito napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata nito na agad din naman nitong pinahid.

At katulad ni Nikolas ay hindi na rin niya napigilan na pakawalan ang mga luha na kanina pa nangilid sa kanyang mga mata. Dama niya ang hirap na nararamdaman ni Nikolas ng sandaling iyun at sa sandali ring iyun , sa kabila ng lahat ng nangyari? Ninais pa rin niya na sana ay nasa tabi siya nito para suportahan niya si Nikolas. Isang malaking sakripisyo ang ginawa nito dahil alam niya na ang career nito ang maaapektuhan ng husto.

"This is going to be my last statement with regards to...all of this hullaballoo, and please? Hayaan na po natin na manahimik sina Kesslee at Andres, lalo na si Kesslee lalo pa at buntis ito, and also sa speculations about Kesslee on cheating on Fabian? That's very untrue." Ang huli pang sabi nito at saka ito tumango nang may isa pang humabol nang tanong.

"Where do you think, this revelation would lead to? Especially on your career?" ang tanong ng isang reporter kay Nikolas.

Sandaling umiwas ng tingin si Nikolas at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa pisngi nito saka nito muling tiningnan ang reporter na nagtanong.

"I don't know really, may kontrata na ako sa Mohicans it is up to them kung ititerminate nila ang contract...and also sa fans...kumporme sa kanila kung tatanggapin pa rin nila ako," ang sagot ni Nikolas at parang kinalmot ang kanyang dibdib dahil sa labis na nadama ni Andres ang kalungkutan sa boses ni Nikolas. His revelation could end up his glorious career, at dahil iyun sa pagtatapat nito sa tunay nitong pagkatao. At dahil doon ay mas lalong bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata.

"What would that make you right now? With this revelation of yours?" ang dugtong pa nito.

"Maybe I am that makes me the "Jason Collins" of the Philippine basketball, I made history I guess for opening up," napabuntong-hininga ito, "that would be all, thanks for your time," ang huling sinabi ni Nikolas bago ito tumayo mula sa upuan sa harap ng maliit na mesa na hudyat na natapos na ang mini press con nito.

Nawala na ang imahe sa kanyang harapan at isang madilim na screen na lamang ang nakikita ng kanyang mga nanlalabong mga mata dahil sa luha. Naramdaman niya ang kamay ni Kesslee sa kanyang balikat at likod at saka siya nito kinabig. At hinayaan niya ang kanyang sarili na dalhin ng kamay nito at iyun ay sa loob ng mga bisig nito habang nakaunan ang kanyang mukha sa malambot nitong dibdib at sa ganung posisyon ay pareho silang lumuha ni Kesslee.

"He could have told, he could have said to everyone, about what happened between us, but," hindi na niya natuloy pa ang kanyang sasabihin dahil sa nilamon na ang kanyang sarili ng labis na emosyon. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman dahil sa nagkahalu-halo na ang kanyang emosyon ng sandaling iyun.

"I know, but it was his way of redeeming himself? His act of absolution sa mga pagkakamali niya, and I guess it was a sacrifice," ang sagot ni Kesslee sa kanya. Hindi na siya nakasagot at tumangu-tango na lang si Andres at hinayaan niyang bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata. Paraan ng paglilinis ng kanyang emosyon para sa kaibigan at para sa kanyang sarili.

***

Tahimiks a loob ng locker room ng kanilang team. Katatapos lang ng kanilang ikaapat na laban na kanila nang sunud-sunod na naipanalo. Pero hindi niya maitatanggi na...iba pa rin ang performance ng team kapag naroon si Nikolas. Si Nikolas na apat na game na rin na hindi na nagpakita sa kanila. At damang-dama niya ang lungkot ng kanilang team at hindi na rin niya maitatanggi ang kaniyang kalungkutan.

It was so silent inside their locker room, wala na ang malakas an tawanan sa loob Manalo o matalo man ang kanilang koponan. Sa tuwing papasok sila sa locker room ay tila ba nasa loob sila ng isang lamay. Nagpapakiramdaman lang sila na magkakateam-mate alam niya na naghihintayan lang sila kung sino ang unang maghihinaing at sa sandaling iyun ay isa sa kanila ang hindi na napigilan na hindi tumahimik.

"Hindi niya dapat gawin ito!" ang galit na sabi ni Canlas kasabay ng malakas na pagsara nito ng pinto ng locker. Sabay-sabay nilang tiningnan si Canlas na napasabunot pa ang isang kamay nito sa sariling buhok.

"Sino ba sa atin ang galit sa kanya dahil bakla siya?"! ang hamon na tanong ni Canlas, "mas nagpakalalaki pa nga siya dahil sa tapang na ipinakita at pag-amin niya, mayron ba sa atin na may galit sa kanya? Kaibigan natin si Nikolas, dapat nandito siya."

Tumangu-tango ang lahat ng kanilang kasamahan at nagsipagsagot ang mga ito ng pagsang-ayon sa sinabi ni Canlas habang siya ay nanatili na tahimik. Alam niya na sa kanya ipupukol ang susunod na tanong ramdam na niya ang mga mata ng kanyang kasama.

