Clark Quintana

By bgwriter

93 16 0

Ang pagmamahal ay walang alam na hangganan. Ang pagmamahal ay walang pagsubok na hindi malalampasan. Ang pag... More

Clark Quintana
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4

CHAPTER 5

11 2 0
By bgwriter

TIMOTHY

"Mom, can I please go? Dumaan lang talaga ako dito para magpakita kay Gummy. Alam mo naman magtatampo 'yun." Sabi ni Timothy sa kanyang ina ng makalapit siya sa kinauupuan ng mga ito habang yakap-yakap niya ang leeg nito mula sa likuran.

He was in the Castro mansion to celebrate his grandmother's 80th birthday. Sa lahat ng itinuro ng kanyang mga magulang, ito ang pinakapinahahalaga. niya. Family always comes first.

Kaya naman kahit gusto niyang sumama sa inuman ng magbabarkada sa hindi malamang kadahilanan, pinilit niya pa rin ang sariling magpakita sa pamilya para sa kaarawan ng pinakamamahal niyang lola. Pero alas dose na ng hatinggabi, tulog na ang lola niyang may kaarawan at natira na lamang ang daddy niya at mga tito na nagiinuman katabi ang mga asawa nito sa isang malaking table at ang mga magpipinsanan sa isa pang lamesa.

"Saan ka na naman ba pupunta? Nako ha, pipingutin ko yang mga itlog niyong magkakaibigan kapag napunta yang mga iyan dito, sinasabi ko sayo." Reklamo ng nanay niya sa kanya na alam niyang nagtatampong biro ito.

"Mommy naman eh." He whined like a child while kissing his mom in the cheek. "Ngayon lang ulit kami nagback-to-back. Saka promise babawi ako sa inyo ni Dad next weekend. Medyo hectic lang this month since first month of the quarter." Pahabol niyang sabi habang naglalambing sa ina.

He's a 30 year old grown man, CEO of a known and established company, but when he's around with his parents, he will just go back to being Timmy the baby. Even if he's with his Dad. That's how close they are as family.

"Okay. Raf, alis daw itong anak mo." Baling ng ina niya sa tatay niya na ngayon ay napahinto sa pakikipag-usap sa mga tito niya at ang atensyon ay nasa kanya.

"Timmy, umuwi ng maayos. Kapag hindi na makapag-drive, call a cab. Wag pilitin. Huwag mong pinag-aalala ang mommy mo dahil sa akin ka talaga makakatikim." His Dad said. Mababa ngunit malaman at matalim ang sinabi nito. Ngunit normal na ito sa tatay niya pero alam niyang seryoso ito.

"Yes Dad." He shorlty replied.

Nagpaalam na siya sa mga magulang niya at iba pang makapag-anak at mabilis na tinungo ang parking lot ng mansion. Dali-dali siyang sumakay sa kotse at pinaharurot ito papuntang Paradiso.

Paradiso was his friend Zack's exclusive club. The club was a chain all over the Philippines and in Asia. Kaya naman mabilis silang nakapagpareserve ng VIP room. Only the best of the best people can go in that club. Mahigpit ang security at nagmamahalan ang mga inumin.

Noong nag-uumpisa ang club na ito ni Zack at magpa-hanggang ngayon, ang kompanya niyang Arceus ang humahawak sa brand promotion ng club. Naalala niya pa noon kung gaano kasaya sila ni Norman dahil sa sobrang tagumpay na nagawa nila sa launch party at media promotions ng club ng kaibigan. Tuwang-tuwa siya noon hindi lang para sa kompanya niya kundi pati na rin sa kompanya ng kaibigan. Laking pasasalamat rin niya kay Zack sa pagtitiwala sa kanya at kay Norman. Nakatulong din ang club na ito upang makilala ang kompanya niya dahil sa naglalakihang pangalan na pumupunta dito.