"Captain," ang pagtawag nito sa kanya at pumihit ang kanyang katawan para harapin ang mga ito, "Andres, sabihin mo sa amin kung...may galit ka ba kay Nikolas?" ang tanong nito. Diretso ang mga mata ni Canlas na nakatuon sa kanya na kanyang sinalubong. Hanggang sa napasulyap siya sa iba pa niyang kasama sa loob na ang lahat ng mga mata ay nasa kanya at hinihintay ang kanyang kasagutan.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang ibinuga at hindi siya agad na sumagot. Dinama niya kung ano ba ang nasa loob ng kanyang dibdib. Ang kanyang tunay na nararamdaman.

"Captain?" ang mahina na pagtawag muli sa kanya at doon ay diretso niyang tiningnan sa mga mata ang kanyang kasamahan saka ito huminto kay Canlas na siyang nagtanong sa kanya. At saka umiling ang kanyang ulo.

"Hindi, wala akong galit sa kanya," ang kanyang sagot at alam ni Andres na iyun ang katotohanan.

***

Nakatayo si Andres sa veranda habang pinagmamasdan niya ang papasikat na araw. Kanyang pinagmasdan ang kulay asul at malawak na kalangitan na pinintahan ng maninipis na ulap na tila ba mga bulak na hinipan ng mga anghel. Habang ang araw ay unti-unting hinahagkan ang kalangitan ng kulay ginto nitong kulay.

Malalim ang kanyang hinagap na hininga, ngunit hindi na iyun katulad ng dati. May kagaangan na ito singgaan ng ulap sa kalangitan. Dahil sa pagkakataon na iyun ay mayron na siyang kapayapaan.

"Good morning," ang bati ni Kesslee sa kanya mula sa kanyang likuran at naramdaman niya ang mga bisig nitong pumulupot sa kanyang bewang. Siya naman ay umakbay ang kaliwa niyang braso habang ang kanyang kanan ay nasa harapan nito para damhin ang maumbok nitong tiyan.

"It is indeed a good morning," ang kanyang malumanay na at nakangiti na sagot kay Kesslee. Tumingala si Kesslee sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata.

"I love you Andres," ang bulong ni Kesslee.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata hindi dahil sa lungkot kundi sa labis na saya, "I love you Kesslee, I love you."

"Ready?" ang tanong nito sa kanya at pinagmasdan niya ang mukha ng babaeng nagdulot sa kanya ng labis na kasiyahan, katatagan, at kapayapaan.

Isang ngiti na may pagtango ang kanyang iginawad kay Kesslee saka niya hinagkan ang mga labi nito, at doon ay bumulong siya. "I am now."

***

Naramdaman ni Andres si Nikolas na naupo isang dipa ang pagitan mula sa bench na kanilang kinauupuan sa isang parke. Sa kanilang harapan ay isang man-made lake at doon ay nanatili ang kanilang mga mata habang namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Siya ay nakaupo habang nakasulong ang kanyang pagitaas na katawan at ang kanyang mga siko ay nakatukod sa magkabila niyang tuhod na bahagyang nakabuka at sa pagitan niyun ay ang kanyang magkadaop na mga palad. Si Nikolas naman ay tuwid ang likod na nakasandal sa kahot na upuan ang mga hita at binti nito ay magkadikit at sa ibabaw ng mga hita nito ay ang nakalapat nitong mga palad.

"I'm sorry Andres," ang sambit ni Nikolas na siya nang naunang bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Patawarin mo sana ako sa aking mga nagawa...kayong dalawa ni Kesslee, patawarin ninyo ako, labis...labis lang kitang minahal." Ang dugtong nito at dama niya ang hinanakit at pagsisisi sa boses nito.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at saka niya iniatras ang kanyang katawan para katulad ni Nikolas ay nakasandal din ang kanyang likod sa sandalan ng mahabang upuan na kahoy. Nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa kumukislap na tubig ng maliit na lawa at isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

"Alam mo bang minahal din kita noon?" ang kanyang pag-amin at malayo man ay nadama niya ang pagkagitla ni Nikolas sa kanyang pag-amin. "I was once confused with my gender, with my identity at...ikaw ang mahal ko noon Nikolas."

"Obviously hindi na ngayon?" ang tanong na sagot ni Nikolas sa kanya. at doon na niya nakuhang lumingon sa direksiyon ni Nikolas sa kanyang kaliwa para tingnan ng diretso ang mga mata nito at saka siya tumango.

"Si Kesslee na ang nagmamay-ari ng puso ko Nikolas at hindi na mababago pa iyun," ang kanyang sagot na may riin. "Si Kesslee ang dahilan kung bakit ako masaya, matatag, at may kapayapaan."

"I was a fool," ang malungkot na sambit ni Nikolas, "but still I tried and...tanggap ko na ang pagkatalo ko, masaya ako para sa inyo ni Kesslee Andres, iyun ang totoo at muli ay sana...makuha mo akong patawarin, alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko sa iyo at kay Kesslee."

Tumango siya, "but I did," ang kanyang sagot at nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Nikolas. "I have forgiven myself that's why...I have forgiven you Nikolas." Ang kanyang malumanay na sagot dito at doon niya nakita ang luha na pumatak mula sa mata ni Nikolas.