Habang nilalakbay niya ang daan papuntang club, sumagi na naman sa isip niya si Clark. Hindi niya ito maalis sa isip niya mula kanina pa, tatlong oras na nagdaan. Lalong nakadagdag sa hindi niya malamang pagka-excite ang kaninang sinend na picture ni Zack kasama ang mga barkada ni Clark na kasama rin pa lang nag-iinuman ngayon.

Hindi niya maiwasan ang mainggit habang tinititigan kanina ang litrato kaya napagdesisyunan na niyang sumunod sa mga ito. Hindi man niya alam pero gusto niya pang makasama si Clark. Gusto niya itong makausap.

Pinabilis niya pa ang takbo ng sasakyan papuntang Paradiso. Hindi na siya makapaghintay makasama ang lalaki.

Agad-agad niyang tinungo ang VIP room na sinabi ni Zack sa kanya kung nasaan ang mga ito. Wala niyang ka-abog-abog na binuksan ang pinto nito.

Pagkabukas niya ng pinto, lahat ng tao ay napatahimik at nakatingin sa kanya na para siyang napugutan ng ulo. Wala siyang pakialam sa mga ito at agad hinanap ng paningin niya ang taong kanina niya pa gustong makita.

Ilang beses pa niyang binilang ang mga ito at hindi niya malaman na dahil bigla na lang siya ng pagkadismaya at kalungkutan na hindi nito mahanap ang lalaki. Nagpunta lang ba ako sa wala? Tanong niya sa isipan niya.

"I thought you're not available tonight? What changed your mind bro?" Basag ni Daniel sa katahimikan ng kwarto.

Akmang sasagot na siya sa katanungan nito nang may biglang bumukas pa na isang pintuan sa hindi kalayuan. Ang sariling CR ng mga VIP guests kapag nasa kwarto ang mga ito. Sariling ideya ito ni Zack para daw mas sulit ang bayad ng mga VIP guests sa kapag nandito ang mga ito.

He just shrugged to Daniel and immediately moved the his gaze to the man who exited the door. Agad na sumikdo ang puso niya nang makita ang lalaking hinahanap niya. Hindi niya pa rin malaman kung bakit ganito ang epekto nito sa kanya. Nang ini-angat nito ang paningin at nagtama ang mga mata nila, halos makalimutan niya ang paghinga.

Nang makabawi siya sa nangyari, nagawa na niyang batiin ang binata.

"Hey Clark!" the guy said while giving a sexy smile

"T-T-Timothy.... H-h-hi" Clark just whispered underneath his breath. Halos hindi narinig ito ni Timothy. At kahit malamlam ang ilaw sa kwarto, napansin niyang medyo namula ang pisngi nito.

"Yow, come here Papi! Buti nakasunod ka. And you know Clark already?" Zack asked him while giving him some space in the couch.

"Yeah. But lagot kayong apat kay Mommy. Huwag daw kayong pupunta sa bahay." Sabi niya sa mga barkada nang natatawa habang inaabutan siya ni Norman ng maiinom.

"Thanks" sabi niya pagkakuha ng maiinom at tinaguan lang niya si Norman.

Iinumin na sana niya ang bigay nitong alak ng mapansing nakatayo pa rin si Clark at nakatitig sa kanila na parang nag-aalangan umupo.

"Hmmm, do you want this seat?" Tanong niya dito.

"Uhhh no, I'm good." Nag-aalangang sagot pa rin nito.

Wala na kasi itong mauupuan kundi sa tabi niya. Naramdaman ni Timothy na baka hindi ganito ang orihinal na upo ng mga ito kanina bago siya dumating. Ngayon kasi, ang nasa pwesto mula sa kabilang dulo papunta sa kanya ay si: Daniel, Anthony, Xavier, Ruby, Norman, Zack, at siya.

"Baby boy, go seat there beside Clark. He doesn't bite." Pabirong sabi ni Norman kay Clark na kinairita niya dahil tinatawag na naman niya ang binata ng "baby boy"

"Zack can you move a little more?" Sabi niya sa tropa at umadjust naman ito agad. "Here, come seat." Sabi niya kay Clark habang tinatapik niya ang espasyo sa gilid niya.

Kahit nag-aalangan, nakita niyang naglalakad na papunta sa kanya ang binata. At habang ginagawa ni Clark nito, hindi niya maiwasang hindi mapatitig dito. He looked good. Fucking good. Bulalas ng isip niya. Kahit noon pa, noong unang makita niya ito, magaling na itong manamit. Lalo pa yata itong gumaling ngayon at mas nadadala pa nito ngayon ang sarili.

Nang makaupo ito sa tabi niya, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Gusto niya itong kausapin ngunit hindi niya alam kung paano ito sisimulan. Kaya naman, "Hi, again." Sabi niya dito, medyo naka-tagilid na siya paharap kay Clark. Wala na siyang pakialam sa mga kasama nila.

"Hi, ulit. Ilang hi-hello pa ba tayo?" Natatawa at naiiling na sabi ni Clark sa kanya. Napatawa na rin siya sa sinabi nito.

"Well, we always meet in an awkward circumstances though. The elevator, the parking, and now... the couch?" Balik niya kay Clark na ikinatawa ng binata. Wala na ang awkwardness sa tawa nito ngayon na ikinangiti niya ng malapad.

"Yeah, that needed to stop. I mean, us meeting with awkwardness"

"I'd like that." Sabi niya sabay abot ng maiinom kay Clark.

Bumalik na rin sila sa pagsali sa pag-uusap ng mga magkakaibigan.

--

Alas tres na ng madaling araw at tuloy pa rin ang kanilang pagsasaya. Nauna ng umalis ang kaibigan ni Clark na si Xavier at dahil mayroon pa daw siyang aasikasuhing na bridal fitting mamayang hapon. Si Alfred naman ay kailangan na rin daw mauna dahil lilipad pa ito mamaya sa Taiwan para sa meeting ng kanilang kompanya. Lumabas naman si Zack para i-check ang isang VIP room dahil hinahanap daw ito ng mga artistang nagreserve ng VIP room katabi nila. Kaya

Kaya naman ngayon ay anim na lang silang natitira sa kwarto. Siya at ang mga kaibigan niyang si Daniel, at Norman. Pagkatapos ay si Clark at ang mga kaibigan nitong si Ruby at Anthony. Ang babaeng si Ruby ay nakahilig na sa balikat ni Norman na mukhang naka-idlip na ata. The rest of them are still alive and drinking.

"Kaya mo pa?" Tanong niya kay Clark na ngayon ay namumungay na ang mga mata.

"Yep. Don't underestimate me." Pagmamalaking sabi nito sa kanya na ikina-iling niya. Mukhang nasa diwa pa na naman ang isang 'to.

"Dude we have a dare." Panimula ni Norman sa kanya. Ito na naman ang dare ng mga ito.

"Offer a drink to a guy within this club. Kapag hindi mo nagawa, Sa amin na ang dala-dala mong kotse." Dagdag suhol naman ni Daniel sa naisip ni Norman.

"Gago. Ayan na naman kayo. The last time you dared me with that same dare, I lost my baby car. Damn, I shed a tear that night." Pabirong sabi niya dito. Naramdaman niyang nanigas ang katabi niyang si Clark na nakatitig lang sa kaniya na may kaguluhan sa sa mukha.

"Okay, no balls." Norman teased him.

"Don't push it you bastard." Balik niya dito na may kasamang inis.

"Minsanan lang ito. And I miss these kind of lame dares. I'm excited to add a car to my collection. What do you have right now? A vintage Mustang? Or the latest Ferari?" Tukso pa rin sa kanya ni Norman.

"Fuck you. Give me the shots." Matapang na sabi niya dito.

Pagka-abot sa kanya ng inumin ay agad niyang nilingon ang katabi niyang kanina pa tahimik.