"Hindi mo dapat ginawa iyun, napakalaki nang isinakripisyo mo, at nagpapasalamat din ako sa iyo Nikolas dahil sa itinago mo ang nangyari," ang kanyang saad at taos sa kanyang puso ang pasasalamat niya kay Nikolas.

"Iyun lang ang tanging paraan para maiparating ko sa inyo ni Kesslee ang paghingi ko ng patawad, at," napabuntong-hininga ito, "I think it helps, dahil sa nawala na yung parang tanikala sa aking dibdib, isang mabigat na sikreto na kailangan kong itago? At least ngayon ay...malaya na ako," ang sagot ni Nikolas sa kanya.

Tumango si Andres saka siya tumayo at ganun din ang ginawa ni Nikolas saka niya inilahad ang kanyang palad kay Nikolas.

"Good luck sa bagong yugto ng iyung buhay," ang kanyang sabi rito. Tumango si Nikolas at tiningnan muna nito ang kanyang kamay na nakalahad bago nito iyun tinanggap ang nagdaop ang kanilang mga palad para sa isang handshake.

"Salamat...salamat Andres," ang naluluha na sambit nito. Ngunit sa halip na i-shake niya ang kamay nito? Ay hinila niya si Nikolas papalapit sa kanyang dibdib at sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap at doon ay mas lalo pang bumuhos ang luha sa mga mata ni Nikolas.

"Bumalik ka na, kailangan ka ng team," ang bulong niya habang tinatapik niya ang likod nito.

Hindi mapigilan ni Kesslee na lumuha habang nakatanaw siya sa likuran ng mga ito. Nanatili lang siya sa loob ng sasakyan pero nang makita niya ang pagdadaop ng mga kamay ng dalawa ay hindi na niya napigilan na lumabas ng sasakyan para lumapit dahil siya man ay gustong magpasalamat kay Nikolas. At nang makita nga niya na magyakap ang dalawa ay dumaloy na rin ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Pwede ba akong sumali?" ang kanyang sambit at naghiwalay ang katawan ng dalawa para tingnan siya. Ibinuka ng dalawa ang mga bisig nito at mabilis siyang pumaloob sa mga bisig nito kaya naman pumaloob siya sa bisig ng dalawang higante.

"Thank you, Nikolas," ang kanyang sambit nang tumingala siya rito at nagtama ang kanilang mga mata.

"Thank you rin Kesslee," ang naluluha pero may ngiti nang sagot ni Nikolas sa kanya.

"Mahahanap mo rin ang magpapatibok ng iyung puso at mamahalin ka bilang si Nikolas Sylvestre," ang kanyang malambing na sambit.

Isang malungkot na ngiti ang isinagot sa kanya ni Nikolas kasunod ang pagtango nito. "Sa tingin mo ba si Fabian pwede?" ang tanong nito at nasulyapan na nila ang ugali ng dating Nikolas na masayahin at palabiro.

"Subukan mo kaya? Wala pang bagong girlfriend iyun hindi ba?" ang natatawa niyang sagot at isang malakas na tawa rin ang isinagot ni Nikolas at Andres sa kanya.

***

"Maglalaro tayo na wala pa rin si Nikolas?" ang hinaing ng isa pa nilang kasama. Nasa loob sila ng locker room para maghanda sa game.

"Oo nga, sobra na sa pag-iinarte yung lalaking yun, sabunutan ko na kaya," ang angal naman ni Canlas.

"Eh bakit hindi mo subukan?"! ang malakas na tanong ni Nikolas habang nakatayo ito sa may pintuan nang kanilang locker room. Sabay-sabay ang gulat na mga mukha ng kanilang kateam-mate ang natuon kay Nikolas.

"Nikolas!" ang masayang hiyaw ng mga ito at sabay-sabay na naglapitan ang mga ito kay Nikolas na sinalubong ang mga yakap na pagbati ng mga kasamahan.

Nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng kanyang locker habang nakangiti niyang pinagmasdan ang mga ito. Saka nagtama ang kanilang mga mata ni Nikolas at nagpalitan sila ng mga ngiti. Humakbang ito palapit sa kanya habang pinapanood sila ng kanilang kasamahan.

"Captain," ang sambit ni Nikolas.

Tumango si Andres, "welcome back," ang kanyang sagot at tinapik niya ang balikat ni Nikolas, "ilampaso natin sila," ang kanyang huling sabi at isang malakas na hiyawan ang namayani muli sa loob ng locker room.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 1K 59
In a quiet village, 22-year-old Jezleen Megan Lora Marquez wish for a twist of fate, decided to unleash her mischievous side during her summer break...
22.3M 422K 50
After getting pregnant at a young age, Calista Belmonte tries her best to keep her son hidden from his father, Lazarus Cavanaugh. But when their path...
316K 4.1K 34
Amidst the Clandestine Heartache Genre: New Adult Romance Status: COMPLETE Published under Ukiyoto Publishing Kahit anong pigil mo sa pagibig. Hindi...
211K 1.7K 10
Strictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and...
Wattpad App - Unlock exclusive features