"Hi, hope you're doing lovely tonight. Would you like some drinks?" He offered to Clark while flashing a sexy smile. Napangiti pa siya lalo nang makita itong napa-igtad sa sinabi niya at mukhang nagulat.

"What if I turned you down again this time?" Naghahamong balik tanong sa kanya ni Clark. Natawa siya dito. So naalala pa pala ni Clark ang nangyari walang taon na ang nakakaraan.

"I'm hoping you'll accept this time around. But if you don't, I'll force not just the drinks, but also myself to you then." He said in a sexy voice then gave a wink to Clark.

"Fuck! I'm nearing my limit. Gago ka Norman!" Sigaw ni Clark habang masamang nakatingin sa gago niyang tropa.

"Cheers, Timothy Castro." Tanggap ni Clark sa inumin na ibinibigay niya na nakapagpangiti sa kanya. Ngunit ang mas nagpangiti sa kanya ay ang pagtawag nito sa pangalan niya ng buong-buo. Tila musika ito sa pandinig niya. Ang sarap pakinggan ng pangalan niya na binabanggit ni Clark.

"Do it like what they do in marriage reception." Suhol ni Daniel.

"Let's do it." Sabi ni Clark. Wala na yata ito sa sarili dahil ngayon ay wala ang hiya nito sa kanya.

Ginawa nila ang dare. Isinukbit ni Clark ang braso nila sa braso niya. Nagtitigan nila muna silang dalawa at bago uminom, binuka ni Clark ang bunganga at sinabing, "Don't force yourself into me. Don't force yourself to someone. Just make your fucking presence felt by that person. They'll come around. Cheers again Timothy." Sabay inom ng alak nito. Napatitig muna siya ng ilang sandali sa lalaki dahil sa mga sinabi nito bago niya ininom ang alak.

"Ahhhhhh! Fuck! Fuck you Norman. I'm out. I need to go." Sabi ni Clark na tinatayo ang sarili kahit pasuray-suray na. Agad-agad naman siyang tumayo at inalalayan ang binata.

"Let's call it a night then. I need to be up early as well later." Sabi naman ni Daniel.

"Okay. Ihahatid ko na pauwi itong si Ruby. Dan, can you take care of Anthony?" Tanong ni Norman at tinanguan ito ni Daniel. Sa kanya naman ito bumaling at tinanong, "Can you still drive? Can you take my baby boy safe?" Tanong ni Norman sa kanya.

Imbis na mainis, nagtaka siya dito dahil bakit hindi siya ang maghatid kay Clark dahil ito ang baby boy niya? Pero sa kabilang banda ng isip niya ay masaya dahil maihahatid niya si Clark.

"Yup, I can still drive. I'll take a very good care of Clark." Sabi niya kay Norman na may paninindigan ang tono ng boses.

"Okay, let's take off. Thank you for the night!" Sigaw ni Norman habang buhat si Ruby.

Nagpaalam at nagpasalamat na rin muna sila sa kaibigang si Zack bago pumunta sa parking lot at kanya-kanyang sumakay sa mga kotse para ihatid ang mga dapat ihatid.

--

"Fifth floor." Bulong sa kanya ni Clark na nakahilig ang katawan nito sa kanya at ang ulo ay nasa leeg niya. Hinihintay nilang bumukas ang elevator.

Umalis sila kanina sa Paradiso na gising na gising pa ito. Pero pagdating nila dito ay halos hindi na niya maalis kanina sa passenger's sea and binata.

Nakasandal sila sa dingding ng elevator upang hindi matumba si Clark. Naka-paikot ang kanyang isang braso sa beywang ng binata habang ang isang braso ni Clark ay nasa balikat niya. Maya-maya ay biglang ikinawit din ni Clark ang braso nito sa kanyang beywang niya sabay hilig ng hilig ng ulo nito sa leeg niya.

Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga ng binata. At hindi sa malamang kadahilanan, ay nag-iinit ang buo niyang katawan. Nilingon niya ang lalaki na ngayon ay nakapikit na ang mga mata at pinakatitigan.

He really looks like an angel. Napababa ang kanyang tingin sa mga labi nitong natural ang pula at mamasa-masa pa.

Parang ang sarap halikan. Sabi ng isip niya ngunit iniling na lang niya ang ulo para ialis ang mga sinasabi nito. Ngunit dahil sa ginawa niyang ito, hindi sinasadya na madikit ang leeg niya sa labi ni Clark. Dahil dito, nakaramdam siya ng kuryente na dumaloy mula sa leeg niya papunta sa buo niyang katawan. Bumilis ang pagtibok ng puso niya at lalo pang nag-init ang katawan ng idinampi muli ni Clark ang labi nito sa leeg niya. Ngayon ay binibigyan siya ng maliliit na halik habang nakapikit.

"Clark, don't do that. Fuck." Bulong niya na alam naman niyang hindi siya maririnig nito.

Pagkabukas ng elevator ay dumiresto sila sa unit ni Clark. KInuha niya ang key card nito sa bag at binuksan ang pinto. Dahil alam niyang loft type ang lahat ng unit dito, binuhat niya si Clark na parang bagong kasal at iniakyat ang binata sa kwarto nito.

Pagkadating sa kwarto ay hinubad niya ang mga damit nito at itinira na lamang niya ang boxer briefs. Hindi niya maiwasan pakatitigan ang kabubuan ni Clark.

Fuck! He grunted. Clark looked so divine. Nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang half sleeve tattoo nito na nakapagdagdag ng hindi niya malamang init ng katawan.

Nagising siya sa pagtitig dito ng humalinghing ito na nagpadala ng kuryente sa kaibigan niya sa ibaba. In unknown reason, his crotch twitched and he felt growing. Ito ang kauna-unahang pagkakataong naramdaman niya ito para sa isang lalaki.

Iniiling niya ang kanyang ulo at kumuha na lang ng maligamgam na tubig at towel sa banyo ni Clark upang linisan ito.

Habang pinupusanan niya ang bawat bahagi ng katawan nito, hindi niya alam kung bakit nakakaisip siya ng mga bagay na dapat naman ay hindi niya maisip para sa isang lalaking tulad niya. What are you doing to me Clark? Tanong niya sa isip niya.

Matapos niyang punasan ito ay bumalik siya sa pagtitig sa mukha nito. Wala sa sariling iniangat ni Timothy ang kamay niya at pinaglandas ito sa mukha ni Clark. His hand traced Clark's pointed nose, brushed its long and thick eyelashes, its proud jaw line, and Clark's red lips.

Nang huminto ang kamay niya sa mga labi ni Clark, kusang bumaba ang kanyang katawan at inilapat ni Timothy ang kanyang labi sa mga labi ni Clark. Agad niyang naramdaman ang mas malakas na daloy ng kuryente sa buo niyang katawan at ipinikit nito ang mga mata niya.

Iaangat na sana niya ang kanyang katawan ay bigla biglang tumugon sa halik niya si Clark. Naramdaman niya lalo ang lambot ng mga labi nito at pinag-iinit nito ang lalo ang nararamdaman niya.

Dahan-dahan ikinawit ang mga kamay sa leeg niya. Timothy also felt that his crotch was now fully hardened by the hot kiss they were sharing.

"Fuck! C-clark" he mumbled in between their kisses.

--

A/N: Hi guys! Happy Valentine's Day! This is my first attempt in writing a story. This kind of stories. Forgive me if hindi ganoon kaganda ang pagkakasulat nito. I'll try my best since personally, I am not good at expressing my feelings with words.

But here's the first five chapters of this story. I hope you like it! I won't know if kailan ulit ako makakapag-update since napiga na ang lahat ng pwedeng mapiga sakin.

I'll appreciate any comments and votes you'll give to this story. Thank you so much in advance and I hope you feel loved and appreciated not only this Valentine's Day but also in your everyday life!

Spread love! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

3M 91.3K 27
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.2M 65.9K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
4.5M 283K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...